When It All Started And Why Should It Be Continued Calista's Point of View "Bakit ka dito nakaupo?" Hindi ko pinansin si Parker at nagpatuloy lang sa pagkain. "Hoy, pag kami ng jowa ko mag-away na naman nang dahil sa'yo, malalagot ka sa akin." Tinignan ko nang masama si Parker na bulong ng bulong sa tabi ko. Nalipat ang tingin ko sa dalawa pa nitong kasama habang may bitbit na tray kung saan nakalagay ang mga pagkain at nagsi-upo na din sa tapat namin ni Parker. "May pangalan kayo dito? Kayo lang ba pwede?" Pamemelosopo ko kay Parker kaya wala na itong nagawa. Binalik ko ang tingin sa pagkain nang mapansin ko itong mukhang manyak na kanina pang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ito nagpatinag at may plano pang makipagtitigan sa akin. Umiling iling nalang ako saka kum

