CHAPTER 6

1137 Words
Bringing Back Agonies Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo. Kusot kusot ko ang mga mata ko nang mapagtantong nasa tamang lugar ako, mabilis kong iniwas ang mukha mula sa tirik ng araw na tumatama sa balat ng mukha ko. Umumat unat ako bago ako tuluyang tumayo. Tinignan ko yung oras, halos mag aalas dyes na nang umaga. Hinablot ko yung cellphone ko na nasa katabing mesa lang ng kama. Nagulat ako dahil sa dami nang missed calls na nagmula pa sa sekretarya ko. Hindi lang tawag, nag-iwan pa sya ng maraming text messages. Binasa ko yung huli nyang isinend sa akin. "Sana'y magising na po kayo, kanina pa naghihintay ang Lolo nyo dito sa opisina, nababagot na sya at medyo umiimit na rin ang ulo nya. Hinahanapan nya ako ng documentations patungkol sa pagdalaw mo kahapon sa Hospital at wala po akong maipapakita. Sana mabasa nyo po ito agad." "Shit." Napakasa nalang ako sabay hilot ng batok ko. Kahit masakit ang ulo ay pinilit kong maligo. Nagbihis lang ako ng simpleng trackpants, puting inner shirt saka ko sinuotan ng itim na hoodies, kasabay pa ng itim na cap bago ko isinuot ang hood, puting sneaker at kumuha pa ako ng shade saka sinuot.  Tamang tama at umuulan, pagkalabas ko palang ng bahay ay bumungad na ang driver ko pero mabilis ko agad syang binigyan ng sign na 'ako na' ang nag mamaneho. Wala naman syang nagawa, Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan kahit pa sa kasagsagan ng ulan. Ba't ba kasi ako nalasing kagabi. Pagkapasok ko palang ng building, wala agad ang nakakilala sa akin sa halip ay takang taka sila at puro sa akin nakatuon ang pansin nila sa kakaisip kung sino ako. Tss. Ngayon lang ako hindi nagsuot ng pormal na suot. Naisip ko lang na hindi bagay sa isang mukha kong ito ngayon ang maging CEO sa araw na to, hindi pa ako totally sobered. Umiling iling nalang ako sabay pamulsang nagpatuloy sa paglalakad. "Si Sir. Shawn bayon?" "Jusmiyo, bakit nya ba tayo inaakit." Hilot hilot ko ang batok ko nang makita ko si Lolo, ngayon ko lang ulit syang nakikitang galit.  "Wala kabang ipapakita sa akin ngayon?" Deretsong tanong nya. Tinignan ko si Zarah na nakayuko at bahagya namang napalingon sa akin. Sinignalan ko agad sya na umalis kaya mabilis naman syang kumilos. "Hindi kita pinapaalis Zarah." Nagpagulong ako ng tingin, habang si Zarah naman ay dali daling bumalik sa pwesto nya.  "Lo, may naging problema kahapon pero tapos na yon pwede ko namang ulitin ngayon, o bukas." Paliwanag ko.  "Sabihin mo sa akin kung ano ang naging problema." Bahagya akong napakamot sa kilay sabay tanggal ng shades na nakalagay sa mga mata ko.  "Lo, as you can see wala po ako sa mood na magpaliwanag, nalasing ako kagabi wala pa akong matinong pahinga at hindi— Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" Napahilamos ako sa ibabang parte ng mukha ko.  "Lo— Zarah anong nangyari kahapon." Binaling ko agad ang tingin kay Zarah saka ko siya pinandilatan ng mata. "Ahm Mr. Alfonso ano kasi ahm, may isang impleyado kahapon parang medyo nasira nya yung mood ni Sir Shawn kaya napag-isipan naming umalis nalang muna bago makagawa pa nang kumosyon." Kumurap kurap naman ako habang hinahantay ang reaksyon ni Lolo.  "At pano?"  "Lo, nainis lang ako kasi hindi ganon kaayos ang preparasyon nila sa pagrating ko." Tinignan ko si Lolo ng deretso pero bigla lang itong nagpakawala ng ngiti.  "Nabalitaan ko mula kay Carmela na tinanong sya ng mga imbestigador ukol sa pagkakakilanlan ni Calista Madrigal." Kumunot yung noo ko. Naalala ko na naman yung pagkikita namin kahapon.  