Invasion

2067 Words
Kabanata 4 - Invasion  Naiinis kong nilubog ang aking sarili sa tubig na mayroong katamtaman na temperatura. Nakakaramdam pa rin ako ng inis hanggang ngayon kahit wala na sa aking harapan si Augustus. Pumapasok ang kaniyang mukhang ngumingisi sa akin while he is spouting nonsense.  Dinabog ko ang aking dalawang paa na nakalubog sa tubig na naging dahilan kung bakit nagsitalsikan sa akin tubig sa mukha ko. I keep on murmuring curses dahil sa inis na nararamdaman ko. I couldn't even enjoy this relaxing bath! It's because of him! Panira ng hapon! Padabog akong tumayo sa tubig at dali-dali naman akong pinuntahan ng dalawang kasama ko kanina. Ang babaeng maikli ang buhok ay inabutan ako ng isang robe at kinuha ko naman iyon, ang isa namang babae na kasama niya ay tinulungan akong suotin iyon.  "Thank you," nakangiti kong pasasalamat sa kanilang dalawa. Nagulat sila sa bigla kong pasasalamat sa kanila at nagkatinginan pa silang dalawa. Hindi sila familiar sa akin, ngayon ko lang sila nakita at nakasama. Maybe it's their first time to be appointed to me kaya nagulat sila sa ginawa kong pagtrato sa kanila.  Tiningnan ko lang sila with my stone-cold face, medyo napitlag ako ng nagpanic sila at dali-daling yumuko ng ilang beses sa akin at pinaulanan ako ng salitang "Salamat" at mga compliments.  Hindi ko nalang sila pinansin, ayokong madamay sila sa init ng ulo. They look like their nice people, pakiramdam ko ay magka-edad lang kaming tatlo dito.  "Your Highness!" Nauutal na tawag sa akin ng isa nang naglakad ako. "Aren't you going to dress up?" Kinakabahan niyang tanong. Umiling ako, "I won't... Maglalakad tayo sa secret tunnel papunta sa aking silid." Walang gana kong giit sa kanila. Dali-dali naman nila akong sinundan.  Mayroong isang pintuan na gawa sa kahoy, nakatago iyon sa pinaka likod ng mga bato kung saan ang fountain. Binuksan iyon ng dalawang kasama ko at pinauna ako, tumapak ako sa batong-hagdan papunta pababa.  When there was no more stairs, bumungad sa akin ang isang madilim na underground passageway. Tahimik at madilim, I heard the lamp being fueled by the other girl na nag-bigay ng isang ilaw para sa aming tatlo. Tinahan namin ang isang madilim, tahimik at walang tao na tunnel. Marami kang makikitang iba't-iba't direksiyon sa tunnel. Separate columns of roads. Marami kang pwedeng daanan, each of the columns of the road will lead you to different roads. Alam ko kung saan ako dadaan papunta sa aking silid, mayroong isang tago din na pintuan sa aking chambers. Pintuan that will lead you to the secret tunnel na nilalakaran ko ngayon. Naka-ilang liko, lakad kaming nagawa bago kami nakarating sa isang bakal na pintuan.  Nilingon ko ang dalawang kasama ko at dali-dali nilang dalawa na tinulak sa kabilang direksiyon namin ang bakal na pintuan. Kailangan mo itong itulak, wala itong doorknob o ano man. Mabigat ang pintuan na ito sapagka't ito ay gawa sa bakal.  Nang tuluyan na nilang mabuksan iyon ay nauna akong lumabas at sumunod naman sila sa akin ng naisirado nila ang pintuan.  "Kailangan po namin kayong bihisan, Your Highness. Baka ikaw ay ginawin..." Nakayukong giit.  Tinanguan ko na lamang sila, unti-unting inalis ng katulong na mahaba ang buhok ang suot-suot kong robe. Habang ang isa naman ay inaayos ang damit na su-suotin ko. They were putting undergarments to my body and then pinasuot ako ng isang corset.  Napahawak ako sa aking kama nang sinimulan nilang hilahin ang sintas ng corset, hinihigpitan nila ang suot-suot kong corset. Pigil hinga at humihigpit ang hawak ko sa kama para hindi ako mawalan ng balanse o masama sa paghila nila habang ginagawa nila iyon.  When they finished dressing me up, nakahinga ako ng maluwag. Tiningnan ko ang aking sarili sa isang malaking salamin sa harap ko. I'm wearing a huge red ball gown with beautiful embroidery sew unto it. There was a small crystal and they were placed as a letter V sa gitna ng aking dibdib.   