CHAPTER 11

1667 Words
I Can See The Sadness And Felt The Pain Shawnicco's Point of View Kinunutan ko ng noo si Nicca habang papasok ako sa mansyon ni Lolo. Halos nandito na ang lahat at nagmistula pang reunion. "Welcome party mo lang para nang naging grand opening." Reklamo ko habang hilahila naman ako ng kapatid ko papunta sa dining kung nasaan naka pwesto ang lahat. "Wag kang gagawa ng g**o dito kundi bugbog aabutin mo sa akin." Pagbabanta pa nito saka ako hinawakan sa balikat para paupuin. Napakamot ako ng ulo sabay hilamos ng mukha, nakakainis! Madami pa akong ginagawa sa office nang bigla nya akong tinawagan. "Hindi ka man lang ba babati sa amin, ha Nicco?" Nagsalita si lolo na nasa may kabilang dulo ng mahabang mesa, tumingin lang ako sa gilid. "Salamat sa pag-imbita sa akin, talagang hindi nyo ako naistorbo." Sarcastiko kong sabi. Asan na ba kasi yung si Shean, gusto ko nang bumalik sa opisina. "How's the Hospital?" Yan lang naman din pala ang pagdidiskusyunan sana'y di nalang ito ginawang reunion. Tss.  "Maayos ang Hospital Lo, napalitan na yung dapat palitan." Sabi ko saka na magsimulang kumain.  Kasabay namin sa mahabang mesa ay ang tatlo kong pinsan tsaka may dalawa pang bakanteng upuan na hindi ko alam para nino.  "Bakit hindi kayo nagsasalita, mag-usap usap nga kayo. Matagal na simula nung huling magkasabay kayong kumakaing magpi-pinsan." Mahina ngunit magiitang sabi ni Lolo saka pinahiran ng tissue ang labi saka sumandal sa upuan at isa isa kaming pinagtitinginan.  "Sorry Lo." Rinig kong pagpapaumanhin ni Asher. Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa nagsalita na din si Clark tsaka si Ralph.  Hindi kami magkalapit na magpi-pinsan. Si Asher na sobrang bait, maayos naman sya sa akin pero ayoko ko ng mga palampa lampa masyado. Si Clark masyadong addict sa paglalaro at social media, mahilig ding mambabae pero wala ding nagtatagal sakanyang pagka-weirdo. Si Ralph, bakas na sa dugo namin ang magka-away, barumbado at napaka anti-social, hindi ko maipapaliwanag yung galit kapag nakikita ko sya lalo na ngayon, mainit ang dugo namin sa isa't isa. Lahat sila ay hindi ko pinagsasayangan ng oras.  Tinunga ko ang wine na nasa baso ko saka pinahiran ng tissue ang bibig ko.  "Tapos na akong kumain, gusto ko na pong umalis." Walang tono kong sabi kay Lolo. Tinignan lang ako nito, alam kong nagagalit si Lolo kapag nagiging bastos ako sa harap ng pamilya, pero masisisi ba nila ako?  Hindi na ako naghintay pa nang sagot at pahuling nakipagtitigan kay Ralph na kahit blangko ay alam mo namang nanghahamon. Tatayo na sana ako nang biglang may humawak ulit ng magkabilang braso ko para pigilan ako. "Bitiw." Utos ko kay Shean. "Uupo ka o sisipain kita?" Napagulong ako nang mata habang pinipigilan ko ang galit ko. "Shean, marami pa akong gagawin."  "Ipapagawa ko yon sa iba, wag kang aalis dito kung yan ang pinoproblema mo. Ngayon umayos ka." Napakamot ulit ako nang ulo habang nakapikit saka tumingin sa malayo.  "Sorry medyo natagalan ako doon sa mga kaibigan ko, so let's eat?" Tinawanan sya ni Clark. "Eh tapos na kaming kumain Ate." Nag pout si Shean saka na sumubo ng pagkain.  "Madaya kayo. Sige titigan niyo ako habang kumakain ha." Kumuha nalang ako ng cellphone dahil sa pagkabagot.  "Shean, Mr. Alfonso magandang gabi po." Tumunga ako para makasigurong si Anton ba talaga itong kakarating lang. Umismid nalang ako nang makita ko siya sa kinaroroonan ni Lolo upang mag-mano.  "Pare." Tinapik nya ako nang makalapit sya sa gilid ko habang katabi nya naman si Shean. Tss. "Clark?" Tukoy nito kay Clark.  "Oh, Anthony. Buti dumating ka." Pati si Shean ay nagpalipat lipat ng tingin dahil sa pagtataka kung bakit nila kilala ang isa't isa. "Gamers." Pagkasabi lang nun ni Anton kay Shean ay agad na naming naintindihan yon. Tss, ewan ko din kung bakit ko naging barkada itong si Anton, wala naman syang masyadong pagkaka-iba kay Clark. Tsk!  Hindi na ako nagtagal don dahil sa nagpumilit akong umalis ay pinabayaan nalang nila ako.  Habang nasa daan ay bigla namang tumawag ang sekretayra ko. "Uh." Sabi ko lang sa kabilang linya.  "Sir yung appointment nyo po kay Mr. Santos." Kumunot yung noo ko. Si Mr. Santos ay para ko nang ama, balak ko sana syang dalawin sa kanila pagkatapos ng mga kaylangan ko pa sanang i review sa office pero ruined by Shean's welcome party ang lahat. May sakit daw sya yon ang sabi ni Glen, yung anak nya. "Tapos?" Tanong ko sa kabilang linya.  "Sir nagpatawag po kasi sila ng doctor mula sa atin. Siguro mas mabuting isugod natin sya sa dating Effeso Hospital, sigurado po akong sa inyo makikinig ang pamilya nya."  "Pagsabihan mong ihanda si Mr. Santos, pupuntahan ko sila."  Hindi na ako naghintay pa ng sagot at mabilis kong pinaandar ang sasakyan, papunta sa lugar nila.  xxx "Cloe's" Point of View Gabi na at napansin ko sa bintana ang mga kumikinang sa langit. Mabilis akong naka-isip na lumabas at umakyat sa rooftop.  Binuksan ko ang pinto ng kwarto at palingon lingon ako sa paligid.  Buti at libre ang lahat ng pagkakataon dahil hindi ako nakita ng mga iilan sa mga volunteers sa hospital.  Tumunog ang elevator kasabay naman ng pagbukas ng pinto. Bigla akong natulala sa ganda ng langit, para akong nalulunod nalang bigla.  Nakatingala parin ako habang naglalakad papunta sa gitna pa ng rooftop, nang naramdaman ko naman ang malamig na ihip ng hangin na nagpalipad sa hibla ng buhok ko.  "May naaalala ka sa pamamagitan ng mga bituin?" Nagulat ako nang makarinig ng boses sa may bandang dulo ng rooftop habang nakapatong ang mga siko nito sa railings. Sinuri ko yung mukha nya nang mapagtantong si Lucas ang lalakeng nakatayo. "L-Lucas?" Tumawa sya ng mahina kaya ngayon nakakasiguro na akong si Lucas yon. Hindi kasi sya nakasuot ng robe kaya hindi ko agad napansin.  Humarap sya sa akin kaya ako naglakad papalapit sa kinatatayuan nya saka ulit tumunganga sa itaas.  "Diba sinabi ko nang mukhang may malaking parte sila sa akin kabilang na ang 'nightskies' ano bang nightskies mo?" Biro ko sakanya, hindi ko napansin na nakatingin pala sya sa akin kaya bigla akong umiwas. "Pero dapat bang may maalala ako sa tuwing nakakaramdam ako ng kakaiba mula don?"  "Depende, pero kapag meron, ibig sabihin non ay unti unti kanang gumagaling." Sabi nya saka ko lang din napansin na may hawak hawak pala syang supot kung saan may iilan pang natitirang yogurt, at parang nakaubos na sya ng dalawa. Sumipsip sya mula rito saka ako inalok ng isa, hindi naman ako tumanggi.  "Ano sa pakiramdam yung may naaalala ka sa mga nakaraan mo?" Tanong ko habang nakatingin parin sa itaas.  "Hmmm. Depende sa mga napagdaanan mo. Kapag nakaranas ka ng ikinasaya mo noon, masisiyahan ka nalang kapag naalala mo yon. Kapag nakaranas ka rin ng pagkabigo o pagkalungkot, lungkot din ang mararadaman mo. Pero may minsan ding masayang naganap noon ang magpapalungkot sayo ngayon." Kinunutan ko sya ng noo saka tinignan.  "Bakit naman?" Tumingin sya sa akin habang nagbubuntong hinga.  "Kasi naging isang ganap nalang 'yong ala-ala." Kumurap kurap ako saka umiwas na ulit ng tingin sakanya. Bakit ba kami naguusap ng ganitong bagay.  "Nakakalungkot." Bulong ko.  "Napag-isipan mo na bang tumuloy sa bahay?" Bigla ulit akong nagdadalawang - isip. Hindi naman sa wala akong tiwala kasi doctor ko naman sya, pero umaasa parin kasi ako na may maghahanap talaga sa akin na pamilya ko. Umiling iling nalang ako. Leche! Pinakaayoko talaga ang mag drama.  Bumuntong hinga ako saka na sana sasabihin ang naging desisyon nang biglang tumunog yung cellphone nya. "Ngayon? O sige sige pababa na ako." Magpapaalam pa sana sya pero pinababa ko na agad sya kasi halata namang nagmamadali sya at mukhang importante.  "Hintayin moko dito, okay?" Pahuling sabi nya nang tuluyan nang makasara ang pinto. Kumunot ang noo ko pero binalik ko nalang yung atensyon ko sa paligid. Ilang minuto na ang tinagal, bigla nalang natatakpan ng maiitim na ulap ang kaninang pinapanood kong magandang kalawakan. Medyo natagalan din si Lucas sa sinabi nyang hahantayin ko siya.  Bumaba na ako dahil nga mas lalo nang bumibigat yung maiitim na ulap at parang maya maya ay bubuhos na.  Pabalik na sana ko nang kwarto nang bigla kong makasagupa sina Cara, Ester at iba pang mga nurse.  "Naku! Kanina pa kita hinahanap miss saan ka ba galing? Osya alalayan mo nalang po ang sarili nyo pabalik doon sa kwarto, may importante po kaming pupuntahan sa ER. Okay ba yon Cloe?" Sabi ni Cara sa akin. Tumango tango ako hanggang sa makapasok sila sa loob ng Elevator.  Hindi ko alam bakit parang may tumulak sa akin na sumabay sa kanila kaya laking gulat nila nung sumabay ako saka ko pa pinindot yung close button.  "Miss, hindi po kayo pwede don." Hindi ko sila sinagot.  "Malalagot tayo kay Doc Lucas nito." Rinig kong bulong ni Ester.  "Hindi naman ako sasabay talaga sa inyo, manonood lang ako sa malayo bagot na bagot na ako sa kwarto ko." Napabuntong hinga nalang sila hanggang sa bumukas na yung pinto. "Jusko po, mukhang nag expired na si Mr. Santos." Sabi ni Ester pagkalabas palang sa elevator, habang napapahawak naman sa bibig si Cara nang mapansin namin ang karamihan sa mga nurse at doctor na nag-aabang sa pinto ng Emergency Room.  Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari nang biglang nahawi sa dalawa ang iilang hanay kasali sina Ester. Kita ko si Lucas na tumutulong din sa pag tulak ng stretcher kung saan may nakahigang tinatakpan na ng puting tela. Napakurap kurap ako dahil sa nakikita ko.  May umiiyak habang pilit naman na pinapakalma ng ibang mga tauhan sa hospital. Nagulat ako nung nakasunod sa pagdaan ng namatay ang isang pamilyar na mukha - yung bumisita sa Hospital. Hindi ko parin makalimutan ang mga matang sobrang lalim ng pinapahiwatig lalo na nung nagkalapit kami, parang may kakaiba. Pero ngayon ay iba. Wala syang ekspresyon habang nakapamulsa ito pero makikita mo sa mukha nyang gustong gusto nya nang umiyak at magwala.  Hindi ko alam kung ba't napapatitig ako sakanya habang papunta sya sa tapat ko. Nagtama ang tingin namin at doon ko pa mas lalong napanood ang paghihinagpis na para bang pilit nya pa ding tinatago.  Nakaramdam ako ng lungkot dahil don, hindi ko naalis ang tingin ko sakanya hanggang sa lumagpas na sya sa kinatatayuan ko.  Biglang may kung anong kirot sa dibdib akong naramdaman, dahilan para mapahawak ako dito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD