Divulgation Of The Reality Anthony's Point of View Tito Gary's funeral has come to an end. And now Shean's Farewell Party. Ang malaki at tahimik na mansyon ni Shawn ay dinagsa ng mga kaibigan at kakilala namin nina Shean. Hindi ako masaya, nawala lahat ng enerhiya ko sa katawan nung malaman kong aalis na agad sya pabalik sa Thailand, at bukas na iyon. Nakatayo lang ako sa stand table habang nagsasayawan naman sa gitna ang mga bisita kasabay ng tugtog at mga ilaw. Nagmistulang bar ang bahay ni Shawn at alam kong ito ang pinaka-ayaw niya. "Anton!" Natinag agad ang tenga ko nang marinig ang pagtawag ni Shean. Nilingon ko lang sya, tinaasan nya ako ng kilay kaya napatawa ako ng mahina. "Anong minumukmok mo dyan? Halika isayaw mo'ko." Nagulat ako sa biglaan nyang paghila sa akin papunt

