CHAPTER 18

1158 Words
Spy Shawnicco's Point of View "I love him, so much. I know that i am such a sinker to him, alam kong nahihirapan na din sya sa pag-intindi sa akin. I always felt sorry, i always pity him, i always owe him and i always blame myself for making him feel that way. And i can't afford to lose him." Hindi ko maintindihan kung bakit biglaan nalang akong kinakausap ni Gley ng ganito sa tawag. "Where are you? Where's your dad? Are you okay? Where's that f*****g Ralph?" Sunod sunod ang mga tanong ko pero hikbi lang ang mga isinagot nya. Pabalik balik ako sa bawat sulok ng aking kwarto, nakapameywang ang aking isang kamay habang ang isa naman ay mahigpit ang pagkakahawak sa telepono. "Don't worry he deserves the space he want. And i want to say sorry to him, he did nothing wrong Nicco, it was all my fault." At this point ang nasa utak ko ay naghiwalay na sila, at ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay ang pakalmahin sya because she never told me where the f**k she is. "Please. Gley please tell me where you are." I heard the sobs from the line. "No, okay na ako. Thank you Nicco, for being there. I'd like to see you but i can't, it's a sin I'm not willing to take." Napakunot ang noo ko pero hindi ko nalang yon pinansin. "Fine. Take a rest, don't think too much Gley we'll talk about it soon." Sabi ko nalang sakanya at kahit hindi ko man nakikita ang mukha nya ngayon ay alam kong ngumingiti na sya. She's Gley, she was strong. "Sure! Goodnight Nicco. Sweet dreams and I... I love you but i know and you know that i love Ralph more than anyone except from my dad because i love him ten times more lol. So bye! " I was about to respond when i hear the beeping sound. At that night, i laid in my bed without even a single worries, because i am satisfied enough that Gley was a good girl. Cali and I talked about Gley, i told her what we have talked about. Then we fell asleep as the night becomes heavy. Until the morning i woke up.... "Hey baby." Humihikab hikab pa ako habang kinukusot ang mga mata nung makita ko si Cali sa tabi ng kama ko. Her emotions was so deep. Agad akong bumangon para alamin kung ano ang problema. "Baby what's wrong?" I immediately hugged her back when she pulled me close to her. I heard a sobs, mabilis ko siyang ihiniwalay sa akin saka ko siya hinawakan sa magkabilang braso. "Why the f**k are you crying?" Puno ng pagkataranta at pag-aalala yung nararadaman ko, pinahid ko yung mga luha nya habang sya ay hindi parin makapagsalita dahil sa pag-iyak. "G-Gley..." She tried to speak but only few words came from her mouth. Slowly. Sobbing. "Why? What the f**k is happening? Why are you crying?" Yan ang mga parati kong tinatanong pero pinapakalma ko muna sya habang hinahagod ang kanyang likuran. "She's dead." "s**t!" Kasa ko nang magising ako sa isang panaginip. My breath was rough. No, it was not a dream, it was a nightmare. Sobrang matagal ko nang iniiwasang maalala ang lahat ng yon. Napabangon ako habang hilod hilod ang aking ulo. Mabilis akong napabangon saka pumunta sa shower.  Water poured through my body, binasa ko yung mukha ko dahil mukhang kalahati pa akong tulog.  "Pareho lang tayong nagsayang na at nagsasayang pa ng oras pero ang kaibahan lang ay nawala na yung sa akin pero hindi ka nawalan ng sayo." Napahilamos ako ng mukha, what the f**k are you up to Ralph? Hindi ko pa nga maintindihan kung bakit nagpakamatay si Gley, tapos ngayon bigla bigla nalang syang magsasabi ng ganon as if he knew everything from my story.  Lumabas ako ng shower room pagkatapos kong maligo, kumuha ako ng normal na pambahay saka lumabas ng bahay.  Nasa kalagitnaan palang ako ng pagmamaneho nang may tumatawag na mula sa opisina. "I'm not going to the office, alam nyo namang namatayan ako diba?" Hindi ko na pinagsalita kung sino man yon at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.  xxx Cloe's Point of View Mas napaaga ako ng gising ngayon, ibinaba ko na yung paa ko at mukhang ayos naman, galos lang naman pero may malalim din akong sugat sa may daliri talaga pero hindi naman ako malulumpo dahil don.  Matigas na ang ulo kung matigas pero bumaba ako ng hagdan pasilip silip pa ako sa baba nang laking gulat ko nung paparating si Lucas mula sa pinto at mukhang galing sya sa labas.  Pinandilatan nya ako ng mata kaya sumuko na ako. "Nakakapagod sa kwarto." Pagdadahilan ko. Napakamot ito ng ulo.  "Halika nga dito." Kinunutan ko sya ng noo nang bahagya nyang itinaas ang nasa bandang tuhod sa kanyang pajama para makaupo ng maayos, nakatingin lang ito sa akin habang halata namang hinihintay akong lumapit. "Umupo ka dito." Seryoso nitong sabi. Umupo na ako sa kaharap na couch nang bigla nyang kinuha yung paa ko.  "Anong gagawin mo?" Tanong ko, nilipat nito ang tingin sa akin. Seryoso ang mukha nya, pinagsingkitan ko sya ng kilay kahit yung totoo ay kinakabahan ako.  Hindi nya sinagot yung tanong ko at mainam na sinuri ang paligid ng mga sugat na may bandage. Napansin ko ring namamaga yung nalaking sugat sa may daliri. "Aray!" Kasa ko nung pinindot nya iyon.  "Tsk." Yon lang yung narinig ko mula sakanya tapos binalik yung paa ko sa pagkababa saka sya tumayo.  Hindi naman siya natagalan at nakabalik na sya habang may dalang medicine kit. Inurong ko yung mga paa ko nung bahagya nya ulit itong kunin. "Cloe, mai-impeksyon yan." Suway nito kaya kahit napipilitan ay isinuko ko nalang yung paa ko.  Tinanggal nya yung bandages ng bawat sugat saka ito pinaglalagyan ng mga kung ano anong mas nakakapagpalala lang ng sakit dahil sa hapdi saka pinalitan ng bagong bandage. Nang matapos ay nakahinga naman ako ng maluwag.  "Nandito si Cara kanina, hinahanap ka akala ko pa naman matinong natutulog ang pasyente ko." Sabi nito habang nagliligpit. Siningitan ko sya.  "Anong tawag mo sa tulog ko? Sakto ngang nagising ako pagkababa ko ay wala na si Cara. Nagkataon lang yon, pabalikin mo sya mamaya." Utos ko pa kaya embes na magsungit sya ay hindi nya na magawa dahil nga sa abnormal nyang tawa. Duh Anthony's Point of View Von sent you a photo. Habang nakatayo dito sa rooftop ng mansyon ni late Mr. Santos ay bigla namang nabaling ang atensyon ko sa tumutunog na cellphone. Binunot ko yon sa bulsa ko saka na tinignan ang inaasahan ko namang balita.  Inutusan ko si Von na magmanman sa bahay ng Doctor na si Lucas Effeso dahil sa pagdududa at pag-asang kung tunay ngang merong Cloe Effeso malamang sya ay konektado sa Effeso na kilala ko.  Hindi ko alam kung bakit ako na disappoint sa nakita, hindi ko din naman pwedeng pilitin na si Ms. Cloe Effeso ay si Calista Madrigal dahil sa larawang hawak ko, malinaw at kitang kita na kaylangan nang burahin ang pag-asang hindi naman tumutugma ayon sa mga paghihinala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD