"DUMUNGAW ka sa bintana." Hindi ako makapaniwalang nakita siyang nakatanaw sa akin sa labas. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba papunta na siya pauwi? Kaagad akong lumabas ng kuwarto at pumanhik sa baba upang puntahan siya. Hindi ko man alam kung bakit sa mga oras na ito, nagawa niya pa ring pumarito sa amin, hinayaan ko pa ring makaharap siya. "A-Akala ko ba papunta ka na pauwi sa inyo. A-Anong ginagawa mo rito?" "Papauwi na talaga ako ngunit hinayaan ko muna ang aking sariling pumarito dahil alam kong kailangan mo ako sa mga panahong ganito." Wala akong nagawa sa puntong iyon kundi ang tingnan lang siya. Ramdam ko ang kaniyang matinding concern dito sa akin. "May ibibigay pala ako sa 'yo," dagdag niya. "A-Ano naman niyan?" natatawa kong tanong. Minsan talaga, may pagkakataong nap

