NAG-UMPISA nang maglakad ang pari at ang mga ministro patungong altar bilang bahagi ng processional. Nang makaabot na sa altar ang pari, sumunod naman ang wedding party. Unti-unti nang pumasok ang groom kasunod nito ang kaniyang best man, groomsmen, maid of honor, bridesmaids, ring bearer, flower girl at ang panghuli, ang bride na siyang escorted ngayon ng kaniyang ama. Suot niya ngayon ang long sleeve vintage wedding dress. 'Di ko maitatangging napakaganda ng bride sa kaniyang suot pangkasal. Ang lahat ng mga mata'y nakatutok lamang sa kaniya ngayon habang siya'y naglalakad sa gitna ng bulwagan nitong simbahan. Nakapalibot sa kaniya ang mahahalimuyak na bulaklak na mga gumamela; ang kaniyang mga paboritong bulaklak noon pa man. Napakaaya-aya naman sa pandinig ang tunog ng orkestra na siy

