Closer To The One I Thought As A Stranger
Mag a-alas onse y medya na ng gabi at hindi parin ako makatulog. Bwesit kasi at hindi ako pinatulog ng mga nasaksihan ko kanina.
Hindi padin bumabalik si Lucas. Oo, nakapagdesisyon na akong di na magiinarte, nakakabagot na din sa Hospital lalo na't ang mga kasamahan ko ay nagpapagaling sa depresyon, baka mas lalo lang silang ma depress sa akin kapag palagi kaming magkakasabay sabay.
Gusto kong maramdaman yung may tahanan akong inuuwian at para din naman makapaglabas labas ako.
Tinignan ko ulit yung orasan nang mabagot ako sa kakalaro ng Candy Crush sa iPod. Past eleven twenty na, hindi parin ako inaantok.
Naglaro nalang ulit ako nung biglang may nag pop-up na text message sa itaas, mabilis ko itong binasa.
'Cloe nasa baba ako kakarating ko lang matapos naming ilipat yung katawan sa morgue. Sorry at natagalan ako, kaya mo naman sigurong bumaba. Hihintayin kita dito." Kumunot ng sandali yung noo ko nang mapagtantong si Lucas pala ito.
Mabilis akong tumayo saka nagsuot ng tsinelas sabay bitbit ng iPod. Pagkabukas ko sa pinto ay nakasalubong ko si Cara na pagod na pagod din ang mukha at mukhang kalahati nalang syang gising.
"Oh miss, saan ka na naman ba?" Tanong nito. Tinaasan ko siya ng kilay sabay ngiti sakanya.
"Uuwi." Bigla syang nagising. "Weh? Saan ka uuwi aber?" Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa baywang ko.
"Malamang sa bahay, bye bye!" Iwinawagayway ko yung dalawang palad ko sa harap nya saka ko na siya nilagpasan. "Alam ba to ni - Wag kang mag-alala, bahay ko na yung bahay nya." Halatang nagulat sya sa sinabi ko pero hindi nya na ako pinigilan.
Pagkababa ko ay hinarang pa ako ng tao sa information desk. Pero may tumawag naman sa akin sa labas.
"Bye!" Ewan ko ba kung bakit proud na proud ako ngayong may mauuwian na ako. Ginulungan ko ng mata si Lucas ng makalapit ako sakanya saka sya nilagpasan.
"Hindi yan yung sasakyan ko." Napahinto ako nung may bubuksan na sana akong kotse.
Tinuro nya yung kotse nya saka ako pinagbuksan. Pumasok na ako kasi gusto ko nang matulog sa isang bahay. Yung bahay talaga.
"Siguraduhin mo lang na bahay ang tutuluyan ko." Tumawa sya ng mahina bago pinaandar yung makina.
"Bakit nagdududa kang dadalhin kita sa rehabilitation?" Tanong nito habang pinatakbo na ng dahan dahan yung sasakyan. Kumunot yung noo ko habang nakatingin lang sa daan.
"Ano yung rehabilitation?" Sinubukan kong wag magmukhang tanga pero ayon tumawa ulit sya.
"Lugar kung saan inaalagaan ang mga may sakit sa utak." Tinignan ko agad sya ng masama. Ah right rehabilitation. Pero what?
"Mukha ba akong may sakit sa utak?" Protesta ko saka na ulit sumandal at dumungaw sa bintana.
"Baka may gusto kang bilhin." Sabi nya saka biglang pinahinaan yung takbo ng sasakyan nang makatapat kami sa mga - shops?
"Convenience stores, tsaka boutiques." Sabi nya na para bang nababasa nya yung utak ko. Pinahinto nya yung kotse saka ipinarada, basta paatras abante kami bago tuluyang huminto yung sasakyan.
Tinignan nya ako, tumaas yung kilay ko. "Ano?" Tanong ko. Ngumiti lang ito saka tinanggal yung Seat belt at saka bumaba.
Kinapkap ng mga daliri ko yung lock ng seat belt kaso hindi ko agad agarang natanggal. Nakita ko naman syang lumipat patungo sa pinto ko saka ito binuksan.
Pero saktong naitanggal ko sabay taas sakanya ng kilay "Alam ko no." Sabi ko. Napangiti lang ito, hinintay ko syang umalis sa harapan ko saka na ako sumunod sakanya papasok sa convenience store.
Napa 'woah' ako dahil sa dami ng pagkain kahit hindi naman lahat ay nakita ko na o natikman basta sigurado akong pagkain. Nakasunod lang ako sakanya habang sya naman panay ang tanong kung ano ang gusto ko at humila pa ng cart.
Papabilhin ba ako nito ng pagkain? Close ba kami?
"Wala akong pambayad nito doc." Sarkastiko kong sabi, hinawakan nya yung ulo ko saka ginulo yung buhok ko habang nakatuon naman ang tingin nito sa mga boxes na para bang may hinahanap. Inalis ko yung ulo ko sa kamay nya.
"Heto, cereal. Ngayon hanapin mo dun yung gatas." Tinuro nya yung cooler kung saan may nakalagay na mga drinks. Nilagay ko sa baywang ko yung isa kong kamay.
"Wala akong hilig sa mga milks doc. Ako na maghila nito ikaw na yung pumili nang sayo." Sabi ko, bumuntong hinga nalang sya saka kumuha ng gatas doon. "Hindi kaba kumakain ng cereals?" tanong nya bago ito nilagay sa cart.
"Nakatikim na siguro pero hindi ko talaga hilig ang uminom ng gatas or something na may gatas. Basta." Sagot ko. Nagkibit balikat siya. "Ah okay."
Matapos naming maglibot doon ay nagpunta kami sa counter, napapatingin ako sa mga chocolates, pero hindi naman ako nagca-crave non.
Binuhat nya lahat ng pinamili namin na ngayon ay nakalagay na sa isang malaking supot. Lalabas na sana kami ng bigla akong may nakitang icecreams.
Huminto sya nang mapansin akong nakatingin sa isang cube. "Tama nga pala, icecreams." Sabi niya na para bang ito ang nakalimutan niya.
"P-Pwede paba?" Nakaramdam ako ng hiya, wow naman ngayon pa ako nahiya. Pero icecreams kasi, sinabi ko na din sakanya.
Bumalik sya doon sa counter para bayaran yung kinuha ko.
Bumalik kami sa kotse, at saka kami lumisan doon, medyo nahihirapan ako sa pagbukas sa takip ng isang icecream cup. Kaya kahit na nagmamaneho sya ay kinuha nya sa kamay ko yung hawak ko saka ito binuksan.
"Pag tayo nabunggo talaga." Sabi ko, pero mabilis nya naman itong nabuksan saka ito binalik sa akin.
"Kasalanan mo kapag nangyari." Sisisihin pa ako. Tahimik lang ang mahinang pagbyahe dahil medyo madami ding sasakyan ang nakapila. Ano bang nangyayari.
"Traffic." Tinignan ko ulit sya. "Nakakabasa kaba talaga ng utak? Tsaka alam ko no."
"Hindi ako mindreader. Minsan masyado lang talagang halata." Sagot nya saka naman umusad kalaunan ang ika nga nya'y traffic.
Nasa kalagitnaan kami ng daan nung biglang may tumunog. Napansin kong may kinapkap sya sa bulsa nya kaya ko napagtantong cellphone nya pala.
"Hello? Oo, Oo pauwi na sana. Si Lolo? Okay, osige sige papunta na ako." Binaba nya yung tawag saka ipinaalam sa akin na may pupuntahan daw sya.
"Iuuwi na muna kita." Pinigilan ko agad sya.
"Sasama nalang ako." Sabi ko kaya hindi na sya umangal at pinatuloy yung takbo pero ngayon mas mabilis na.
Bumungad sa amin ang isang napakalaking gate, may nagbukas nito pagkatapos bumaba ni Lucas. Bumalik sya sa loob saka tinuloy yung pagpasok ng kotse sa loob.
"Dito ka muna ha, kakausapin lang ako ng media." Tumango tango nalang ako tsaka na sya lumabas. Kitang kita ko mula rito ang iilan sa mga nagiiyakan, may iilan ding media kung saan lahat ng mga cameras nila ay nakatutok sa umpok ng mga tao.
Bigla namang nawaglit ang tingin ko doon nang may kakarating lang na kotse ang pumarada sa tabi ng sinasakyan ko ngayon.
Napakunot ako ng noo habang sinusuri ko yung pamilyar na mukha na kakababa lang sa sasakyan. Right, the CEO.
Mula sa kulay itim nitong sasakyan, hanggang sa itim nitong polo, at itim na pantalon kasabay ng itim na shades ay nagmistula na syang grim reaper.
Siguro naghinagpis na sya kaya sya nagsuot ng shades, kasi kanina kitang kita kong gusto nya nang umiyak.
Hahakbang na sana sya nang makita ang nangyayari doon sa tapat ng mismong mansyon nang bigla itong umurong saka nalang sumandal sa kotse nya.
May kinuha sya sa bulsa nya saka ito sinindihan. Umuusok yung bibig nya kasabay ng pagbuga nya nang hininga.
Umiwas nalang ako ng tingin kasi nagmumukha pa akong tanga dito habang nakatitig sakanya.
Nakaharap sya sa sinasakyan ko, kaya lumipat ako ng tingin sa bandang kanan. Kinakain ko parin yung icecream na medyo nalulusaw na.
Tahimik kong tinapos yung kinakain ko nang bigla kong mapansin yung lalakeng nakasandal sa kotse nya na ngayo'y nakaupo na sa sahig habang pinupukpok yung ulo nya sa sinasandalan nyang kotse.
Hala baka nababaliw na sya.
Hindi ko maalis ang tingin sakanya lalo na nung mapansin kong umiiyak sya.
Mabilis akong umiwas ng tingin saka sumandal. Nag-iisip kasi ang utak ko nang nakakaloko, yun ay ang bumaba para lapitan sya. Umiling iling ako at baka masuntok pa ako nun lalo na't hindi naging maganda yung pagkikita namin noon sa Hospital kasi hindi ko sya binati ng maayos. Aba'y malay ko ba kung sino sya.
Hindi talaga ako tinitigilan ng utak ko kaya kusa nalang akong bumaba bigla sa kotse para dahan dahan syang lapitan.
Nakatulala lang sya habang ako itong tanga na nakatayo na ngayon sa harap nya.
Dahan dahang umangat yung tingin nya kahit pa nakasuot ito nang shades alam ko naman na nakatingin sya sa akin.
Hindi ko binago ang ekspresyon ko. Hinayaan ko lang syang tignan ako.
"So you came." Hindi ko naintindihan yung sinabi nya pero pinagpaliban ko nalang kasi alam kong namatayan sya. "Condolence." Ewan ko ba kung ba't ko naisipang sabihin yon.
Bigla syang tumayo saka nag-alis ng luha sa mukha. Tinignan nya ako ng panandalian, lumipat din yung tingin nya sa bitbit kong lalagyan ng icecream saka na umalis sa harapan ko. Great.
Pero namatayan siya e, i can't blame him.
Bumalik ako sa loob ng sasakyan. Sumagi ulit sa isip ko ang ginawa niyang pag-iyak. A man crying in pain... Ba't parang nasasaktan ako?
Para sa kanya...