Umalis na ang dalawang katulong once they finished dressing me up. Naiwan akong mag-isa sa aking silid. Lumakad ako papunta kung nasasaan ang raketa ng aking mga libro. Umupo ako sa aking silya at binuklat ang hawak-hawak ko na libro at nagsimulang mag-basa habang nasa harap ko ang isang napakalaking bintana na nasisinagan ng araw na nagsisilbing ilaw sa aking kuwarto.  Nakatali ang naglalakihang kurtina ng aking kuwarto kaya nakakapasog ang sinag ng araw. Ilang oras akong umupo at itinuon lang ang aking pag-iisip sa binabasa kong libro. Nang ako ay napagod kakabasa ng librong hawak-hawak ko ay iniangat ko aking paningin.  Kumunot ang noo nang mayroon akong nakita mga guardia na nagtatakbuhan sa ilalim. Nasa itaas ako na parte ng palasyo kaya kitang-kita ko ang lahat ng nasa ilalim. A surge of panic ran into may veins at dali-daling napatayo para tingnan ng mabuti ang nangyayari sa baba. "What the hell!?" Sigaw ko when I saw a unfamiliar people, nakasakay sa mga kabayo habang mayroong dala-dalang mga baril, spear at kung ano pa.  Natutop ko ang aking bibig nang biglaang binaril ng nangunguna sa hukbo ang walang kalaban-laban na katulong na gumagapang sa damuhan. Hindi ako nakaalis  o nakagawa ng kung ano mang kilos dahil doon. I stood there completely frozen while gazing at the bad guys down below.  Ano ang nangyayari?! How did they get into the castle!?  Mga ganyanang tanong ang pumapasok sa isip ko na hindi ko man lang masagot. Hindi ko alam ang gagawin ko. A fear spark unto my system nang iniangat ng nangungunang lalake sa hukbo ang kaniyang tingin sa aking gawi. Walang-ano man ay dali-dali akong dumapa, nagbabakasakali na hindi niya ako makita. Nakarinig na ako ng mga sigawan at putok ng baril sa 'di kalayuan.  Napasigaw ako sa gulat at takot ng mayroong sunod-sunod na katok sa aking pintuan. "Your Highness! You need to leave immediately!" Sigaw ng nasa kabilang pintuan.  Panicking, I quickly stood up... not caring kung makita ba ako ng mga taong nasa baba. I ran towards the door at binuksan ito. "Ayos lang po ba kayo?" Nagaalalang tanong niya sa akin at nanginginig naman ako na tumango sa kaniya.  "We need to leave immediately!" Hinihingal na giit ni Sergio. "Ano ang nangyayari!?" I said cluelessly. Hindi ako sinagot ni Sergio kaya mas lalo akong naguluhan. "Paano ang mga iyan nakapasok dito? Nasaan si Augustus?!" I said panicking while walking. "Kumalma ka, Constanciandra!" Hinihingal niyang giit. "Paano ako kakalma? Inaatake na ang kaharian natin?! I saw a maid getting killed before my eyes! Can you tell me what's happening!?" Umiiyak kung sambit. Takot na takot ako ngayon, 'ni hindi nga ako makalakad ng maayos. Nanginginig ang aking mga binti at pakiramdam ko ako ay mawawalan ng malay. "Mamaya na tayo mag-usap we need to get you to safety!" Singhal ni Sergio sabay hawak sa kamay ko.  We started to go down sa staircase papunta sa main hall, ang main hall ay nasa ground floor. "Bakit tayo pumupunta sa ground floor? Andoon sila!"  "Calm down! May naghihintay sayo doon, they will get you to safety." Sagot sa akin ni Sergio.  "WHAT!? Paano kayo?" Nagaalala kong tanong, napasinghap ako when I heard another gunshot. "Wag mo kaming isipin! Your safety is the most priority here!"  "Then let's go to the secret tunnel! Ano pa ang ginagawa natin dito!? The tunnel is safe!"  "It's not safe anymore!" Nawalan na siya ng pasensiya, kumunot ang noo ko. "They already infiltrated the castle, mapa-tunnel man! Wala tayong magagawa kundi dumiretso sa ground floor!"  Nasapo ko ang aking noo dahil doon. "Sino ang mga umaatake!?" Sigaw ko. He sighed, "Makinig ka sa akin, Constanciandra. The Cimmerian kingdom attacked us."  Tuluyang nawalan ng lakas ang mga binti ko at unti-unti ako napaluhod, Sergio tried to help me stand up pero napahagulgol ako. Doon na nag process sa utak ko ang lahat ng nangyari, it's all my fault. Alam ko na kasalanan ko ito.  "Kasalanan ko 'to," umiiyak kong sambit.  "No..." Malambing na sabi sa akin ni Sergio at pilit akong pinapatayo. Iniangat ko ang umiiyak kong mukha, "It's my fault isn't?" Para akong bata, na nanghihingi ng sagot sa isang simpleng tanong.  Nawalan ng balanse si Sergio at ang dalawang kasama naming guardia nang mayroong biglang pagsabog. Mas lalo akong pumalahaw ng iyak. This is all my fault! "Constanciandra! Pull yourself together!" A voice appeared, naluluha kong nilingon kung sino iyon. It was Augustus, wearing his general uniform. Tumatakbo siya papunta sa akin. "You all need to go!" Humihingal niyang giit, hinawakan niya ang aking kamay at pinatayo ako. "Are you okay?" Nagaalala niyang tanong at umiling ako.  "This is no time to be crying, Constanciandra!" Sermon niya sa akin ng umiyak akong muli. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at nagsimulang maglakad. Sumabay sa kaniya sina Sergio, ang dalawang guardiang kasama ko at mayroon pang tatlo na kasama ni Augustus.  "For once, you needed me huh?" He said with a smug look habang ako ay dinadarag papunta sa staircase.  Hindi ako makapagsalita, iyak pa rin ako ng iyak. Hindi ko man lang siya nabara o napagsabihan ng masama dahil sa pagiiyak ko. "Dahil sa tinanggap mo ang tulong ko, this will result for you to marry me." Giit niya. "Hindi kita papakasalan," humihikbi kong giit at tumawa siya.  "Kahit sa kasagsagan ng giyera ay ayaw mo sa akin?" Nanlulumo niyang sabi.  Tuluyan na kaming nakababa sa staircase at bumungad sa akin ang mga katawan na hindi na gumagalaw, mga dugong umaagos sa katawan na humihiga sa sahig. Ang red carpet na hinihigaan nila ay mas lalong naging pula dahil sa dugo na umaagos.  I gasped, "There is no time to mourn, Constanciandra. We need to go." Augustus said coldly.  Kung hindi lang ako nagmatigas ay buhay pa ang mga taong nasa harapan ko ngayon. I shouldn't have been hard-headed! Nanliit ang dalawang mata ko when I saw someone in the crowd of dead bodies move.  My instincts got the best of me, Dali-Dali akong pumunta sa gawi ng taong gumalaw. Napasinghap ako at mayroon na namang nagbabadyang luha sa aking mata. It was a maid, she is really badly wounded, she looks like she is having a hard time breathing dahil sa wound na nasa kaniyang chest.  Dali-Dali kong pinunit ang suot-suot ko na mahabang damit, I took a large piece of cloth sa suot-suot ko na damit. Naramdaman ko na nilapitan ako ni Augustus.  "We should help her," hingal kong sabi sabay lagay nf pinunit ko na gamit sa kaniyang sugat. Ipinalibot ko iyon sa kaniya dibdib at mahigpit na hinatak to bind it. Narinig ko pa ang mga ungol ng maid dahil sa sakit na nagawa ko sa kaniya.  "I'm sorry," giit ko.  "This is no time for you to help other people, Constanciandra!" Singhal ni Augustus.  Naiinis ko siya na nilingon, "This is all my f*****g fault, Augustus! What do you think I'll do? Just leave them be!? I am not a heartless person!"  "If you keep on doing that, you're going to endanger our lives!" Sabi niya pabalik sa akin. "Tumayo ka n-" Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng sumigabong na naman ang sunod-sunod na putok. "We need to go!" He said with a sort of urgency in his voice, marahas niya akong pinatayo. Mas malakas siya sa akin kaya hindi ako nakapanlaban. "Wag natin iwan ang katulong na iyon! She is still alive!" I said habang pumipiglas. "You will listen to me, Constanciandra! If you still want to leave!" Galit niyang sabi. "Constanciandra, listen to Augustus. We need to go!" Singit ni Sergio.  Gumalaw na naman ang kinakatayuan namin dahil mayroon na naman kaming narinig na isang pagsabog. Wala na akong choice kundi sumunod sa kanila, nasa likod ako ni Augustus at katabi ko si Sergio habang pinapaulanan ng bala ng mga kasama kong guardiya at si Augustus ang mga taong nakakasalubong namin.  Malaki ang castle namin, hindi kami basta-bastang makakaalis. Maraming pasikot-sikot dito, maari kaming mawala. Kahit ako ay hindi ko saulo ang tinitirahan kong kastilyo.  Nagtago kaming lahat sa likod ng isang malaking pillar, hinahabol ko ang aking hininga dahil sa pagod at nauubos ang lakas ko. We were frozen ng mayroong papuntang mga sundalo sa gawi namin. Naguusap sila habang hawak-hawak nila ang mga naglalakihan nilang baril.  "Hanapin niyo ang prinsesa! Hindi pa iyon nakakalayo! Kapag tayo ay umuwi na hindi siya dala-dala tayo ang papatayin!" Nagpantig ang tainga ko dahil sa narinig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD