Hinawakan niya ako sa balikat sabay ngiti, "Is this your first time seeing high tech car like this?" "Hindi naman. Ganitong ganito rin kasi ang isa sa sasakyan ko," sambit ko. "Kaya lang naka park sa bahay namin!" "Really? Anyway sakay ka na and ituro mo sa akin ang bahay mo." Wala naman kaso sa akin kung sasabihin ko kay Jeff kung saan ako nakatira. Sumakay na kaming dalawa ni Jeff sa kanyang magarang sasakyan. Nag seatbelt muna ako bago nagsalita. "Palmores Building A Salcedo Street. Yan ang adress ko, I guess hindi muna kailangang mag waze hehehe!" "Sure, anyway how was the food? Did you like it?" "Of course, as usual, hindi nabigo si Sir Kent na pumili ng isang fancy restaurant." "Actually, ako talaga ang pumili ng hotel na pagkakainan natin. And I am glad that you really liked

