Clues To The Clueless
Ang pagdadalawang isip ko sa paglihim o pagbunyag sa tunay na pagkakakilanlan ni Cloe ay biglang nagbago matapos kong marinig ang lahat at buong mapait na kwento ni Ralph.
Hindi sa pumapanig ang isip ko sa matimbang na dahilan ni Ralph kung bakit hindi nya kayang maging maayos na tao sa harap ni Shawn kundi dahil sa pagkatanto sa isang bagay na konektado sa kanilang dalawa. Ang mawalan ng babaeng naging parte ng buhay nila. Ironic isn't it?
Parang naging parusa kay Shawn ang pagkalayo nya kay Calista at yon ay kaya kong tutulan pero, hindi ko magawang solusyunan ang problema nilang dalawa dahil kung ano ang namamagitan sakanila ay sakanila na iyon. Alam kong may kakayahan ako para mahanapan ng paraan ang pagitan sa dalawa, pero hangga't hindi pa malinaw sa akin ang koneksyon ng batang CEO sa pasyente ko ay hindi ko ito pakikialaman.
Pero sa kaso nina Ralph at Shawn malabong hindi guilty ang isa sakanila dahil sa hindi malinaw na dahilan. In Shawn's place, pakiramdam ko hindi nya alam na may kinalaman din sya sa naging dahilan ng pagpapakamatay ni Gley.
Umiling iling nalang ako habang binabalot ng katahimikan ang paligid. Tinignan ko ang oras at sa nakasanayan ko nga ay dito na ulit ako matutulog. Kapagka pumupunta ako dito ng gabi dahil kadalasan namang sa gabi ako bakante ay dito na talaga ako nalilipasan ng gabi.
Dahil sa minsan lang ang kwento mula kay Ralph ay pinakinggan ko ito. Inaamin kong nagulat din ako sa kwento ni Ralph pero nanatili lang akong kalmado para maipagpatuloy nya ang buong storya.
Kinakalabit nya parin ang mga strings ng gitara, simula nung natigil kami sa usapan ay doon nya pinatunog ang gitara.
"Wala kang kwento?" Wala paring ekspresyon nitong tanong saka pinatigil sa pagtugtog ang gitara.
Ngumiti lang ako ng bahagya. "Masyadong malungkot ang storya mo, at masyado ding nakakagulat ang mga kwento ko kaya wag na hindi bagay." Sabi ko.
"Nakakawala ng antok ang gulat." Sabi nya tumingin sya sa direksyon ko at hudyat ng mga yon ang magkwento ako. "Okay sige." Bumuntong hinga ako. Lumipat ang tingin namin sa labas, sobrang tahimik at mukhang kami nalang ang gumagawa ng tunog sa paligid.
"Sa hindi sinasadyang usapan, ito ay tungkol kay Shawn." Tinignan ko sya, inaasahan kong may makita man lang akong reaksyon mula sa mukha nya para malaman kung may hudyat ba na itigil ko ang kwento. Pero wala, si Ralph ang pinakamahirap basahin.
"Hindi ko siya ganon ka-kilala pero sa tingin ko may isang importanteng tao na nawala sakanya ang pinanghahawakan ko ngayon. Sige sabihin nalang natin na isa akong Villain. Kasi kahit hindi ko pa masyadong klaro ang koneksyon nila sa pasyente ko ay may natugma tugma na din akong hinala na hanggang ngayon ay para ko paring tinatago sakanya, sakanilang dalawa." Panimula ko.
"Si Cali." Walang emosyon nyang sabi. "Kilala mo sya?" Tanong ko, bahagya lang itong tumango.
"Nakita ko na." Sagot nito. May gumuhit na pagkakunot sa noo ko. "Sigurado akong may namamagitan sa dalawa." Sabi ko. Tinignan ko lang si Ralph pero wala parin akong nakikita.
"Nabalitaan kong naghiwalay sila bago paman umalis si Cali." Salaysay nya.
"Kaya pala, nararadaman ko yung tensyon mula kay Shawn sa tuwing nakikita nya si Cloe, i mean si Calista." Pagtatama ko.
"Anong meron kay Cali." Walang tono parin nitong tanong habang nakasandal na ngayon.
"Nagka-amnesia dahil sa aksidente. At saktong sa ward namin dinala kaya ako mismo ang in charge sa pagpapagaling. Hindi ko alam, parang sobrang sama ko dahil itinago ko si Cali kay Shawn." Bigla akong may nakitang pag-iling iling mula kay Ralph. "Walang mali sa ginawa mo." Sagot nya. Bumuntong hinga ako.
"Ralph, alam kong nasa tamang lugar ka para maghiganti — Hindi ako naghihiganti Lucas, sinasabi ko lang kung ano yung sa tingin ko ay wala namang problema." Sagot nya, pinagpaliban ko nalang dahil siya naman mismo ang may sabi.
"Pero hindi parin mawawala yung kaba, dahil isang araw darating din ang panahon na mabubunyag ang lahat, na maaalala na ni Cali ang lahat at alam kong sa dulo ako ang magiging masama." Hindi sya sumagot.
"Pinarehistro ko sa bagong pangalan si Cali kahit paman alam kong siya si Calista Madrigal, gusto ko siyang magkaroon ng custody, pero hindi ko magawang ipaubaya si Cali sa taong nakikita kong ayaw na sakanya kaya inako ko ang buong guardianship sa pangalang Cloe Effeso." Tinignan ko sya, kung sasabihin nya man na isa iyong pagkakamali ay tatanggapin ko dahil yon ang gusto kong marinig. Yung katotohanan na ang sama ko.
"Alam mo na ang ginagawa mo, at hindi ka nagkamali Lucas." Kumunot yung noo ko, hindi ba narinig ni Ralph ang lahat?
"Simula palang umpisa alam kong mali, pero mas pinalala ko pa." Tila ba'y na degrade ang kinuha kong kurso dahil mismong ang sarili kong utak ay hindi ko maintindihan.
"Interesado ka kay Cloe." Nailang ako sa pagtawag nya sa pangalang ako ang lumikha, nang mapagtanto ang tanong. "Interesado syang tao, pero hindi iyon ang dahilan." Sabi ko. Hindi pa naman siguro ako baliw, o baka masyado lang akong kampante dahil sa kakayahang pagalingin ang sarili pero mukhang malabo ngang i apply lahat ng mga natutunan ko sa mismong sarili ko.
"Kahit ano man ang dahilan, isa lang ang punto mo, ang tumulong kay Cloe, ang bigyan ulit sya ng bagong simula. Walang masama don Lucas, dahil kung talagang kayang ayusin ni Shawn ang sa ngayon ay magkukusa syang alamin ang dahilan sa naging pag-alis ni Cali noon." Pinilit kong wag tanggapin ng sistema ko ang relief na nararamdaman dahil alam kong darating ang panahon na kamumuhian ako ni Calista.
xxx
Shawn's Point of View
Pang-apat na araw ng pinaglalamayan si Mr. Santos, kadalasan ko siyang tinatawag na tito Gary, pero siya lang ang taong nirerespeto ko ng tunay kaya simula nung nagta-trabaho na sya sa kompanya ay tinatawag ko siya sa pormal na paraan — kapag nasa trabaho. Saka na kami nagiging ibang tao kapag nasa labas na parang mag-ama.
"Pare." Rinig kong sambit ni Anton sa tabi ko habang may bitbit na payong para hindi ako matamaan sa tirik ng araw. Hindi ko siya nilingon at nanatili paring naka-upo sa harap ng lapida ni Gley. Si Gley ang natatanging anak na babae ni Tito Gary. Sa katunayan kahapon pa ang death anniversary nya pero hindi na ako nakadalaw dahil sa hindi ko pag-alis doon sa punerarya.
"Kung napapagod kana, mauna ka nalang don sa kotse." Sabi ko habang hindi parin gumagalaw sa kinauupuan ko.
"Mainit pare." Sabi nya.
"Bakit kapa nakatayo dyan kung mainit? Sige na sandali nalang ako dito." Hindi na siya nagsalita pa at pakamot kamot nalang na umalis tanggay ang payong na dala.
Naramdaman ko nga ang init mula sa sikat ng araw. Tinignan ko ang orasan, alas otso palang ng umaga.
Tinignan ko ulit ang mukha ni Gley sa frame, mukha nyang walang bakas na problema.
Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa amin kung bakit sya namatay, pero ang nasa isip ko talaga ay may kinalaman si Ralph sa nangyari — nobyo ni Gley.
Balita ko ay iniwan siya ni Ralph dahil sa isang pag-aaway, pero huli ko nang malaman yon ng may nagbalita na sa amin na nagpakamatay si Gley. Isa din iyon sa rason ko kung bakit ganon nalang ang galit ko tuwing nakakasalamuha si Ralph.
Biglang kumuyom ang kamao ko dahil sa pagbalik sa nakaraan. Dala na din ng lungkot sa pagkamatay ni Tito Gary. Si tito Gary ang nagsisilbing ama ko simula pa pagkabata nung magsimula siyang mapalapit sa pamilya namin, kay Nicco Franco na kaibigan nya. Ang ama ko.
Sobrang nakakapang hinayang, yung mga taong laging nandyan sana para sa akin ay ang mga taong una pang nawala. Kabilang na doon si Calista pero ayaw ko nang ungkatin ang nakaraan sa amin.
Tumayo ako sa pagkaka-upo saka ko tinignan pa ng ilang sandali ang puntod, inayos ko ang suot at bahagyang pinagpagan ang pantalon.
Saktong tumalikod ako sa puntod at sa pagkakailang hakbang ko lang ay may naramdaman akong tao sa harap ko.
Dahan dahan kong iniangat ang ulo hanggang sa makita ko ang sapatos, pantalon, ang bulaklak na hawak hanggang sa mismong mukha nito.
Napakuyom ako ng kamao nang makita ang pagmumukha ni Ralph. Napa-ismid ako sabay tingin sa malayo.
Mula sa sandaling pagkahinto ay nilagpasan ko na siya. Sa sobrang inis ay niluwagan ko ang necktie mula sa pagkakatali nito sa kwelyo ko habang humahakbang.
"Shawn." Pagkabigkas nya sa pangalan ko ay mas lalo pang bumaon ang mga kuko ko sa aking palad. Huminto lang ako pero hindi ako lumingon. "Nagsasayang tayo ng panahon sa isa't isa dahil sa galit." Hinarap ko siya, lalake sa lalake.
"Dumeretso ka sa punto." Giit kong sabi.
"Sinasabi ko lang na mahirap magsayang ng oras." Bahagya akong tumawa ng mahina.
"Kung ganon naman pala edi pagsabihan mo yang sarili mo Ralph." Tumawa ako ng mahina habang magiitang binabanggit ang mga yon.
"Pareho lang tayong nagsayang na at magsasayang pa ng oras pero ang kaibahan lang ay nawala na yung sa akin pero hindi ka nawalan ng sayo."