Thalia's POV
"Hello mahal, nakauwi na kami nila mommy and daddy sa bahay, kayo? By the way may itatanong nga pala ako." message ko kay Kendrick.
Ilang minuto lang din naman ang lumipas at nag-reply na rin siya.
"I'll call you."
Pagkatapos ko mabasa ang message niya ay bigla na nga siyang nag-call through messenger.
"Nakauwi na rin kami mahal, kakatapos ko lang din maghilamos at heto nakahiga na ako sa kama." bungad niya habang hinahawi hawi pa ang buhok nito.
Ang hot lang niya tignan.
"Mabuti naman mahal." sagot ko habang nakahiga na rin sa kama.
"Oh mahal, ano nga pala 'yung itatanong mo?" tanong niya sabay in-open niya 'yung camera niya. So ngayon magka-videocall na kami. Akala ko hindi niya pinansin 'yung sinabi ko na 'yun sa message ko sa kaniya.
"Ah, kanina kasi kanina habang nasa biyahe kami pauwi nila mommy at daddy nabanggit ni mommy sa'kin na may napag-usapan daw sila nila tita Marivic at tito Keandre about sa engagement party ulit para sa atin." sabi ko habang nakatitig sa kaniya sa phone.
"Ah, oo mahal nabanggit din sa'kin 'yan nila daddy and mommy kanina. This Sunday daw yata ang napag-usapan nila? Kung okay din naman ang schedule mo, so mag-leave nalang muna ako sa trabaho or makipagpalitan nalang siguro ako ng schedule kay Phil. Makikiusap nalang ako sa Head namin." pagpapaliwanag ni Kendrick.
Napaisip naman ako. Tuwing Sunday kasi usually madaming customer sa restaurant lalo na medyo malapit ang pwesto namin sa isang Catholic Church doon and marami ang nagsisimba tapos 'yung iba tutuloy sa restaurant namin para doon na kumain.
"By the way mahal, 'di ba kapag Sunday marami ang kumakain sa restaurant mo after nila magsimba?" tanong bigla ni Kendrick. Oh 'di ba? Sabi sa inyo eh.
Napakamot naman ako sa ulo sabay naisip kong kaya naman na ng mga staffs ko ang mga trabaho so. I'll go with the date na napag-usapan na rin nila mommy tsaka tita.
"Hay, kaya na siguro ng mga staffs ko 'yun mahal. Tsaka alam mo naman hindi lang naman ito 'yung first time na wala ako sa restaurant na marami ang customer 'di ba? So, I know na kaya na nila 'yun." sagot ko.
Tuwing may celebration naman din kami sa bahay like birthday ni mom or dad or anniversary nila, magkakasama kaming nag-cecelebrate and iniiwan ko ang restaurant sa secretary kong si Vinna and okay naman. Maayos at wala namang nagiging problem na na-rereport sa akin at the end of the day.
"Sabagay, tama ka mahal at mapagkakatiwalaan naman lahat ng mga staffs mo sa restaurant so okay na tayo sa Sunday?" tanong niya pa habang nakangiti at pataas-taas pa ang mga kilay nito kaya naman napangiti rin ako sabay tumango na lamang. Hindi ako makapagsalita dahil medyo natatawa ako sa kaniya.
Ang cute niya kasi lalo na kapag nakangiti tapos ganiyan pa na pataas-taas ang kilay, parang nang-aakit ba hahaha. May dimples din kasi si Kendrick kaya talagang ang gwapo ng soon to be husband ko.
Nilapit naman niya 'yung mukha niya sa screen ng phone sabay ngumuso. "Huy, natulala ka na sa kagwapuhan ko hahaha." Nang-aasar na sabi pa niya sabay kumindat pa ang loko.
Hay. I miss this man kahit na saglit pa lamang kami magkahiwalay kaya naman napasambit ako ng "I miss you mahal." sabay nag-pout ako.
"Sabi ko na nga ba eh. Natulala na sa kagwapuhan ko at namimiss na rin ako kaagad. I miss you more mahal ko." sagot naman niya. Masyado na kaming matamis dito at baka langgamin na kami kaya bigla kaming natawa sa isa't-isa.
"Ilang oras pa lang tayong magkahiwalay Kendrick. Napaka-OA kung iisipin pero ewan ko ba parang iba kasi talaga kapag kasama mo 'yung taong mahal mo." sabi ko.
Ngumiti naman siya ulit sabay sabing "You're right mahal. Ito ah, pwera biro, kapag kasama kita I feel that I have everything. Alam mo ba sabi ko noon sa sarili ko, na hindi ko gagawing mundo ko ang isang tao because I've seen kung gaano kasakit kapag nawala sa'yo 'yung taong ginawa mong mundo o doon sa taong 'yun mo lang pinaikot 'yung buhay mo just like what I've saw to my little sister, Kendra. But, now as I grew up and got mature with you, I know to myself na hindi talaga mapipigilan ang isang tao na gawing mundo 'yung taong mahal niya. Kaya ngayon I know na ikaw 'yung mundo ko, 'yung mundo na hindi ko nanaisin na lisanin kailanman."
Nakangiti lang ako habang nakatitig pa rin sa kaniya.
"Speechless lang ako mahal." sagot ko kaya naman natawa siyang bahagya.
"Joke haha. Ikaw din ang mundo ko Kendrick. I don't know how to live without you." dagdag ko pa.
"I love you, my soon to be wife." he said.
"I love you too, my soon to be husband." sagot ko naman sabay napatingin ako sa orasan na nasa gilid ng kama ko. It's 11:30 pm and mukhang pagod na pagod si Kendrick ngayon base sa nakikita ko sa mga mata niya mukhang inaantok na rin siya.
"Gabi na rin pala mahal. Magpahinga na tayo?" sabi ko sabay nagkumot na rin ako. Bigla namang naghikab si Kendrick.
"I'm so lucky to have this man. He's indeed a man and not a guy or boy." sabi ko sa isip ko.
"Sorry mahal naghikab na ako, medyo inaantok na rin eh."
"Sige na mahal, matulog na tayo, may trabaho pa tayo bukas. Good night na. I love you." sambit ko sabay nag-flying kiss ako sa kaniya sa videocall.
"Okay mahal, good night na rin. I love you more. Magpahinga na tayo." sagot naman siya sabay hinalikan 'yung screen ng phone na para bang kiniss niya ako sa personal.
Nag-wave na lang din ako sa kaniya at ganoon din naman siya sabay pinatay ko na 'yung call and binaba ko na rin 'yung phone ko sa may mini cabinet sa gilid ng kama ko.
Nagdasal muna ako bago matulog. I'm so blessed to have this kind of life. Mayroong mga mabubuting magulang, trabaho o negosyong okay ang income, at higit sa lahat taong nagmamahal sa akin ng totoo.
Sana pati ang ibang tao swerte o blessed din, ay mali pala. Lahat pala tayo is blessed because we have God in ourlives, doon pa lang, swerte na tayo.
Habang nagdadasal ako, hindi ko na rin namalayan na nakatulog na rin pala ako.
Crystal's POV (Thalia's Mom)
"Hay, busog na busog talaga ako kapag luto sa restaurant ng anak natin ang hinahapag or luto ng anak natin." bungad ko nang makarating na kami sa bahay.
Nagpaalam naman na si Thalia sa amin para umakyat na sa kwarto niya at magpahinga na rin.
"Totoo 'yan darling, saan pa ba magmamana ang anak natin kung hindi sayo." sagot naman ni Lyndon habang nagbibihis.
Tinaas taasan ko naman siya nang kilay habang nakangiti pa sabay pumasok muna ako sa banyo para maghilamos at mgapalit na rin ng damit.
