Badly Closer To You
"Cloe's" Point of View
Nagising ako sa lakas ng alarm. Wala ako sa mood na bumangon saka ko kinuha yung iPod na nasa side table.
"Wake up Cloe!"
Mabilis kong pinindot yung 'stop' saka ulit bumalik sa pagkakahiga. Ugh! Ruined na tuloy yung tulog ko.
"Miss? Miss, goodmorning gising na po." Kahit inaantok pa ako'y wala na din akong magawa kaya bahagya na akong gumalaw saka bumangon.
"Bakit kaylangang maaga?" Tanong ko habang humihikab. Ngumiti lang sya sa akin.
"My task po kayo diba?" Pagkasabi nya non ay tumunog ulit yung alarm. Napagulong yung mata ko sabay kuha ulit sa naturang iPod.
"Task 1: Take a walk with nurse Cara through the Hospital's garden."
Pinindot ko ulit yung stop button saka sapilitang tumayo. "Anong gagawin sa labas?" Tanong ko sakanya nang palabas na ito ng pinto.
"Sumabay ka lang sa akin." Sabi nya, hindi na ako pumalag at sumunod sakanya hanggang sa baba.
Ohhh. So lalabas pala? Sana sinabi nila agad.
Sobrang ganda ng sikat ng araw, hindi gaanong mainit, tsaka sobrang lawak ng bushes may mga iilan ding bench sa bawat gilid ng pathway.
Nakasunod lang ako kay Nurse Cara, hanggang sa may nakita akong mga nasa anim na pasyente ang nakahelera habang may kaunting galaw na ginagawa.
"Sasali ba ako dyan?" Tanong ko sakanya. Tumango lang sya saka ngumiti saka bahagyang hinawakan ako sa braso para mapabilis yung paglalakad ko. "Ano yan?" Tanong ko ulit. Nasa isip kong nage-exercise sila pero at the same time it was not the exercise i know.
"Exercise. Yan yung exercise na nakalagay sa task mo, halika." Hinila nya pa ako sa harapan nila kaya napatigil sila.
"Oh, nandito na pala yung malditang pasyente. Hi miss!" Tch. Nginitian ko lang ng s*******n yung matabang nurse. Hindi naman sya galit sa akin, sarcastic lang. Hindi din kami close, tsaka ayoko din.
Tinignan ko nang isa isa yung anim. May iilang nakangiti, may iilan ding hindi.
"Sorry sa istorbo Ester ha, pero simula ngayon kasali na sa routine nyo itong si Miss Cloe. Sana magkasundo kayong lahat. Ngayon iiwan ko muna sya sa inyo kasi madami pa akong aasikasuhin sa loob. Ester, ikaw na ang bahala ha, wag kang papatol." Pabulong yung huling sinabi ni Cara pero narinig ko naman.
Inirapan ko lang sila saka ako pumwesto.
"Dito ka muna sa harap Miss ha para makita mo nang maayos yung ginagawa namin." s*******n akong tumango.
Nakailang ulit na kami. Pabalik balik. Kamay sa itaas, winawagayway, kamay sa ere ng limang segundo, sa harap, sa gilid, sa likod. Sa paa naman paikot ikot, kaunting jog, hanggang sa napagod na yung instructor naming mataba.
"Tapos na ba?" Tanong ko sakanya na hinihingal. Nakakapit yung dalawa nyang kamay sa tuhod nya samantalang yung ibang pasyente ay hindi pa natapos sa rounds na ibinigay sakanya.
Hinihingal din ako pero hindi naman ganon kagaya ng sakanya. Lumipat yung kapit nya sa balikat ko sabay tango.
"Oh-Ohkey lang.... Maupo na kaya muna tayo." Sabi nito, hingal na hingal parin sya kaya inalalayan ko na. Nang kumalma kalma na sya ay inabutan nya ako ng tubig.
Nagsidatingan na din sa bench na kinauupuan namin ang iba ko pang mga kasama.
"Ang bilis mong tumakbo Cloe ha." Sabi nung hindi ko kilalang babae.
"Oo nga, parang di naman sya napagod." Sabi din nung isang hindi ko kilala. Ngumiti lang ako.
Teka, ba't ako ngumiti?
"Progressive." Napalingon kaming lahat nang marinig ang pamilyar na boses. Si Lucas. "Ha?" Tukoy ko sa sarili ko. Tumango tango lang ito.
