Andrew
"Drew!" Tawag sa akin ni Den
"Hindi pumayag si Jade sa sinabi mo"
"Hayaan mo na yun"
"Luhh paning hayaan? Paano na si Allison? Ganun-ganun na lang yun?"
"Edi kung ayaw niya edi wag"
"Luhh di ba nga crush mo siya"
"Eh kung ayaw niya, edi wag. I need to respect her decision." Tamad kong sambit
Natawa naman siya sa sinabi ko
"Oh bakit?" Tanong ko
"Edi lumabas na rin sayo na cruah mo siya. Ahahahha!!" Sus parang baliw
"Hindi, ah!"
"Alam mo pare.."
Wow pare! Firt time yun, ah
".. Kapag may gusto kang babae, dapat dinededma mo lang pero dapat gumagawa ka rin ng mga bagay na ikaka-amaze niya. Dapat kasi pinapakita mo sa kanya na she's not the only one."
"Teka nga, bakit ba napunta jan yung usapan?" Tanong ko pero parang wala lang siyang narinig at naglatuloy lang
"Diba nga magaling ka sa pang-uuto at pagpapaasa ng mga babae. Eh bakit hindi mo gawin sa kanya yun?"
Napailing naman ako sa sinabi niya
"Iba siya sa mga babaeng pinaasa ko. Hindi siya katulad nila na halos itapon na yung sarili sa atin. Hindi siya ganun."
"Wow! Kilalang kilala mo, ah. Iniistalk mo, noh"
"Kabaliwang taglay, hindi noh!"
"Eh pero--"
"Wag ka na ngang magsalita!" Iretable kong sigaw at iniwanan siya.
Allison
Nandito ako ngayon at naglalakd sa corridor 2 nang bigla kong makasalubong si Andrew. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan nang makita ko siya. Pero nang magkalapit na kami'y nilampasan niya lang ako. Hindi ko alam pero sinundan ko siya ng tingin pero hindi talaga siya lumingon sa akin.
Buti na yun. Ako na mismo nagsabi sa kanya na layuan ako kaya buti na lang at sinunod niya ako. Sige! From now on, erase ko na siya sa buhay ko. Wala nang AlDrew! Eh wala naman talaga, e. Pauso lang nung tatlo yun.
Nang makaliko na akl sa lobby, sunod ko namang nakasalubong si Jade at binati niya ako ng good morning. Napangiti naman ako sa bati niyang yun. Bakit parang iba siya sa kanilang magkakaibigan? Bakit parang lagi siyang good vibes. Yung para bang walang kaproble-problema sa buhay.
"Musta tulog?" Nakangiti niyang tanong
"Okay naman, ikaw?"
"Masarap tulog ko, ang ganda ng panaginip, e"
"Hehe, sige una na ko" sambit ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Napapangiti naman ako habang naglalakad. Napakapositive naman nung taong yun. Akala ko kasi basagulero rin siya tulad ng mga kaibigan niya pero hindi naman pala.
"Allison!" Napatingin naman ako sa gawing kanan ko at laking tuwa ko nang makita kong masigla si Sy.
Sinalubong ko siya at niyakap.
"Buti magaling ka na"
"Sinunod ko sinabi mo sakin, e. Effective naman pala"
"Hehe, talaga. Ako pa ba?"
Natawa kaming pareho sa sinabi ko.
---
"Okay, so let us talk about the Philippine Timeline in the 19th century"
Ano ba naman yan.
Sa lahat talaga ng subject, yung history yung pinakaayaw ko. Ayoko kasi ng binabalikan yung nakaraan. Nakaraan na nga babalikan mo pa.
(Discuss.. Discuss.. Discuss"
Sumunod na pumasok si Ms. Ferthyil, math teacher pala namin. Maganda siya pero mas maganda ako. Maputi siya pero mas maputi ako. Matangkad siya pero mas matangkad ako. In short, mas lamang ako sa kanya.
