Bar & All About Her
Shawnicco's Point of View
Hinayaan muna ako ni Zarah na magpalamig dahil sobrang init ng ulo ko, sobrang hindi ko maipaliwanag yung pagka-inis at pagkadismaya sa nakita ko.
Blangkong nakakunot ang noo, nagtataka, parang hindi nya ako kilala.
Mabilis akong napailing. Her reaction always reminds me the pain. Ganon pala kadaling makalimot ha, fine! Niluwagan ko yung pagkakatali ng necktie ko, saka ako sumandal sa kinauupuan ko at sinubukang kumalma.
Mas lalo lang akong naiinis sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, kaya padabog akong tumayo saka nagpalit ng robe at lumabas.
"Sir Shawn? Sir! Mr. Anfonso." Tawag sa akin ni Zarah kaya huminto ako. Hinugot ko ang natitira kong pasensya para harapin sya, tinignan ko sya ng masama kaya't wala na syang nagawa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng building, nang may mga iilan sa mga empleyado ang paharang harang para bumati, mas lalo akong na so-suffocate, kaya tinanggal ko nalang ang neck tie na nakatali sa polo ko at sabay kong tinignan sila ng isa isa at agaran naman silang tumabi para padaanin ako.
Pagkabukas ko palang sa pinto ng sasakyan ay tinawagan ko na agad si Anton.
"Uy pare napatawag ka - Papunta akong Vista, wag kang ma busy busy sa'ken ngayon." Yon lang yung sinabi ko sabay bato nang airpod sa sulok.
Mas pinabilisan ko pa yung takbo ng sasakyan ko hanggang sa umabot na ako sa Vista Bar.
xxx
Lucas's Point of View
Mabilis kumilos si Shawn, kahit hindi pa naganap ang pres con ay naasikaso na nya ang tungkol sa pagpalit ng pangalan sa Hospital, at ang pagpapa-reconstruct ng outer part ng Hospital, nakasosyo nya na rin ang engineer na gagawa sa plano.
At ang tungkol pala sa pres con, umani ito ng sari-saring komento dahil ipinahayag ito ng mga media sa telebisyon at iba pang tala-ulatan. Kadalasan naman ay nagpaulan ng papuri para sa batang CEO na si Shawn.
Nakatayo ako sa may hardin na parte ng hospital na nasa tapat lang din ng mismong building ngayon. Tinatanaw ko ang kabuuan ng hospital na hindi na pagmamay-ari ngayon ni Lolo.
Ako nung una nagtaka din kung bakit hindi nya naisipang ipasa sa isa sa mga pinsan-pinsanan ko, o sa mga tiyo-tiyuhin at tsaka tiyahin ang pagmamay-ari ng kanyang pinalagong Hospital sa halip ay ipinagkatiwala sa apo ng kanyang matalik na kaibigan noon na si Sir Lucio Alfonso.
Pero kahit gayunpaman ang naging desisyon nya, alam kong hindi nya din naman iyon pagsisisihan. Siguro ang hindi ko pagtanggap sa alok nya ang pagsisisihan ko sa susunod. Natawa ako ng mahina sa sariling iniisip.
Sumipsip ako ulit mula sa aking iniinom na yogurt, hanggang sa naubos ko na. Nabigla naman ako sa biglaan ding pagtunog ng aking telepono.
Mabilis ko itong sinagot nang makita ang pangalan ng embistigador sa kaso ni "Cloe".
"Doctor Lucas Effeso? Sir magandang araw po, basi po sa nakalap naming impormasyon patungkol sa aksidenteng naganap noong nakaraang dalawang bwan ay hindi po sinadya, may nakuha po kaming CCTV footage na makakapagsabing isang purong disgrasya po ang naganap, na ireport na po namin ito sa mga pulisya pero tinawagan ko po kayo para ipaalam at para alamin din po ang kalagayan ng pasyente. At patungkol po sa personal na impormasyon ay wala po kaming nahanap na kamag-anak o kalapit ng pasyente. May natanong po kami at sinabing maari daw pong may kinalaman ang CEO ng isang kompanya sa kanyang pagkakakilanlan, yun po sana ang aming tatanungin ngayon."
