bc

Adrenaline Junkies: El Cadejo (Completed)

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
system
tragedy
lighthearted
mystery
scary
city
mythology
pack
small town
another world
superpower
surrender
like
intro-logo
Blurb

HORROR-COMEDY-MYSTERY-ADVENTURE

Series 02 @2024

Nakapagdesisyon si Mattia na sumali sa House of Extraterriastrial and Parapsychology Organization o mas kilala sa tawag na HEAP - isang kilalang organisasyon ng mga magagaling na cryptozoologist at paranormal investigators. Ngunit ang akala niyang simpleng pag-a-apply ng trabaho ay isa palang malaking pagsubok.

Matapos makapasa sa mga written examinations, hindi inaasahan ng binatilyo na magbibigay agad ang mga ito ng isang mapanganib na misyon! Isang linggo ang Training Camp sa Guatemala, Antigua. Isang linggong paghahanap at isang linggong pagplaplano upang mahuli ang El Cadejo na nambibiktima ng mga turista.

***

chap-preview
Free preview
Prologo : NCR Psychic Center
*Lahat ng pangyayari sa librong ito ay pawang kathang-isip lamang. So Chill Bro, Guatemala is an awesome country. *** Tumingala si Mattia upang matitigan ang pinakadulong bahagi ng gusali ngunit hindi niya iyon matanawan. At naisip niyang, ganito ba talaga ang mga istraktura sa Manila? Nakapunta na siya sa National Capital Region noong musmos pa lamang ngunit wala na siyang matandaan pa sa mga dating karanasan. Kaya naman ang nasa harap at ang itsura ng lugar ay nakakapanibago sa kaniya. Napaubo siya nang mabugahan ng maruming usok ng humaharurot na sasakyang jeep. Bumaling ang mga mata niya sa kalsada. Nagpapaunahan sa pag-andar ang iba't ibang uri ng sasakyan. At pakapalan ng mukha kung makipagsiksikan o makipag-overtake ang mga motorsiklo— kahit pa may truck sa unahan. Palakasan din ng busina ang mga sasakyang nakahinto sa kabilang lane. Dito sa sidewalk kapag humambalang ay siguradong makakabunggo ng mga tao, abala ang lahat sa paglakad at pagpunta sa kani-kanilang destinasyon. Mula rin sa kinatatayuan ay tanaw niya ang overpass —na daan din patungong MRT station. Malapit din siya sa supermarket at malls, kaya hindi nakapagtatakang napakaraming tao. "So this is Manila, huh?" naisip ni Mattia, "Napakaingay pala rito." Wala ring masasagap na sariwang hangin dahil sa nagkalat na alikabok at polusyon. Ibang-iba ang itsura ng mga kalsada rito kumpara sa probinsya, sapagkat sa kinagisnang bayan ay maluluwag ang mga daan at kakaunti lamang ang mga sasakyan. Gayunman, kakaunti rin ang mga tao at maayos na lansangan. Napabuntong-hininga siya nang malalim. Nami-miss na niya ang kaniyang ingkong, ang lungsod ng Capiz, ang bukirin, ang dagat at tahimik nilang barangay. Ngunit pumayag siyang pumunta rito. Tinanggap niya ang alok ng mga kaibigan. Hindi siya pwedeng umatras at bumalik sa kinalakihang bayan na walang napala. Nandito siya upang makipagsapalaran sa buhay, kung mananatili siya sa mahirap na bayan, hindi niya makakamtam ang lahat ng pansariling hangarin at pangarap. Nandito siya hindi lang para maghanap ng trabaho o mag-aral sa kolehiyo, nandito rin siya upang hanapin ang sarili. Pagkuwa'y bumalik ang linya ng tingin niya sa harapang gusali. Wala nang urungan. Wala nang atrasan. Nagpatuloy siya sa paglalakad at pumasok sa loob ng matayog na istraktura. *** Maikukumpara niya ang loob ng gusali sa mga magagarbo at sosyal na condo unit o hotel. Nagsisilakihan at nagkikislapan ang mga chandelier sa kisame. Mula sa entrance ng ground floor, makikita ang balkonahe ng pangalawang palapag. At tila ginto ang tiles na nakapaligid sa kulay pulang pahabang carpet. Napakalinis. Malayo sa itsura ng mga ordinaryo at magugulong opisina. Sa