KABANATA 3

3325 Words
Thalia's POV Habang nasa sasakyan kami nitong si Phil ay tahimik lang kaming pareho hanggang sa nakarating na rin kami sa kung saan gaganapin ang event na pupuntahan daw namin. Nainis ako bigla kay Kendrick nang makita ko siya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil na rin siguro sa hindi niya pagsundo sa akin. Pero... nang lapitan niya ako ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nang makita ko si Kendrick nang malapitan ay parang nag-slow motion ang paligid. Ang gwapo gwapo niya. Nakasuot siya ng maroon na longsleeves na polo at nakapants. Simple lang pero ang lakas ng dating. Hinawakan niya ang kamay ko sabay sabing, "This is the right time. Let's go?" Tumango naman ako at lunakad na kami papasok sa loob. Pagpasok naman namin ay namangha ako sa sobrang ganda ng ayos ng paligid na kung saan maraming mga tullips at roses... ang mga paborito kong bulaklak. Wala pang tao sa paligid kung hindi kami pa lamang at napaaga yata kami? "Wow... so beautiful." sambit ko habang pinagnamasdan pa ang mga palamuti nakadisenyo. Bigla naman ako napatigil at napatitig nang makita ko na parang pamilyar ang ayos nang nasa catering part. Parang... pero baka nagkataon lang. "Sorry mahal kung si Phil ang sumundo sa 'yo kanina ha." biglang paghingi ng paumanhin ni Kendrick sa akin kaya nabaling ang atensiyon ko sa kaniya. "Hayaan mo na okay lang." sagot ko naman sabay napalingon ulit ako sa mga kagamitan na nakaayos sa catering ng food para kasing sa restaurant ko ang mga iyon at maging ang style at arrangement kaya napataas naman ang kilay ko. "Wala pa 'yung ibang bisita? and nasaan 'yung may event?" magkasunod na tanong ko kay Kendrick. Bigla ko rin namang napansin na nawala na rin sa paligid namin si Phil. "Ah wala pa sila." matipid na sagot ni Kendrick na parang medyo kinakabahan. Kaya nakaramdam naman ako ng kakaiba o ng pagtataka. Pupunta daw kami sa isang event pero kami pa lang ang tao eh 'yung mismong nagpa-event wala pa rin? Nagulat naman ako nang biglang pumalakpak si Kendrick at bigla ring namatay ang ilaw sa paligid namin kaya napasigaw ako. "Hala! Brownout? Mahal?" tarantang tanong ko sa kaniya. Madilim ngunit mayroon ding konting liwanag dahil sa buwan. "Mahal? Ano bang mayroon dito?" tanong ko pa pero hindi ko na naramdaman na nasa tabi ko pa siya at ilang segundo pa ay biglang bumukas ang ilaw at nakita kong nasa stage na si Kendrick. May hawak na mic kasama si Phil na may hawak hawak namang gitara sabay nagsalita ito. "I know to myself that you're the one. You are the one that I am asking for and I'm so bless that God gave me a woman like you and I am sure that you are the woman that I want to spend my entire life with." panimula niya. Nagsimula nang tumibok ng sobramg bilis ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko basta ang alam ko lang ay halong tuwa at kaba ang nararamdaman ko. "I found a love for me Oh darling just dive right in and follow my lead Well, I found a girl, beautiful and sweet Oh, I never knew you were the someone waiting for me..." sinimulan niyang kantahin 'yung kanta ni Ed Sheeran na Perfect ang title. Hindi ko alam pero... bigla na akong kinutoban sa susunod niyang gagawin. Nagsimula na siyang lumakad at kumantang muli. "'Cause we were just kids when we fell in love Not knowing what it was I will not give you up this time But darling, just kiss me slow, your heart is all I own And in your eyes, you're holding mine Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms Barefoot on the grass, listening to our favourite song When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath But you heard it, darling, you look perfect tonight..." huminto siya sa pagkanta nang makalapit nang muli sa akin. "You look perfect tonight mahal. Perfect for me. Alam ko na alam mo na, na para sa'yo itong gabing ito or I mean para sa ating dalawa." sabi niya sabay lumingon lingon sa paligid. "Thalia Serrano..." pagbigkas niya sa buong pangalan ko. Napataas naman ako ng dalawang kilay sa kaniya nang tumingin siya sa bandang likuran ko kaya tinignan ko rin iyon at laking gulat ko na... nasa likod ko sila mommy at daddy pati na rin sila tito Keandre at tita Marivic. "Oh my God." 