Pagtapos kong maghilamos at habang inaayos ko ang buhok ko at nakatitig sa salamin ay napaisip ako tsaka lumabas sa bibig ko ang mga salitang "ang bilis ng panahon." sabay napangiti naman ako.
Paglabas ko naman ng banyo ay nakita ko si Lyndon na nakahiga na sa kama habang nakatitig sa hawak hawak niyang cellphone.
Humiga naman ako at yumakap sa kaniya. Nakita ko namang nakatitig siya sa litrato nila Thalia at Kendrick sa surprise proposal nito kanina.
"They're just like us before right?" tanong niya sa akin habang nakatingin at nakangiti pa.
Tumango tango naman ako.
"Time flies so fast." sambit ko naman. "Naaalala mo pa ba noong baby pa si Thalia sobrang cute niya. Tapos ang likot likot pa ng batang 'yan." dagdag ko pa.
"Tama ka darling, look how our baby grew up so fast. Ngayon malapit na siya magkaroon ng katuwang niya sa buhay and ilang taon lang at magkakaroon na din siya ng sarili niyang pamilya." tugon naman niya sabay napatingin sa isang frame ng picture namin.
Mayroon kasing family picture kami dito sa kwarto na nakalagay sa gilid ng flat screen television.
"Naaalala mo ba noon darling. Mayroong manliligaw ni Thalia noong High School pa lamang siya and ang lakas ng loob na magpaalam sa'yo hahaha. Imagine, Thalia was 14 years old that time and may seryoso na siyang suitor."
Naalala ko lamang bigla 'yung batang 'yun. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya pero gwapo rin siya at tisoy pero mukhang playboy haha.
"Ah 'yung bata na 'yun. Ang lakas ng dating niya pero hindi ko nakita sa kaniya na seryoso siya talaga sa anak natin dahil ang bata bata pa nila para pumasok sa isang relasyon. Baka nagandahan at nabaitan lang siya kay Thalia but it's not yet true love." sabi ni Lyndon sabay hawak sa kamay ko at napatingin sa wedding ring namin.
"True love comes at the right time. Kagaya ng pagmamahal natin sa isa't-isa." dugtong pa niya.
"Thank you dahil dumating ka sa buhay ko Lyndon." sagot ko at bigla akong napayakap ng mahigpit sa kaniya.
Napakaswerte ko at binigay ng Diyos si Lyndon sa akin at minahal ako ng totoo.
"Huwag ka na nga magdrama darling haha. Mahal na mahal kita kahit anong mangyari at mamahalin kita habang nabubuhay ako. Sana ganoon din si Kendrick sa anak natin."
"Alam ko namang mahal na mahal ni Kendrick ang anak natin pero sana hindi iyon magbago kapag magkasama na sila sa isang bahay." seryosong sambit nito.
"Huwag kang mag-alala mahal, nangako sa atin si Kendrick na hindi niya sasaktan ang anak natin. Patuloy na lang natin siyang pagkatiwalaan at sigurado ako na seryoso at mahal na mahal niya talaga si Thalia." sagot ko naman.
Huminga naman ito nang malalim. Alam kong nag-aalala lamang si Lyndon sa anak namin dahil malapit na itong ikasal sa nobyo niya at mukhang magiging busy na rin siya bilang may bahay.
"Don't worry darling. I mean huwag ka nang mag-isip isip ng kung anu-ano pa diyan. Mabuti pa at magpahinga na tayo at mayroon ka pa yatang aasikasuhin bukas sa negosyo natin. Kaya mabuti pa at matulog na tayo. sabi ko pa. Humarap naman ito sa akin sabay sabi nang "Mabuti pa nga. Hindi naman sa nag-aalala ako sa anak natin Crystal. Siguro nga hindi pa ako sanay na ikakasal at magkakaroon na ng katuwang sa buhay ang nag-iisang prinsesa natin. Hay, magpahinga na nga tayo."
Hinalikan naman niya ako at tsaka nagsalitang muli. "Good night, darling. Mahal na mahal kita, mula noon hanggang ngayon."
Ngumiti siya sa akin sabay ipinikit na ang mga mata niya at taimtim na nagdasal.
"Mahal na mahal din kita, darling. Salamat at mayroon akong ikaw. Good night na rin." sagot ko naman at ipinikit ko na rin ang aking mga mata at tulad niya ay nagdasal na rin ako bago matulog.
Bigla namang yumakap sa akin si Lyndon. Siguro ay tapos na ito sa kaniyang pagdadasal. Nang matapos naman ako ay yumakap din ako sa kaniya hanggang sa matapos na ang araw na iyon.
Kendrick's POV
Kinabukasan, paggising ko ay napatingin ako agad sa orasan na nakasabit sa kwarto ko. Napaka aga pa pala kaya naman napabusangot ako.
Kinuha ko naman agad ang cellphone ko para i-message si Thalia na gising na ako.
"Good morning, mahal."
Pagtapos ay nagmuni-muni muna ako saglit. Makalipas naman ang kalahating oras ay nag-reply na si Thalia.
"Good morning din mahal. Early bird ka ngayon ah."
Oo, early bird nga talaga. Usually nagigising kasi ako mga 5:30 ng umaga. Ngayon ang aga aga ko nagising dahil 4:30 pa lamang. Hay. Ganito ako naiinis minsan dahil kapag nagising na ako ng maaga ay hindi na ako ulit makatulog, hindi ko alam kung bakit. Pero paminsan- minsan lang naman. Pero kapag sinuwerte naman at nakatulog naman akong muli ay mapapasarap na ako ng tulog at baka tanghaliin na rin ako magising.
"Mag-breakfast ka na mahal." reply ko naman sa kaniya sabay bumangon na ako sa kama ko at naghilamos na rin.
Pagkalabas ko naman ng CR ay nakita kong mayroon nang reply si Thalia.
"Ikaw din mahal. Mamaya na lang ah. Gagayak na rin ako niyan. Pati ikaw. Mag-iingat ka. I love you."
Napangiti naman ako. Napaka-organize talaga ng fiancé ko sa lahat ng bagay.
Organize siya, I mean, nakaayos talaga ang mga plano niya sa isang araw, kapag may sinabi siyang oras na nakalaan para sa isang bagay, tutuparin o gagawin niya. Halimbawa, sa paggayak ng sarili niya papuntang trabaho, kapag sinabi niyang after 30 minutes for example dapat tapos na siya, tapos na siya talaga. How nice this woman, alam niya rin talaga kung paano i-manage ang oras niya. I hope ako rin.
Pagdating kasi sa time management noon, wala. Nagkakanda loko loko ang schedule ko, but when I met Thalia, natuto ako mag-manage ng time para sa sarili ko, sa family ko, sa work and sa aming dalawa.
Nireplyan ko naman na rin si Thalia.
"Okay po mahal. Mag-iingat ka rin. I love you too."
Then bumaba na ako para mag-almusal na at nakita ko naman na si Daddy na nasa kusina habang nakaupo at may hawak hawak na dyaryo.
Uso pa kay Daddy ang dyaryo pero nakita ko din na nasa tabi ni Daddy ang iPad nito.
"Good morning, Dad." bati ko kay Daddy habang nakangiti at si Mommy naman ay nakatayo at nagpiprito ng chicken at egg katabi ng kasambahay namin na si Yaya Selang.
"Good morning din mom." bati ko naman kay mommy habang nakangiti rin.
"Good morning din, Ken." sabay naman nilang bati sa akin sabay ngiti rin nila pabalik.
"Uhm, Dad bakit po hindi na lang kayo nagbabasa ng mga news today sa iPad niyo? I mean, sa mga news websites pwede niyo nang ma-access and makita ang mga latest na news all over the world." suggest ko naman kay daddy.
We are in the modern world, or I mean lahat na yata ay digital. Mula sa pakikipag-communicate sa ibang tao virtually hanggang sa pag-bili ng mga products and foods, ang mga transakyon na ay online.
