"Y-YOU want me to kiss y-you?" Napatakip ng bibig si Wayne sa lubusang hindi makapaniwalang isinambit ni Travester. Pati ako rin ay nabigla sa iniwika niyang 'yon. Upang mawala ang kaba at awkwardness na umusbong sa 'kin ngayon ay tumawa na lamang ako at inisip ko na lamang na nagbibiro siya. "S-Sir Traves naman, oh! Ang ibig kong sabihin doon is may butil ng kanin ka sa g-gilid ng labi mo! N-Nakakatawa ka talaga kahit kailan!" Ano ba kasi iyong mga pinagsasabi niya? Naiilang na tuloy ako ritong kasama silang dalawa. "Umamin ka na nga, Sir Travester! May lihim na pagtingin ka ba sa kaibigan ko?" Si Wayne na ngayo'y halos mapunit na ang labi sa kakangisi. Isa pa 'tong babaeng ito, alam na nga niyang nagkamali lang 'yong tao, ipaglalandakan pa talaga. Lagot talaga ito sa 'kin mamaya. "

