Kabanata XIV

2338 Words
Allison "Miss Zendelle, magpapaalam po sana ako sa inyo kung pwede po akong bumukod para po malayo sa mga school issues." paalam ko sa kanya "Baka pwede naman nating pag-usapan ang mga issues." tugon niya "Ah, sorry miss kasi gusto ko rin pong makapag-isip-isip sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon, but don't worry miss, hindi naman po ako makaka-absent sa mga missions ng Dark Side. Pero sana po pumayag po kayong bumukod po ako. Please po" Miss Zendelle was pleased for what I begged. "Sige. Ngayon pwede ka nang bumukod pero mag-iingat ka, ah. Don't forget the rules." paliwanag niya "Thank you so much miss! I promise, I will never forget the rules" I said then stood up. *** Habang nag-iimpake ako, saka ko lang pinag-isipan kung saan ako pupunta, kung saan ako titira, at kung paano malalayo sa mga issues na kinakaharap ko ngayon. Tanghali na ako umalis ng bahay at nagtungo sa condo unit ko. Hindi ako pwedeng magstay dito lalo na't napakadali lang matrace ng lugar na ito. Sa bahay ko na lang sa Texas ako titira. Hindi naman kayang matrack ang mga lugar doon. Andrew Hindi ko naabutan sa room si Allison dahil nga sa pambubully nila. Ang kwento sakin ni Sy, after daw na pagtawan si Allison dahil nga sa post ng kaaway niya daw, tumakbo siya palabas ng room at hindi na bumalik. Saan na kay pumunta yung babaeng yun? Tss. Eh ano bang pakealam ko? Hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. Limang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin siya pumapasok. Depressed na kaya yun? Wala akong pakealam kung depressed siya! "Ano na kayang nangyari sa kanya? Di na siya pumapasok limang araw na" si Den "Nag-aalala ka ba? " pabigla kong tanong "Hindi ako nag-aalala, baka yung iba nag-aalala." pangisi-ngisi niyang sagot. Punitin ko yang mukha mo, e. "Wag mo namang punitin. Papanget ako" tugon muli niya na ikinagulat ko Tiningnan ko naman siya na para bang nagtatanong at mukha namang nakuha niya yun. "Pag magsasalita ka kasi wag mong masyadong lalakasan." Bahagya namang natawa si Jade doon. "Kaya siguro kapag sasabihin niyang mahal niya si Allison sa isip maririnig niya yun." panunuya pa nila Tss. "Pero nasan na kaya yun noh?" walang katapusang tanong ni Den. Daldal talaga neto. Pareho sila ni Sy. "Malay ko nga!" sigaw ko dahilan para magtinginan sila at maya-maya pa'y nagtawanan na. "Wahahahahhahaha! Hindi naman ikaw tinatanong ko eh! Hahahahahaha!" si Den "Hahahahahahahahahaha! Hahahahahahahahahahah!" si Jade Tss. Puro ka lang naman tawa din ka naman nagsasalita. "Lalalalalalalalalala!" sigaw pa niya Napalakas nanaman ata. Allison Kakatawag lang sakin nina Kylie kanina, nangungumusta. Grabe naman! Pangalawang araw ko pa lang dito nangungumusta na agad. Hay nakaw! Maya-maya lang, muli nanamang nagring ang cellphone ko. Tss. Sino nanaman kayang tumatawag? Pagtingin ko'y si Miss Zendelle. Mangungumusta rin kaya siya? Sana wag. Allison: Miss? Killer Queen: Allison may special solo mission ka Allison: Ano po yun miss? Killer Queen: Sabi kasi ni--- Naku naman! Bakit ka naman nalowbat?! Tsk. Tsk. Dali-dali akong tumakbo papuntang kwarto saka chinarge ang cp. Kakainis naman. Makalabas na nga lang. Habang naglalakad-lakad ako, may biglang nagsink-in sa utak ko. Oo nga noh! Solo mission yun, e. So kung solo mission man yun, ibig-sabihin ako lang gagawa ng lahat. Ako gagawa ng plano at ako rin ang papatay. Pero hindi ako pumapatay! Paano yun? Eh hindi naman ako pwedeng tumanggi sa kanya dahil patay ako kung sakali mang gawin ko yun. Tsk. Tsk. Tsk Init naman dito. Dali-dali akong bumalik sa bahay at tiningnan kung ilang percent na ang cellphone ko pero nang tingnan ko iyo'y doon na lamang ako nagulat nang makitang wala na ito. Shomay! Saan yun nagpunta?! Imposible namang magkapaa yun at maglakad! Agad akong tumakbo sa Computer Room at tiningnan ang cctv footage at doon ko nga nakita na may isang lalaking pumasok sa bahay at ninakaw ang mga gadgets ko. Swerte nga naman, oh! Hindi ko naman makita yung mukha dahil malabo ang copy ng footage. Kakainis nga, eh. Paano na kaya ngayon yun? Uuwi kaya ako? Eh kung uuwi man ako matutuloy ang solo mission. Pero ayoko. Pero paano na si Miss Zendelle? Magagalit siya sa akin. Eh kung bumili na lang kaya ako ng bagong cellphone. Eh yung sim nandun sa isa. So paano na yun? Uwi na lang kaya ako. Pfft. Eh kaya nga ako pumunta dito para malayo sa mga tao tapos babalik ako? Tss. No way high way! Maya-maya pa'y kumalam na ang sikmura ko hudyat na hungry na ako. Kakain na sana ako pero laking swette ko nga naman nang makitang walang laman ang ref. Tss. Edi wag! Hindi na nga ako kakain. Bahala nang magutom! Andrew Dumaan ang isa, dalawa, hanggang tatlong buwan pero hindi pa rin talaga bumabalik si Allison. Oo. Inaamin ko na miss ko na siya pero 'di ganun ka-miss. Friend ko kasi siya diba kaya normal lang na mamiss ko siya. Teka. Friends nga ba kami? Habang naglalaro ako ng rubics cube, may lumapit sa akin na isang babae. Nakamask siya kaya naman naisip ko na si Allison yun pero nang titigan ko siya sa mata'y napagtanto kong iba pala siya. Mas matapang kasi ang mata niya kaysa sa babaeng nandito ngayon. Maya-maya pa'y tinanggal na niya ang takip niya sa mukha at doon na nga lang ako nagulat sa nakita. Si Keila? Pero paano? Dito na rin ba siya nag-aaral? Change student ba siya? "Anong ginagawa mo dito?" panimula ko. Unti-unti siyang lumapit sa akin at kinuha ang rubics cube ko saka inilagay sa isang tabi. Anong ginagawa niya? Inilapit pa niya lalo ang mukha niya sa akin at doon na niyang sinimulang hawakan ang iba't ibang parte ng mukha ko gamit ang indek finger niya. Hindi naman ako makagalaw sa pagkabigla sa mga nangyayari. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago" tugon niya sa mapang-akit na boses. "Ano bang ginagawa mo--" hindi ko na natapos pa ang dapat kong sabihin dahil agad niyang nahawakan ang labi ko "Shhhh.." Ibinaba naman niya ang kamay niya at inilapit pa lalo ang mukha niya sa akin. Hindi naman ako makaatras dahil sa hindi malamang kadahilanan pero parang may tumatawag sa akin sa kabila at para bang binubulungan akong tumingin nga doon kaya yun na lang ang sinunod ko. Naiwan naman ang labi niya sa tapat ng labi ko nang lumingon ako. Buti na lang talaga at nakagalaw ako. Nang ibaling ko naman ang paningin ko sa labas ay doon ko namataan ang isa pang babaeng nakamask at kaparehong-kapareho ng datingan ni Allison. Pero bakit siya tumakbo nang lumingon ako? Hindi pa yun nakakalayo. Mahahabol ko pa siya. Agad ko nang itinulak si Keila at tumakbo palabas ng school pero nang lumingon ako'y wala akong nakita. Nanjan lang yun sa tabi-tabi. Pero.. Siya nga ba talaga ang nakita ko? Allison Itinago ko na ang kutsilyo ko sa bulsa matapos kong tumakbo. Nawala naman na sa paningin ko si Andrew matapos noon. Hindi ko nga alam kung bakit ko to ginagawa, e. Si Andrew.. Pinapapatay siya ng kapatid niya at alam niyang ang Dark Side lang kung saan ako nandoon ang may kakayanang gumawa noon. Pero bakit? Sarili nilang kapatid kaya nilang ipapatay? Wala naman na akong magawa dahil nga sa utang na loob ko kay Miss Zendelle na sitang nagpgawa sa akin noon. Pero.. Hindi ko talaga kaya, e. Mahal ko si Andrew pero mas mahal ko si Miss Zendelle na siyang nag-aruga sa akin simula pa noong bata ako. Napaatras nmn ako ng bahagya nang maisip ang mga bagay na iyon. Itutuloy ko ba ito? Kaya ko ba ito? Napailing naman ako at akmang aalis na sana nang may biglang humarang sa akin. Sinipat ko naman siya simula paa hanggang ulo at doon na lamang ako nahinto nang makita ko kung sino siya. Ang target. Ang target ay nasa harap ko na. Hindi naman ako nakaporma sa ginawa niyang pagtanggal sa mask ko kaya naman nakilala na niya ako. "Ikaw nga" mahina niyang sambit Papalapit na sana siya sa akin nang bigla ko siyang itulak sa may kanto at itutok sa kanya ang kutsilyong hawak ko. Nanginginig ako. "A-anong ginagawa mo?" hindi niya makapaniwalang tanong "Napag-utusan lang ako" diretsong sagot ko Napangisi naman siya sa sinabi ko. Anong trip neto? "Magagawa mo talagang patayin ako?" NAKAASAR KA AH! "Oo" sagot kong muli Pinakawalan naman niya ang dalawa niyang kamay bago nagsalita. "Sige. Trabaho mo naman yan, eh" Ano bang trip neto? Nababaliw na ata, e! Ano ka ba?! Papayag ba talaga siyang gawin ko 'to sa kanya? Nasisiraan na ata siya, e. "Nanginginig ka" sambit niya dahilan para mapatingin ako sa kamay ko na nanginginig nga at hindi lang yun, nanlalamig pa. "Gawin mo na" utos niya pa. Napatingin naman ako sa mata niya na relax na relax lang. Chill lang siya ganun. Para bang ako pa ang mas kinakabahan kaysa sa kanya. Maya-maya pa'y pabigla kong ibinaba ang kutsilyo at ipinasok muli sa bulsa ko. Sorry Miss Zendelle pero di ko talaga 'to kaya. Umatras naman ako at naglakad na palayo sa kanya. Pero hindi pa nga ako nakakarami nang hakba'y bigla niya akong hinarap sa kanya at doon na nga niya ginawa ang napakasama niyang balak. Hindi naman ako nakapalag dahil sa bilis ng kilos niya. Parang kanina siya pa ang biktima pero bakit ngayo'y nabaliktad na? Balak ko siyang itulak at sampalin pero hindi ko talaga magawa. Nanlalambot ako sa ginagawa niya. Bakit? Bakit ba ako pumapayag sa ginagawa niyang ito? I HATE YOU ALLISON! I REALLY HATE YOU! Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga kamay ko para hilain ang damit niya dahilan ng pagngisi niya. Ano ba 'tong ginagawa ko?! Maya-maya pa'y nakarinig kami ng tatlong sunud-sunod na putok ng baril dahilan para mapabitiw kami sa isa't isa. Napalingon naman kami sa likuran kung saan nanggaling ang mga bala at doon na nga namin nakita ang kaisa-isang pinuno ng Dark Side. "M-miss?" hindi ko makapaniwalang sambit "Ako nga" nagmamataas niyang sagot Dahan-dahan naman siyang lumapit sa amin habang naglalabas ng mga salita. "Ano 'to, Allison?!" "Uhh.. S-so--" "Kalimutan sa misyon? Ang misyon mo ang patayin si Andrew at hindi ang ginagawa mo ngayon. Tandaan mo, isa kang assassin, isa kang walang PUsong tao, MAsama ka, WALA kang awa." tuloy-tuloy niyang sambit hanggang sa makalapit na nga siya sa amin. Akmang sasampalin na sana niya ako ngunit napigilan siya ni Andrew kaya naman nakakuha ako ng tiyempo para ibalik sa kanya ang sampal na dapat