First Letter To Someone Who Had Been Forgotten
Cloe's Point of View
Tatlo kaming magkasabay sa pagkain ngayon, hindi ko alam kung saan pumunta si Lucas basta ngayong umaga na sya nakauwi dito sa bahay. Sa bahay nya.
Natutuwa naman ako kahit papano kay Cara, napag-usapan na din namin yung unang pagkikita at ang pagsusungit ko sakanila sa Hospital.
"Nag exercise kana Cloe?" Tanong ni Lucas sa kalagitnaan ng pag kain. Tinapos ko munang nguyain ang kinakain pero si Cara na ang nagsalita para sa akin.
"Tapos na po doc, eh anong oras na hindi ka na namin hinintay pina thread mill ko si Cloe pagkatapos nyang magpa-init sa labas." Sabi nito, tumango tango lang ako saka uminom ng tubig.
"Saan kaba galing?" Hindi ko na napigilang magtanong. Napansin kong tumingin si Lucas kay Cara tapos si Cara naman ay nagtaas ng kilay. "Sa kaibigan kong may anxiety." Sagot nya saka ngumiti. "Kapag tapos na kayo iwan nyo nalang dyan." Dugtong nito saka tumayo.
"Ah doc, aalis na din ako kasi marami pa akong aasikasuhin." Hindi na pinigilan ni Lucas si Cara.
"Agad agad?" Tanong ko pa pero tumango ito. "Oo e, sa susunod babalik ako dito. Kapag may oras." Ngumisi ito ng malaki saka ito naiilang na lumapit sa akin. Ako na mismo ang nagboluntaryong yumakap sakanya.
"Ihahatid na kita Cara." Aya ni Lucas pero agad na tumanggi si Cara. "Okay lang ako dito, magpahatid kana." Sabi ko dahil baka yon ang nagpumigil sakanya.
"Sa labas nalang, total marami namang taxi na dumadaan dito." Hindi na kami umangal saka na sila magkasabay na lumabas.
Hindi naman natagalan si Lucas at nang makabalik ulit sa kusina ay naabutan nya na ako sa lababo habang nilalapag doon ang mga pinag-kainan.
Hawak hawak ko pa yung medyo mabigat na plato habang nilingon sya sa likuran na ngayon ay naglilinis ng mesa.
Sa hindi ko din inasahan ay bigla ko nalang nabitawan ang dalang plato kaya bumagsak ito sa paanan ko.
"Cloe!" Mabilis akong nilapitan ni Lucas habang nanatili parin akong nakapikit ang mga mata.
Biglang may kung ano anong pangyayari ang pumasok sa isip ko, ang pagkabunggo ko sa harapan ng isang sasakyan, ang pagkabaon ng mga nababasag na salamin sa aking mga kamay at braso, ang mga natamo kong sugat at galos at ang pagdurugo ng aking ulo. Ang pakiramdam na masakit at nakakatakot ay parang nangyayari ngayon. Sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ay bigla akong nanghina.
"Cloe?! Cloe! Anong masakit? Saan?" Nanlalabo yong pandinig ko, yung boses ni Lucas ay parang nasa ilalim ng tubig, s*******n kong binuksan ang mata at di ko na namalayan na nakabagsak na pala ako sa mga bisig ni Lucas na nagsisilbing pundasyon ko ngayon.
Mas lalo lang nanaig ang takot na aking nararamdaman nung may iilan akong nakikitang pulang likido sa mga binti at paa dulot ng nabasag na pinggan.
Hindi ko na napigilang mapapikit at ang huling naramdaman ko nalang ay ang pagbuhat sa akin ni Lucas.
xxx
Nagising ang aking diwa kaya inikot ko ang tingin sa paligid. Nasa kwarto ako, at ang huling naalala ko ay ang pagkahimatay ko.
"Cloe? Anong nararamdaman mo? Okay ka na ba?" Hindi na ako magtataka kung sino ang nagsasalita. Bahagya akong lumingon sakanya na nasa tabi ko at katabi nya ang maliit na mesa, napansin kong may isinusulat siya pero agad nya iyong iniwas sa akin.
"Nahihilo pa ako ng konti." Sagot ko saka bumuntong hinga at nagpipikit mata.
"Traumatic shock ang nangyari, paniguradong may naalala ka tungol sa aksidente." Hindi ko na din tinago yon kasi halata naman. Pero kung naalala ko ang aksidenteng nangyari, bakit yon lang ang naaalala ko?
"Gumaling naba ako?" Tanong ko sakanya. "Bukod pa don may naaalala ka pa bang iba?" Tanong nya, hindi ko alam pero may halong kaba at takot yung mukha nya habang tinatanong nya sa akin yon.
