Goodbye My Almost Lover 3 Months Later Lucas's Point of view Alas syete ng umaga, hinahanda ko pa ang almusal namin ni Cloe. Nag-luto ako ng bacon tsaka fried rice, naging paborito nya ito kaya ito palagi ang hinahanda tuwing almusal. Nang maihanda ko na ang lahat sa mesa ay hinubad ko na ang suot suot na apron at tsaka umakyat sa itaas para gisingin si Cloe. "Cloe?" Pinihit ko ang doorknob saka dahan dahan itong binuksan. Nagtaka ako kasi nakabangon na siya sa higaan pero mukhang wala pa itong balak na kumain. "Cloe?" Hindi siya lumingon. Napakunot ang noo ko at bahagya akong kinabahan. Nangyayari na ba ngayon ang kinatatakutan ko? "Cloe ayos ka lang?" Sa puntong ito napalingon na siya sa akin. "H-Ha? Oo. Kakain na ba?" Bigla bigla siyang umalis sa higaan saka nagsuot ng tsinelas