'iyan lamang ang lumabas na mga sarili sa bibig ko. Nagulat din ako nang makitang nakangiti sa akin ang mga employee ko sa restaurant na sina Maggie, Demi at iba pa. Pati si Vina ay nandoon din. "Pa-paano?" nauutal na tanong ko habang nakatingin sa kanila. Plinano nila ang lahat nang 'to? "Go lang anak! You can do it!" sigaw naman ni tito Keandre kaya napabalik ang tingin ko kay Kendrick at bigla siyang... "Thalia Serrano, we've been together for 4 years." sabi niya nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Wala akong masabi kung hindi titigan lamang siya. Hindi ko alam pero ganito nga siguro nakaka-speechless. "I love you will all of my heart. I love you unconditionally and I am so blessed and thankful na mayroon akong ikaw. Ikaw na hindi lamang maganda kung hindi maalalahanin, maunawain, mabait, matalino or overall? You're perfect for me, perfect just what the title of the song that I've sang a while back. Kaya naman ayoko nang patagalin pa at nasa tamang edad na tayo at mayroon na rin tayong narating pareho na kung saan nakapagtapos ng pag-aaral at nagkaroon na ng sariling trabaho. Kaya it's time and I know this is the right time for us so... Thalia Serrano, will you marry me? Be my wife? and live with me together with our future kids for the rest of ourlives?" sunod-sunod na tanong niya. Nanggigilid ang luha ko. Napatingin naman ako ulit sa mga tao sa likuran ko ang mga taong mahahalaga sa akin o sa amin ni Kendrick at nakangiti sila sa akin at sila mommy and daddy naman ay nagthumbs-up pa sa akin. "Mahal?" tanong ulit ni Kendrick. Kaya naman nang humarap akong muli sa kaniya ay pinatayo ko siya at niyakap ng napakahigpit sabay sagot sa tanong niya nang, "Yes! Yes, I will do marry you, be your wife and live with you together with our future kids for the rest of ourlives." "Yes! She said yes!" sigaw naman ni Kendrick kaya biglang nagpalakpakan ang mga taong kasama namin at kasabay nito ay ang pagputok ng mga fireworks na may nakasulat na I love you, Thalia. "Wow..." 'yan na lamang ang nasabi ko dahil sa mangha ko sa nakikita ko sa kalangitan. Bigla namang yumakap sa akin si Kendrick at bumulong sa akin nang, "I love you my future wife." "I love you too my future husband." sagot ko. Ilang minuto pa ay natapos na rin ang fireworks display at lumapit na sa amin sila mommy at daddy pati na rin ang parents at kapatid ni Kendrick. "Congrats mga anak!" pagbati sa amin ni mommy at daddy sabay nagmano naman sa kanila si Kendrick. "You made it anak! Sabi sa'yo kaya mo 'yan eh! Mana ka talaga sa akin!" sabi naman ni tito Keandre at natawa pa ito nang kaunti sabay nagmano rin ako sa kanilang dalawa. "Mana ka talaga sa akin? Talaga ba Keandre 'yung proposal mo noon, remember? Nabuking ko dahil na wrong sent ka sa akin hahaha. Hay nako. Naalala ko na naman. Palpak ka sa part na 'yun." pang-aasar naman sa kaniya ni tita Marivic. "Marivic naman 'wag mo nang ipaalala nakakahiya haha. Oo na mas magaling itong anak ko." sagot naman ni tito. "Syempre naman dad. Walang alam dito talaga itong si Thalia." pagmamayabang pa ni Kendrick sabay kindat sa akin. Napa-pout nalang ako. "We're so happy for the both of you." sabi ni daddy. "Maraming salamat po tito Lyndon." sagot ni Kendrick sabay niyakap naman ako ni mommy. Habang nakayakap naman siya sakin ay bumulong siya. "Hay ang bilis talaga ng panahon anak. Dati baby ka pa lang ngayon engage kana at ikakasal kana niyan." "That's true mommy. This is all because of you dahil kung wala kayo? wala rin ako sa mundong ito. I'm thankful because I have you and daddy and I am thankful dahil kayo ang naging mga magulang ko." sagot ko naman sa kaniya. Umalis naman na siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang mga kamay. "Congarts ulit anak. I know you will be going to be a good wife and a good mother in the future." sabi pa niya. Kaya napangiti naman ako at sumagot ng, "Yes Mom, I will because like you I want to be a good wife too and a loving, caring and understanding mother to my future children." Ngumiti naman siya. "Sige na po kain na po kayo." sabi ko pa sa kaniya. "Kayo rin ni Ken." sagot naman niya. Tumango naman ako. "Let's go?" pag-aaya ni tito Keandre sa kanila. "Tara." sagot naman nila sabay lakad nila palayo sa amin at pumunta na sa isang table para kumain na rin. "Tara mahal kain na rin tayo." pag-aaya naman sa akin ni Kendrick. "Okay mauna kana sa table kung saan tayo kakain puntahan ko lang 'yung nga employee ko sa catering part." pagpapaalam ko sa kaniya. Tumango naman siya sabay sabing, "Sige hintayin na kita niyan. Sabay na tayo kumain." "Yhup saglit lang ako." sagot ko naman sabay lumakad na ako at naghiwalay na kami ng direksiyon. Mayroon na kasing sineserve na mga pagkain per table. Lumakad ako papuntang catering part. By the way, ang itsura ng venue ay parang mini garden or park and isa siyang place na pagmamay-ari daw nila Kendrick. And to be honest, ngayon lang ako napunta sa lugar na 'to at ngayon ko lang din nalaman na mayroon silang ganitong ipinagawang place. May bahay na nakatayo at style siya na parang modern bahay kubo or I mean 'yung labas niya ay makikita mo na parang ordinaryong bahay kubo lamang pero sa loob ay kongkreto ang disenyo at pagkakagawa. "Hi, Ma'am!" bati sa akin ni Magie nang makalapit na ako sa pwesto nila. "Good evening, Ma'am! Congratulations!" masiglang bungad naman sa akin ni Demi habang si Vina naman ay nakangiti lang sa akin. Mukhang speechless din ang secretary ko ah. Tinaasan ko naman sila nang dalawa kong kilay. "So... kasabwat pala kayo?" pakunwaring galit ako sa kanila. Hindi naman sila kumikibo pero bahagyang ngumingiti sila. "I'm serious." sabi ko para maging seryoso ang mga mukha nila. Then, iyon na nga! Nagseryoso na ang mga facial expression nilang tatlo. "Ang gagaling niyong magsikreto ha. I didn't like it." seryosong pagpapatuloy ko. "Hala, sorry po Ma'am napag-utusan lang po kami." biglang paghingi ng paumanhin ni Vina. "Ma'am sorry po hindi po namin alam na ganiyan ang magiging reaksiyon niyo." malungkot na sabi naman ni Magie. "Sorry po..." dagdag pa ni Demi. Hindi ko naman na napigilan ang tawa ko. Tinignan ko lang kung ano ang isasagot nila sa akin. Natawa ako sabay sabing, "I don't like it, because I love it! I love it guys! Maraming salamat sa effort niyo! pati na rin sa mga ibang kasamahan niyo sa restaurant na nandito." Napanguso naman sila. "Ma'am naman eh, akala namin magagalit kapa dahil tumulong na nga kami na isurprise ka eh." sabi ni Vina. "Pero Ma'am, totoo na hindi agad nareplyan yung customer na 'yun na kaptid pala ni Sir Ken. Kanina lang din po namin nalaman nila Demi at Magie na para sa inyo po pala 'yung event na pagcacateran." pagpapaliwanag pa niya. "Tama po 'yan Ma'am. Bale tinulungan lang po namin si Sir na mag-ayos din ng lugar na 'to kanina." dagdag pa ni Demi. "Oo nga po Ma'am." nakangiting sabi pa ni Magie. "Kaya pala... Kaya pala 'yung mga list ng lulutuin na mga pagkain ay halos mga paborito ko. Si Kendrick, mommy and daddy lang kasi ang nakakaalam ng mga 'yun at kayo diba? Lalo na at nagpapaluto ako minsan sa