[Chapter 2: A Thrown Familiar Image.]
"I don't agree with this proposal Lo, besides I'm too busy enough to handle this hospital again." Reklamo ko agad sakanya na nakaupo sa center couch na nakaharap sa desk nya.
Nakatayo lang ako habang nasa bulsa ko naman yung dalawang kamay ko.
"Yan ba ang pinunta mo dito? Umupo ka." Utos nya habang nagbabasa ng dyaryo kasabay ng paghigop ng tsaa. Tss. "Hilda, hatiran mo ng tsaa itong apo ko." Umiling iling nalang ako saka ko hinawi ang aking polo saka umupo.
"I just wanted to clear things up. To be honest ang dami ko nang minamanage Lo, i can't contain this proposal anymore, unless you'd cancel it." Suhestyon ko saka sumandal at nag-kuwatro ng paa.
"No, you can't change my mind ijo. Sabagay parang ayaw mo namang mag-asawa, ayaw mong makipaghalubilo sa mga pinsan mo madami kang ayaw kaya pinapalublob kita sa trabaho, that's not our goal. Am i wrong?" Napapakasa ako ng mahina, ba't ba ang hirap kausap ng mga matatanda.
"But Lo, i can't - You can, kilala kita. Apo kita, bakit ba nga naman kita piniling successor ng kompanya kung hindi mo kaya. Now go out, conduct a meeting then after the meeting, kapag klaro na ang lahat do a press conference with the Effeso's members. Sigurado akong dadagsain kayo ng media kaya mas mabuti na yung may pormal na interview para malinaw ang lahat." Kahit ayaw ko, ay tumayo nalang ako saka bahagyang yumuko sakanya.
Do i look like having a choice? He's the owner, lolo ko sya at hindi ko kaylan man sya kayang labagin.
Mas niluwagan ko pa ang pagkakatali ng necktie sa leeg ko habang papalabas ako ng opisina nya.
Sana wala na si mama dito at kung ano ano na naman ang itatanong nun sa akin.
Nang makalabas ay bagot akong pumasok sa sasakyan saka ito pinatakbo pabalik sa kompanya.
"Sir Shawn saan ba kayo galing, halos mahimatay na ako kakahanap sa inyo." Bungad ng OA kong sekretayra. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad papasok habang nakasunod naman sya sa likuran ko.
"Wala akong nagawa sa balak kong pagkansela sa proposal, happy?" Sarkastiko kong tanong sakanya. Pinindot ko yung button pagkatapat ko pa lang sa elevator.
"Iaarange ko agad ang meeting sir." Sabi niya habang may dina-dial na sa kanyang cellphone. Tss.
xxx
Kasabay kong kumakain ang mga doctor at nurse dito sa cafeteria ng hospital. Akala ko kakain akong mag-isa dun sa kwarto pero ang sabi nga ng doctor na mas mainam kung makikipaghalubilo ako sa kanila para sa recovery ko, which is not bad.
Their food was all good.
Sa mahabang table na kinauupuan ko, nasa gilid ako katabi ko yung nurse na si Cara tsaka yung doctor na si Lucas na nasa dulo talaga ng long table.
"Doc hindi naman sa chismosa ha, pero nabalitaan ko na may sakit raw si Sir Arturo? Totoo po ba?" Tanong nung mataba sa may dulo. Hindi ko lang sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Uhm, magsasagawa ako ng meeting mamaya pagkatapos ng meeting din namin tsaka press conference na dadaluhan ko ngayon tungkol sa susunod na magmamanage ng building nato."
"Hala pa'no po!"
"Hindi ba pwedeng kayo?!"
"Haist!"
"Ang ingay niyo naman...." Mahinang bulong ko na halatang narinig naman nila.
"Sorry po." Halos lahat naman sila ay humingi ng paumanhin saka na nagpatuloy sa pagkain. Well, we're eating.
Halos mabilaukan ako nung may kamay na humipo sa ulo ko na para bang aso.
Tinaasan ko sya ng kilay, pero nakangiti lang ito. "Oh sya, tapusin nyo na yang kinakain nyo at magsibalikan sa trabaho." Tinignan nito ang relo. Umirap nalang ako saka ulit kumain.
"Aalis na muna ako. Cara, ikaw muna ang bahala sa pasyente." Bantayan? Baliw ba'ko?
xxx
Lucas Effeso's point of view.
