But She's With An Other Guy
Sa medyo matagal na paghihintay ay nakita ko na ang pigura ni Lucas na papunta sa sasakyan. Pinaningkitan ko sya ng kilay na para bang hindi sya yung doctor ko.
"Sorry sa paghihintay." Sabi nya saka isinuot yung seatbelt. Hindi lang ako umiimik hanggang sa makalabas na yung sasakyan sa gate.
"Sino ba yung namatay?" Tanong ko sakanya. Sinipat ako nito saka naman agad binalik ang tingin sa daan.
"Isa sya sa mga stockholders sa kompanya ng mga Alfonso, matalik din syang kaibigan ni Mr. Arturo yung bumili sa Hospital, at sya ang itinuturing na pangalawang ama ni Mr. Shawn Alfonso." Salaysay nito. Kumunot yung noo ko dahil wala sa mga detalyeng binigay nya ang naintindihan ko. I don't know such characters.
"Wala akong kilala sa mga yan." Bulong ko.
"Oh i see." Tanong nito. "Sino ba yang mga yan?" Tanong ko habang sumisilip parin doon.
"They were just so good at doing business." Sabi niya. Well halata namang mayayaman sila at sikat. Oh wait! Itanong ko kaya kay Lucas kung sino yung lalakeng nakaharap ko kanina.
"May itatanong ako." Nakinig lang sya, bumuntong hinga muna ako kasi ayoko ko ulit magmukhang tanga.
"Yung lalakeng binati nyo ng bongga sa Hospital, yung lalakeng bumaba sa kotse na walang pasintabi kong hinila, tsaka yung nasa Hospital kanina nung kakamatay palang nung nasa pinuntahan natin ngayon, sigurado naman akong iisa lang sila. Sino yon?" Hindi nya muna ako sinagot at napansin ko nalang ang pag dalang ng takbo saka may nagbukas ng gate matapos nyang bumosena. Pagkapasok ng sasakyan kasabay ng pagpatay ng makina ay hinarap nya ako.
"The grandson of Mr. Arturo Alfonso. He's Shawnicco Alfonso, Cloe. Ang bagong may-ari ng Hospital na pinagmamay-ari ng Lolo ko." Woah, halatang nagulat ako pero tumango tango nalang ako saka na naunang bumaba sa sasakyan na agad ko namang pinagsisihan.
Kita ko ang gulat na gulat na mukha ng isang lalakeng mga nasa edad na trenta. Pagkababa ni Lucas ay mabilis syang pumunta sa akin.
"Kuya Fred pwede na po kayong umuwi since nakauwi na naman po ako. Wag kayong mag-alala pasyente ko to." Sabi nya doon sa lalake. Agad naman itong ngumiti.
"Napakagandang dalaga, o sya mauna na ako natapos ko na ding ayusin yung mga gamit mo sa loob." Pamaalam nito.
"Sige, salamat mag-ingat ka." Sabi nya. "Sus ako pa." Pahabol pa na sagot nito habang sinasara yung gate.
"Sino yon?" Tanong ko. "Kaibigan kong umakong maging caretaker dito sa bahay kapag wala ako, tara pasok na tayo sa loob?" Pag-aaya nya.
"Wala kabang kasama dito?" Tanong ko habang hinihintay syang mabuksan ang pinto. Malaki din itong bahay nya, pero mas malaki parin yung Hospital.
Pagkabukas nya sa pinto ay dahan dahan akong pumasok kasi hindi nya pa sinabi kung may kasama ba syang iba o wala.
"Wala akong kasamang tao dito." Kumunot yung noo ko. Ah baka tinatakot ako nito, di naman umepekto.
"Ah multo lang ganon?" Inunahan ko sya, tumawa ito ng mahina saka hinubad yung sapatos nya.
"Pusa. Umupo ka muna dyan at ilalagay ko muna tong pinamili natin sa kusina." Pagkasabi nya non ay agad akong humiga sa couch.
"Meow!" Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang sumulpot na pusa sa paanan ko.
Nang kumalma ako ay sinubukan ko naman itong hawakan pero galit pa sya sa akin. Mula sa pagkakahiga ay umayos nalang ako ng upo habang pilit paring kinukumbinsi yung pusa na mapaamo.
"Mukhang galit pa sya sayo, Cloe." Mabilis namang nakabalik dito sa sala itong si Lucas. "Tara, ituturo ko sayo yung kwarto mo." Hindi na ako nagdalawang isip pang tumayo saka iniwan yung pusa don.
Umakyat kami sa ikalawang palapag at saka tinungo ang isang pintuan sa pinakadulo. "Wala akong damit na pambabae, kaya siguro bukas nalang ng umaga tayo bibili. Tiisin mo muna yang PE na pinahiram ko sayo." Bigla akong napahawak sa tshirt tsaka pajama ko.
"Sa'yo to?" Kanina kasi naligo ako sa Hospital, pagkalabas ko habang nakapulupot lang yung tuwalya sa katawan ko ay may pares na ng damit sa kama kaya kinuha ko na. Tapos sakanya pala yon, nakakahiya.
"Oo pero balak ko din namang ipasuot sayo kaya ayos lang. Naka-ayos na yung kama dyan kung nagugutom ka tawagin mo lang ako sa kabilang kwarto." Tumango tango nalang ako bago nito isinara ang pinto.
Mabilis akong sumubsob sa kama saka na sinubukang matulog.
xxx
Sobrang taas na ng sikat ng araw nang magising ako. Paunat unat ako habang nanatili paring kalahati ang pagkabukas ng mga mata ko.
Mabilis akong napaayos sa gulat nang makita ko ang pigura ni Lucas na nakasandal sa pinto ng kwarto.
"K-Kanina kapa bang nandyan doc?" Tanong ko kaagad.
"Bago lang, tumayo kana dyan lalabas muna tayo para bumili ng mga personal necessities mo, pero di rin maganda yung walang laman sa tyan. Magmugmog ka nalang muna tapos bumaba ka na okay?" Nakinig ako sa bawat sinasabi nya. Pagkaalis nya sa harap ko ay mabilis kong tinungo ang banyo para magmumog. Nakaharap ako sa salamin ngayon saka ngumiti. Tinitignan ko kung paano ko sisimulan ang pag-aayos.
Naglagay ako ng hairband para hindi sagabal yung mga buhok ko. Hinilamos ko yung mukha ng facial wash.
Sa sandaling nakapikit ako may biglang sumagi sa isip ko.
Ako habang naglalaro ng mga bula mula sa sabon, tumatawa. Sobrang lakas ng tawa ko hanggang sa may bumasa sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya.
Agad akong napabanlaw ng mukha. Nagda-daydreaming ata ako.
***
Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto para bumaba. Nang makarating sa kusina ay bumungad naman sa akin ang cereal na nasa bowl na habang lumalangoy sa gatas, tapos may cookie din sa platito. Gayon din yung kinain nya.
Sinabi ko na sakanyang ayoko ng gatas. Pero mukha ba akong may choice?
Nang matapos kami ay hindi nya na ako pinabalik pa sa kwarto at dumeretso na kami sa labas.
xxx
Sheanicca's Point of View
I am now trying to comfort my brother. Pero masyadong matigas ang ulo ni Nicco, mas lalo lang syang naging maldito lalo na sa nangyari. Biglaan din kasi lahat ng pangyayari, parang kagabi ay welcome party ko tapos bigla nalang itong nangyari.
Papauwiin ko sana sya kagabi kasi hindi pa naman dumadating yung katawan pero hanggang sa dumating nalang ay hindi parin ito umuwi. Well thanks to Anton sya na yung sumama sa kapatid ko tsaka nga update nadin while ako ay umuwi na.
He never left Mr. Santos's funeral since yesterday night. Pati ako hindi ko alam kung ano yung mararamdaman. Well, since pagkabata I'm an independent person na hindi din ako naging masyadong ganon ka close kay Mr. Santos not unlike Nicco towards him kaya naiiintindihan kong sobrang masakit yon para sakanya.
Our dad is a business man, masyadong syang busy simula pa noon kaya sanay na kami. Mom? Umuuwi sya minsan, nabalitaan kong umuwi si mom simula nung may plan for proposal palang tungkol sa Hospital. They were both devoted to their job kaya iniintindi nalang namin yon.
Sobrang tahimik lang kaming nakaupo sa sofa habang si Anton naman ang katabi ko kasunod si Nicco na nakatulog na din sa pagod. Well ako kakarating ko lang umuwi ako kagabi kasi hindi ko na kinaya yung antok. Madaming media ang nanghingi ng interview since Nicco and I are well known dahil sa business at since part ng company si Mr. Santos ay doon nadin nakahanap ng paraan ang mga media para makiusyo sa nagaganap sa aming nagpapamilya. I don't know but if i were Glen, I'd asked them to have some respect.
Kakamatay lang ni Mr. Santos and even the body wasn't there exactly kagabi tapos dinagsa na agad kami ng media.
Tinapik ko ng mahina si Anton as i am excusing myself dahil sa biglang nag vibrate yung phone ko.
It was Andrea, my schoolmate in highschool where she represent herself to be the manager of the NICCO's twin-brand NICCA as the brand NICCO was for men and my brand, NICCA for women.
Nang makalayo layo doon ay nagsimula na akong magsalita.
"Oh hi Andrea!" I greeted her. It looks like nagmamadali sya. "Oh Hello shey. Well...."
"What? May problema ba?" I asked her.
"Shean. Don't be too surprise i think, i think this is her. But she's with a guy, they look so close and even the guy bought her your clothes." Okay so I'm waiting for the punchline.
"Who?" I asked her, mas lalo ko pang diniin yung phone ko.
"Calista, Shawn's long time girlfriend."