Kendrick's POV
"Mauna na po ako mom and dad." pagpapaalam ko sa kanila.
"Wait lang brother! Sabay mo na ako. Madadaanan mo naman 'yung University namin 'di ba?" tanong naman ni Kendra na nakabihis na at papasok na sa school.
Kendra is in 3rd year college. "Okay sumakay ka na bago ka pa magsalita ng kung ano ano diyan haha. Tara na at baka ma-late tayong dalawa. Lalo ka na at baka masaraduhan ka pa ng pintuan ng Professor mo." anyaya ko sa kapatid ko.
"Okay captain! Hahaha. Bye mom, dad, and Yaya Selang." pagpapaalam na rin niya sa kanila.
"Mauna na po kami." pagpapaalam ko na rin ulit sa kanila.
"Sige na mga anak. Mag-iingat kayo. Bye! Love you." sabi ni mommy sabay nag-flying kiss pa ito.
"Ingat mga anak. Bye."- ayan naman si daddy sabay kumaway na ito.
Pumasok naman na ako sa kotse matapos kong mailagay ang mga gamit na kailangan kong dalhin sa trabaho kagaya ng extra kong uniform at iba pa.
Then I started the car engine at nagsimula na rin akong mag-drive.
Habang nasa biyahe naman kami nitong si Kendra ay busy ito sa pagkalutkot sa cellphone niya.
Napasilip naman ako. Nagtitingin lang pala sa i********:.
"Grabe ang sexy talaga nitong si Ivana Alawi brother! Sana all may lahing Moroccan." nagulat ako nang magsalita siyang bigla.
Madalas kong naririnig kay Phil 'yang si Ivana Alawi at mayroon pang isa eh.
AG ba 'yun?
"Huy brother! Ang sabi ko ang sexy sexy talaga ni Ivana. Hahaha. Wala ka man lang comment diyan?" pang-aasar pa ni Kendra sa akin.
"Ikaw talaga. Isusumbong kita kay Thalia. Oo sexy 'yang si Ivana palagi kong naririnig 'yan kay kuya Phil mo. Tsaka gusto mo ba talagang maging kasing sexy niya? I mean you said na sana all may lahing Moroccan right?" tanong ko pa sa kaniya. Tumango tango naman siya.
Ako naman ang mang-aasar sa'yo Kendra.
"Alam mo kung paano? Paano ka magkakalahing Moroccan?" tanong ko pa ulit na para bang gusto ko pa siyang macurious.
"Paano ba brother? Pabitin ka pa eh. Ang pangit ka-bonding nito oh." sabi pa niya. Natawa naman akong bahagya sa 'ang pangit ka-bonding' hahaha. Saan na naman niya galing 'yun.
"Heto na heto na. Abang abang ka. Para magkaroon ka ng kasing sexy na katawan ni Ivana Alawi o lahing Moroccan ay mag-asawa ka ng isang Moroccan. Magpalahi ka sa Moroccan hahaha." tawang- tawang sagot ko sa kaniya.
Ito kasing si Kendra ayaw na ayaw niyan sa mga ibang lahi. Ewan ko ba. May mga tiga ibang bansa na nagme-message sa kaniya pero ayaw daw niya ng mga ganoon. Natatakot daw siya.
Loyal daw siya sa mga Pinoy. Ay mali pala except pala ang mga Koreano sa mga ibang lahi. Dahil na rin siguro sa lakas ng influence ng mga Korean movies or drama. Ayun, nangangarap din siya magkaroon ng oppa daw.
Dati naman may nagpaalam kila mommy and daddy na chinese na manliligaw sa kaniya pero ayaw niya hahaha. Ayaw daw niya sa instik hahaha.
"Brother! Ayoko nga sa ibang lahi!" sumisigaw niyang sabi. Hahaha ang cute ng kapatid ko kapag nabubusit.
"Except sa mga Koreano hahaha. Oppa! Oppa!" dagdag pa niya na akala mo kinikilig kilig pa.
"Tumigil ka nga diyan. Haha basta ako boto ako sa lahi ng Moroccan." inaasar ko pa rin siya.
"No!" sigaw naman niya.
"Mayroon pang binabanggit palagi si Phil na trending daw sa social media dahil sexy." bigla ko na naman naisip 'yung pangalan ng artistang 'yun.
AG Vidal?
Basta parang ganiyan.
"Ayan brother ah. Sino pa 'yang sexy na 'yan ah." sabi ni Kendra habang nagtitingin na ulit sa cellphone nito.
"AG Vidal ba 'yun?" tanong ko sa kaniya habang iniisip ko.
"AG?" tanong naman ni Kendra sabay napahawak pa ito sa sintido niya na tila ba ay nag-iisip din.
"Ayun! Naalala ko na!" sigaw ko pa.
"AJ!"
"Baka si AJ?"
Sabay kaming nagsalita.
"Hala! Si AJ Raval 'yun no brother?" tanong niya.
Natawa naman ako. AG Vidal ang sabi ko hahaha.
AJ Raval pala.
Tumango-tango naman ako.
"Yhup kuya trending siya sa social media. Anak din siya ng isang artista but hindi ko alam kung anong pangalan. Ang cute 'nun and ang sexy din, sobra! Ang hot hahaha." natutuwang tugon niya.
Tumatango-tango lang naman ako.
"Malapit na pala tayo sa University brother." sabi pa niya sabay ni-ready na niya 'yung mga gamit na bibitbitin niya.
"Yhup malapit na nga tayo." sagot ko naman.
Ilang sandali lang at "Here we are little sister."
Nakarating na kami sa University kung saan siya nag-aaral.
"Thanks for the ride brother. Thank you sa pagsabay and sa kwentuhan natin haha." pagpapasalamat niya.
"Simpleng bagay lang 'to Kendra. Sige na baka ma-late ka pa. Mag-iingat ka." sagot ko naman.
"Okay brother. Thanks again. Pasok na 'ko." tugon niya.
Bababa na sana siya nang makita ko namang nasa tapat ng gate ang g*go niyang ex-boyfriend habang busy itong nakatingin sa cellphone niya.
"Napakag*go." galit na sabi ko. Kaya napalingon sa akin si Kendra.
"Bakit brother?" nagtatakang tanong niya. Kaya napatingin naman siya agad sa direksiyon kung saan ako nakatingin.
"Z-Zion?" nautal na sabi niya. Zion is her ex-boyfriend. Ang napakag*go niyang ex.
"Brother don't worry okay? Wala na kaming communication niyang si Zion and hindi na rin kami nagpapansinan." nag-aalalang sabi ni Kendra.
"Yah I know. Mag-iingat ka okay? Sige na pumasok kana sa loob." sagot ko.
"Sige brother. Ingat ka rin. Pasok na ako." sabay bumaba na siya sa kotse tsaka ko naman nakitang naglakad na rin papasok ng University si Zion.
Pinapasok ko muna si Kendra sa loob bago ako nagsimulang mag-drive ulit.
Ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa airport.
"Hello, Captain. Good morning." bati sa akin ni Phil.
"Good morning din." tugon ko.
Nakita ko namang nakatingin na naman sa direksiyon namin ni Phil 'yung bagong Flight Attendant sabay kumaway pa ito at ngumiti. Nginitian ko rin naman siya ng bahagya pero syempre hanggang doon lamang 'yun.
Sabay lumakad na kami ni Phil para sumakay na sa eroplano at mag-trabaho na.
Thalia's POV
Nasa office ako ngayon sa restaurant. Inaasikaso ko ang mga kulang na papeles para sa bagong ka-partner ko sa panibagong branch ng restaurant na itatayo.
Nang biglang tumawag si mommy and daddy.
"Yes mom? Napatawag po kayo?" tanong ko nang sagutin ko ang tawag ni mommy.
"Ah wala anak kinamusta lang kita. Busy ka ba? Sorry baka nakaistorbo ako ha." paghingi naman niya ng paumanhin.
"Medyo busy lang po mommy. Pero okay lang po." sagot ko naman.
"Sige na anak. Mag-iingat ka. Goodluck sa work. Bye." pagpapaalam na rin ni mommy.
Napangiti naman ako. Na-miss siguro ako nito haha.
"Na-miss niyo lang ako bigla niyan eh. Sige na po mommy. Ingat din po kayo." pagpapaalam ko na rin sa call.
"Oo anak, na-miss ka namin ng daddy mo. Sige na continue what you are doing right now. Bye." nagpaalam na rin si mommy then pinatay na rin niya ang call.
