Barely Faced The Unknown.
Effeso Medical Hospital.
Ininis ko sa kakatanong yung matabang nurse na para bang mainit ang ulo sa akin. Kinulit ko talaga sya ng kinulit. I know some doctors and they were approachable, yun ay sa pagkakatanda ko lang.
"Maam balik na po tayo sa kwarto nyo." Medyo nakakairita yung pagturing nila sa akin dito para bang may sakit ako sa pag-iisip. Para akong bata.
Bumuntong hinga nalang ako saka sinunod yung sinabi niya. Pumasok ulit ako sa kwarto.
Si Nurse Cara ang naghatid sa akin sa loob at ang nag-ayos ng mga gamit sa kwarto, inayos nya muna yung pagkakahawi ng kumot bago paman sya humakbang palabas.
"Ano bang pangalan ko? Anong itatawag nyo sakin?" Tanong ko sakanya bago paman sya maka-alis. Lumingon sya sa akin saka ngumiti, seriously? Speciality ba nila ang ngumiti bago magsalita?
"Yan ay nakasalalay kay Doc, so alis na ko ha?" Yon yung sagot nya saka na isinarado ang pinto.
Napabuntong hininga nalang ako saka napag-isipang halughugin itong maliit na book shelf.
Anatomy, Research, Human Health and Development, puro ganyan lang kaya binasa ko na din ano ba namang alam ko.
Mga ilang segundo palang siguro akong nagbabasa ay sumasakit na yung ulo ko kaya napagtanto kong iligpit ang mga yon pabalik sa nilagyan. Sobrang boring, kaya naisipan kong maglibot sa Hospital, hindi ko pa nagawa yan kanina kasi ang daming bantay.
I've never been in here since before, siguro sa kung saan kaya ng memorya ko doon lang pero mukhang never pa naman akong na hospital.
Binuksan ko yung pinto saka muna pasilip silip sa labas, wala namang masyadong tao at buti wala dito yung mga nurse.
Dahan dahan akong naglakad papalabas at maingat na lumilingon lingon sa paligid.
Tumingala ako sa sign board na nakalagay sa tapat ng hagdanan.
Psychological Therapy Unit
Ano nga yan? I think it was about... Right, may amnesia nga pala ako. Umiling iling nalang ako saka bumaba sa hagdanan at kagaya parin kanina maingat akong nagmamasid masid sa paligid.
Sa hindi kalayuan may nakikita akong mangilan ngilan sa mga nagbu-busyhang mga nurse. Palingon lingon ako sa bawat sulok nang may makita akong isang malaking disposal container kung saan may nakasabit na parte ng robe ng mga doctor.
Pasimple ko itong nilapitan saka ko kinuha ang saktong may pang baba na ring uniform.
Mabilis akong bumalik sa kwarto at nagpipigil ng tawa, isinuot ko ang dalawang pares ng damit, blue ang kulay at kung tititigan ko ang sarili ko sa salamin ay para na din akong isang volunteer dito sa hospital.
Nagpakawala ulit ako ng tawa saka ko tinalian yung buhok ko sabay kuha ng isang sheet ng papel na nasa mesa para pantakip sa mukha ko. Hindi ko parin mapigilan yung pagtawa ko ng mahina, bumalik ako sa kung saan ako kanina at confident na naglakad na para bang dito talaga ako nagta-trabaho.
Pakunwari akong may binabasa sa isang sheet ng papel na hawak ko. Hangang sa makababa ulit ako sa ibang palapag.
Naglakad ako sa corridor ng may marinig akong pamilyar na boses kaya dali dali akong nagtago.
"Jennie, ipalam mo sa lahat na may urgent meeting tayo. Ngayon na." Yon lang yung narinig ko at mabilis naman na may idinial sa telepono yung naturang pinagutusan ng Lucas na yon.
Nanatili ako sa kinalalagyan ko ngayon nang mapansing umalis na din ang babaeng nasa information desk.
Itinaas ko ang dalawang kamay sa ere kasabay ng paghikab nang mapagtantong nagsialisan na nga pala ang mga nagtatrabaho dito para sa meeting raw nila. Abay malay ko ba, basta sosolohin ko ang buong hospital ngayong hindi ko alam kung nasaan sila.
Patuloy akong naglakad papuntang kahit saan, napadpad na ako sa may entrance na parte at naaliw naman ako sa fountain display na nasa harap ng entrance. Medyo natagal tagalan din ako dun kasi parang iba sa pakiramdam ang makakita ng ganon. Bumalik ako sa realidad nang bigla akong makaramdam ng pagka-ihi, palingon lingon ako nang biglang may mga ingay ulit akong narinig mula sa itaas.
Mabilis akong nagtago kahit paman parang puputok na yung pantog ko. Nanlaki yung mga mata ko nang dumagsa ang kaagad ang mga tauhan sa hospital habang nagsibalikan sa trabaho nila, kadalasan nagpapanic sa pag-aayos. Crap! Ang bilis naman ata ng meeting nila.
Mabilis akong naghanap ng daan habang pigil pigil parin ang excite. Ewan ko ba pero kahit ihing ihi na ako para parin akong natutuwa sa patago tago ko dito sa Hospital, samantalang wala akong mga pasyenteng halos na nakikita.
Habang takip takip ang mukha ko, confident akong naglalakad, pigil pigil ko ang pagka-ihi ko, at hindi ko na din alam ang nilalakaran ko.
"Nandito na sila, umayos kayo." Pagkarinig ko non ay napansin ko agad na nagpapanic ang mga tao sa paligid ko.
Huh?
Hindi ako lumingon ni huminto man lang pero biglang natahimik ang paligid, eh linteng tago tago kasi hindi ko na tuloy alam anong daanan naba ang nilalakaran ko. Patient should be free lalo na't wala na naman akong ibang nararamdaman.
"Hoy, si Shandy ba yan? Hoy." May pabulong akong tinig na narinig.
"Hoy umalis ka dya- MALIGAYANG PAGDATING MR. ALFONSO!" Parang na istatuwa ako nung pagkalingon ko ay nakita kong nakahelera silang lahat na nakauniporme habang ang nga nakakita sa akin ay gulat na gulat pero para din silang naiistatuwa.
Kumunot bahagya ang noo ko, sinundan ko kung sino ang binabati nila nang laking gulat kong makita ang lalakeng may kataasan, seryoso ang mukha.
"Oh my God!" Mahinang reaksyon ko, napa-atras ako sa sobrang hiya. Sino ba naman kasi to?
Tinignan ko yung kabuuan nya, para syang mayaman kaya siguro sya binigyang pugay ng mga tao dito.
Binaling ko ulit yung tingin sa mukha nya nung bigla itong nagbago at bahagya din syang napa-atras.
Nakakunot lang ang noo ko nang bigla akong natauhan dahil sa may bigla bigla nalang humila sa akin.
"Tuloy ka, pinaghandaan namin ang pagdating mo." Hawak hawak ng doctor na si Lucas ang braso ko, habang kausap ang taong parang timang kung magulat na makita ako.
Bumitiw ako sa pagkakahawak nya saka na tumalikod sa kanilang lahat.
"Anong ginagawa mo dito?" May magiitang boses akong narinig pero hindi ako huminto. "Psst, tinatanong ka ng CEO." May bumulong sa akin sa helera ng mga nurse at doctor. Kaya halos lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin. CEO? Who's CEO nga ulit, baka familiar.
Nakakunot ang noo kong lumingon, well i don't know him, bahagyang tumaas ang isang kilay nito habang maluha luha naman sa galit ang kanyang mga mata. Problema mo?
"Ako?" Tanong ko pa kaya bigla nalang syang tumawa ng mahina, pero makikita mong nagpipigil sya ng galit na parang dismayado din.
"Tch. Oh i see," Bigla siyang umiwas ng tingin sa akin saka tumingin kay Lucas. "Sa susunod, matuto kayong dumisiplina ng empleyado, diba sinabi ko nang ayoko ng kalat." Maangas nyang sabi. So makalat ako? How rude.
"Sir hindi po- Shh. Pasensya na, hindi na mauulit sa susunod." Binara ni Lucas si Cara na may balak sanang magsalita.
"Tara na Zarah, nawalan na ako ng gana." Sabi pa nang angas saka na tumalikod kasabay nung babaeng nasa mga trenta ang edad.
"Sige na magsibalikan na lahat sa trabaho." Pagkasabi palang nun ni Lucas ay nagsialisan na sila sa helera. Napansin kong palapit sa akin si Lucas nang biglang lumapit din si Cara.
"Doc, ba't hindi nyo sinabing pasyente natin itong si...." Hindi nya na nadugtungan ang sinabi nya at sa halip ay itinuro nalang ako.
"Let's keep it confidential. We have to prioritize Cloe's protection." Tukoy nya sa akin, napataas ako ng kilay.
"So I'm Cloe?" I asked him, tumango lang ito ng mahina, napatingin ako kay Cara. "No doubt." Komento niya. Tumalikod nalang ako sakanila.
I'm Cloe?
Why can't i feel it?