Because She Also Used To Like You A Lot
Napatitig lang ako sa picture. Nagbuntong hinga ako saka tumingin sa malayo. Poor Shawn, kung pwede lang talagang pangunahan namin ni Shean ang lahat ay matagal na naming hinalungkat kung anong nangyayari kay Cali, pero mukhang hindi nadin magandang pakinggan kapag pati privacy nya ay pinapakialaman namin.
Halos mabitawan ko yung dalang cellphone nang biglang sumulpot si Shawn sa tabi ko habang nakapatong ang magkabilang braso sa grip.
Mabilis kong itinago ang cellphone. "K-Kanina ka pa ba?" Tanong ko, nilingon ako nito saka tinaasan ng isang kilay. Ngumiti ako sakanya, teka parang ang weird naman atang ngumiti. "Bakit hindi ka pumasok sa trabaho?" Tanong ko sakanya para maiba yung usapan.
"You're being insensitive, tinatanong paba kung bakit ako nandito?" Sagot nya saka tumingin sa malayo. "Pare naman, uhm bakit ka pala umakyat dito?" Binasag ko yung awkwardness sa pagitan namin.
"Papahangin." Tipid nyang sagot saka tumalikod sa grip at umupo. Sumunod na din ako kasi medyo matagal tagal na din akong nakatayo. "May problema ba pare?" Nanatili syang nakatingin sa malayo, pero kalaunan ay yumuko ito habang napapaismid pa. Pero ramdam na ramdam kong hindi sya natutuwa, naiinis sya at nalulungkot.
"May nangyari ba?" Hinintay ko syang magsalita ngunit iniwan nya muna ang tanong ko sa ere ng sandali.
"Naalala ko si Gley." Bumuntong hinga sya saka ulit naglipat ng tingin sa paligid. "Naalala ko din siya." Mapait syang ngumiti.
Ngumiti nalang din ako pero iniiwasan kong maging masyadong bibo kasi magmumukha akong insensitive. Hindi ganito si Shawn pero sa dami ng mga nangyayari ay hindi ko din sya masisisi.
"Sigurado akong nagpapahinga na nang matiwasay si Gley, pare. Kung ano man ang hindi magandang nangyari noon alam nating lumipas na yon." Sa puntong pagkakasabi ko non ay tumingin si Shawn sa akin.
"What about Cali? Talaga bang lumipas na ang lahat sa amin?" Napangiti ako sa sinabi nya. "Bakit ka ngumingiti?" Seryoso nyang tanong.
"It's cute enough seeing you being bothered by Calista." Sabi ko, napailing sya pero hindi mo maipagkakaila ang denial sa kanyang nararamdaman. "You missed her bro, mahal mo parin sya." Tinignan nya ako ulit.
"Pero hindi na dapat." Umiling iling ako kaagad saka ngumiti. "Kasi ikaw mismo sa sarili mo ang pumipigil dyan sa totoong nararamdaman mo. Bro, there's nothing wrong about what you feel, what's wrong here was you. Because there's nothing wrong about missing the person you once loved the most, no one can judge on how you missed her, unless you stop hesitating just because you are thinking that she might never felt the same. Ako na magsasabi nito bro, you have never been this stupid." Prangka kong sabi sakanya. Sobrang cool ng pagkakasabi ko non pero kinakabahan ako sa bawat pagbigkas ko kasi mismo sa sarili ko ay hindi alam kung talaga bang may alam ako sa mga bagay na yan. Even myself can't prove those jokes. I mean advice.
"Anong gusto mong gawin ko?" Napakunot ang noo ko, hindi ako makapaniwalang ang isang Shawnicco na magaling sa larangan ng pambababae at pambobola ay nagtatanong sa akin ng ganitong klase ng tanong.
"Find her, chase her, ask her. Make those things clear, listen to her reasons. At kung magtatanong ka kung anong posisyon mo para gawin yon, it's because you still love her, you missed her, you wanted to be with her again and that's an enough reason."
"Bullshit." Sumandal ito sa upuan saka tumawa ng mahina. "You know where I'm rich at." Kinunutan ko parin sya ng noo. "Pride." Sagot nya. Ito yung ayaw ko sakanya minsan, pride. Nagkibit balikat nalang ako, suko na ako bahala sya desisyon nya na yan. "Desisyon mo yan, nagsasabi lang ako." Sabi ko sakanya saka umiwas ng tingin.
"Pero Shawn, tatanungin kita." Tumingin sya sa akin habang nakataas ang kilay. "Kapag nabigyan ka ng isang araw, isang araw kung saan nasa harapan mo na ang lahat ngunit isang araw ka lang din pwedeng mag desisyon. Tatanggapin mo ba o hindi?" Tanong ko sakanya.
Umiling iling sya. "Nasa harapan ko ang lahat? Si Cali? Yung pagmamahal nya? Tss that's absurd." Napangisi ako.
"See? Nag expect pa naman akong sabihin mo na 'I have everything, there's nothing I'd wish to be claimed' pero ikaw na mismo ang humila kay Cali sa options which obviously means that she is all you lack."
"Shut up." Tumayo sya, kitang kita ko ang pagka-inis sa mukha nya. "Hindi ko sinadya yon pare, gusto ko lang malaman mo yung tunay mong nararamdaman at uulitin ko. Walang masama don." Hindi na sya sumagot pa at saka na bumaba.
Shawn's Point of View
I can't f*****g believe myself.
"Oh? CEO?" Napakamot ako ng batok dahil sa pagka-inis pero pinigilan kong mailabas yon. "Magandang araw po sir Shawn, ano pong pinunta nila?"
Unti unting dumadami ang napatingin sa kinatatayuan ko ngayon. "Am i not allowed to visit?" Dinaan ko sa pambabara yung lumapit sa akin kaya napaurong sila.
Hindi ko na sila pinansin at saka ko na sinumulang hanapin kung saang parte ng Hospital sya posibleng naroroon.
Hindi ko to ginagawa dahil sa sinabi ni Anton, I'd never rely on that idiot. Hindi nya nga magawang sabihin kay Shean ang nararamdaman how can he talk like that? Tch Anthony.
Umakyat ako sa itaas, halos nilibot ko na ang buong building kakapanggap na nagche-check ako sa paligid, pinalinis ko lahat ng mga tapos na namang linisin.
"S-Sir, parang may hinahanap po kayo? Pwede po namin kayong tulu — It's none of your business. Aalis na ako." Yon lang yung isinagot ko dahilan para mapaurong sila. Hindi ko na sila pinansin saka nalang napagdesisyunang bumaba nalang.
Nasa kalagitnaan palang ako ng daan nung tumawag si Shean.
"Where are you?" Bungad nya.
"You don't have to know." Sagot ko habang nagmamaneho parin. "Bumalik ka dito, i have something to tell you." Hindi ko na sinagot si ate at mas pinabilisan lang ang takbo ng sasakyan.
Bumalik ako sa lugar nina Tito Gary. Sa hindi kalayuan kita ko si Shen na nakaupo sa veranda kasama si Anthony. Mukhang hinihintay nga nila ako.
Napapabuntong hininga ako habang papalapit sa kinaroroonan nila. Tumayo ako sa harapan nila at tinignan lang ako ni Shean ng nakataas ang kilay. "Ano?" Tanong ko.
"Umupo ka." Utos nito. Ginulungan ko siya ng mata saka umupo katabi si Anton. "Saan ka galing?" Tanong nito. Kinuwatro ko ang mga paa saka sumandal. "Wala ka na don, ano nga?" Inis kong tanong.
"Tignan mo tong nagsusungit." Bumuntong hinga sya. "Aalis na ako sa susunod na araw, bukas na din ililibing si Mr. Santos kaya mas mainam yung makadalo tayo. Pagkatapos ng libing magpapadespedida ako." Tinignan ko si Anton at halata namang hindi sya masaya. Tss.
"Osige. Yan lang ba? Magpapa-alam ako kay Glen hindi na muna ako magbabantay ngayon. Ano dito lang kayo?" Tanong ko habang nakatayo.
"Uuwi din ako, kasabay si Anton." Napagulong ako ng mata sabay tingala. "Mga loko loko, sa bahay ko parin naman pala ang punta nyo, tss." Umiling iling ako saka umakyat sa itaas.
Kinatok ko yung pinto at bumungad sa akin si Glen na nakaupo sa study table habang may suot na salamin sa mata habang may binabasa.
"Glen." Naglipat sya ng tingin sa akin. "Aalis na muna kami, babalik kami bukas maiwan kana muna namin dito ngayon." Paalam ko, hindi lang sya sumagot at hindi na rin ako naghintay.
"Kuya Shawn." Isasara ko na sana ang pinto nung tinawag nya ako, binalik ko ang tingin sakanya pero ngayon ay biglang may namumuong luha sa mga mata. Nabaling ang tingin ko sa hawak nyang kwaderno. Kinunutan ko siya ng noo. "May problema ba?" Tanong ko, kinakabahan ako sa biglaang panginginig nito.
"I think..." Hinintay kong ituloy nya ang sasabihin kaya hindi ako nagsalita. "... Gley committed suicide because she also used to like you... A lot."