"Alam mo anak, alam ko naman iyang sinasabi mo pero, alam mo naman 'di ba? matanda na rin ako. Kapag nagbasa ako gamit ang iPad ay baka mababad ang mga mata ko sa gadget at maapektuhan ito ng radiation so, heto dyaryo muna ako and minsan sa iPad din." paliwanang naman ni daddy.
Sabagay, naalala ko tuloy noong medyo bata bata pa ako ay madalas syempre nakatutok ako sa phone, lalo na kapag kausap or ka-chat ko si Thalia halos hindi ko mahiwalay ang phone ko sa akin, pati sa pagligo nga dala dala ko minsan haha.
Tapos ayun, minsan sumasakit ang ulo ko, siguro nga dahil sa kakatutok ko sa phone. Pero si mommy kapag masakit noon ang ulo ko, hindi ako sinasabihan nang "kaka-cellphone mo 'yan" instead pinagpapahinga na lamang niya ako.
Nakikita ko kasi sa mga meme sa f*******: 'yung mga posts na kapag may masakit sa mga kabataan ngayon usually ang major reason or cause is 'yung pagse-cellphone pero minsan baka nga ang pagse-cellphone talaga. Hay ano ba 'yan.
"Pero mayroon namang anti-radiation na eye glasses dad." bigla akong bumalik sa pag-suggest kay daddy na busy pa rin sa pagbabasa sa hawak hawak niyang dyaryo.
"Sige nga anak, mag-oorder ako niyan. Ipag-oorder ko na rin ang mommy mo." pagsang-ayon naman ni daddy.
"Wait, wait, wait! What's that order thingy na narinig ko? Nagshoshopping na naman kayo online no? Nag-aadd to cart kayo? Bakit hindi niyo ako sinasama diyan daddy, kuya ken, and you, mommy." nagulat kami nang biglang may nagsalita, nagsalita nga ba o medyo malakas pa ang boses niya na parang napapasigaw nang bahagya.
Sabay sabay kaming nakatingin sa kaniya ngayon. Nakita ko namang umiiling-iling si mommy habang nakangiti. Habang si daddy naman ay napakamot pa sa ulo.
"Hay nako, gising na pala haha." bungad ni mommy sa bunso kong kapatid na si Kendra ng makaupo na ito at nakaharap sa akin.
"Good morning, my little sister." bati ko naman sa kaniya.
"Good morning din, brother, daddy and mommy and kay Yaya Selang." bati naman niya sa amin.
"Ano nga daddy, mommy and brother? Nag-oorder kayo online? Ako rin dapat, ang dami dami ko kayang naka-add sa cart." pangungulit na pagtatanong nito sa amin, hay, addict na yata 'to sa pag-oonline shopping.
"Ayan, nakarinig na naman ng pag-oorder sa online lagot ka diyan Keandre. Ikaw ang magbigay ng pang online shopping niyan." sagot naman ni mommy.
Sumagot naman din ako. "Wala, hindi naman kaming lahat nag-oorder ano ka ba. Ayan, order ka kasi ng order kaya makarinig ka lang ng salitang order, gusto mo pati ikaw. Hay, mga kabataan nga naman ngayon."
"Mag-oorder daw kasi si daddy ng anti-radiation na salamin for his eyes para sa pagbabasa niya ng news sa iPad o sa kahit anong gadget para kahit medyo tumagal siya na nagbabasa sa internet, hindi ganoon maaapektuhan ang mga mata niya. And ayun nga, ipag-oorder na rin daw niya si mommy." paliwanag ko pa. Haynako batang 'to talaga.
Sabay patango-tango pa ito.
"Ahh, so... ako rin mag-oorder ng bagong anti-radiation eye glasses ko. Luma na kasi 'yung sa akin. Libre mo ako Daddy!" masiglang sagot pa niya.