"Tumatanggap ka na ng compliment." Kumumot ulit yung noo ko.
"Compliment?" Yun lang yung sinabi ko tapos bigla ko namang na gets well oo that's a compliment.
Tumango lang sya saka ibinaling ang pansin sa iba ko pang mga kasama.
"Kayo ba, feel improved?" May iilan ang natuwa may iilan ang hindi. "Basta, healing takes time. Wag masyadong madaliin." Sabi nya.
"Doc, anong balita sa custody ng iba." Napahawak si Lucas sa kanyang noo.
"Nako pasensya at nakalimutan kong ipaalam. Osige makinig ang lahat, may mga naghanap sa mga pamilya nyo, kung sino ang nakakakilala at kung saan na kayo tutuloy ngayong lumabas na ang mga pangalan nila. Si Ola at Nora ay matagal nang discharge at sila yung may kagaya sa kaso mo Cloe." Binaling nila ang atensyon sa akin. Tumango nalang ako.
"Nai-contact ko na sila kahapon at desisyon nilang sa mga tahanan nyo na itutuloy ang pagpapagaling. Samantalang kayong apat, hindi nyo pa discharge ngayon kasi nagpapagaling palang kayo mula sa inyung depression at anxiety, minabuti din ng mga magulang nyo na i extend ang stay nyo dito sa Hospital." Kita ko ang biglang pagkatuwa sa mga mukha nina Ola at Nora. Mapait lang akong ngumiti.
Sa akin kaya, may maga-acknowledge din kayang pamilya ko?
Umiling iling nalang ako. Umirap ako sakanilang lahat dahil bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot.
"Paano si Cloe Doc? May umako bang pamilya sakanya?" Biglang natahimik ang lahat nung pagkatanong palang ni Ester non. "Ay sorry doc."
Hindi ko alam bakit bigla akong nalungkot kaya nag walk out ako sa harap nilang lahat.
xxx
Shawnicco's point of view
Kahit tinatamad akong lumabas ng bahay ay s*******n naman akong napasunod dahil nga sa mga linte kong schedules.
Pagkatapos kong bihisan ang sarili ay umalis na ako sa bahay. Wala ako sa mood na magmaneho kaya si Danilo na ang nagmaneho para sa akin.
Nakadungaw lang ako sa labas ng bintana na nasa likod na parte ng sasakyan.
"Sir hindi ba kayo dadaan muna sa Hospital?" Umiling iling lang ako. Paliko kami sa kanto ng Effeso na malapit na din sa harapan ng mismong Hospital nang biglaang pumreno si Danilo.
Magrereklamo na sana ako nung makita kong may isang nakabihis pasyente ang hinahawakan o sa madaling salita ay niligtas ng isang nakabihis doctor.
Medyo natagalan sa pag-start ng makina si Danilo kaya umiling iling nalang ako saka na sana ulit mag-iba ng tingin nang bigla kong namukhaan ang babae.
"Sir, hindi ba't si maam Cali yan?" I clenched my teeth. Kilala din ni Danilo ang mukhang yan, kaya kung pwede lang ay umalis na kami nang bigla nalang syang lumapit sa sasakyan ko at nagkakakatok.
"Umalis na tayo." Utos ko pero mukhang ayaw pang paandarin ni Danilo kaya bumaba ako sa sasakyan at aktong iikot na sana para lumipat sa driver's seat nang may humawak sa braso ko.
"Kuya pasakay." Mahinang pagkakasabi ng isang napakapamilyar na boses na sobrang lakas naman para sa akin upang matamaan ako. Kuya?
Mabilis akong napatingin sa kamay nyang nakahawak sa tela ng polo ko. Susungitan ko sana sya dahil sobra akong nainsulto sa pagtawag nya sa akin, nang biglang magtama ang tingin namin.
Kitang kita ko sa mga mata nya na nagmamaka-awa sya. Nakabihis pasyente sya habang maluha luha pa yung mga mata nya, halatang galing sya sa pag-iyak. Nakaramdam ako ng kakaiba.
Napakuyom ako ng kamao, naninigas ako sa kinatatayuan ko. Wala akong maisip na tamang gawin.
"Cloe...." Nang makita kong si Lucas pala ang nakasunod sakanyang Doctor kanina ay mas lalo akong nainis kaya mabilis kong hinablot ang braso ko saka na bumalik sa loob ng sasakyan.