sa akin. Sorry pero hindi ko na to kaya. Kumalasbnaman siya mula sa pagkakahawak ni Andrew at saka umatras. "Wala kang utang na loob. Pagkatapos ng lahat eto lang ang isusukli mo sa akin? Pero sige. Kung iyan ang gusyo mo, pagbibigyan kita, pero kailangan mo muna akong matalo." lumapit siya sa amin at may ibinulong "Kailangan mo muna akong mapatay" sambit niya at agad niya akong binigwasan pero ibinalik ko rin naman iyon sa kanya at doon na nga nagsimula ang laban. Napakasakit para sa akin na kalabanin ang itinuring ko nang ina. Pero kasi mali na ang ginagawa niya, e. Mali na ang ginagawa namin. Gusto ko nang magbago pero hindi nga lang ako makanap ng tiyempo para sabihin sa kanya ang nais ko. Tumilapon ang baril niya sa harapan namin nang bumagsak siya. Akmang maglalakad na sana kami palayo nang may bigla siyang dukuting baril mula sa bulsa niya kaya naman wala na kaming magawang dalawa kundi ang damputin ang baril na nasa tapat namin at sabay na iputok iyon sa kanya. Hindi ko naman na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha nang oras na gawin namin iyon. "Sorry miss" bulong ko "Wala kang kasalanan" sambit naman ni Andrew. Hinawakan niya ang aking kamay at inaya nang umalis sa lugar na iyon nang may biglang dumating na itim na van. Ang Dark Side yan. Sabi ko na nga ba, e. Hindi basta-basta lalaban ng ganun ang Killer Queen kung wala siyang mabigat na plano. Bumaba mula sa van ang bise at kasabay noon ay ang mga tauhan niyang sina Kyle, Seb, at ang natitira pang miyembro ng Dark Side maging sina Zennaiah, Elise, at Kylie ay nandoon na rin. Wala naman na kaming ibang magawa kundi ng tumakbo dahil wala na kaming laban sa mga iyan. Dali-dali kaming sumakay sa motor niya at agad naman niya itong pinatakbo ng napakabilis. Hindi ko inaasahan na darating kami sa puntong ang mga itinuring kong pamilya ang sila ngayong humahabol sa amin. Kami na ngayon ang target. Kung saan-saan niya iniliko ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Agad niyang tinago ang motor niya saka kami pumasok sa kanila. Madilim doon sapagkat walang tao kaya naman dumiretso na kami patungo sa kwarto niya at doon nagtago. Nanatili lang nakapatay ang mga ilaw upang hindi nila kami makita kaya naman mas lalo pang dumilim nang sumapit na ang gabi. Nang makalipas ang ilang minuto't napagtanto naming wala na ang mga humahabol sa amin, doon na kami nakahinga ng maluwag. Akmang tatayo na sana ako nang bigla niya akong pigilan. Tiningan ko naman ang mata niya at doon ko nasilayan ang mga titig niya sa akin kanina. Eto na naman siya. "Saan ka pupunta?" tanong niya "Uhhh.. Uuwi na" diretso kong sagot Napasmirk naman siya sa sagot kong iyon. "Uuwi ka talaga?" "Oo" Unti-unti naman siyang lumapit sa akin pero agad ko siyang itinulak palayo. Sa wakas at nakagalaw na ako. "Tss. Wag kang mag-alala, hindi mangyayari ang NASA ISIP mo ngayon." Talaga namang inemphasize pa niya ang NASA ISIP ah. Feeling talaga. As if nman na iniisip ko ang iniisip niya. Tumayo naman siya at akmang lalabas na sana nang magsalita ako. "San ka pupunta?" "At bakit?" "Wala lang" "Sa kwarto ni Zyle. D un ako matutulog" sagot niya Tumango naman ako at lumabas na siya. Hindi ako masyadong makatulog nung gabing iyon dahil sa mga nangyari ngayong araw, simula noong biniktima ko siya, napatay si Miss Zendelle, at siyempre ang ginawa niya sa akin kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD