PROLOGUE
Spoiled by my lover's love. Blessed with a wondrous life. Everything was so tight, everything was so fine.
The night i never thought would happen. The day i never thought I'd wake up nothing.
The saying said "Everything happens for a reason." I end up believing.
But how can i face my yesterdays? If everything from it have been forgotten.
Would someone do something?
xxx
HORACIO MADRIGAL
Forever in our hearts.
Tulala akong nakatitig sa libing ng taong ni minsan ay hindi ko nabigyan ng pagkakataon para humingi ng tawad.
"Pa!" My younger stepsister burst into tears as she entered the room, hindi ko sila pinagtuunan ng pansin hanggang sa may kasunod nang pumasok.
Wala akong tamang lakas para angatan ng tingin ang taong nakatayo ngayon sa harapan ko nang may pinakawalan siyang salita.
"Akala ko aalis ka kapag namatay na si dad?" Tinignan ko siya sa mata saka ako tumayo. Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sakanya habang inaayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat.
"Aalis nga." Sabi ko nang madiinan sa mukha niya saka na ako tumalikod. "Wala ka paring respeto, siguro masaya kana no? Ito lang naman ang pinakahinihintay mo diba?" Rinig kong sabi niya, huminto ako saka tumawa ng mahina. Trying not to pull the trigger.
Hindi ko pinansin ang umugong na bulong-bulungan sa paligid.
"Oh well, kayo naman yung magagaling na anak." Huling sabi ko saka na umalis doon. Sumisikip lang ang dibdib ko sa kakaisip at kakasisi sa sarili ko. Siguro nga totoong wala akong kwenta. Siguro, tama na.
Pagkapasok ko sa sasakyan wala na akong ibang inisip kun'di ang magpakalayo doon. Ang umalis, at ang iwan na si dad.
I let out a sigh as i started the engine.
Deep thoughts flashing back through my mind wondering how does it all ended up like this.
Kinamumuhian ko si papa simula pa nung bata pa ako. Iniwan nya kami ni mama habang sya nagpapakasasa sa pangalawa nyang asawa.
Sinusuportahan nya kami ni mama pero hindi ko kayang tanggapin lahat ng yon. Hindi ko kayang harapin si papa ng may magandang loob. Hindi ko lang matanggap kung bakit niya kaylangang piliin ang pangalawa niyang pamilya. Hindi ba ako importante sakanya?
Iniwanan ko si Shawn para pumunta dito hindi ko na siya pinaghintay pa because for once in my life nakapagdesisyon akong piliin si papa over anything or anyone kaya kahit pa si Shawn hindi ako mapipigilan, sobrang gulong g**o na yung utak ko nang mabalitaan ang tungkol kay dad at ngayong wala na siya, hindi ko na alam.
Si mama hindi na nagpakita pagkatapos nyang sabihin sa akin na magta-trabaho siya.
Oo at first i was just forced to choose my dad to live with him with his daughters for a week. Manang Sing told me that he needs me and it just made me feel confused. Kasi hate ko siya, pero ang malaman kong hindi na siya magtatagal ay hindi ko din maipaliwanag.
Sobrang sakit. Ilang beses kong gustong walain yung pakiramdam na pinagsabay yung galit at pagsisisi pero ang hirap, sobrang bigat sa dibdib.
Sa kahabaan ng daan hindi ko na napansin ang pagpakalayo ko don.
12:30 PM, wala nang masyadong sasakyan, sobrang tahimik, mas lalo kong nararamdamang mag-isa na lang ako.
Bigla ulit akong nagpakawala ng iyak nang sumagi ulit sa isip ko kung bakit kaylangan pang mangyari to, kung bakit palaging kaylangan kong maghirap. Para kasing lahat nalang eh, hindi ko deserve.
Mas lalo kong pinabilisan ang takbo ng sinasakyan nang may biglang umalingawngaw na busena mula sa isa pang paparating na sasakyan.
Wala na akong ibang ginawa kundi ang pumikit hanggang sa wala na akong naramdaman.
.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events are purely coincidental.
All Rights Reserved ©2019.