CHAPTER 7

1017 Words
Pagtuntong ko sa fifth floor kaagad akong kumatok sa apartment ni Sir Noah. Maya maya pa ay lumabas siya na walang ibang saplot kung di ang kanyang boxer shorts. Napalunok na lang ako ng makita ko siya. "Te-teka, Ivana, pwede naman tayong mag usap sa zoom para maturuan kita!" gulat na sabi ni Professor Noah. "Ay ganun ba? Heheheh! Sorry na prof, dinalhan lang kita ng Spaghetti para naman may makain ka!" sambit ko sabay bigay sa kanya ng paper bag. Tinanggap naman niya ang paper bag. "Salamat sayo," wika niya na wala man lang ekspresyon ang mukha. Kahit na ginawa ko na ang makakaya ko para magmalasakit sa kanya, para pa rin siyang robot na hindi man lang napangisi kaya sinubukan ko siyang patawanin. "Prof, may joke po ako sayo!" nakangiting sabi ko. Hindi siya sumagot, bagkus ay tiningnan niya lang ako ng seryoso kaya nagpatuloy akong magsalita. "Ano ang sinabi ng isang donut sa isa pang donut na hindi niya kilala?" "Ano?" tanong niya. "I do not know you, I do not know you!" sagot ko sabay halakhak ng malakas, "Hahahahaha! Grabe sobrang nakakatawa talaga ng joke na yan!" Sa kabila ng nakakatawa kong joke at malakas na tawa, nanatiling seryoso si Sir Noah. "Grabe ka Sir, ang hirap mo namang patawanin!" dismayadong sabi ko. "At tsaka bakit kailangan pa nating mag meeting sa zoom kung magkalapit lang naman ang apartment natin. Ang awkward kaya nun!" dagdag ko pa. "Dahil hindi tama na magkasama na magkasama ang lalaki at babae sa iisang apartment na wala silang ibang kasama." "Ha? Pati ba naman 'yan ginagawan mo ng malisya Sir? First of all, wala pa akong planong magjowa at pangalawa, ayaw kong pumatol sa professor ko." "Look Ms. Ivana, hindi bayad ang pag tu-tutor ko sayo and I am doing this out of kindness kaya wag ka nang maging choosey!" "Ahhh hehehe, sorry na Sir Noah. Bago mo sana ako saraduhan, baka pwedeng isang smile naman jan!" Hindi ako pinansin ni Sir Noah, bagkus ay sinaraduhan na naman niya ako ng pintuan na para bang strangers pa rin kaming dalawa. "Sobrang nakakagigil talaga itong lalaki na to. Ang hirap naman niyang pasiyahin, isang ngiti lang pinagdadamot pa. Yung totoo, alien ba siya o isang robot?" Bumalik ako sa aking apartment at pagbukas na pagbukas ko ng laptop, bumungad sa akin ang chat ni Sir Noah. "Ms. Ivana, kindly answer these questions without resorting to calculator or any apps. Tulong mo na sa sarili mo ang pagiging honest. Regardless of your score, tuturuan kita sa mga parts which you cannot understand and tomorrow, sa harap ng klase natin, bibigyan kita ulit ng sasagutan sa harap ng mga students. Hoping ako na hindi ka na mahimatay dahil uulit tayo ulit ng uulit hanggang sa matuto ka sa algebra!" Sa sobrang inis ko, pinagtatapon ko ang unan sa sofa. Napakahirap naman palang pakisamahan nang professor na ito. Nang maihagis ko na lahat ng unan, napasigaw naman ako sa harap ng laptop ko. "Nako! Ang sarap mong tirising professor ka! Minor subject ka lang naman kung tutuusin, hindi ko naman kakailanganin ang subject ko sa pag-aartista!" Samantalang nakatanggap naman ako ng tawag galing kay Sir Kent at kaagad ko itong sinagot. "Hello Sir, kamusta po kayo?" nakangiting sabi ko. "Okay naman ako Ivana. Salamat sa pangangamusta, tumawag ako para sabihin sayo na ako ang susundo sayo bukas sa school dahil may surprise ako!" excited na sabi ni Sir Kent. Kumunot naman bigla ang noo ko, "Si Sir Noah naman, ang hilig talaga sa mga surprises. Pwede bang malaman yun?" "Bukas idedetalye ko ang lahat. And also, gusto ko rin sana kamustahin ang lagay ng mama mo." Bigla namang dumalaw ang kalungkutan sa mukha ko, "Ayun po nasa hospital pa rin siya hanggang ngayon at binabantayan po ni Marco. And syempre heto ako, tinutupad ang pangako niya na makapag tapos ng pag-aaral kahit na hirap na hirap po ako sa algebra!" "Ivana, alam mo bang mas lalong dumami ang fans mo simula noong mag-aral ka ulit? Isa kang magandang halimbawa sa lahat ng tao. Sa katunayan, may lima pang endorsements na gustong kuhain ka at isisingit ko sila sa hectic schedule mo sabado. Diba wala ka namang pasok tuwing sabado?" "Wala naman po Sir Kent! Pero ngayon, kailangan ko munang pag igihan ang pag-aaral ko." "Sige fine, nabalitaan ko kay Mike ang mga ikinukwento mo. I know na may mga terror professors talaga sa college but mas marami kang matututuhan sa kanila. Just trust the process." "Sige po, ingat kayo Sir Kent. Looking forward to seeing you tomorrow!" "Same to you, wag ka na sana mag acting na himatayin ulit sa harapan ng prof mo ha? Sure ako na mahahalata niyang uma-acting ka lang sa klase." "Hay nako no comment na lang po Sir Kent!" Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sir Kent, nanggigil ako kaya bigla ko namang tinawagan si Mike. "Hoy, bakit mo ako sinusumbong kay Sir Kent!" bungad na tanong ko kay Mike nang sagutin niya ang tawag ko. "Sorry na Ivana, matanong kasi talaga si Sir Kent eh alam mo naman na galit yun sa sinungaling kaya sinabi ko lang kung ano ang totoo!" "Ah ganun? So sa kanya natatakot ka pero sa akin hindi?" "Sobrang sorry na talaga Ivana. Wag kang mag-alala, kinausap niya ako at sinabing siya raw ang magsusundo sayo bukas sa school." "Fine, kung gusto mong patawarin kita sa kasalanan mo, dapat sabihin mo sa akin kung ano ang surpresa sa akin ni Sir Kent!" "Ha? Wala naman siyang sinabi sa akin na surprise para sayo. Ang sabi lang niya, susunduin ka niya bukas kaya pwede muna akong magpahinga sa bahay." Nabugnot ako sa sagot ni Mike sa akin kaya binabaan ko siya ng telepono. Samantalang naloka naman ako ng sobra sa pagsagot ko sa mga equations na sinesend sa akin ni Sir Noah. Nakakahilo yung mga x and y tapos haluan pa ng numbers. Umabot kami ng tatlong oras pero hindi ko pa rin gets yung mga tinuturo niya. Siya na ang sumuko sa akin at sinabing ituloy na lang namin ang discussion bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD