Allison
Hindi ko naman dapat sasabihin sa kanya yun pero sobra na siya. Pinipilit niya ako. Ang sakit na nung braso ko sa higpit ng pahmgkakahawak niya sa akin, e. Sikreto ko lang yun pero nalaman na niya. Baka ipagkalat niya yun. Kinakabahan ako. Nawala tuloy sa akin yung pagkapanalo ko kanina. Panira kasi ng araw yang Andrew na yan, e. Pano na yan ngayon?
"Isa akong assassin"
"Isa akong assassin"
"Isa akong assassin"
"Isa akong assassin"
"Isa akong assassin"
"Isa akong assassin"
Waaaaaaaaaaaaahhhhhh! Tama na! Oo na nagkamali na nga, e! Tapos na! Hindi ko na pwedeng maibalik ang nakaraan kaya.. Ughh!!! Hindi ka nag-iisip Allison! Nakakainis ako! Pati rin naman siya, e! Kung hindi niya ako pinilit edi walang mangyayaring ganoon.
Pero Allison kung hindi ka naman pumunta dun at ibinalik ang panyo, walang mangyayaring ganun.
Ughh!! Oo nga, e! Pero hindi! Hindi pa rin! Kasalanan niya yun!
Pero kung nagsabi ka na lang sana ng iba mong trabaho edi hindi sana magkakaganun.
Oo nga, eh. Pero hindi. Kung hindi niya ako pinilit hindi magkakaganun.
Pero---
Tumigil ka na! Siya ang may kasalanan at hindi ako. Siya ang dapat magsorry at hindi ako. Pero hindi. Hindi ko tatanggapin.
Allisom, tanggapin mo. Lahat naman ng tao deserve magkaroon ng second chance.
Tss. Chance chance walang ganun. Binigyan ko na nga siya ng second chance nung pinana nga ako eh.
"Sinong kausap mo?"
"Ay toplak!"
Jusme sino ba yun?
Tiningnan ko kung sino ang nagsalita at nakita kong ai Zennaiah.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Imiisip mo ba yung kadate mo? Ikaw ah" panunuya niya. "Baliw hindi!" Yun na lang ang nasabi ko sa kanya. "Weeeh" "Ulul! Ay sorry." Sambit ko habang nakapeace sign pa. "Ikaw naman kasi, e. Sabing wala akong kadate." Paliwanag ko.
Bahagya naman siyang natawa sa inasta ko.
"Sa Thursday na alis na atin. Ready ka na ba?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Oo naman" sagot ko
"Huwag kang mag-alala, starter ka lang diba, so hindi ka pa rin makakapatay."
Oo. Alam ni Zennaiah na hindi ko kayang pumatay ng tao dahil hindi naman ako pinanganak ng ganito. Siya lang din nakakaalam ng mga sikreto ko. Kaya nga nagtaka lang din ako sa kanya nang hindi siya naniwala sa akin na wala akong dinadate. Tsaka kung meron man, silang dalawa ni Sy ang unang makakaalam nun. Tsaka imposibleng may makadate ako kasi hindi naman ako kadate-date.
"Ano namang gagawin mo kapag nakuha na natin yung pera?" Tanong niyang muli
"Ako? Iipunin ko lang" sagot ko
"Nge! Iipunin mo lang? Wala kang bibilhin?"
"Ilalagay ko sa bangko para sa future hindi ako toplak pagdating sa pera" paliwanag ko
"Eh nasa 30 million dollars na pera mo dun, ah."
"Okay lang. Hindi naman natin masasabi kung ano man mangyayari sa hinaharap kaya mas mabuti may ipon."
"Tss" Iyan na lang yung tangi niyang nasagot sa akin.
Andrew
"Assassin daw?! Bwahahahahahahahahahahhaa!!! Niloloko ka lang nun Drew! Naniwala ka naman bwahahahahahahahhahahahaha!!!" Halos magiba tong bahay namin sa lakas ng tawa ni Den.
Tss. Di niya gayahin si Jade na tahimik lang. Pero nagtataka na nga rin ako sa kanya kasi parang hindi pa siya tumatawa simula kahapon.
"Edi wow!"yun na lang nasagot ko
"Eh para kasing seryoso siya dun sa sinabi niyang yun" dagdag ko pa
"Baka naman totoo talagang assassin siya" singit ni Jade
"Bwahahhahahahahhaha! Pati ba naman ikaw naniniwala? Eh sa tingin mo ba makakapasok siya sa SMA kung assassin siya? Bwahahahhahahahaha!!" Si Den
"Ulul ka! Sa tingin mo ba sasabihin niya sa principal na 'hello maam! Assassin po ako'. Hay naku Den" sambit ni Jade
"Oo nga noh"
Tss. Kahit kailan talaga
"Pero parang tama kasi, e. Pero.. Hindi naman ganun kadaling paniwalaan yun" sabi ko
"Pero Drew, nagtataka ka diba doon sa mga pinaggagawa niya nung gabing nakidnap si Zyle. Yung mga galaw niya sabi mo kakaiba tapos nung nagkalaban kayo, sabi mo siya lang yung may moves na ganun" si Jade
"Oo nga, e. Parang totoo talaga."
"Eh pero kapag totoo nga yung sinasabi niya, anong gagawin mo?" Tanong ni Den.
"Hindi ko alam" yun na lang nasagot ko
"Astig yung babaeng ganun" si Den
"Pero pumapatay siya" mahina kong sambit
"Pero sure ka na ba na pumapatay talaga siya?" Tanong muli niya
"Kahit kailan ka talaga. Assassin nga diba? May assassin bang di pumapatay?" Pamimilosopo ni Jade na ikinatahimik ni Den
"Pero kahit na, kapag starter ka hindi ka makakapatay" ayaw talagang magpatalo ni Den
"Makakapatay ka pa rin kahit papaano." Ayaw ding magpatalo ni Jade. Magdebate na lang kaya kayo!
"Paano kapag solo mission yung gagawin niya? Edi obligado siyang makapatay" dagdag pa ni Jade.
Sabi sa inyo magdebate na lang kayo, e!
"Uy walang solo mission!" Si Den
"Ulul meron! Madaming ganun. Anong wala?"
Hay naku! Natatahimik na lang talaga ako kapag kasama sila.
"Pero ano nga Drew? Tanggap mo pa rin ba siya?" Biglang baling sakin ni Jade
"First time pa naman magkagusto ng baby boy namin" banat ni Den
"Ulul! Hindi ko siya gusto!" Pagdedeny ko
"Kaya pala nagfriend request ka sa kanya tapos iniistalk mo lahat ng social media accounts niya at hindi lang yun, pinakuha pa samin yung number."
Bahagya naman akong natawa sa sinabi ni Den.
"Pero ano nga, tanggap mo pa rin ba siya?" Muling tanong ni Jade.
Napayuko naman ako ng sandali at muling ibinaling ang paningin sa kanila.
"Eh kung ano pa siya, tatanggapin ko na lang"
"Ooooooowwwsss!" Sabay pa sila dun, ah.
"Binata na talaga" sambit ni Jade
"Pero di ko siya gusto"
"Sus! Kunwari pa ang bata" panunuya ni Den
"Stop calling me bata and baby boy!" Inis kong tugon.
"Okay po sir" sambit niya at nagsalute pa.
Tss.
Jade
Assassin pala siya. Hangang-hanga pa naman ako sa kanya. Humahanga ako sa mga galaw niya sa tuwing lumalaban siya tapos ganun pala yung sikreto niya. At oo! Pinapanood ko siya sa tuwing nakikipaglaban siya at doon ako bumibilib sa kanya. Pero gaya nga ni Drew, tanggap ko siya kahit sino pa siya.
"Labas lang ako, ah" paalam ko at lumabas na.
Sumandal naman ako sa kotse ko at nagsindi ng yosi saka pinanood yung mga bituin.
Totoo ba talaga? Parang hindi kapani-paniwala.
Habang nagsusunog ako ng baga, may namataan akong babaeng naglalakad habang umiinom ng rootbeer. Inilapit ko pa ang sarili ko para makita kung sino siya at laking gulat ko nang makitang naglalakad ng mag-isa si Allison.
Lumapit ako sa kanya at tinawag.
"Allison! Ikaw lang mag-isa?"
Nakita ko naman diba.
"Oo" sagot niya
"Gusto mo ihatid na kita?"
"Hindi na kaya ko na" sambit niya at akmang aalis na nang pigilan ko ulit siya.
"Ahmm Allison, gusto sanang magsorry sa ginawa ni Drew kanina."
Kita ko naman ang pagka-irita sa kanyang mga mata.
"S-sorry" hindi ko alan kung bakit ako nauutal sa kanya at kinakabahan sa tuwing kinakausap ko siya.
"Hindi mo kasalanan yun kaya hindi ka dapat magsorry. Siya ang dapat magsorry" blangko ang tono ng boses niya pero pamatay talaga ang mga tingin niya.
"Uhh.. Allison, galit ka ba?"
"Hindi naman" sambit niya.
"Alam mo gabi na, umuwi ka na baka mapano ka pa" iyon ang huli niyang sinabi bago naglakad palayo.
Napako naman ang mga mata ko sa kanya lalo na nung sinabi niya sa akin ang mga bagay na yun.
"Umuwi ka na baka mapano ka pa"
"Umuwi ka na baka mapano ka pa"
"Umuwi ka na baka mapano ka pa"
"Umuwi ka na baka mapano ka pa"
Bahagya naman akong napangiti nang mag-echo echo ang mga sinabi niya sa akin sa isipan ko.
"Jade sabay na tayo umuwi" nahimasmasan naman ako sa tawag sakin ni Den.
Nilingon ko naman siya na ngayo'y nakatingin sa dinaanan ni Allison.
"Sino tinitingnan mo jan?"
"Ahh.. W-wala tara uwi na tayo"
Nanguna na ako sa kotse at sumunod naman siya.
Allison
"Oh san ka nanaman nanggaling?" Tanong ni Kylie
"Sa tabi-tabi lang" sagot ko at umupo na sa sofa
"Talaga?" si Zennaiah
"Oo nga"
"Baka naman.." Hindi na natuloy pa ni Elise ang sasabihin niya kasi tiningan ko na siya ng masama.
"Eto naman, nagbibiro lang!" Sambit niya. Tss.
---
Naglalakad ako sa lobby nang makasalubong ko si Andrew. Ine-expext ko na may sasabihin siya pero wala, dedma lang. Nilingon ko siya nang makalampas na siya pero dire-diretso lang siya. Sabi ko na nga ba't dapat hindi ko sinabi sa kanya yun. Pero mas mabuti na yun. Mas mabuti nang sinabi ko na sa kanya ang totoo habang maaga pa. Tsaka wala naman yun. Kung dinedma niya lang ako edi dededmahin ko lang din siya. FOREVER!
"Uy Allison!" Bati sakin ni Sy.
"Ikaw, ah kita ko yun kanina"
"Anong kanina?"
"Kita ko yung paglingon-lingon mo kay, Mr. Right, ah"
"Anong Mr. Right?"
"Si ano.. "
"Si?"
"Si Andrew"
"Jusme! Anong Andrew?"
"Wala sige tara na nga"
"Kunyari ka pa" mahina niyang sambit pero narinig ko pa rin
"Ano nga yun pakiulit?" Sambit ko habang inilalapit yung sarili sa kanya
"Wala! Wala yun. Tara na malalate la tayo"
Pagpasok namin sa room, dinig ko agad ang mga bati nila sa akin.
"Congratumalations!"
"Congratumalations Macquelle!"
"Sana all!"
Iyan ang mga narinig ko mula sa mga kaklase namin.
Nginitian naman namin sila ni Sy at umupo na sa harapan.
"Hi Allison!" Aba nagbago ata ihio ng hangin. Ang ganda ng bati netong si Eilish, e.
Ang sama naman ng tingin ni Sy sa kanya.
"Alam mo ang galing mo. Ang galing-galing mo makipaglaban, noh. Para ka talagang kriminal sa mga galaw mo. Yung mamamatay-tao ba. Tsaka yung MAGNANAKAW"
Patayo na sana si Sy pero pinigilan ko siya.
"Wag mo siyang pigilan. Hayaan mo siya. Tsaka bakit? Guilty ka ba? Bakit? TOTOO ba?"
Kinuyom ko naman ang aking kamay at tumayo para harapin siya. Hanggang mata ko lang siya kaya naman tinodo ko na yung panlalaki ng mata ko. Kita ko naman sa mukha niya ang takot nang tumayo ako. Nilapitan ko naman siya at binulungan.
"Nagtitimpi lang kami sayo. Araw-araw kang ganyan. Huwag mo akong sagarin lalo na't marami akong alam patungkol sayo. Ngayon, kung hindi ka talaga titigil..."
Lumapit pa ako lalo sa tainga niya para mas malinaw s a kanya ang sasabihin ko.
"... May kalalagyan ka"
Unti-unti naman akong umatras para mas makita ko pa ang pangamba sa kanyang mukha. Nanginig naman ang kanyang labi at umalis na sa harapan ko. Kala niya siguro papatalo na lang ako. Pwes hindi niya kilala kung sino talaga ako.