Kasama ko ang mga pinagkakatiwalaan ni Lolo simula pa noon. Nakakalungkot isipin na hindi na ganon ka lakas si Lolo para ipagpatuloy itong pinatayo nyang gusali.
At bilang hindi tunay na apo, hindi ko tinanggap ang alok nyang sa akin ipamana ang gusaling to sapagkat hindi ko alam kung paano to patatakbuhin.
Doctor lang ako, hindi ako magaling katulad nya na kayang pagsabayin lahat. Gusto ko ding maging isang normal lang na empleyado kahit paman parte ako sa isang masaganang pamilya.
Nauna akong bumaba sa kotse nung pagkarating na pagkarating palang namin sa gusali ng mga Alfonso. Klaro ang naging meeting kaya kami dederetso na ngayon para sa press conference.
Pinagbuksan ko ng pinto si uncle Paul at si Auntie Rosa. Si uncle Paul matagal na syang naghahandle sa Hospital, sya ang naging manager noong hindi pa sya ka edaran. Si auntie Rosa naman ay dating naging secretary ni Lolo. Hanggang ngayon ay aktibo parin sila sa pagtulong sa kompanya kahit paman napalitan na sila sa kanilang pwesto.
"Mr. Paul, and Mrs. Rosa. Handa na ba kayong ipaubaya sa ibang kompanya ang tinayo ni Mr. Arturo Effeso?" Pinapasigla ko lang yung mood, ngumiti si auntie Rosa sa saka ako hinawakan sa braso.
"May tiwala ako kay sir Lucio Alfonso, nabalitaan ko ring magaling magpatakbo ng kompanya ang apo nya kahit sa mura pa nitong edad." Kwento nya habang naglalakad na kami papasok. May iilang guwardya at isang babaeng nakasuot ng pormal na kasuotan ang bumungad sa amin sa entrance.
"Kita ko nga." Rinig kong sabi ni Uncle Paul sabay tikhim ng makita ang maganda nilang sekretarya. Ngumiti nalang ako ng bahagya saka ko sila pinaunang pumasok.
"I'm secretary Zarah Salvador, pleasure to meet you." Sabay abot nito sa akin ng kamay. Mabilis ko itong tinanggap.
"Lucas Effeso Ms. Zarah. Salamat sa pagtanggap sa amin." Sabi ko, ngumiti lang ito saka na tinuro sa akin ang daan.
"Ah, muntik ko nang makalimutan sir Lucas, halika sumunod ka sa akin." Ngumiti lang ako sakanya saka ko siya sinundan.
Pumasok kami sa isang elevator at umakyat sa pinakatuktok ng building.
Sinundan ko ang mga yapak nya hanggang sa pumasok kami sa isang opisina.
Sa hindi kalayuan may isang lalake na nasa mga edad ko lang, ang nakaupo sa katapat nyang mesa na may nakalagay na pangalan.
Shawnicco Alfonso
CEO
Ito pala ang nabanggit ni Auntie Rosa. Yung magaling na apo ni Sir Lucio Alfonso.
"Sir he's Dr. Lucas Effeso. Naalala kong gusto mo siyang - Okay na Zarah, pwede kanang lumabas." Kumurap kurap lang ako hanggang sa nilagpasan na ako ni Zarah.
Lumapit ako mesa nya at saka umupo sa isang swivel chair na nasa harap nya lang din.
"Anong pag-uusapan natin Mr. Alfonso?" Bahagyang tumaas yung isa nyang kilay at saka tumingin sa akin.
Ngumiti lang ako.
"What's with the formalities Lucas?" Medyo nagulat ako sa bungad nya. Hmm, interesting.
"Ah yan ba? Ayos, so anong pag-uusapan natin at mukhang inabala mo pa ang sarili mo para papuntahin ako dito." Alam kong may halong sarcasm yung pagkakasabi ko pero nakakatuwang makipag-unahan ng pikunan sa isang kagaya nya.
"Just making sure that you're fully taking your facilities over to mine." Maangas nitong sabi saka tumayo at naghablot ng robe.
Tumayo na rin ako habang hinihintay syang matapos, napatingin ako sa garbage can na nasa gilid nang mapansin ang isang pamilyar na mukha sa frame.
"Tara, sayang yung oras." Nabaling ulit yung pansin ko sakanya nung nilagpasan nya ako. Nakakunot yung noo kong lumabas kasabay siya patungong conference room.