"Hay, oo sige anak. Alam kong mangungulit ka rin naman niyan kapag hindi kita naipag-order." no choice na sagot naman ni daddy.
Spoiled kasi 'tong si Kendra kaya ayan. Pero alam naman niya ang limitations niya. She's 20 years old. She's an adult now kaya dapat mas maging mature na siya mag-isip sa mga bagay bagay.
"Yes! Thanks Dad!" pagpapasalamat pa niya sabay tumayo pa siya at nilapitan si daddy sabay yakap pa dito.
"You are always welcome anak. Basta pagbubutihan mo sa studies mo and continue being a good daughter and sister okay?" sabi naman ni dad. Tumango naman si Kendra.
"Oh tama na 'yang order order na 'yan." biglang singit naman ni mommy habang inilalagay sa lamesa ang mga niluto nila ni Yaya Selang.
"Uhm, Mom, wala ka bang order ngayon sa online shops? or i-oorder? Kasi sale ngayon. Ang daming mga 50 percent off." ayan, iimpluwensiyahan na naman nitong si Kendra ang nanay namin.
"Oh really? Mamaya I will check the products na nasa cart ko anak, baka 50 percent off niyan 'yung gusto kong set ng jewelry!" excited na sagot pa ni mommy. Ayan na nga ba talaga ang sinasabi ko hahaha. Nagkasundo na naman sila.
"Ayan, itigil ang order order na 'yan pero sale ngayon. Panigurado mag-oorder na naman kayo ng mag-oorder na mag-ina." pagbibiro pa ni daddy.
Nagkatinginanan naman silang dalawa sabay pareho pang pataas taas ang kilay habang nakangiti sa isa't- isa.
"Kumain na nga lang tayo." paglihis ni mommy sa usapang pag-oorder sa online.
"Sorry na agad dad hahaha. Advance nang nagsosorry si mom sa mga padating niyang order hahaha." tumatawang pang-aasar pa ni Kendra.
Hay, ang saya naman ng ganito.
"Hahaha, Kendra kumain na nga tayo at makapag-check out na niyan." tumatawang dagdag pa ni mommy.
"Kayo talagang dalawa." iyan na lamang ang nasabi ni dad habang nakangiti at umiiling-iling pa.
"Baka ma-late pa kayo kaya kumain na okay? And Ken ano nga palang sabi daw ni Thalia? Is the Sunday is fine, para sa engagement party niyo?" magkakasunod na tanong naman ni mommy sa akin.
Sumagot naman ako habang nagsasandok ng pagkain. "Yes mom, okay lang po sa kaniya. For me, magpapaalam na lang po ako sa head namin or makikipagpalitan na lang ako ng schedule ko kay Phil."
Tumango tango naman sila.
"That's good to know." sabi naman ni Dad.
"Mami-miss kita brother kapag nakita na kayo ni ate Thalia sa own house niyo." biglang drama naman ng kapatid ko.
Hinaplos haplos ko naman ang ulo niya sabay sabing "Kung gusto mo araw-araw kang pumunta noon sa bahay namin para hindi mo ako ma-miss."
"Sila mommy at daddy naman ang mami-miss ko 'nun." sagot naman niya.
"Ofcourse palagi natin silang bibisitahin 'nun anak. Kaya 'wag ka muna mag-overthink diyan." singit naman ni mommy.
"Naglalambing lang naman siya mommy, kasi wala na siyang pasalubong niyan tsaka dagdag allowance sa 'kin kapag nasa ibang bahay na ako kasama si Thalia." sabi ko pa. As what I've said kanina, spoiled siya kila mom and dad at oo pati na rin sa akin.
"Brother naman eh, nangbubuking ka naman hahaha." tumatawang sagot ni Kendra.
"Hay, oh sige na male-late ka sa school Kendra, and ikaw Ken sa work kaya kain na tayo." sabi naman ni dad.
Kaya naman nag- ngitian na lang kami ni Kendra at tsaka kumain na nga.
ITUTULOY...