Tinawag ko naman si Vina upang tulungan ako sa mga documents na inaasikaso ko.
Crystal's POV
"Medyo busy daw ang anak natin Lyndon. Kaya ayun hindi ko na siya nasabihan na isasama sana natin siya sa panonood ng sine ngayon. Kaya, no choice tayong dalawa na lang." balita ko sa asawa ko.
Pinatawagan niya kasi sa akin si Thalia. Natapos na kasi si Lyndon sa mga inaasikaso niya sa negosyo namin at naisipan niyang mag-relax daw muna at naisip niyang sa labas naman daw kami manood ng movie.
Madalas kasi nanonood kami nitong si Lyndon ng mga pelikula sa kwarto.
"Ah ganoon ba. Sige tayong dalawa na lang ang lumabas darling." sagot naman niya.
Mula magkasintahan pa lamang kami nitong si Lyndon ay madalas na kaming lumalabas para manood ng sine. Noon nga ang mura mura pa lamang ng ticket, samantalang ngayon ang mahal na. Ang laki na talaga ng pagkakaiba nang henerasyon noon at ngayon.
"Sige na. Pumasok na tayo sa loob para magpahinga ng sandali at makapagbihis na rin tayo." pag-aaya ko sa kaniya.
Nasa garden kasi kaming dalawa. Chineck namin ang mga collection kong halaman.
"Mabuti pa nga at para na rin masulit natin ang kahit kalahating araw man lang." sagot naman niya.
Kaya naman pumasok na kami sa loob ng bahay.
Pag-upo naman namin sa sala ay umakbay ito sa akin.
"Naaalala mo ba noon darling? Kapag lalabas tayo noon, 'nung nililigawan pa lamang kita. Ang hirap magpaalam sa mga magulang mo lalo na sa Papa mo." biglang naman siyang nag-kwento nang nakaraan namin.
"Oo darling haha. Pero seryoso kang manligaw eh, biruin mo sa sobrang strikto nila Mama at Papa noon nakuha mo pa ring dumalaw at sunduin ako kapag magyayaya kang lumabas tayo." sagot ko naman.
Kaya hindi talaga biro ang pinagdaanan nitong si Lyndon mula sa panliligaw pa lamang sa akin.
"Kaya naman bilib talaga ako sa'yo eh." dagdag ko pa. Kaya naman napangiti siya.
"Alam mo darling, ang gwapo gwapo ko rin naman kasi, saan pa ba sila? Gwapo na seryoso pang magmahal kaya naman nakuha ko rin ang tiwala nila darling." pagmamayabang pa ng loko.
Oo na gwapo naman talaga itong si Lyndon. At isa pang bagay na talagang nagustuhan ko sa kaniya maliban sa mabait siya ay dahil ang bango bango niya palagi kaya naman "napakabango mo rin kaya hahaha." sabi ko naman.
Hindi ko alam kahit na pinagpapawisan itong si Lyndon ang bango bango pa rin niya.
"Kaya nahulog din ang loob mo sa akin kaagad darling." sambit pa niya.
"Tapos naaalala mo pa noong minsan nanood tayo ng sine, excited na excited tayong dalawa dahil si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang bida tapos bigla naman nasiraan 'yung sinehan na pupuntahan sana natin." pagpapaalala ko naman sa kaniya.
"Hahaha, oo darling, hinding hindi ko 'yan makakalimutan. Alam mo bang bago lahat ang mga suot ko noong araw na 'yun? Hindi ko alam kung bakit pero talagang pinaghandaan ko ang pelikula nilang 'yun. Kaso nga lang ganoon 'yung nangyari. Ang malas natin nang araw na 'yun darling." nanghihinayang pa rin na sagot niya. Paborito kasi naming artista si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kaya talagang noong nililigawan pa lamang niya ako at mayroon silang bagong pelikula, ayun! talagang na-excite kami panoorin.
"Siguro hindi talaga natin time na mapanood 'yung pelikula nila na 'yun darling." sabi ko naman.
"Kaya nga darling. Oh siya gumayak na tayo at para masulit ang lakad natin at free time ko ngayon darling." sagot niya sabay alis na nito sa kamay niya na nakaakbay sa akin at tumayo na rin.
Kaya naman tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at tsaka na rin sumunod sa kaniya sa kwarto namin upang mamili ng aking isusuot na damit.
Kendrick's POV
Matapos ang isang biyahe namin ni Phil sa Hong Kong ay dumiretso na kami sa opisina namin para kumain na ng lunch.
Habang naglalakad pa naman kami ni Phil ay naaalala ko na imbitahin siya para sa linggo, 'yung gaganapin na engagement party namin ni Thalia.
"Siya nga pala Phil sa Sunday may gaganapin na engagement party kami ni Thalia. Alam mo naman tayo tayo pa lamang ang nakakaalam na nag-propose na ako kay Thalia at kahit sa social media wala man kaming post o kung ano man." pagiimbita ko naman sa kaniya.
"Tuloy na tuloy na talaga ah Captain Libiado! Sure pupunta ako diyan kaso wala akong kasamang date haha." sagot naman ng loko. Kasamang date? Ano 'yun pupunta sa party? I mean oo engagement party siya pero formal party 'yun para sa amin hindi parang night out lang. Hay.
"Anong ka-date ang sinasabi mo diyan. Hindi naman tayo magsasaya saya lang parang nasa bar ganun. Pero ikaw ang bahala baka may gusto kang isama okay lang naman para hindi ka mainggit samin hahaha." pang-aasar ko pa sa kaniya.
Umiling- iling lang naman siya sabay nagpatuloy na kaming muli sa paglalakad.
Malapit na kami sa opisina namin nang...
"Hi!" bati sa amin ng bagong flight attendant na si Annie.
Oo natandaan ko siya. Siya 'yung nag-alok sa akin ng ice cream noon. Nakita ko naman si Phil na abot tainga ang ngiti. Sabay bigla itong nagsalita.
"Yes! Nakita ko na ang isasama ko sa Sunday." he said sabay kindat kay Annie.
Hay ayan na naman siya haha.
Kumaway lang naman ako kay Annie just to show gesture which means 'hi'.
"Sunday? What about Sunday?" nakangiti ngunit nagtatakang tanong naman nito.
Tumingin naman sa akin si Phil sabay pataas-taas pa ang kilay nito.
Kaya naman sasagot na sana ako nang...
"Engagement Party nila Captain Ken tsaka ni Thalia." mabilis na lumabas naman sa bibig niya ang mga salitang 'yan.
Ewan ko sa'yo Phil. Kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.
"E-engagement?" nauutal na tanong pa ni Annie habang nakatingin pa ito sa akin.
Tumango lang naman ako.
"So ikakasal ka na pala niyan. Congrats!" bati pa nito.
"So... pwede ka ba sa Sunday?" biglang tanong naman nitong si Phil sa kaniya.
"Wait, I'll check my schedule kung wala akong ibang lakad this Sunday." sagot nito sabay kinuha ang phone niya at tinignan nga ang schedule nito gaya ng sabi niya.
"Uhm, wala naman akong lakad this Sunday. So, yhup okay lang sa akin. Saan ba ang venue?" tanong ni Annie.
"Ah sa bahay lang nila Captain Ken." sagot naman ni Phil. Mukhang excited na excited ang loko.
"Ah okay."
"Gusto mo sunduin na lang kita? Bigay mo na lang ang address mo or kung saan kita pupuntahan para sabay na lang tayo." pagpiprisinta pa nitong si Phil. Halatadong interaso talaga kay Annie oh. Easy ka lang naman bro.
"Ah, eh nakakahiya naman po." sabi naman niya.
Iiwanan ko na yata sila dito para sila na lang dalawa ang mag-usap eh. Nagugutom na kasi ako. It's already 1:30 pm at magla-lunch pa lamang kami.
"Hindi 'yan. Ako ang bahala sa'yo. So ano? Sunduinna kita?" parang medyo namimilit na si Phil hahaha.
Tumango naman si Annie sabay sabing "Okay!"
Bigla namang nilabas nitong si Phil ang cellphone niya.
"Here. Kuhanin ko 'yung number mo para ma-contact kita. I will message you kung anong oras or kapag on the way na ako para sunduin ka."
"Ano nga pala ang name mo sa social media? Para i-add na rin kita incase na hindi kita ma-contact sa text."
Bilisan niyo nang dalawa, gutom na guton na ako.
"O-okay." natatawang sagot naman ni Annie. Ano 'to kinikilig kilig pa. Hay. Tsaka na kayo maglandian diyan gutom na 'ko. Mabuti na lang at hindi tumutunog ang tiyan ko sa gutom.
Kinuha naman ni Annie 'yung phone tsaka nga niya nilagay 'yung contact number niya.
"Heto po. Annie Bustamante po ang name ko sa facebook." sabi niya.
"Girl! Tara na aalis na raw ang eroplano." biglang tawag naman ng kasamahan niya sa kaniya tsaka lumapit ito.
"He-Hello po Captain Libiado." bati naman nito sa akin.
Ngumiti lang din naman ako. "Hi." matipid na sagot ko rin. Baka sabihin kasi suplado ako kapag hindi man lang ako bumati.
"Sige na. Hinahanap na yata kayo." sabi ko naman. Ilang minuto na rin kami o silang nag-uusap habang ako gutom na gutom na nakikinig sa kanila.
"Sige po Captain. Tara na Annie." pagpapaalam nito sa akin sabay aya sa kasama niya.
"Bye. Anong name mo?" tanong pa ni Phil sa kasama ni Annie.
Loko talaga 'to. Hay nako.
"Mariz po." sagot naman niya.
"Sige po mauna na po kami. Bye Captain." pagpapaalam naman ni Annie.
"Okay, bye." sagot ko naman sabay nagmadali na rin silang lumakad palayo sa amin.
"Tara na! Gutom na 'ko! ka pa!" sigaw ko kay Phil. Mabuti na lamang at walang ganong tao na nakarinig sa sigaw ko.
"Captain naman. Madalang ko lang makausap ng ganoon si Annie. Pinapansin lang ako 'nun ng matagal kapag kasama kita eh." sagot naman niya na para bang nagpapaawa pa.
"Hay ewan ko sa'yo. Lumamig na niyan ang pagkain na pinadala ko sa opisina. Tara na nga." sabi ko sabay nagmadali na rin ako sa paglalakad.
Thalia's POV
Habang nagpapahinga ako ay nagpagawa ako ng brownies kila Magie at Demi na head chef dito sa restaurant ko.
Kakatapos ko lang i-check 'yung ibang branches ng restaurant ko sa Quezon, Cavite, Cabanatuan at Bulacan. Hindi ko pa na-check kung ayos ang pagma-manage sa ibang branches pero tiwala naman ako sa mga na-hire na managers doon.
"Ma'am here's the brownies na po." sabi ni Magie sabay ibinaba na niya ang bagong bake na brownies.
"Wow, smells so good! Thank you so much, Magie. Pasabi na rin kay Demi." pasasalamat ko naman.
"No worries po Ma'am Thalia." sagot niya.
"Siya nga pala, pakidalhan na lang din si Vina sa opisina niya okay? Baka nagugutom na rin 'yun sa mga pinapaasikaso kong documents." utos ko pa.
Pinagawa ko na ang iba kong inaasikaso sa secretary kong si Vina.
"Noted po, Ma'am. Sige po balik na po ako sa baba." pagpapaalam na rin niya.
"Okay, thanks again." sagot ko sabay lumabas na rin si Magie sa opisina ko.
Habang kumakain naman ako ay biglang tumunog ang phone ko. May notification yata or what.
Kaya naman in-open ko ito at nakita kong notification pala from f*******:.
Then I saw someone added me on f*******:.
He is...
"Gab?" sambit ko.
Gabriel Ramirez sent you a friend request.
Gabriel added me on f*******:? It's been 5? or 8 years? or 10? Hay. I'm not that sure.
Pero... wow! Ang laki na nang pinagbago niya.
He is a grown up man na talaga.
Kumusta na kaya siya?
I am about to stalk him nang biglang may kumatok sa pintuan ng office ko.
"Sino 'yan?" tanong ko naman.
"Ma'am si Mina po ito." sagot niya.
"Okay, pasok." sagot ko.
"Ma'am may bata pong umiiyak sa baba ng restaurant nawawala po yata." nag-aalalang balita naman niya sa akin.
"W-what? Nawawala? What happened?" sunod- sunod na tanong ko sa kaniya.
