bc

Ms. Billionaire's Baby Maker

book_age18+
644
FOLLOW
1.6K
READ
pregnant
CEO
billionairess
drama
bxg
city
affair
friends with benefits
engineer
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Sapphire Santillan, nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng sino man.

Beauty, Fortune, Fame.

Subalit ang kanyang puso ay nababalot ng lungkot at pangungulila. Bukod pa roon ay nag-aambang mawala sa kanya ang lahat ng mayroon siya.

Si Keith Alexis Angeles, para matustusan ang kanyang pag-aaral ay pumasok siyang bartender sa Sensual Society Club. A members-only club for rich and famous. Ang buhay niya ay umiikot sa kanyang pag-aaral, trabaho, pamilya at sa kanyang kasintahan na si Ana.

Paano kung ang landas ng bilyonaryang kasing lamig ng yelo at ang bartender na kasing init ng nag-aalburutong bulkan ay magtagpo?

Handa ba sila sa kahihinatnan ng isang kasunduan na nagsimula sa udyok ng mga taong malapit sa kanila.

One lustful week...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ingay ng malakas na musika ang sumalubong kay Keith Alexis Angeles. Tumuloy siya sa silid na nakalaan sa mga empleyadong kagaya niya. Ilang buwan na din siyang bartender sa SSC. Ang Sensual Society Club ay isang members-only club for the rich and famous. Dumadaan sa masusing proseso ang bawat empleyado nito. Sa unang tingin ay isang ordinaryong club ang nasabing lugar. Pero buwan-buwan ay may nagaganap na secret auction sa club. Walang nakakaalam kung anong klaseng auction ito, pero usap-usapan na hindi basta-basta ang mga sumasali sa naturang auction. Nadatnan ni Keith ang mga kasamahang si Jon at Aldos na nagtatawanan. “Oh, pretty boy! Hindi mo yata kasama si Ana?” bungad sa kanya ni Jon, isa drin sa mga bartender. Si Ana ang kanyang kasintahan, isa ito sa mga bottle girl sa SSC. Bago pa man siya pumasok bilang bartender ay kasintahan na niya ang dalaga. Malayong kamag-anak ang kanyang nobya ng may-ari ng bahay na inuupahan niya. “Masama daw ang pakiramdam niya kaya di siya makakapasok ngayon,” sagot niya kay Jon. “Masyado mo yatang pinapagod!” pang-aasar naman sa kanya ni Aldos, isa naman itong waiter. “Siraulo!” binato niya si Aldos ng kanyang sombrero na tinawanan lang nito. Pinapasok niya sa kanyang locker ang kanyang mga gamit nang siya namang dating ni Peter. Tulad nila ni Jon ay isang bartender din si Peter. Malawak ang ngiting nilapitan siya nito. “Keith, pare!” nakangising bati nito sa kanya. “Alam ko na yang ngising yan, may kailangan kang pabor sa akin,” natatawang usal niya. Si Peter ang pinakamalapit sa kanya sa lahat ng kanyang katrabaho. Madaling nakapalagayan niya ng loob ang binata. Marahil dahil magkabaryo silang dalawa. “Yan ang gusto ko sa iyo!” wika nito. “Sus! Naku, Keith, makikipagpalit lang sa iyo yan ng duty,” pang-aasar na sabat naman ni Jon. “Bakit?” takang tanong niya sa mga ito. Napakamot sa ulo si Peter, “Kasi Keith sa VIP ako naka duty ngayong gabi, kaya lang nandiyan si Haponesa,” problemadong wika nito sa kanya. Haponesa ang tawag nito sa kasintahan nitong si Luna. Isa sa mga bottle girl na kasamahan ng kanyang nobya na si Ana. Laging nagtatalo si Peter at Luna kapag naka-duty ang lalaki saVIP suite. “Harmless naman si Sir Andrew, sige na Keith!” ani ni Peter sa kanya. “Sige,” sagot niya. “Yes!” bulalas nito, lumawak ang pagkakangisi nito sa kanya. “Ikaw na magsabi kay Boss Sonny,” tukoy niya sa Manager ng SSC. “Areglado na iyon, naipagpaalam ko na kay Boss,” mabilis na sagot nito sa kanya. “Naisahan ka na naman ni Pedro, Keith!” wika ni Jon sa kanya. “Mga brod naman!” natatawang tugon ni Peter at nag peace sign sa kanya. Naiiling na tinapik niya ang balikat nito at lumabas na siya ng locker room nila. Nakasalubong niya si Josh, isa sa mga bodyguard ni Boss Sonny. “Keith, Suite Platinum,” inabot nito sa kanya ang key card. “Salamat, Josh,” nakangiting tugon niya. “Pagbutihin mo, malaki magbigay ng tip si Mr. Meneses,” wika nito sa kanya. Sinaluduhan niya ito. Tumuloy na siya sa 3rd level ng SSC kung saan matatagpuan ang mga VIP Suite. Tumapat siya sa pinto na may nakalagay na “Platinum” sign. Dalawang security ang nakatayo sa labas nito. Inabot niya ang kanyang kamay sa security na may hawak na scanner. Ini-scan nito ang wrist band na suot-suot niya. Bawat empleyado ng SSC ay may kanya kanyang wrist band. Naka code rito kung saang parte ng SSC ka lamang may access. Matapos marinig ang beep, binuksan ng kasamahang security ang pintuan. Pagkapasok ni Keith, bumungad sa kanya ang isang frosted door na may key card scanner. Pinasok niya ang binigay na card sa kanya ni Josh. Malamig na buga ng aircon ang sumalubong sa kanya. Napakunot ang kanyang noo nang mapansin na tahimik ang buong paligid. Tanging ilaw lang na nagmumula sa bar counter ang nakabukas. Nagkibit-balikat siya at naglakad papunta sa bar counter. Marahil ay wala pa si Mr. Meneses o ang kasama nito. Inaayos niya ang mga nakahilerang alak nang may marinig siyang kalabog. Naplingon siya sa madilim na bahagi ng suite. Itinigil niya ang ginagawa, binuksan niya ang mga ilaw. Nang kumalat ang liwanag sa buong silid ay naglakad siya palapit sa couch. Napakakunot-noo siya nang unti-unti niyang maaninag ang pigura ng babaeng nakahiga. Naka denim jeans ito at naka plain white t-shirt. Nasa floor na din ang high-heeled boots ng babae. At base sa nakikita niyang mga bote ng alak na nasa center table, kanina pa umiinom ang babae. “Ma’am! Ayos lang po ba kayo?” tanong niya rito nang bahagyang kumilos ito. Dahan-dahan na imulat ng babae ang mga mata nito. Nahigit ni Keith ang kanyang hininga ng matitigan niya ng husto ang mukha ng babae. Kulay asul ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Pulang-pula ang buong mukha nito, ang manipis nitong pulang labi ay bahagyan nakaawang. “Who are you?” malamig nitong tanong sa kanya. “Keith Angeles, Ma’am, ako po ang bartender na naka duty dito sa Platinum suite,” sagot niya. Umayos ito ng pagkakaupo at sumandal sa couch. Muli nitong pinikit ang mga mata. Tinitigan ni Keith ang magandang mukha ng babae. “I’m famished,” nakapikit na usal nito. “What do you want for your meal, Ma’am?” magalang na tanong niya rito. Tumingala ito sa kanya, may dagliang kakaibang emosyon ang dumaan sa mga mata nito. “Take off your clothes!” malamig na utos nito sa kanya. “What?” gulat at kuyom ang kamaong tanong niya sa babae. “Ang sabi ko hubarin mo 'yang suot mong damit,” walang emosyong sagot nito. “Mawalang galang na ho, bartender po ako dito, hindi escort!” nagpipigil ang galit na wika niya sa babae. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Kung hindi lang babae ang kaharap niya ay kanina pa niya ito binigwasan. “Huh!” nakataas ang kilay na usal nito. Napakunot-noo si Keith, bipolar yata ang babaeng kaharap niya. “Hubarin mo yang suot mong uniform at magpalit ka ng damit, gusto kong umalis sa lugar na ito. At dahil ikaw ang nandito ngayon, sasamahan mo ako,” anito. “Pero Ma’am, naka duty po ako. Kung gusto ninyo kakausapin ko si Boss Sonny at sasabihin ko sa kanya na kailangan ninyo ng escort,” paliwanag niya sa babae. Bahagyang nakadama siya ng kirot sa kanyang dibdib nang maisip na may ibang lalaki na sasama rito. “Do I need to beg,” mahinang usal nito pero umabot sa kanyang pandinig. Sa di malamang dahilan, nakadama siya ng sakit sa tinuran ng babae. Lalo na at nakita niya ang bahagyang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito na agad ding nawala. Bumuntong-hininga siya, “Magpapaalam lang po ako kay Boss Sonny. Saglit lang po Ma’am, magpapalit na din po ako ng damit sa locker room,” paalam niya rito. Bahagyang tinanguan siya nito, muling pinikit nito ang mga mata. Ang kanang kamay nito ay hinihilot ang kaliwang pulsuhan nito. Binigyan niya ng isa pang sulyap ang babae bago siya lumabas ng suite. Nagulat pa siyang nag-aabang sa labas si Boss Sonny. “Magandang gabi po, Boss Sonny!” bati niya sa lalaki. “Make sure she’s safe, pasusundan ko kayo sa security details ng SSC just for precaution. She is your responsibility for tonight. Don’t worry, you will be well compensated. I'd appreciate it if you treated her not just as a client, she needed someone’s company,” mahabang paliwanag nito sa kanya. Gusto pa sana niyang magtanong pero pinigilan na lang niya. Base sa pag-alala na masasalamin sa mukha ni Boss Sonny, hindi lang basta kliyente ang babae. “Sige po, Boss Sonny. Makakaasa po kayo,” tugon niya. “Sige magbihis ka na. Sasamahan ka ni Josh. Sa secret passage kayo dadaan,” wika nito. “Sige po Boss,” paalam niya rito. Tinanguan siya nito at nauna nang naglakad palayo. Pagpasok niya ng locker room ay naghihintay si Josh sa kanya. Nagkakape ang lalaki. “Nasabi na sa akin ni Boss Sonny, Keith,” bungad nito sa kanya. “Kunin ko lang ang gamit ko,” aniya sa lalaki, tinanguan siya nito. Matapos niyang makapagpalit ng damit, bitbit ang kanyang backpack ay dumaan sila sa secret passage papunta ng VIP suite. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakadaan siya roon. Ang alam niya ay limitado ang daan na iyon sa mga empleyado ng SSC, at maging sa mga member. Pagkapasok niya sa Platinum suite, naabutan niyang nasa bar counter ang babae. May hawak itong baso ng alak. Napailing siya dahil hard liquir ang iniinom nito. Nilapitan niya ang babae. “Ma’am, okay na po.” Tumikhim siya ng hindi ito lumingon. Umupo siya sa tabi nito, kinuha niya ang basong kalalapag lang nito. “Sabi po ninyo lalabas tayo?” aniya. Lumingon ito sa kanya at pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuuhan. Nailang siya sa ginawa ng babae. Dinampot nito ang purse sabay tayo. Bahagyang gumewang ito sa pagkakatayo, na mabilis naman nyang inalalayan. Nasamyo niya ang pinaghalong mabangong amoy nito at ng alak na ininom ng babae. Sumandal ito sa kanyang dibdib, kinuha niya mula rito ang purse nito at pinasok niya sa backpack na dala-dala niya. Sinukbit niya ang bag sa kanyang balikat. Hindi nagdadalawang isip na pinangko niya ang babae, kinawit nito ang mga braso sa kanyang leeg. Walang kibong lumabas siya ng suite habang pangko ang dalaga. Nagtatakang tinignan sila ni Josh, napabuntong-hininga ito at tinanguan siya. Nagpauna na sa paglalakad ang lalaki. Dama ni Keith ang mabilis na pintig ng kanyang puso. May kakaibang dadamdaming binibuhay ang buhat-buhat na dalaga sa kanyang pagkatao. Sa di maipaliwanag na dahilan, nang mga sandali na iyon ay nais niyang pawiin ang lungkot na nakita niya sa mga mata nito. Nang makarating sila sa secret exits ng SSC, tatlong black suv ang naka park. Nagtatakang sinulyapan niya si Josh ng mapansin niyang nakaparada ang kanyang motorsiklo katabi ng black Ferrari. Napakamot ito sa ulo at nakakaunawang sinulyapan ang kanyang motor. “Bilin ni Boss Sonny, ang motosiklo mo ang sasakyan ninyo,” anito. “Josh naman, paano ko siya iaangkas sa ganitong kalagayan,” sinulyapan niya ang babaeng nasa kanyang bisig. Napakamot ito sa batok, “Sandali lang, may kukunin lang ako,” paalam nito sa kanya. Napatingala sa kalangitan si Keith nang makaalis si Josh. Hindi niya alam kung ano ba itong napasukan niya. Maya-maya pa ay pumarada sa tapat nila ang isang blue Honda Accord. Lumabas sa driver’s seat si Josh, binuksan nito ang passenger seat ng sasakyan. Maingat na ibinababa niya ang babae. “Hmmmm!” mahinang ungol nito habang kinakabitan niya ng seatbelt. “Dito mo na lang ibalik yang sasakyan ko,” wika ni Josh. Humarap siya kay Josh, “Salamat,” aniya. Tumango ito sa kanya. Lumulan na si Keith sa sasakyan, buti na lang ay marunong siyang magmaneho. Siya ang nagmamaneho para sa kanyang ina tuwing namimili ito ng paninda. Napabuntong hininga siya, hindi niya alam saan dadalhin ang babae. Makalipas ang ilang sandali, napagdesisyunan niya na tahakan ang daan papuntang Roxas Boulevard. Panaka-naka ay sinusulyapan niya ang tulog na tulog na babae. Tumingin siya sa rearview mirror, nakasunod sa kanila ang tatlong suv na kinalululanan ng mga security details ng SSC. Mga bente minutos na din siyang nagmamaneho nang marinig niya ang tinig ng babae. “Where are we?” anito. “Nasa Roxas Boulevard na po tayo.” Nilingon niya ito. “Bring me home,” wika nito. “Anong address, Ma’am?” tanong niya. “Your place,” walang gatol na sagot nito na kinasamid niya. Hindi siya kumibo at kalmadong iginilid ang sasakyan. Pinatay niya ang makina at hinarap ang babae. “Ano ba talaga ang kailangan mo? Alam mo ba ang sinasabi mo? Gusto mo dalhin kita sa bahay ko!” frustrated na anas niya rito. “Ayaw ko umuwi sa bahay ko, nagugutom ako at gusto ko ipagluto mo ako,” walang emosyong sagot nito. “Nahihibang ka na ba!” bahagyang tumaas ang tinig niya. “Just for tonight, Mr. Angeles, bear with me.” Binaling nito ang paningin sa labas ng sasakyan. “Dapat pala di ako pumayag makipagpalit kay Peter, nakukunsumi tuloy ako ngayon,” mahinang bulong niya sa sarili. “What?” kunot-noong tanong ng babae sa kanya. “Wala! Dadaan muna tayo sa convenient store, may bibilhin lang ako, Ma’am,” sagot niya sa babae. “Sapphire,” usal nito. Bumaling siya at nagtatakang tinignan ito. “Call me Sapphire.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook