Legally Cloe
Hindi nawawala yung excitement na nararamdaman ko simula pa kanina. Sa bawat patak ng oras ay mas lalo lang lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
"O-okay ka lang ba dyan pare?" Tanong ko kay Shawn na nakaupo katabi ko dito sa waiting area ng Manila International Airport.
Nakasuot ito nang kulay pulang cap, tsaka itim na shades — para maitago din ang antok sa mga mata nya — itim na tshirt kasabay nang maong na jacket, itim na tattered jeans, tsaka puting sneakers. Kung titignan si Shawn ngayon para syang zombie, nakayuko lang siya at mukhang gulay na gulay na natutulog.
Lumingon nalang ulit ako sa harapan dahil sa pag-aakalang tulog siya, nang bigla siyang nagsalita.
"Sino bang kinakabahan sa ating dalawa?" Pelosopo nitong tanong, at alam kong may halo na din iyong pang-aasar sa akin. "Di ka type nun."
Sapol. "Grabe ka namang magsalita pare." Pabirong sabi ko habang nag-iinarte pang may masakit sa dibdib.
"Para aware ka." Wala na, nawalan na ako nang gana. Tinitigil ko yung pagbibiro ko saka na ako nag seryosong umupo ng maayos.
"Kaya mo naman palang umayos, oh ayan na si Shean." Bagot na bagot ang tono ng pananalita ni Shawn, hindi sana ako maniniwala nang tumayo ito tsaka iniwan ako.
"Bakit ganyan ang get up mo? Para ka paring nasa highschool." Bunganga ni Shean sa kapatid matapos itong yakapin. Hindi lang sumagot si Shawn saka ako tinignan na papalapit palang sa tapat nila.
"Welcome back Shean." Nakangiting sabi ko sabay wagayway nung maliit na banner na may nakalagay na "Welcome Home!"
"Buti pa tong si Anton nag abala sa pagdating ko, sus kung hindi lang kita kapatid aba'y sinipa na kita." Patuloy parin sya sa pagbunganga sa kapatid kaya napakamot nalang ng ulo si Shawn sabay tingin sa malayo. "Halika nga Anton." Bigla ulit akong kinabahan, nakataas yung dalawa niyang braso sabay amba ng yakap. Lumapit ako sakanya ng dahan dahan habang kabang kaba naman ako.
Nagulat ako nung may dumapong kamay sa bandang likuran ko kaya hindi ko napigilang mapasubsob kay Shean. Napalapit sya sa balikat ko habang ako naman ang nakahawak sa likuran nya para hindi kami matumba.
"S-Sorry Shey." Nilingon ko si Shawn na blangko lang ang mukha habang tinitignan kaming dalawa. "Tarantado!" I mouthed him.
"Okay lang Anton, sasabunutan ko mamaya yang kapatid ko. Tara na!" Sabi nya saka na naunang maglakad, tinignan ko ulit ng masama si Shawn pero ngumiti lang ito ng nakakaloko saka na sumunod sa amin. Tsk!
xxx
Cloe's Point of View
Nasanay na ako sa tuwing nagigising ako ng maaga dahil sa araw araw na pagtunog ng alarm. Sa ngayon ay inunahan ko na ang naka set na oras saka na ako lumabas para magpa-araw.
"Alright, kakausapin ko na agad ang pasyente ukol sa pagkakadischarge niya sa darating na mga araw. Sige, okay, salamat din." Yon nalang ang narinig ko nang ibaba na ni Lucas ang cellphone saka nilagay sa bulsa ng robe. Tumayo siya sa pagkaka-upo sa bench saka naglakad patungo sa direksyon ko. Napahinto sya sa gulat nang makita akong nakatayo malapit lang sa kinauupuan nya kanina.
"Kanina kapa bang nandyan?" Tanong niya agad sabay turo sa kinatatayuan ko. "Konti lang naman ang narinig ko tsaka hindi din ako mahilig sa tsismis." Sabi ko sakanya. Tumawa lang ito ng mahina, as usual naman.
"Tungkol kasi sa'yo yon." Medyo may nakikita akong mapait na ngiti mula sa mukha niya. Kinunutan ko lang sya ng noo. "Ha? Sa akin? Ano naman."
"Halika ka nga umupo tayo." Aya niya sa akin pabalik don sa kinauupuan nya. Sumunod nalang ako dahil tungkol din naman sa akin ang sasabihin nya.
"Uhm." Napapakamot sya sa kilay nya habang iniisip kung saan magsisimula. Hinintay ko lang sya.
"May umako nang kamag-anak mo." Diretsong sabi nya pero mukhang hindi naman sya masaya. Ako din parang hindi ko ramdam.
"Sino?" Tanong ko. Bumuntong hinga muna ito saka ulit nagsalita. "Isang Lucas Effeso." saka ito ngumiti ng malawak.
Mas lalong kumunot yung noo ko. "Kamag-anak ba kita?" Angal ko.
"Ayaw mo ba? Sige dito kalang sa Hospital, hindi pa naman umaabot nang syam na bwan. Ayos ka lang ata dito?" Ginulungan ko sya ng mata. Ang galing pang mambanta nito.
"Basta hindi pa ako pumapayag." Sabi ko saka tumayo at tinalikuran sya. "Take your time!" Napapabilis ako nang lakad sa sobrang inis. At nakuha nya pa talagang magbiro, akala ko pa naman totoong may pamilyang naghahanap sa akin. Ugh!
xxx
Sheanicca's point of view
We really made a way to keep Nicco from knowing what was going on. I know it's not right to keep this thing about Calista to my brother, pero hangga't hindi ko ito nagagawan pa ng paraan at sulosyon ay hindi ko muna ito sasabihin sakanya never! because this is a big surprise to him, and i really want to make this as a surprise. I'm both happy, excited and worried at the same time para kay Cali, at tsaka para din sa mararamdaman ng kapatid kong duwag.
"Do i still speak the right language Anton?" Tanong ko sakanya habang nasa driver's seat katabi ko.
"H-ha? Anong ibig mong sabihin." Tanong nito habang nakatingin sa daan. Binaba ko bahagya ang aking shades saka tumingin sakanya ng pasuri. Oh well, mukhang hindi nga nya alam kaya nagbuntong hinga ako.
"Ang sabi ko, tama paba ang pagsasalita ko nang english? Pakiramdam ko kasi sobrang na adopt ko yung Thai tsaka Japanese language." Tinawanan nya ako ng mahina kaya tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin naman ito saakin, nang makita ang ekspresyon ko ay mabilis itong umiwas ng tingin.
"Mas magaling ka ngang magtagalog eh." Inirapan ko nalang sya, i asked him my English, not my tagalog duh.
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Anton nang makarating na kami sa Agency. Pinagbuksan ako ni Anton ng pinto sabay alalay sa akin pababa. "Bakit ka pa kasi nag heels Shean." Tinawanan nya ako.
"Don't worry mas magaling pa akong maglakad kay Catriona." Inirapan ko sya, tumawa ulit ito ng mahina kaya pinabayaan ko nalang saka na pumasok sa loob.
May nag welcome naman na guard tapos may nagsitinginan sa amin. May papalapit na empleyado kaya ngumiti agad ako ng malawak sabay hawi ng buhok sa likod.
"Tsk." Nagulat ako nung binalik ni Anton yung buhok ko sa harapan. Pinanlakihan ko sya ng mata pero nakakunot ang noo nito, okay seryoso si Anton. Well nakasuot kasi ako ng tube tsaka kita yung kaunting parte ng tyan ko, buti na nga at hindi ito masyadong maiksi di kagaya sa mga mas bata ko pa kung makaget-up, wala atang sense of fashion itong batang to. Ginulungan ko nalang sya ng mata saka na ulit bumaling sa lalakeng nasa harap ko.
"Ano pong kaylangan nila maam, sir?" Tanong nya. Tinignan ko si Anton means na pinasa ko sakanya yung tanong. Kasi wala akong alam, basta nandito ako para i acknowledge ang sarili ko bilang kamag-anak ni Cali.
"Hinahanap namin si Sir Alvarado, yung may hawak ng Car accident case mula pa noong December." He said. Bigla namang nag excuse yung lalake saka kami pinasunod sakanya.
Umupo kami sa harap ng naturang imbesgador matapos ipakilala ang mga sarili namin, tumayo siya para hanapin ang sinasabi nyang files sa mga organizers. Nang mahanap ito ay nilipat nya ito sa mesa nya saka ito tinignan.
"DSWD ang namamahala sa authorization, at ayon sa bagong ipinadalang file sa akin which is confidential ay may nagsaad nang legal guardian ng pasyente." Napataas ng bongga ang isa kong kilay habang si Anton naman ay kunot noong tumingin sa akin.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"But i am that person. I'm afraid you made a mistake Sir. I've known Calista Madrigal for a long time being, at kung sino man yan nagtataka ako because Cali only have his father which is hindi nya close." Tumaas ang kilay ni Mr. Alvarado. Kinabahan tuloy ako kaya tinignan ko si Anton.
"But her name is Cloe Effeso, I'm also afraid that you made a mistake Miss Alfonso." Napanganga ako ng bongga saka ko tinaasan ng kilay si Anton. Humanda to sa'ken ngayon.
"Effeso?" Biglang napatanong si Anton. Tumango si Mr. Alvarado, kinunutan ko sya ng noo pero umiling iling lang ito.
"If that's what it is then we will see our selves out. Thank you Mr. Alvarado, for your time." Nginitian ko si Mr. Alvarado dahil sa hiya. Tinignan ko ng masama si Anton saka na kami lumisan sa opisina.