"Hindi po namin alam Ma'am pero pumasok lang daw po 'yung bata sa loob tapos umiiyak hinahanap daw po 'yung nanay niya." pagpapaliwanag naman ni Mina.
Kaya naman ibinaba ko na 'yung phone ko.
"Tara na sa baba." pag- aya ko na sa kaniya para tignan 'yung sinasabi niyang bata na umiiyak na nawawala daw.
Pagbaba naman namin sinamahan ako ni Mina sa security. Nasa security pala 'yung bata.
"Ma-mommy..." nakita ko na 'yung bata. Isang batang babae, nasa 6 years old pa lamang siguro siya base sa height niya. Iyak pa rin siya nang iyak.
"Hala, what happened?" nag- aalalang sabi ko sabay nilapitan ko na kaagad 'yung bata.
"Ma'am bigla lang po siyang pumasok sa loob kasabay ng mga customers tapos hinahanap po 'yung nanay niya." paliwanag din naman ni Manong guard na si Waldo.
"Ah, ganoon po ba." sagot ko.
Hinawakan ko naman 'yung bata.
"Saan ka galing baby? I mean bago ka napunta dito sa restaurant ko saan kayo nagpunta ng Mommy mo?" mahinahong tanong ko sa kaniya.
"Do-doon p-po s-sa may pa-park po." utal utal na sagot naman niya sa akin dahil nga siguro sa katagalan na nitong umiiyak.
"Ma'am baka po doon sa may Mini park malapit lang dito sa restaurant." sabi ni Mina.
"Oo nga."
"Baby may kasama ka bang iba, maliban sa mommy mo kanina sa park?" tanong ko muli sa bata.
"Me-meron po... Si mommy po tsaka s-sila ku-kuya at a-ate po..." sagot niya sabay umiyak na naman nang malakas.
Napaka- cute niyang bata kaso iyak siya nang iyak.
"Ssshhh... Tahan na. Hahanapin natin ang mommy mo okay? Stop crying na." pagpapatahan ko na sa kaniya.
Wala akong experience sa ganitong mga bata dahil only child lang ako nila mommy and daddy, so technically wala akong kapatid kaya hindi ko alam paano magpatahan ng ganitong batang umiiyak.
"Wait Ma'am kuha po ako ng brownies baka po gusto niya at maaptahan natin siya." sabi ni Mina.
"Okay sige. Go na." sagot ko naman.
Pinupunasan ko naman 'yung luha niya habang iyak pa rin siya nang iyak.
Hay. Kawawa naman itong batang 'to.
Nasaan na kaya 'yung mommy niya?
I'm sure nawala lang siya sa paningin ng mommy niya kaya siguro nahiwalay siya sa kaniya.
Baka malikot siya sa paglalaro kaya hindi siya napansin nito tsaka nabanggit niya kanina kasama niya hindi lang ang mommy niya pati na rin ang ate at kuya niya kaya baka nga nawala siya sa paningin nito.
"Kuya paki- tawag na lang po si Manong Gardo para pumunta sa park malapit dito sa restaurant baka nandoon pa po ang mommy at kapatid nitong bata at hinahanap siya doon." utos ko kay Manong Waldo na tawagin ang kapatid niyang guard din namin dito sa restaurant.
"Sige po, Ma'am. Tawagin ko muna po." sagot niya sabay umalis na.
Hay. Sana mahanap na namin ang mommy niya.
"Wait lang baby ah. Kumuha nang brownies si ate Mina for you, masarap 'yun. Tsaka 'wag ka nang mag-alala hahanapin na natin sila mommy mo pati ang kuya at ate mo okay? Kaya 'wag ka nang umiyak." pagpapatahan ko na sa bata.
Tumango-tango naman ito ngunit hindi pa rin tumitigil ang pagtulo nang mga luha niya. Nagulat naman ako nang bigla siyang yumakap sa akin.
Napangiti naman ako. Ganito pala ang feeling.
Kahit na umiiyak pa rin siya ramdam ko na medyo nawala na 'yung takot niya na nawala sa paningin niya ang pamilya niya.
Hay, nakakalungkot na makitang may umiiyak na bata lalo na kapag kaharap mo pa pala ito. Don't worry. I' will help you baby.
ITUTULOY...