"Ang bilis naman ng pangyayari," sambit ko kay Jeff. "Nag-aaral pa rin kasi ako at baka magulat lang din si mama!"
"Ivana, I can explain everything to your mom. Hindi ka naman hihinto sa pag-aaral, hihintayin ka namang makapag tapos ng anak ko bago kayo bumuo ng isang pamilya."
"Pasensya ka na Ivana," sagot ni Jeff matapos niyang bitawan ang kamay ko. "Ako lang kasi yung tipo ng tao na hindi ko gustong nauunahan ako ng ibang lalaki kaya sunggab lang ako ng sunggab."
Bigla namang nag ring ang cellphone ni Sir Kent, dahilan para tumayo siya at umalis pansamantala.
"Sobrang busy talaga ni Sir Kent no?" sambit ko, "Sanay na sanay na akong umaalis siya everytime na kumakain kami. Sabi pa nga ninya noong nakaraan, kahit hanggang sa pagtulog niya, mayroon pa ring mga tumatawag eh."
"That's just okay, don't focus on my dad, pag usapan natin kung paano mo ia-announce sa media ang engagement nating dalawa. Balita ko kasi na isa kang party girl and of course, being engaged to someone like me, siguro naman ay gusto mo itong i-celebrate, tama ba?"
"Well..." napaisip akong bigla, gusto ko sanang magpa press conference subalit napaka boring naman ng ganun.
"Mukhang nahihirapan kang mag-isip ha?"
"Oo nga eh, sa totoo lang, wala naman akong maisip na paraan kung paano ice-celebrate ang engagement. I want an extravagant celebration wherein lahat ng artistang kilala ko sa showbiz ay invited. And sawa na kasi ako sa party na puro sa magagarbong venue ginaganap so if you have any suggestion, you are welcome to suggest it."
Napainom naman bigla si Jeff ng wine bago ito muling nagsalita.
"How about a yacht party? Usong uso yun sa ibang bansa and for sure yun ang pinaka engrandeng way para i-announce natin ang ating engagement!"
Napangisi naman akong bigla, nai-immagine ko ang sarili ko sa isang magandang gown habang pinagkakaguluhan ng ibang mga taga media at mga artista sa yate.
"Okay we have a deal," nakangiting sabi ko, "pero pwede mo bang sabihin sa akin ano ang mga hobbies mo or something about you. Kasi syempre titira tayong dalawa sa iisang bubong and I want everyone to know everything about you!"
"I live in America my entire life, nag aral ako sa Harvard University at naging football player pa ng school. Doon ako natutong mag model at mahilig ako sa metal music at mangolekta ng mga sapatos. Aside from that, mahilig din ako mag paint at mag swimming. Hindi naman sa pagmamayabang pero halata naman siguro sa katawan ko na isa akong swimmer di ba?"
"Yes, halata naman talaga!" sagot ko.
Bumalik namang bigla si Sir Kent sa pwesto niya at bago pa ako unahan ni Jeff sa pagsasalita ay inunahan ko na kaagad siya.
"Sir Kent, napagpasyahan po namin ni Jeff na i-announce ang aming engagement sa isang yacht party!" masayang sabi ko.
"That's good to hear. I have a friend who owns a yacht. At hindi lang yung pucho puchong yate, yung masasabi natin na pang world class talaga ang dating. Pero gusto kong malaman kung ilan ba ang guests na plano ninyong i-accommodate?"
"Mga around forty po including the media," sagot ko.
"That's great. Tingin ko, kaya naman niyang mag-accommodate ng ganun karaming guests at ako na ang bahala sa lahat ng gastos!" sambit ni Sir, "Although syempre marami ka pang naka hilerang endorsements ngayon Ivana. We need to shoot all of them habang ina-arrange ang lahat."
"Wala pong problema Sir Kent, sobrang laki po talaga ng utang na loob ko sa inyo. Noong bata pa ako, palagi ko pong pinapangarap na maging isang artista and now, sobrang saya ko lang kasi tinupad ninyo ang pangako niyo sa akin. Ngayon, natutulungan ko na madugtungan ang buhay ng nanay ko."
"Of course naghirap ka rin naman sa loob ng limang taon mong pag-aartista kaya nagdala ka ng malaking income para sa akin. Tinulungan natin ang isa't isa hanggang kaya sabay tayong umangat. Pero Ivana, hangga't hindi ko naiaayos ang engagement party ninyo, gusto ko na manatiling lihim ang lahat ng ito sa pagitan nating tatlo ni Jeff!"
"Makakaasa po kayo Sir Kent, madaldal man akong tao pero I just want you to know na hinding hindi ko po ipagkakalat ang tungkol dito- even to my family!"
"Good, I guess that's it for tonight. Actually, I was expecting na hindi ka papayag sa gusto ko Ivana. But I guess, bilang manager mo, siguro ay sobra mo na akong pinagkakatiwalaan!"
"Sir naman, kailan pa po kayo gumaling sa pag akting? I mean, syempre simula po noong sumalangit nawa ang tatay ko, kayo na po ang itinuring kong ama. Of course, it goes without a saying na pinagkakatiwalaan ko po kayo."
"Okay same goes with me," sambit ni Sir Kent, "Anyway, ihahatid ka na si Jeff sa apartment mo. I swear, bibisita ako sayo kapag nakaluwag luwag na ako ng schedule. But as of the moment, si Jeff muna ang pwede mong i-tour sa bahay. And please, study hard pero wag mong stress-in masyado ang sarili mo!"
"Syempre naman Sir, mag iingat din po kayo. Sana bago man lang ako ma-engage sa anak ninyo ay madalaw po ninyo ako sa bahay!"
Nginitian lang ako ni Sir Kent. Biglang napatayo si Jeff at inoffer ang kanyang kamay sa akin.
"Tara na Ivana, sobrang excited ko na makita ang apartment mo," nakangiting sabi niya.
Tinanggap ko naman ang kamay ni Jeff at kinuha ang red roses na binigay niya sa akin. Mabuti na lamang at wala nang masyadong tao sa hotel kaya nagholding hands kami ni Jeff. Ang sarap pala sa pakiramdam na magkaroon ka ng boyfriend- yun bang ipaparamdam sayo na espesyal kang babae. Ganitong ganito kasi ang pakiramdam ko ngayon, yung bigyan ng red rosas at hawakan ang mga malalambot kong kamay na sa movie ko lang nararanasan.
Not to mention na binigyan niya pa ako ng engagement ring bilang tanda ng aming nalalapit na kasal. Pagdating namin sa parking lot, nakita ko ang red ferrari na nagbukas nang pindutin ni Jeff ang remote na nilabas niya sa kanyang bulsa.