inyo sa restaurant ko." sabi ko naman sabay may yumakap naman sa akin mula sa likod ko. "Congats Ate Thalia!" pagbati nito. Hindi ko pa man siya nakikita ay alam ko na kung kanino ang boses na iyon. Kay Kendra sa nakababatang kapatid ni Kendrick. Inalis na rin naman niya agad ang pagkakayakap niya sa akin. "Thank you, Kendra!" pagpapasalamat ko habang nakangiti. "Maiwan kona kayo dito guys. Kain na rin kayo ha." bilin ko sa kanila. "Okay po Ma'am. Enjoy po." sagot naman nila. Kaya naman inaya ko na si Kendra na pumunta sa kinaroroonan ng Kuya niya. Nakita naman naming nakaupo si Kendrick habang may tinitignan sa cellphone nito. "Kuya!" bati sa kaniya ni Kendra. "Tara? Sabay sabay na tayo kumain." sabi naman niya. Kaya naman umupo na kami ni Kendra. "So... Ikaw pala 'yung nagpanggap na customer." sabi ko habang nagsasandok si Kendra ng pagkain kaya natigilan naman siya. "Uhm yes ate. Si Kuya kasi eh haha. Pero successful naman." nakangiting sagot naman nito. "Yhup that's fine. Natutuwa lang ako dahil sa effort niyo na isurprise ako." sabi ko naman sabay hawak sa kamay niya. "Thank you." dagdag ko pa. "No worries ate. Alam niyo namang masaya ako para sa relasyon niyo because you both deserve each other and soon deserve ko na rin magkapamangkin." pagbibiro pa niya sabay kindat sa kuya niya. Hay magkapatid nga talaga itong dalawang 'to. "We'll get there. Soon." sagot naman ni Kendrick sabay ngiti pa ng loko at pataas taas pa ang dalawang kilay nito sa akin. "Kumain na nga tayo gutom na kayo no?" pag-iiba ko ng usapan sabay pinagsandok ko na rin si Kendrick ng pagkain niya. "Ang sweet ng magiging misis ko ‘diba Kendra?" tanong niya sa kapatid niya. "Okay sana all nalang." matipid na sagot naman ni Kendra. Inaasar na naman niya ang kapatid niya. Sad to say niloko kasi si Kendra ng dati nitong boyfriend dahil nakabuntis ito ng iba. Kaya itong si Kendrick at nangako siya sa sarili niya na kahit kailanman ay hindi niya magagawang manakit ng babae dahil nakita niya kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdaanan ng kapatid niya at dahil na rin sa ayaw niyang mangyari na bumalik sa kaniya o sa magulang niya 'yung pangloloko na gagawin man niya kunwari. "Kendrick kumain ka nalang." sabi ko kaya naman natigilan siya sa pang-aasar. Ngiti-ngiti pa kasi ang loko. Ako syempre babae rin ako at alam ko na medyo masakit pa rin kay Kendra 'yung nangyari noon dahil almost 3 years din sila ng boyfriend niya noon pero ganoon nga 'yung nangyari. Nakikita ko pa rin sa mga mata niya na hindi pa siya ganoon ka-okay. "Sorry na mahal kung inaasar ko na naman si Kendra." pabulong na paghingi naman niya ng paumanhin. Tumango nalang ako sabay sabing, "kumain ka nalang diyan." "Success bro!" bati naman ni Phil nang puntahan niya kami sa table namin. "Thank you bro! Tapos kana kumain?" tanong naman sa kaniya ni Kendrick. Tumango naman ito. "Wait lang bro may tumatawag." pagpapaalam niya agad sabay lumakad palayo sa amin at sinagot ang phone call. "Hay babae na naman siguro 'yun." sabi naman ni Kendrick. Si Phil kasi 'yung tipo nang lalaki na opposite nitong si Kendrick. Si Phil ay gwapo kagaya ni Kendrick kaso single siya at mahilig makipag-hangout kasama ang mga babae. Kaya siguro hanggang ngayon wala pa ring tumatagal na girlfriend nito. Nagpatuloy naman kami sa pagkain. Nakita ko namang busy na nagkukwentuhan sila mommy at daddy kasama sila tito Keandre at tita Marivic sa isang table. Close na close at masaya silang tignan at magkakasundo talaga sila. I'm sure na business ang pinag-uusapan nila kapag ganiyan. Hanggang sa natapos naa ng gabing iyon at ilang oras pa ay nagkantahan lang kami sa videoke. Ilang oras pa ang lumipas at napagdesisyunan na rin naming umuwi. "Bye mahal! I love you." pagpapaalam ni Kendrick sa akin. "I love you too, mahal. Bye! Ingat kayo." pagpapaalam ko na rin sa kaniya at sabay sabay na kaming sumakay ng kotse. Kasabay kong umuwi sila mommy and daddy. Habang nasa sasakyan naman kami ay biglang nagsalita si mommy na nakaupo sa tabi ni daddy na nagdadrive ng kotse. "Thalia, nakapag-usap nga pala kami nila Marivic at Keandre kanina na magkaroon pa kayo ng isang engagement party para sa official announcement na engage na kayo. Para na rin celebration kasama ang iba niyong mga kaibigan at mga kamag-anak. Pati na rin 'yung mga kapartners natin at ng mga magulang ni Ken sa business." sabi ni mommy. So, 'yun siguro 'yung pinag-uusapan nila kanina. Inisip ko naman 'yun. Sabagay party lang naman 'yun and celebration again but this time kasama na ang mga iba naming kaibigan at relatives. Pero baka hindi pa alam ni Kendrick ang patungkol dito. "Uhm, I will ask Kendrick muna po mommy regarding that." sagot ko. "Sure anak, pero siguro sasabihin na rin sa kaniya 'yun nila Marivic at Keandre." sagot naman ni mommy. "By the way anak, anong month ang plano niyo niyang magpakasal?" tanong naman ni daddy kaya napaisip naman ako bigla. Mukhang stressful din ang pagpaplano sa kasal. "Uhm, hindi pa po namin alam dad." sagot ko naman. "You know what maganda kapag month of June. Alam ko kasi swerte kapag daw June bride anak. May nabasa ako noon ang sinasabi ay ayon kay Dra. Daniela Rohler PhD., for Individual and Couple Psychotherapy, Counseling and Consulting sa kanyang Blog. Marami daw na mga kababaihan ang nangangarap na maging June Bride dahil magiging swerte daw in the future. At sabi pa, sa panahon ng Romano, karaniwang nagpapakasal ang magkasintahan sa buwan ng Hunyo o ‘Juno’. Si Juno kasi at Roman Goddess of marriage na asawa ni Jupiter at siya daw 'yung nagdadala ng swerte, goodluck, prosperity, blessings and happiness sa mga bagong kasal. At nabasa ko pa na medyo tag-ulan na rin 'yung buwan na 'yun but itinuturing daw 'yun na pagpatak ng mga biyaya." pagpapaliwanag ni mommy. Natahimik naman kami ni daddy sa mga sinabi niya. "Alam mo pala 'yung mga patungkol sa ganiyan darling?" tanong ni daddy sa kaniya. "Ay oo naman darling nagbabasa basa kasi ako. Alam mo na kapag curious sa isang bagay, pagkain o pangyayari, sinesearch ko kaya ayan base sa nabasa ko 'yung about sa June Bride." sagot naman ni mommy. Napaisip naman akong muli at mukhang maganda nga na maging June Bride. Wala namang masama kung maniniwala 'di ba? Pero marami na rin kasi akong kabatch noong college na nagpakasal sa month na June. Pero pag-iisipan ko pa rin at tatanungin ko pa si Kendrick regarding that. "Pag-iisipan ko pa 'yan mommy basta kapag okay na ang schedule namin ni Kendrick at may free time na kami nitong week or month and pag-uusapan na po namin. By the way kailan po ba ang plinano o napag-usapan niyong engagement party namin?" tanong ko pa. "Ah sa next Sunday sana anak." sagot naman ni mommy. Saturday kasi ngayon so kung next Sunday so mayroon pa kaming one week to prepare. "Ah okay po. Kausapin ko po niyan si Kendrick kung mayroon na rin sa kaniyang binanggit sina tito Keandre at tita Marivic patungkol doon." sagot ko. "Okay anak.” sabi naman ni mommy. Hanggang sa nakarating na rin kami ng bahay. Pagdating namin sa bahay ay nagpaalam na rin ako kila mommy at daddy at umakyat na ako sa kwarto ko. Naghilamos na rin ako upang makapagpalit na ng damit. Ilang minuto pa at humiga na ako sa kama ko at nagmessage na ako kay Kendrick na nakauwi na kami sa bahay at kakatapos ko lang din maghilamos. Hintayin ko muna ang reply niya at itatanong ko na rin ngayon kung mayroon nang nabanggit ang mga magulang niya tungkol sa engagement party ulit na pinag-usapan daw nila kanina. ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD