Hopeless Thoughts
Anthony's point of view
Anthony Vista's Residence.
Pabalik balik ako sa sulok ng gaming room. Napapahilamos din ako ng mukha habang hawak hawak naman ng isa ko pang kamay ang cellphone ko.
"Damn Sheanicca." Kasa ko nalang nung wala ulit ang sumagot sa tawag. Binaba ko nalang yung phone ko saka na bumalik sa pagkakaupo.
Nakakunot ang noo ko habang umuulit na naman yung mga kinuwento ni Shawn sa akin nung nalasing kami sa bar, tas nagkadugtong dugtong na sa mga nalaman ko kanina.
That was f*****g hilarious! Shawn hated the girl he thought of leaving him intentionally but the truth is that she was into an accident and got an amnesia.
Napapahawak ako sa baba ko. Iniisip ko talagang mas mabuting dumaan muna ang balita kay Shean bago kay Shawn, i can't really imagine what would Shawn is capable of doing.
Nakatitig lang ako sa monitor ng computer habang naghihintay ng response mula kay Shean. Nang mapag-isip kong i search ang patungkol sa aksidente.
Pero kaylangan ko din munang malaman kung saang lugar exactly naganap ang aksidente, hindi ko din pwedeng basta basta nalang kontakin ang mga imbestigador kasi hindi naman ako ang may karapatan talaga sakanya. Gusto kong sabihan si Shawn, pero mas mapapalagay ang loob ko kapag si Shean ang unang makakalam nito. Si Sheanicca Alfonso, nakatatandang kapatid ni Shawn na nasa Thailand sa ngayon.
Hinanap ko nalang sa mga lumabas mula sa isin-search ko nang biglang tumunog ang aking cellphone.
Napaigtad ako saka dali daling tinignan kung sino ang tumatawag. Laking tuwa ko nang makita ang pangalan ni Shean sa screen.
"S-Shean." What the f**k Anthony, why are you stuttering?!
"What is it Anton? Is there something wrong?" Sunod sunod nitong tanong sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung paano to sabihin sakanya, but i cleared my throat tsaka ko sinumulang magsalita.
"Uhm, this is all about Nicco's girlfriend, ex-girlfriend rather."
"Calista? Anong balita? I haven't heard anything from her kasi hindi na din sya nababanggit ni Nicco sa akin. So now what's up?"
"I know where she is. May balita ako tungkol sakanya, and you know what? Nagkita na sila ni Nicco last day at hindi ko masasabing natuwa siya sa nangyari." Salaysay ko.
"Oh my God, seriously?! So what's the point exactly Anton."
"Naaksidente sya, dalawang bwan na ang nakalipas. She was in a hospital, suffering from amnesia kaya naging reasonable sa akin ngayon ang pagkawala nya. Shean i think you're the one who can help them." Pagkasabi ko nun kinabahan ako bigla kasi wala nang nagsasalita sa kabilang linya. "Shean? Shey? Shean naman." I called her.
"Oh sorry, hindi lang ako makapaniwala. PERO WHY THE f**k IS THAT? BAKIT NGAYON MO LANG SINABI? How's the medication? Is she alright?" Nilayo ko sa tenga ko ang telepono bago pa masira ang eardrums ko.
Nang makaramdam ng pagkakalma ay binalik ko ulit yung telepono.
"Ngayon ko lang din nalaman. I went to the Hospital kasi nabanggit ni Carmela sa akin na tinanong raw sya ng mga nagiimbestiga sa naturang aksidente patungkol kay Cali, kaya binisita ko ang hospital without letting Nicco know. And yes she's doing well yon ang sabi ng doctor nya." Kwento ko.
"Aight. Don't worry uuwi na din naman ako by the next day pero dahil nga sa ibinalita mo I'll catch up a flight tomorrow morning. I-update mo 'ko and you did right for not telling my dumb brother. See you soon Anton!" Napangiti naman ako sa sinabi nya without even me realizing.
Napatikhim nalang ako saka inayos ang emosyon kong hindi ko maipaliwanag.
"O-Okay, thanks Shean. Ingat ka bukas, see you!' Wala na akong narinig na sagot sa halip ay pinutol na nito ang tawag.
Thanks to those two, makikita ko na ulit si Shean ng harap harapan.
Lumabas ako mula sa gaming room para lumipat na sa kwarto ko nung bigla ulit na tumunog ang telepono ko, mabilis ko itong tinignan sa pag-aakalang tumawag ulit si Shean kaso ang kapatid nito ang nasa screen. Hays.
"Hey br — Come to my house." Tinawanan ko sya ng mahina sa kabilang linya. May balak pa sana akong magsalita nang marinig ko ang tunog ng pagputol nya sa tawag.
Napabuntong hinga nalang ako saka humagip ng coat sa closet saka na umalis.
Pagkarating ko sa loob ay bumungad agad sa akin ang bago na namang caretaker sa bahay nya. Ngumiti nalang ako kasi hindi ko ito kilala, nasa mga edad ko lang din, yumuko sya ng bahagya saka nilagpasan ako.
Bakit ba palit ng palit ng caretaker itong si Shawn? Geez.
Dumiretso ako sa veranda niya sa may likod na porsyon nang napaka moderno nyang bahay.
Nakita ko agad syang nakaupo sa furniture designed sofa na nakaharap sa malawak nyang pool habang ang ilaw parin ng era ay kulay lila. As usual. May mini bar display din sa bandang likuran ng kanyang kinauupuan, kung saan samo't sari din ang inumin. Minsan nga nagtataka ako kung ba't pa sya sumusugod sa bar.
"Ano na namang problema mo pare?" Panimula ko nang makalapit sakanya, nilingon nya lang ako saglit saka ulit nilipat ang tingin sa harapan nya. Yung isang kaliwang braso nya ay nakapatong sa seat ng sofa.
Umupo ako sa bandang kaliwa nya, habang may tatlong bote na nang vodka at tsaka soju ang wala nang mga laman.
"Tsk, anong nangyari." Hindi parin sya nagsasalita at panay lang ang tunga nito ng inumin. "Tungkol na naman kay Cali, dude bakit ganyan ka kagalit sakanya? Alam ko kung ba't kayo naghiwalay, wala ng gana, wala nang oras, pare sobrang babaw pero nirespeto namin yon kasi desisyon nyo yon, pero ganyan ba talaga kahalaga ang galit bro?" Sermon na kung sermon, kasi dadating din naman sa punto na malalaman na nitong si Shawn ang totoo.
"Sobrang babaw nga ng lahat ng dahilan, pero bakit nya ako iniwan? Bakit mas pinili nyang tapusin yung bagay na pwede namang ayusin? Bakit mas ginusto nyang lumayo at mawala, tapos guluhin ng ganito ang isip ko, kung bakit ganon nalang basta bastang mawala ang lahat ng mga nakasanayan kong nakikita sa mga mata nya noon?" Tinignan nya ako. Kitang kita ko sa mga mata nyang nasasaktan parin sya, umiwas ako ng tingin kasi hindi pa ito ang tamang oras para malaman nya ang buong katotohanan.
"Pare unang pagkikita. Unang pagkikita nyo palang yon kaya — I saw her today, i was so f*****g confused kasi akala ko nung una doon sya nagta-trabaho sa hospital dahil sa suot nyang robe, but today was different, she was wearing clothes as a patient at hindi ko din mahanap ang dahilan kung bakit. I can't ask nor show my care if she got sick, she got hurt but yeah she got hurt indeed because she was crying over a man pleading me to help her, kitang kita ko sa mga mata nyang nasasaktan sya, i was hoping, f*****g hoping that she was crying because she felt sorry for failing to recognize me for the first time in a while that we met, pero tangina ng mga matang yon kung saan hindi ko na nakikita ang sarili ko di kagaya noon." Binalik ko ang tingin sakanya and this time i saw tears falling down from his eyes. Lumagok ulit sya ng inumin saka kinusot ang mata.
"Tsaka alam mo yung nakakatawa?" Umiling iling sya habang tumatawa ng mahina. "She called me 'kuya'. Does that even make sense?" Pinabayaan ko muna siyang ilabas lahat ng sama ng loob.
So he saw her today, but he didn't get the right idea why, because of a man? Could it be that Doctor? Lucas? Umiling iling nalang ako.
"May itatanong ako pare." Hindi sya tumingin sa akin pero alam ko namang nakikinig sya, kaya humugot muna ako ng hininga.
"Are you willing to accept her once you'd find a solid reason why?" Umiling iling sya.
"Impossible." Sagot nya, hindi na din ako nagtaka kasi mukhang nawalan na sya ng pag-asa.
"Shean's coming home tomorrow. She'll be the one making it possible."