Kinabukasan, pag uwi ko sa school ng 5 pm, tinupad ni Sir Kent ang kanyang pangako sa akin kagabi. Dala ang kanyang magarang ferrari, nakangiti akong sinalubong ni Sir. Pagkatapos niya akong ibeso, pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat.
"I know, marami kang tanong sa akin so hayaan mo na ipaliwanag ko sayo ang lahat once you're in my car!" nakangiting sabi sa akin ni Sir Kent.
Pumasok ako sa loob at pumasok naman siya kaagad sa front seat at kaagad na pinaandar ang makina ng kanyang ferrari.
"So sir, ano po ba ang surprise ninyo sa akin," nakangiting tanong ko pagkatapos kong magsuot ng seatbelt.
Habang nakatutok sa daan si Sir Kent, sinagot niya ang tanong ko.
"Actually, linggid sa kaalaman ninyong lahat, mayroon akong anak na kakauwi lamang galing sa america. Hindi kasi maayos ang relasyon namin ng nanay niya kaya hindi ko muna sinabi sa inyo ang tungkol sa kanya."
Bilang sinabi ni Mike ang tungkol sa anak ni Sir Kent sa amin, wala na akong gulat factor sa sinabi ni sir Kent at hinayaan ko lamang siyang mag-salita.
"Ang pangalan niya ay Jeff! Matangkad siya at maputi, isa siyang model sa America and this time, umuwi siya sa bansa natin dahil nagkaayos na kaming dalawa. He has been in the Philippines for three days already."
"Naiintindihan ko naman po kayo Sir Kent. And now, gusto niyo po na magkakilala kaming dalawa, tama ba?"
"Ganun na nga! Pero uunahan na kita, my son is a big fan of yours and gusto niya na makita ka sa personal."
Bahagya naman akong kinilig sa sinabi sa akin ni Sir Kent. "Well, very common na po sa mga lalaki na maging fan ko. Kahit nga po ang mga magazines, karamihan ng mga bumibili ng magazines ko eh!"
"Yes, and he has those magazines. Are you excited to meet him at the five-star hotel?"
"Yes Sir Kent," maiksing sabi ko.
Isang oras ang nakalipas, nakarating kami sa five star hotel kung saan naghihintay ang isang gwapong lalaki na sobrang hawig ni Zac Efron. Naka suot siya ng coat, kulay asul ang kanyang mga mata, makapal ang kanyang kilay, at higit sa lahat, sobrang aliwalas ng kanyang mga ngiti. Para ba akong natunaw ng magkasalubong ang aming mga mata.
"Jeff, ipinakikilala ko sayo si Ivana, ang mega-star sa henerasyong ito. Siya lang naman ang top endorser ng ating bansa, marami na rin siyang nagawang teleserye at movies na talaga namang pumatok sa mga tao," pagmamalaki sa akin ni Sir Kent.
Tumayo namang bigla si Jeff sa kanyang kinauupuan at iniabot ang flowers niya sa akin at ang kanang kamay.
"It is nice to finally meet you Ivana, I am a fan!" nakangiti niyang sabi.
Tinanggap ko naman ang kamay ni Jeff at nakipag handshake ako sa kanya.
"Thank you so much as well, I am so honored to finally meet the only son of Sir Kent. Sa totoo lang, ang swerte ng girlfriend mo dahil bukod sa anak ka ng bilyonaryo, isa ka pang gwapong lalaki."
Namutla naman si Jeff sa pagpupuri ko sa kanya. Naupo kaming dalawa at dumating ang tatlong waiters na nag serve ng food para sa amin. Pagkaalis ng mga waiters, nagsimulang magsalita ulit si Sir Kent.
"Okay first of all, sobrang saya ko na makita kayong magkasundo kaagad ni Jeff!" sambit ni Sir Kent.
Kinuha ko naman ang wine na sinerver ng waiter at napainom habang nakatuon ang atensyon ko sa pagsasalita ni Sir Kent.
"Bilang magandang babae si Ivana, alam ko na kayong dalawa ay magkakaroon ng magandang lahi and that means magpoproduce tayo ulit ng mga bagong mega star pagdating ng araw. In other words, gusto ko kayong maging engage."
Halos mabitawan ko ang wine glass dahil sa pagkagulat sa sinabi ni Sir Kent. Subalit si Jeff, wala man lang karea-reaction ang kanyang mukha.
Nagtinginan ang mga tao sa paligid dahil sa pagkabasag ng wine glass. Kaagad namang dumating ang dalawang waiters at sila na ang naglinis.
"Teka lang sir Kent, bakit parang biglaan naman po ito?" tanong ko.
Napatingin naman sa akin ng seryoso si Sir Kent, "Look, alam ko na mahirap i-process ang biglaan kong announcement. But let us admit the fact Ivana, kaya ka pinag-aral ng nanay mo is because she wants to prepare you future- and not just you but your future family. Hindi panghabang buhay ay ikaw ang sikat, darating ang panahon na mawawala ang kinang mo sa showbiz and before that happens, I am offering you a gracious marriage contract with my son. As you noticed, walang reaksyon si Jeff sa conversation natin dahil sinabi ko na sa kanya ito kanina."
"Ivana, believe it or not, single ako," pagpuputol ni Jeff. "I know it's hard to believe pero nag-iisang crush lamang kita sa showbiz. My dad wants what is the best for both of us. Kung magkakaroon tayo ng maganda o gwapong anak, pwede natin silang papasukin sa showbiz at masusuntetohan ka nila in the near future."
Sabagay, type ko rin naman itong si Jeff at malakas din naman ang dating niya para sa akin. And those eyes of his, ang sarap lang nitong tingnan at natitiyak ko na bibigyan niya ako ng secured future at magaganda at gwapong anak.
"We have a deal Sir Kent!" sagot ko sabay abot ng kamay kay Jeff.
Imbis na makipag handshake siya sa akin, hinalikan ni Jeff ang kamay ko. Syempre bilang no boyfriend since birth ako, ngayon ko lang na-realize na masarap pa lang mahalikan ng isang lalaki- lalo na kung siya ang mapapangasawa mo.
Kukuhain ko na sana ang kamay ko ng biglang may nilabas si Jeff na small red box.
"At syempre, hindi kumpleto ang engagement kung walang prueba!" nakangiting sabi ni Jeff.
This very moment, ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba at excitement lalo na nung sinuot na niya ang ring sa kamay ko. Sobrang bagay sa akin ang diamond wedding ring na ito, feel na feel ko na ako ang pinakamasayang babae ngayong sa buong mundo.