I clenched my teeth, saka ako umiwas ng tingin kay Lolo.  "At sigurado akong alam mo kung nasaan sya." Tinignan ko ulit si Lolo at this time umiinit na naman yung ulo ko. "Oo na, nagkita kami kahapon. Hindi maganda ang pagkikita naming muli kaya minabuti kong umalis agad doon, ano pang gusto nyong malaman?" May halong pagkapikon na sabi ko. Tinawanan ako ni Lolo ng mahina.  "Ikaw apo. Ikaw ang tatanungin ko. Wala ka pa bang ibang gustong malaman?" I'm pissed. Parang gusto ko nang umalis.  "Lo, please lang ayo— Hindi empleyado si Cali doon apo. Isa syang pasyente pero hindi natin alam kung bakit. Hindi mo ba kakamustahin? "  xxx Lucas's Point of view Kahit nahihirapan akong kumbinsihin si Cloe na gawin ang mga pinapagawa ko ay hinay hinay din naman nya itong sinusunod, napipilitan nga lang. I handed her my iPod. Lahat ng nakalagay don ay ang task nya sa araw araw, mga gawain nya na pwede nyang gawing mag-isa to learn new things. "Wag na wag mong isi-silent ang device na ito, kahit anong oras magmula ngayon, ay nakaset na lahat ng alarms mo dyan, kung anong oras dapat kakain, anong oras iinom ng gamot, anong oras babangon para mag exercise kasabay ng dalawa pang may amnesia, bukas ipapakilala ko sila sa'yo." Hindi ito tumitingin sa akin sa halip ay naglaro ito ng Candy Crush (tanging laro na nasa iPod ko) pinabayaan ko nalang muna sya. "Nakikinig ka ba Cloe?" Mahinahong tanong ko. "Yes, doc." Bagot na sagot nito habang naglalaro parin. "Yan muna ang gagawin mo, at tsaka ipapaalala ko lang na magbabago na ang mga kakainin mo. Pinatikim kalang namin ng pork tsaka purong kanin nung pagkagising mo dahil baka sakaling magsawa ka agad." Tinignan ko sya habang nakatayo ako, bigla naman syang tumingin sa akin. "Basta masarap." Sabi nya. Tumawa lang ako saka ko siya nilapitan. Hinipo ko yung buhok nya na para bang aso. "Nag text sa akin ang may hawak sa kaso mo bago lang, nakausap nila guro mo nung highschool, hindi nya alam kung sino ang pamilya mo pero gusto kong ipaalam sayo ang mga kaunting detalye patungkol sayo." Bahagya nitong ibinaba ang iPod na hawak nya. "Sabihin mo na dali." Ngumiti muna ako sakanya. "December eight ang kaarawan mo, taong nineteen-ninety seven kaya ibig sabihin nasa bente-tres na ang edad mo." Tinignan niya ako.  "I'm twenty three? I thought twenty." Reklamo nito. Napatawa ako ng mahina.  "So what detail do you know when you're twenty?"  Hindi siya sumagot at binalik ulit ang atenston sa iPod. Wala na akong nakikitang saya sa mga mata niya.  "Fountains, icecreams, nightskies... Fireworks tsaka... City lights and empty night roads yon lang yung mukhang malaki ang naging parte sa akin." Pabulong nalang nyang sinabi saka ulit naglaro ng Candy Crush.  "Kapag dumating sa punto na may kahit katiting lang na detalyeng sasagi sa isip mo wag kang mahihiyang magsabi sa amin. Isa akong nueropsychologist, in charge ako sa mga taong na involve sa ganitong case kagaya mo. I'm hoping for your recovery pero wag kang masyadong magpapaka-pressure. Healing takes time, magtyaga ka lang, tsaka wag kang masyadong malungkot.... " Sabi ko sakanya. Tumango tango lang ito.  "What if di na ako gagaling?" Tanong nya nang papalabas na sana ako.  "Let's see, wala pa namang anim na bwan." Sagot ko saka na ulit tumalikod.  "May pamilya kaya ako?" Tanong niya. Napahinto ako.  "Hindi tayo sigurado, pero hindi ka naman namin papabayaan." Bigla itong nag-angat ng tingin.  "Thank you doc."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD