CHAPTER 14

1365 Words
A Trust Sealed With A Hug "How sure you are?" Tanong ko sakanya. "Hundred percent sure, but the chance of meeting her is impossible dahil naka-alis na sila." Yon ang naging sagot nya sa akin kaya napabuntong hininga ako. "Aight, we have CCTV's save the footage transfer mo sa flash drive dadaanan ko mamaya. Thanks Andrea." She said okay so i hang up the call. So it is possible that Calista was been here around all this time. Pero bakit hindi siya approachable when it comes to my brother? Sa kwento nga ni Nicco kay Anton na ikinuwento din sa akin ay para daw sya nitong tinatrato na hindi kakilala. It's just two months then she's with an other guy? Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Cali, at kung totoo man yon she has a reason that i needed to hear, kaya umiling iling ako saka na bumalik sa loob. xxx Cloe's Point of View.  Nabili na namin yung toothbrush na kaylangan ko yung sabon yung panligo lahat lahat na. Pinapili nya din ako ng damit at mukhang mamahalin pa, nahiya ako pero sya naman itong alok ng alok.  "Okay ka lang ba Cloe?" Bumalik ako sa realidad nung bigla syang magsalita. "H-ha? Oo ayos lang." Sagot ko.  "Tapatin mo ako, yung totoo." Sabi nito habang nakatingin pa din sa daan. Tinatahak na kasi namin ngayon ang kahabaan ng highway, pabalik na sa bahay niya.  "Iniisip ko kasi kung paano ka bayaran doc." Nahihiya ngunit maayos ko parin na pagkakasabi.  Nakarinig ulit ako ng mahinang pagtawa kagaya ng mga palagi kong naririnig tch.  "Hinto muna tayo, may bibilhin ako." Hindi na ako umalma pa at pinabayaan syang huminto sa isang mini store, na may nakalagay na 'Souvenirs Shop' "Hintayin mo'ko dito." Tinanguan ko lang sya hanggang makalabas ito ng sasakyan. Saan ba ako pupunta kung sakaling aalis ako? Duh.  Hindi umabot ng minuto at nakabalik na sya sa sasakyan habang may bitbit na pouch. Nilagay nya iyon sa harapan ng kotse pero agad ko namang kinuha. Kita kong tinitignan nya ako habang sinusuri ko ang laman non.  Kinuha nya ito bigla sa kamay ko saka binuksan. Pinaandar nito ang makina pagkatapos tsaka minaneho.  Napakunot ang noo ko dahil sa dami nyang biniling papel, naaamoy ko ang kakaibang bango kaya mas lalo akong nagtaka kung para saan to.  "Sobre yan tsaka scented paper, kasali yan sa task mo maghintay ka lang." Sabi nito. Hindi na ako nagtanong pa ng marami at isinilid nalang iyon ulit sa pouch.  Nang makarating kami sa bahay nya may napansin akong wala, yung caretaker.  "Saan si Fred?" Tanong ko sakanya habang isa isang binitbit mula sa loob ng sasakyan ang mga pinamili. "Wala na namang lilinisin, tinatawagan ko lang sya kapag meron." Sagot nito saka na pumasok sa loob. Sumunod naman ako hanggang sa nakarating kami sa kwarto ko. Nilapag nya sa higaan yung mga lalagyan ng mga pinamili namin.  "Yang mga sobre mamaya ko na ipapaliwanag, maghahanda lang ako ng tanghalian tatawagin nalang kita kapag luto na, sa ngayon iligpit mo muna sa drawers yang mga gamit mo." Tumango tango nalang ako, ngumiti lang ito saka tumalikod.  "Salamat nga pala." Sabi ko kaya napahinto sya, lumingon sya ulit, ngumiti saka na isinara yung pinto.  Nang mawala sya sa paningin ko ay iniisa isa kong tinignan ang mga laman ng mga lalagyan.  Isinukat ko ulit yung mga pinamili naming damit, kadalasan sa mga isinukat ko ay dress, may iilan ding blouse tsaka sleeveless may iba ibang pantalon tsaka shorts. Mas pinili ko yung mga damit na komportable.  Nilapag ko ang lahat sa higaan nang bigla tuloy akong gustong maligo, kaya tinungo ko ang banyo.  Inabot din ako ng halos thirty minutes sa banyo nagbabakasakaling mag daydream ulit ako para makita ko na yung mukha nung biglang pumasok sa imahinasyon ko o kung may nangyari ngang ganon sa buhay ko pero sino naman?  Nagbihis na ako kahit hindi ko alam kung saan ba dito ang susuutin ko. Pero sa huli ay isinuot ko ang puting blouse at itim na parang kagaya nung PE ni Lucas.  Kahit hindi pa ako tinawag ay bumaba na ako baka sakaling makatulong man lang.  Nadatnan ko sya sa kusina habang nakatulala. Kumunot naman yung noo ko dahil hindi nya naman ako napansin, may mga nakahain na mesa pero sya itong nakaupo lang na parang tanga.  "Doc." Halos mapatalon sya sa gulat kahit di ko naman sya ginulat. "Oh nandyan ka na pala tatawagin na sana kita." Bigla siyang nataranta saka may kinuha don sa refrigerator.  Habang bitbit ang tubig ay dahan dahan naman akong lumapit sa mesa para maghila ng upuan saka na umupo. "Anong nangyayari sa'yo doc." Gusto ko syang asarin kasi nakakatawa yung mukha nya kanina pero mukhang malungkot yung mukha nya.  "Wala to. Sige na kumain kana hindi kita natanong kung anong gusto mong kainin." Umiling iling ako saka kumuha ng kanin. "Okay lang to, mukhang masarap. Masarap kabang magluto?" Tumawa sya saka inabot sa akin yung ulam na hindi ko din alam anong tawag.  "Sisig to, madalas akong magluto nito, may nakapagturo sa akin." Sabi nya, hindi naman ako nagtanong doc.  "Ahh, mukhang masarap naman." Komento ko saka na sumubo. "Masarap pero hindi masyado." Pagsisinungaling ko kasi yung totoo sobrang galing nyang magluto kaya naudyok akong tikman yung iba pang ulam.  "Dahan dahan." Sabi pa nito na may halong mahinang tawa. Sa sobrang tahimik ay napag-isipan kong magtanong tanong.  "Anong balita sa akin?" Tanong ko habang ngumunguya. Napatigil ito sa pagsubo.  "Sa ngayon inako ko yung custody sa'yo, at para magawa yon ay inirehistro kitang muli bilang.... Bilang isang Cloe Effeso." Muntik ko nang maibuga yung kinakain ko dahil sa narinig. "Oh ayos ka lang?" Mabilis siyang naglagay ng tubig sa baso saka inabot sa akin, gamit ang bakante nitong kamay ay mainam nyang hinipo yung likuran ko.  Ininom ko yung bigay nyang tubig saka ulit sinubukang magsalita. Ang sakit sa ilong.  "Y-Yan na ba ang buong pangalan ko ngayon? Wala ba akong apelido noon?" Napapabahing parin ako sa pagitan ng pagsasalita.  "Uminom ka pa ng tubig." Utos nito, uminom ako ulit saka ko inalis ang mga natitira pang sagabal sa lalamunan ko.  "Okay na. Ano ulit yung sinabi mo?" Pinahid ko yung mga natitirang tubig sa bibig ko. Bumalik naman sya sa pagkakaupo saka ulit nagsalita.  "Sorry at hindi ako nagpaalam sa'yo. Alam ko kasing gustong gusto mo na yong may mauuwian ka, yung may tahanan ka kaya tinanong ko yung kaibigan kong abogado kung possible bang mangyari ang pag-kuha ko ng authorization sayo kahit temporaryo lang. Pero ang sabi niya kaylangang may relation tayo." Sabi nito, hindi ko din alam kung ano yung mararamdaman. Nagulat ako kasi hindi ko pa alam yung buo kong pangalan ay biglang naging ka apelyedo ko na siya.  "Ipaliwanag mo nga." Yon lang yung nasabi ko, ramdam kong kinabahan sya pero gusto kong marinig muna ang lahat.  "Adopted grandson ako ni Arturo Effeso, kapag adopted ang ibig sabihin ay hindi tunay na kamag-anak, hindi magkadugo. Kaya hindi rin ako pwedeng magdagdag ng member sa pamilya kung wala hindi kita maa-acknowledge as someone na kamag-anak ko talaga. Pero temporary lang yon, abogado ko na ang may hawak sa lahat. Six months or nine possible ka nang fully recovered, dadating parin ang panahon na ikaw mismo ang makakakilala sa sarili mo kaya ngayong habang wala kapang matatakbuhan, at bilang doctor mo yon ang naisipan kong tulong. At hindi din ito ang unang pagkakataong may pinatuloy ako dito sa bahay." Napagisip isip ko na siguro nung nagpaulan ng kabaitan, lumalangoy si Lucas noong mga panahong yon.  Hindi ko din sya magawang ngitian, o tignan dahil may bahid parin ng pagkabigla at pagkahiya dahil sa malasakit na ibinigay nya.  "Babawi ako, promise babayaran ko lahat lahat." Pagkasabi ko non ay nagulat sya. "I thought you'd be mad." Nagtataka pa nitong tanong, sumubo ako ng kanin na may sisig.  "Dapat ba akong magalit?" Napabuntong hinga naman sya na para bang nabunutan ng tinik saka na ngumiti.  "Alam kong mabait kang tao Cloe, medyo matagal na rin akong walang inaalagaang pasyente dito sa bahay kaya hindi na ulit ako mag-iisa. Tsaka kung hindi ka pa masyadong nagtitiwala sa akin ayos lang, normal yon." Nakaramdam ako ng lungkot sa tono ng pananalita nya. Tinaasan lang ako nito ng kilay na para bang nagtatanong kung anong problema.  Sa hindi ko rin inaasahang pangyayari, namalayan ko nalang na nilapitan ko sya saka niyakap.  "May tiwala akong isa kang mabuting tao, Lucas. Salamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD