Small Interesting Guessing Game.
Magkasabay kaming pumasok sa escalator habang may mga iilan ding gwardya ang nakasunod sa amin. Nakasuot sila ng itim at pormal na suot, nakatayo lang ako sa gilid ng CEO habang tahimik na hinihintay ang pagbukas ng pinto.
Pagkatunog palang nito ay mabilis syang naunang lumabas, hinintay ako ng mga kasama nya kaya agad na rin akong sumunod saka ulit sila nginitian.
Smile is a good essence. It's the best way enlighten each and every person's mood.
Bumungad sa amin ang iilang mga tauhan sa media habang ini-escort kami ng mga gwardyang kasabay kanina.
Tinuro sa akin ng isang escort ang aking upuan habang si Mr. Alfonso naman ay dumiretso sa kanyang pwesto upang magsimula nang magsalita.
"I would like to thank all of you first for joining us in this conference as we are going to talk about the proliferation of my leadership towards the Effeso Medical Hospital. We all know that i have been managing all the different branches of my Grandfather's companies yet i thought or should i say i hope that it would be the last cause I'm too lazy enough to handle this another opportunity but yeah it's an honor to be the new leader of their company. I have Dr. Lucas Effeso he was the Grandson of Mr. Arturo Effeso, and yes you heard it right. He'd be the one to answer all of your questions, for further informations and i think i have nothing to say." The whole audience applaud, kasama na ako.
Kalma lang akong nakangiti sakanya nang magtama ang tingin namin. Humakbang ako papuntang rostrum, tumingin ako sa harap ng mga manonood habang patuloy lang sila sa pagkuha ng larawan mula sa akin.
"Dr. Effeso anong masasabi nyo sa biglaang paglipat ni Mr. Arturo ng pamamahala kay Mr. Shawn Alfonso?"
"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hindi sa inyo inalok ang pwesto?"
"Bilang apo ni Mr. Arturo bakit hindi ikaw ang namahala ng hospital?"
"Totoo bang may malalang sakit si Mr. Arturo kaya nya minamadali ang proseso ng paglipat sa bagong tagapagpatakbo?"
"Kaylangan po namin ang inyong sagot."
Natuwa ako ako sa sari-sari nilang mga tanong pero bago yon ay hinayaan ko muna silang mag lahad ng tanong.
"Magandang araw nga pala sa lahat. Narinig ko ang mga tanong nyo at di ko alam kung saan ang uunahin ko pero basi sa huling narinig ko, Oo Lolo is now in a critical condition, due to his Interstitial Lung disease, noon paman matagal na naming nasuri na may Chronic Obstruct pulmonary disease si Lolo or COPD which is already a dangerous type of lung diseases. We are hoping for his recovery but for a sad fact that it is impossible, the termination of the ownership was been here now to occur." Sagot ko sakanila.
"How about the other questions Dr. Lucas Effeso?" Nagsilapitan na sila sa pwesto ko pero agad naman silang binigyan ng boundary ng mga escorts.
"I have no objections towards the decision of Mr. Arturo Effeso, it was his will in order to continue the success of his well built Hospital. He offered me the leadership but I'm afraid to accept. Mahal ko na ang trabaho ko bilang doctor, kahit paman nakilala ako dahil sa dinadala kong apelyedo na nagmula sa mahusay na tagapagpatayo ng pagamutan. Wala na akong ibang pang maisasagot at sana tiyak na ang lahat bago paman ito magtapos." I ended the press conference with a bow.
"Now we have Mr. Paul Santiago, and Mrs. Rosa Florentina for the other further information about the Effeso Medical Hospital that would be under the leadership of the Alfonso's sooner." Yun ang karagdagang sabi ng speaker.
Unang nagsalita si Auntie Rosa tsaka sumunod si Uncle Paul, hihintayin ko pa sana sila nung pinaalam ako ni Uncle na may appointment sila sa mga kamag-anak nila pagkatapos ng press con.
Mula sa iilan pang mga karagdagang tanong at pagkuha sa akin ng litrato at paghalughog na rin ng iba sa personal kong buhay kanina ay natapos narin nang makalabas na ako ng building.
Yung driver ng CEO na si Shawn ang nag offer ng hatid sa akin kaya hindi na ako tumanggi.
"Doc mawalang galang na po pero comontact po sa akin si sir Shawn na dalhin ko raw po kayo sa bahay nya may iilan lang po daw kayong pag-uusapan." Ngumiti ako sa driver nila saka sinabing walang problema.
Napatingin ako sa lawak ng isang pinaka modernong mansyon ng CEO bumaba ako sa sasakyan saka naman ako sinundo ng isang katulong saka tinuro sa akin ang daan patungong office nito.
Habang nakasunod sa katulong nila ay may napansin ulit akong pamilyar na mukha sa isang medyo kaliitang frame na nasa tapat ng lampshade katabi ng malaking couch.
Tila napansin ng katulong ang tinitignan ko kaya pasimple nya itong nilapitan saka pinatumba.
"May problema po ba sa larawan?" Tanong ko sakanya.
"Ah wala po, girlfriend po kasi siya ni young master ng dalawang taon pero nang naghiwalay sila ay hindi na nag krus ang landas nila." Napakwento sya pero bahagya nya naman itong pinagsisihan dahil agad niyang tinakpan ang bibig sabay iwas doon sa larawan.
"Wag nyo po sanang mamasamain pero pwede ko po bang matignan ang mukha ng babae? Mukha po kasing pamilyar." Kita kong gusto nya naman yung hiling ko, kaya kinuha nya ito sa mesa.
"Wag nyo pong ipapaalam sa iba kung sakaling nagkakamali kayo sir ha." Nginitian ko siya saka ko na tinignan yung larawan.
Bahagyang napakunot yung noo ko pero mabilis ko itong pinalitan ngiti. "Ah pasensya na po, nagkamali nga ako pero wag kayong mag-alala. Ako lang makaka-alam nyan." Pabulong kong sabi.
Hinatid nya ako sa silid nitong si Shawn, matapos nya akong samahan din sa elevator. Habang tumatagal sa isip ko ang nakita ay mas lalo tuloy akong nagtataka kung bakit hindi nya hinahanap ang akala nyang nawawala nyang nobya.
Gusto ko sanang alamin ang pangalan kaso wala ako sa tamang lugar para alamin yon.
"Pinatawag mo ako, may problema ba?" Panimula ko. Mula sa pagbabasa ng makakapal na libro ay binaba nya ito.
"Ipapa-alam ko lang ang pagdalaw ko bukas, baka sakaling may panahon kayo para ayusin ang mga schedule nyo. Kaylangang hindi magkakagulo ang mga pasyente at ang mga empleyado bukas, ayoko ng sakit sa ulo. You may now leave." Sabi nito. Napaismid ako sa sinabi nya, nakakatuwa siyang magsalita, di hamak na may mataas na standards pero sa ibang usapan naman.
Paano nya kaya mahaharap ang taong matagal nang akala nyang nawala? I mean if he still love her mapapano kaya? Tss, what a small world indeed.
Now this is interesting.