Trick Of Hope
Lucas's point of view
"You can stay in my place." Pang-ilang ulit ko nang suhestyon sakanya para gumaan na yung pakiramdam nya.
Napatingin nalang ako kay Cara tsaka kay Ester. Mukhang masama talaga ang loob nya dahil sa kanina, which is part of the improvement. She's starting to wonder who in the world could be those person.
"Cloe, maghintay lang tayo. Sa ngayon kaylangan mo munang manatili dito sa Hospital kung ayaw mong tumuloy sa bahay." Sabi ko nalang. Nakahiga lang ito sa kama nya saka kinumutanan ang buong nyang katawan matapos ko syang makumbinsing bumalik dito sa loob kanina.
May plano pa sana syang sumakay doon sa sasakyan ng — What a bad coincidence nga naman — mainit din ang ulo ni Shawn, hindi ko pa sigurado kung anong nangyari sakanila sa nakaraan. Pero sigurado akong meron.
"Miss Cloe sorry po ah." Pagpapaumanhin ni Ester. Sinenyasan ko sila na umalis na, para makapagpahinga na din si Cloe.
Tatayo na sana ako nung bigla nalang syang gumalaw. Nilingon ko agad sya, nakabangon pero malungkot parin.
"Sorry din sa drama, okay ako dito." Sabi nya habang hindi tumitingin sa akin. Ngumiti nalang ako sakanya saka na sya iniwang mag-isa don.
Naglakad ako papunta sa quarter ko. Wala na masyado akong inaasikaso lalo na't nakaalis na ang dalawa pang may kagaya nung kay Cloe, — sina Ola at Nora'y naka-alis na.
Pagkababa ko ay binungad ako bigla nung nasa information desk.
"Buti at nakita agad kita Doc, may naghahanap kasi kay Calista Madrigal daw po yung pangalan na nasa unit nyo po, he's declaring himself a guardian." Napakunot ang noo ko nung pagkasabi palang sa akin nun ni Prim.
"Osige, nasan ba sya ngayon?"
"Nasa lobby po." Tinapik ko nalang sya sa balikat saka na ako pumunta sa lobby.
Nag-isip isip naman ako kung sino ang taong to. Nang makalapit ako ayon sa sinabi ni Prim ay pasimple akong nagmasasid masid.
Inaasahan kong nasa mga kwarenta na yung edad nang bisita nang makita ko ang lalakeng nasa mga edad ko lang ang nakataas ang kamay habang nakasandal lang sa couch.
Nilapitan ko sya, ngumiti sya ng malawak sa akin saka naglahad ng kamay.
"I'm Anthony Vista, pleasure to meet you Dr.... Ah, Dr. Lucas Effeso? Tama ba?" Napatingin sya sa may bandang kaliwa ng dibdib ko kung saan nakalagay yung pangalan ko. Tumango lang ako saka ngumiti.
Matapos kaming magbitiw sa pagkakalamano ay umayos ako ng upo saka hinintay syang sabihin ang punto nya.
Habang naghahantay pa kami kung sino ang unang magsasalita ay pinagpaliban ko muna ang sarili para kumuha ng maiinom. May vending machine malapit lang din sa lobby kaya kumuha ako ng canned coffee saka ulit bumalik sa pagkaka-upo.
"Thanks, doc." Sabi nya saka nya inabot mula sa akin ang canned coffee saka ito binuksan. Gayon din ang ginawa ko. Matapos humigop ay nagsalita na ako.
"Anong ugnayan nyo sa pasyente Mr. Vista?" Ako na ang unang nagtanong kasi mukhang hindi nya din alam kung pano simulan.
"Ahm to be honest hindi ako yung may ugnayan sakanya, pero gusto kong itago muna ang mga pangalan nila kasi hindi ako nakahingi ng permiso na ipagsabi sabi kahit nino ang relasyon nila sa pasyente. By the way kumusta pala siya?" Kumurap kurap lang ako habang nakikinig.
"Ayos naman ang pasyente, mas mapapadali din ang pagpapagaling kapag nandito sya, pero kapag nai-ayos nyo na ang custody maari rin kayong magdesisyon na kunin ang pasyente." Tumango tango lang sya saka sumipsip mula sa inumin nya.
"Gusto ko na sanang asikasuhin ang custody, yon ay kung yon ang makabubuti, kaylangang dapat okay na sya bago namin sya tuluyang kuhanin." Tumango tango lang din ako.
"Ganito muna ang gagawin nyo, kaylangan nyong makipag-ugnayan sa may hawak ng kaso ng pasyente, ilahad nyo kung ano ang relasyon nyo sakanya, at kaylangan nyo ding ilahad sakanila kung sino sino ang mga may ugnayan sakanya, wag kang mag-alala hindi makakarating sa akin ang balita o sa kung sino man, yun ay personal na impormasyon ng pasyente at may batas para don kaya walang basta bastang makakalabag." Kita kong naiintindihan nya din naman ang sinasabi ko.
"Ngayon iiwan ko sa'yo ang numero ng mga imbestigador, kayo na ang bahalang mag-usap ukol dyan. Kung gusto mong dalawin yung pasyente, bukas ang Hospital para don." Dugtong ko saka na tumayo.
"Iiwan ko din itong card ko sayo baka sakaling magka problema sa pasyente. Salamat ulit doc, babalik nalang ako kapag naayos ko na tsaka hindi na ako aabala pa sa pahinga ng pasyente aalis na din naman ako." Sabi nya saka na din tumayo habang inaayos ang polo nito. Tatalikod na sana ako nang bigla ulit syang nagsalita.
"Last. May itatanong lang sana ako." Lumingon ako ulit. "Ano yon?"
"Bakit napunta sa Hospital si Calista Madrigal, anong dahilan at anong sakit meron sya ngayon at kaylangan pang kwestyunin kung sino sino ang mga kamag-anak o kakilala nya?" Nagulat ako sa tanong nya, pero hindi ko iyon pinakita. And the name, Calista Madrigal i knew it.
Ngumiti ako sa palaisipang umiikot sa utak ko. Hindi kaya't may kaugnayan to sa batang CEO?
Hindi ko na napansin na nakakunot din pala ang noo ko.
"Akala ko alam mo na ang dahilan ng pagpunta mo rito?" Nakakapagtaka din, hindi naman dumating ang balita kay Shawn dahil mismong ako ang unang nakakaalam na may ugnayan sila pero mukhang wala namang nais o tuwiran si Shawn na ipaubaya sakanya si Cloe kaya minabuti kong tumahimik tungkol don.
Kaya nakakapagtaka kung bakit hindi alam nitong si Anthony ang mga dahilan kung ito nga ang kinuwestyon talaga ng mga imbestigador.
"Aight sorry Doc, sa tingin ko rin ay hindi ko dapat sa iyo tinanong yon. Alis na ako." Sabi nya saka tumalikod. Hahayaan ko na sana syang tumalikod pero may nagtulak sa akin para sagutin ang mga tinanong nya.
"Anterograde amnesia caused by a car accident. Two months palang out of six to nine predicted months for recovery. Nakipag-cooperate kami sa mga may hawak ng kaso ukol sa disgrasya, we took care of the patient for two months of being comatose, at yon parin ang patuloy naming ginagawa hanggang ngayong nagising sya, ang mairecover ang memorya nya. Sana nasagot ko ang iyong mga tanong." Isinalaysay ko iyon habang nakatingin sa magiging reaksyon nya. Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang narinig. Pero bahagya naman syang nagpalit agad ng emosyon, saka na nagpaalam.
Dumiretso ako sa quarter office ko saka napag-isipang buksan ang aking laptop.
Out of nowhere. Bigla ko nalang hinanap ang pangalan ni Mr. Anthony Vista sa google, nang makita kong isa siya sa mga matalik na kaibigan ng batang CEO na si Shawnicco Alfonso.