"Ah ganon po ba, maraming salamat po sa impormasyon. Sa ngayon ay nilipat namin sa Psychological Therapy Unit ang pasyente dahil posibleng makatulong kami sa pagrecover ng kanyang memorya, ipapaalam po agad namin sa inyo ang magiging resulta ng proseso, sa ngayon po sana'y ipanatili nating controversial ang isyu na ito gaya nga ng sinabi mo na wala kayong nahanap na kamag-anak o kalapit nya. May nabanggit po bang CEO? Wag kayong mag-alala nagkita na sila kahapon at mukhang wala naman silang koneksyon sa isa't isa. Yon nalang po muna, salamat sa kooperasyon. Mag-iingat po kayo."
Pagkatapos kong pinutol ang tawag ay napagtanto ko nang pumasok sa loob para silipin si Cloe.
xxx
Shawnicco's point of view
6:56 PM
Vista Bar, Anthony Vista Capitol.
Pang-ilang lagok ko na nang inumin, pinipigilan na ako ni Anton pero dahil sa hindi maganda yung mood ko ay napipilitan syang lagyan ulit yung baso ko.
"Pre chill lang. Baka naman nabigla mo din si Cali." Sabi nya habang nilalagyan yung ko tsaka yung baso nya.
"Tch. Kung ikaw ba yung nasa lugar ko, hindi mo kaya mararamdaman 'tong nararamdaman ko ngayon?Dalawang bwan lang. Ewan ko kung ganon na ba yun kaiksi para sakanya nung nawala sya at kung ganon ba ka tagal para makalimot ng ganon." Nilagok ko yung nasa baso saka ako lumipat ng tingin.
"Eh masakit naman pala ba't di ka naghanap ng iba kagaya ng ginagawa mo dati nung highschool tayo, you know." Kahit kaylan, wala ding kwentang kausap tong si Anton.
"Pare anong sense ng relasyon namin ni Calista, kung hindi ko kayang magbago para sakanya?" Protesta ko.
"Pare ma remind ko lang. Wala nang sense, kasi wala na kayong relasyon." Embes na maktulan o mabugbog ko pa itong kaibigan ko ay nakaramdam ako ng lungkot. Totoo din naman kasi.
"Pero bilib ako sayo pare, imagine mo sobrang tagal natin sa industriya ng pambababae, tapos nakita mo yung katapat mo, maangas, palaban, maganda tsaka sexy din parang lahat na, tinawanan ka pa nga namin non dahil sa hindi kami makapaniwalang ang isang Shawnicco Alfonso ay magseseryoso na sa buhay. At ang makita kang broken ngayon? Pare mas lalo akong bumilib." Tsk. Parang mas nauna pang nalasing si Anton kaysa sa akin.
Lumagok ulit ako ng inumin.
"Masakit parin. Mas worst, nagta-trabaho sya sa bagong Hospital na pamumunuan ko ngayon." Matapos mailagok ni Anton ang inumin ay agad itong nagpakawala ng tawa.
"Pare sinasabi ko talaga sayo e. Sinasabi ko talagang may kutob akong magiging kayo talaga sa huli. Sinasabi ko talaga yan pare." Pabalik balik nitong sabi.
"Sinasabi ko din sayong kupal ka na lasing kana." Tumawa lang ito kaya ngumiti nalang din ako ng s*******n saka ulit tumingin sa harapan.
"Pare, simple lang." Lumingon ako ulit sakanya matapos lumagok ulit ng isa pang baso.
"Oh?" Tanong ko habang nilalagyan ko ulit ng inumin ang baso ko.
"Ligawan mo ulit."