"Okay, class. So, first of all, gusto konf ipaalam sa inyo na meron kayong bagong magiging classmate dito sa Section A dahil na-dissolve ang last section sa dami ng issues na meron sila kaya unfortunately, may mga taga last section kayong makakasalamuha dito."
"Eh sino po ba sila, miss?" Tanong ni Eilish.
"Eto na nga sila" sambit niya at tinawag na yung bago naming magiging clasamates.
Pumasok naman na sila at halos magiba na ang buong building sa lakas ng sigawan nila dahil doon sa tatlong unggoy na yun. Ay mali! Hindi pala unggoy si Jade.
"Oh my gosh!"
"Classmates pala natin sila"
"Swerte ko talaga"
Iyan ang mga bulung-bulungan ng iba. Tss. Mga hindi marunong magpigil sa sarili.
Nagpakilala naman na sila at umupo na sa mga bakanteng upuan sa likod, but unfortunately, dalawa lamang ang bakante doon at sa tabing upuan ko na sa kaliwa ang bakante. Kamalas-malasan ko pa nga dahil si Andrew pa ang umupo dito. Di bale na lang siguro kung si Jade, wag lang si Andrew.
"Ang swerte niya"
"Sana all"
Sana all niyo mukha niyo. Hindi niyo alam kung gaano ako kamalas ngayon. Pero sa kalagitnaan ng pag-e-emote ko dito'y nakita kong may tiningnan siya sa phone niya at maya-maya lang, nakipagpalitan siya ng upuan kay Jade. Ooowwwww!!!
"Buti naman"
"Kahit na swerte pa rin siya"
"Sana dito na lang yung bakante"
Tss. Ang daming alam!
"Allison" tawag niya sa akin na para bang kinakabahan.
Nilingon ko naman siya ng walang emosyon at naghintay ng sasabihin niya.
"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong niya.
"Marami" sagot ko
"Ahh sige." Sambit niya at nagbuklat na lang ng module namin.
(Discussion)
"Ikaw na talaga ang pinakaswerteng babae sa mundo, Allison" sambit ni Sy habang may subu-subong tacos.
"Tss. Hindi rin, noh." Hobby ko talaga ang magtago ng nararamdaman. Ayoko kasing may makaalam ng feelings ko kasi wala rin naman silang magagawa kundi ang manuya, diba.
"Sus, hindi raw. Eh bakit ka namumula nung tumabi sayo si Andrew?"
Pinigilan ko naman agad ang napakalakas na bibig niya dahil nasa kabilang table lang yung tatlo. Jusme! Napakaingay!
"Ingay mo" bulong ko
"Ooppss.. Sorry"
"May pupuntahan pala ako sa Thursday kaya kapag nagtanong yung mga teachers, sabihin mo na lang na may pinuntahang importante." Paliwanag ko.
Hobby ko ring mag-iba ng usapan kapag hindi ko na gusto ang pinag-uusapan. Madaldal naman siya kaya madali lang siyang makiride sa mga inoopen kong usapan.
Habang kumakain kami, may biglang nag-echo sa isipan ko.
"Mas maganda kaya ang AlDrew kaysa sa AlJade"
"Mas maganda kaya ang AlDrew kaysa sa AlJade"
"Mas maganda kaya ang AlDrew kaysa sa AlJade"
"Mas maganda kaya ang AlDrew kaysa sa AlJade"
Niyugyog ko ang ulo ko para mawala ang mga nag-e-echo sa isipan ko. Ano ba yun? Bakit may ganun?
"Huy anong nangyari? Hmm.. Naisip mo si ---" hindi ko na siya pinatapos pa.
"Ang sakit ng ulo ko. Tara balik na tayo sa room" sambit ko at binitbit na yung tacos na binili ko.
Sy
Ano kayang problema nung babaitang yun? Haha! Siguro naiisip si Andrew. Tsk. Tsk. Talaga naman ang pag-ibig, oh.
"Ano bang nangyari? Masakit pa ba ulo mo?" Kunwari ko pang tanong.
Tsk. Tsk. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin. Hahaha!
"Oo, e" sagot niya
"Uwi na kaya ako" dagdag pa niya
"Naku wag! Baka may quiz tayo mamaya, edi mamimiss mo yun." Pigil ko pero sa totoo lang ayoko siyang umuwi kasi ang pogi ng makakatabi niya.
Sayang nga kasi nakipagpalit pa si Andrew kay Jade. Pero okay na rin yun. Pero mas maganda aiguro kyng si Andrew ang katabi niya para may ipapauso na akong loveteam, ang AlDrew. Oh diba mas astig kaysa sa AlJade.
"Anong mas maganda, AlDrew o AlJade?" Diretso kong tanong
"Tss. Isa ka pa"
"What? Anong isa pa ako? So, you mean may nauna na sa akin na magpangalan sa loveteam niyo? At sino naman yun?" Sunud-sunod kong tanong
"Tss. Wala na yun. Tsaka walang loveteam loveteam. Wala ngang love, e tapos loveteam pa. Tss"
"Huy, anong walang love? Mayroon kaya. Tsk. Tsk. Palibhasa bitter sa pag-ibig kaya ganun na lang ang sinasabi."
"Luhh! Bala ka na nga jan" sambit niya at isinubsob na ang mukha sa desk. Buti na lang talaga at hindi napapango tong babaeng to sa ginagawa niya.
---
Allison
Inimpake ko na ang mga gamit ko para sa flight bukas. Ngayon ko lang din narealize na ako na lang pala ang wala pang gamit na nakahanda. Tss. Always late.
"Bat kaya siya nakipagpalit?" Tanong ko sa sarili ko habang nakasandal sa sofa.
Bakit kaya siya nakipagpalit?
Agad ko muling niyugyog ang ulo ko sa naisip ko. Jusme! Ano ka ba? Diba okay nga kang sayo yun tsaka malas ka kapag katabi mo siya kaya dapat matuwa ka na nakipagpalit siya.
Okay.
Maya-maya pa'y may kumatok sa pintuan. Afad akong tumayo at pinagbuksan kung sino may siya.
"Dark Chore, punta na raw sa field. Archery tayo" sambit ni Black Heart.
Tumango naman ako sa kanya at pumunta na sa field. Pagpunta ko naman doon, kumpleto na sila at ako na lang ang hinihintay. Pumunta naman na ako sa pwesto ko at kinuha na ang gagamitin ko.
(Training)
Jade
Napag-utusan lang talaga ako kaya ako nakipagpalit kay Andrew. Sa totoo lang si Den talaga ang may pakana nung pakikipagpalitan ko. Pero masaya din naman ako na nakipagpalit ako sa hindi malamang kadahilanan. Weird nga, eh.
"Ano Drew. Papakawalan mo na si Allison?" Tanong ni Den
"Anong papakawalan? Akin ba siya? Hindi naman diba" iretable niyang tugon habang nagsusunog ng baga.
"Eh diba ikaw na mismo nagsabi kahapon" si Den
Pinandilatan naman siya ng mata ni Drew kaya naman napatahimik na lang siya. Aba naman talaga! Parang may pinag-uusapan silang hindi ako kasali. Sabagay, may pinag-uusapan din naman kami ni Den na hindi siya kasama.
"Oh ikaw, bakit wala kang imik jan?" Tanong ni Den
Bumaling naman ako kay Drew at tinanong siya.
"Gusto mo ba talaga si Allison?" tanong ko
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Hindi. Hindi kahit kailan" sagot niya
"Teka nga, diba dapat ainuauportahan natin si adrew kay Allison, e bakit parang iba ata yung tanong mo?" Si Den
Bumaling naman ako sa kanya
"Tandaan mo, assassin si Allison, kaya niyang pumatay ng tao. Eh paano kung saniban yun tapos patayin tayo? Ano?"
"Saniban? Patayin? Sa tingin mo ba magagawa yun ni Allison"
Hindi lang nagsasalita si Drew
"Eh assassin nga siya! Ano pa bang inaasahan mo sa nga assassins? Mababait? Matulungin? Nagliligtas ng tao? Sumasagip ng buhay?" Sunud-sunod kong tanong
"Sabihn mo lang kasi na gusto mo si Allison kaya ayaw mong mapalapit ang loob nila ni Andrew"
Napakunot naman ang mga mata ko sa sinabi na iyon ni Den.
"Wala akong gusto dun. Tandaan mo, playboy ako at kahit kailan hindi pa ako nagseryoso at wala akong balak magseryoso."
Umalis na ako harapan nila at nagsunog na ng baga.
Hindi ko naman talaga gusto si Allison. Hobby ko nang manakit at magpaasa ng mga babae at alam ko na madali kong makukuha ang loob ni Allison lalo na't magkatabi kami sa upuan. Pinaglalaruan ko lang siya. Gusto ko siyang saktan. Mahilig ako manakit ng damdamin ng mga babae kaya nga kinukuha ko yung loob ni Allison para madali ko siyang masaktan.
Allison
Maaga kaming ginising ni Miss Zendelle para hindi mahuli sa flight. Agad naman akong nag-ayos at sumakay na sa kotse paountang airport. Gaya nga ng nasa plano, hindi sasama sina Miss Zendelle at Black Heart dahil sila ang mag-aayos ng lahat.
---
Katabi ko si Zennaiah dito sa airplane at katabi naman niya sa kanan niya si Kylie. Pinili ko dito sa may binatana kasi nahihili ako tsaka para mat sandalan diba.
"Dark Chore, ready ka na ba?"
Aba! First time ata akong tawagin ni Zennaiah na Dark Chore, ah.
"Oo, A4"
Oh, akala mo ikaw lang marunong tumawag ng ganyan, ah.
Hapon an at inaantok na ako nang may biglang tumawag sa akin sa isipan.
"Allison.. Allison.. Allison"
Paulit-ulit lang siyang ganoon at ang boses ay parang kay Andrew. Pero imposible naman yun diba. Hindi naman kami konektado sa isa't isa para mag-echo na lang yung boses niya ng basta-basta. Tsaka hindi naman siya importante sa akin kaya imposibleng maalala ko siya.
Hay naku! Antok lang to. Makatulog na nga.
Paggising ko kinabukasan ay naghahanda na ang lahat kaya naghanda na rin ako. Sarap ng tulog ko ang ganda kasi ng panaginip ko.
Pagkababa namin ng eroplano'y agad kong sinalubong ng napakatamis na ngiti ang bansa ng England.
"Good morning England!" Bati ko na akala mo'y tao rin siyang nakikipag-usap sa akin.
Kinabit ko naman na ang eaepods ko at naghintay ng mga sasabihin at mga ibibilin sa amin ni Miss Zendelle.
"Handa na ba kayo?" Panimula niya
"Handa na" sagot naming lahat sa kanya
"Sige, ganto, mamayang ala-una ng hapon niyo gagawin ang plano dahil ngayong umaga niyo nanakawin sa commander ang VIP Card para makapasok kayo sa palasyo at para madaling i-hack ang mga personalized robots ng target."
Napatango-tango naman kami doon.
"At ikaw Dark Chore ang gagawa noon."
"Okay po." Sambit ko
Sanay naman na ako sa pagnanakaw, e. Medyo level up nga lang ngayon.
"Dion at Kyle, sasamahan niyo si Allison sa paggawa noon."
"Yes, Killer Queen" sagot naman nila.
"Tandaan niyo, malaking halaga ng pera ang makukuha natin kapag natapos natin ang misyong to kaya ipangako niyo sa akin na magagawa niyo to."
"Yes, Killer Queen" mahihina naming tugon.
"Good. So, your mission starts now"
Tinapos naman na namin ang linya at nagsimula nang maglakad palabas ng airport.
May bahay naman kami dito kaya doon na kang kami nagpunta. Walang tao dito at hindi nagagamit ang bahay kaya nahirapan kaming linisin ito. Tatlong araw kami dito at matapos noo'y iiwan muli namin ang bahay na 'to.