Nag-isip ako ng iba pa pero yon lang talaga. "Yon lang. Tsaka parang totoo." Napangiti sya bigla o sabihin nalang natin na napatawa sya don ng mahina at napawi lahat ng kaninang ekspresyon na meron sya. "Totoo naman kasi talagang nangyari yon Cloe." Sabi nya saka binalik ang mukha sa pagka seryoso. "Pero yung totoo, wala ng masakit?" Tanong nya.
Tinignan ko yung paanan ko saka don tinutok ang nguso. "Yan, nandyan yung masakit." Ngumiti ulit sya.
"Kasi dyan bumagsak yung pinggan Cloe." Ginulungan ko siya ng mata.
"Bakit ka pa nagtanong eh alam mo naman palang nandyan yung masakit." Mas lalo syang natuwa, doctor ba talaga to?
"Kapag naga-ganyan ka para kang walang nararamdaman na sakit, kaya hindi ka ganon ka hirap bantayan bilang pasyente. Pero hindi parin ako isang uri ng doctor na may kakayahan sa pagpapagaling kagaya ng ganyan kaya mag-ingat ka, isa lang akong espesyalista sa utak Cloe wag mong abusuhin yang katawan mo dahil hindi ganon kalapit sa utak yan." Mahabang payo pa nito.
"Ewan ko sayo, kung may iba lang akong mapupuntahan hindi ko din ipagkakatiwala ang buhay ko sayo no, masyadong peligro doc." Sabi ko saka sinubukang bumangon.
Agad namang may dumapong dalawang kamay sa magkabilang balikat ko. "Magpahinga ka muna, kung gusto mo talagang bumangon osige pero hanggang dyan lang muna hindi ka pa pwedeng maglakad lakad para mabilis lang ang pag-galing ng mga sugat mo." Utos nito. Tinanggal ko yung kamay nya pero nagkusa din naman syang tumayo ng maayos. Tinignan ko lang sya, hahanapin ko pa sana ang senseridad sa mata nya pero nandyan na nakatambad.
"Oo na, akala ko pa naman wala kang alam sa pagiging doctor sa sugatan." Pabulong kong sabi sa huli. Pero mukhang narinig parin ako kaya tumawa sya ng mahina saka may niligpit doon sa mesa.
May kinuha sya doon saka nilagay sa bulsa at may iniwan sa kamay. Inabot nya yung mga sobre sa akin na binili nya. Tinignan ko yung sobre saka ulit nagbalik ng tingin sakanya.
"Ano nga palang task to?" Tanong ko saka inabot.
"Isulat mo lahat ng nangyari sa isaw araw mo sa isang sobre. Isang sobre para ngayon, tsaka bukas uli." Sabi nito. Kumunot yung noo ko.
"Para san naman?" Napakamot ito ng ulo. "Gawin mo yang parang diary lang, kahit parang kinakausap mo lang yung sarili mo." Sabi nito. Hindi parin nawala yung kunot sa noo ko habang yung mukha nya naman ay hinahanap kung saan paba ako nalilito.
"Importante ba to?" Kita ko ang pagbuntong hininga nya habang tumitingin sa malayo. "Edi sige hindi ko to gagawin." Sabi ko saka binitawan ang mga sobre. Agad nya iyong binalik sa kamay ko.
"Ilagay mo lang yung mga detalye sa araw mo, kung masaya ba, kung malungkot, isipin mo lang na balang araw babasahin yan ng mga taong nakalimutan mo sa mga panahong to." Hindi na ako nagsalita pa saka kinuha ang Ballpen sa mesa.
Hinintay ko syang lumabas pero hindi ito umalis kaya buntong hininga akong tumingin sakanya. "Siguro ikaw lang ang magbabasa nito no?" Tumawa ulit sya ng mahina, baka mismong ito hindi alam na may sakit sya sa kanyang irregular na pagtawa.
"Kapag hindi para sa akin, hindi ko gagalawin. Sige na nga maiwan na kita dito, wag mong kalimutang lagyan ng petsa Cloe." Sabi nya habang nagbubukas ng pinto palabas, hindi na ako tumingin sakanya at naghantay nalang na masara yung pinto. "Yung gamot mo wag mong kalimutan." Tumango lang ako habang nag-iisip ng kung anong pwedeng isulat dito sa papel. Hindi ko parin naramdaman yung pagsara ng pinto. "Tsaka wag ka munang tumayo." Inis ang nilipat kong tingin sakanya. "Oo nga paulit ulit?" Sabi ko ngumiti ito bago paman isinara ang pinto.
16, 2020
. , . , - . . . .
Tiniklop ko yung papel saka isinilid sa sobre, sa labas may nakalagay na From: at To:
Wala na akong ibang isinulat maliban sa pagbibigyan ng sulat. Siguro nga may mga kilala din ako noon, dahil impossible namang wala. Baka may pamilya ako, kaibigan ganon.
Kaya inalis ko ulit yung takip sa ballpen saka sinulatan ang To: sa sobre ng ' '