bungad pa lamang ay may sumita na sa kaniyang babae na nakatayo sa reception area. Nakasuot ito ng pormal na kasuotan na maihahalintulad ang disenyo sa mga uniporme ng mga flight attendant. "Good morning, ano po 'yon?" Naiilang na lumapit siya at inilabas ang papel na nasa loob ng hawak na brown envelop. "Good morning din po, magpapasa po ako nito." Iniabot niya ang invitation letter na ibinigay sa kaniya ng dalawa niyang kaibigan. Binasa naman ng babaeng staff ang laman ng papel. We would like to inform you that we, the Adrenaline Junkies, one of the affiliated groups of HEAP, have signed and given this invitation to Mr. Jones Matthew Salvador. "Oh, may invitation ka galing sa mga employees namin." Hindi na tinapos pa ng babae ang pagbabasa at bumaling sa kaniya. Tumango lamang siya. "Sige po, maupo po muna kayo sa waiting area." Itinuro nito ang loob ng lobby— doon sa bakanteng sectional sofa na malapit sa wall-mounted LED TV. Pumasok siya roon at tahimik na umupo. Naramdaman niyang lumubog ang puwit dahil sa lambot nito. Dumako ang mata niya sa TV na nasa gilid na nagpapalabas ng mga commercial ukol sa 1111 Paranormal Helpline at ilan pang advertisement tungkol sa organisasyon. Natuon ang pansin niya sa entrance nang may pumasok muli at nagtungo agad sa reception area upang magtanong. Narinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa at batay sa resume na inabot ng lalaki, nahulaan niyang nag-a-apply din ito ng trabaho. "Tawagan na lang po namin kayo," wika ng receptionist at iginiya agad ang lalaki sa exit door. "Iyon lang po ba?" Halatang ayaw pa nito umalis at hindi nakontento sa sagot ng babae. Pilit na ngumiti ang tinanong. "Opo, tatawagan na lang po namin kayo for interview." May sinabi ang lalaki ngunit hindi na inintindi ni Mattia. Umiwas siya ng tingin at tumitig na lamang sa kagandahan at disenyo ng gusali. Maya-maya pa ay narinig niyang umalis na ang lalaking nagpasa ng resume. Pagkaalis nito ay ang pagdating naman ng isang babaeng nakasalamin, nakapuson ang buhok, at nakatakong ng tatlong pulgada. Muling bumalik ang mga mata ni Mattia sa receptionist— na ngayon ay kausap na ang babaeng nahuhulaan niya'y nakatataas sa lugar. Nang mabasa nito ang dalawang papel na ibinigay ng receptionist, inayos nito ang salamin sa mga mata at bumaling ang tingin sa kaniya. Naiilang na nagbawi siya ng paningin. Pakiwari niya ay masungit ang babae at sa pagtitig pa lamang nito ay parang kinikilatis na siya. Pagkuwa'y narinig niya ang bawat pagtapik ng takong ng babae sa tiles na sahig. Tumapat ito sa kaniya at nagpamaywang. Ang una niyang napansin ay ang sapatos nitong nangingitab na tila bagong-bago. Unti-unti niyang inangat ang paningin hanggang tumigil sa mataray na mukha ng babae. "Ikaw si Jones Matthew?" "Opo, Mattia na lang po in short," palakaibigan niyang tugon na tumayo at inilahad ang kanang palad. Tinitigan lamang iyon ng babae, pagkatapos ay umiwas ng tingin at naglakad paalis. "Follow me." Parang naestatwa pa si Mattia dahil sa pagkapahiya. Hindi man lamang siya kinamayan ng masungit na babae. Bumaling ang mga mata niya sa receptionist na may simpatyang ngiti sa mukha at bumulong pa ng, "Pagpasensyahan mo na." Tutugon pa sana siya pero tinawag na siya muli ng mataray na babae. "Faster," anito na nakalingon sa kaniya. "Opo, nandyan na po." Nagmamadali siya na humabol sa likod nito. *** Nilakad nila ang kahabaan ng hallway at wala siyang ideya kung saan sila papunta. Tumingin siya sa likod ng nagtataray na kasama, intimidating man ang dating nito ay naisip pa rin niyang mag-usisa. "Ma'am, mawalang galang na po pero sino po kayo? Kayo po ba ang may-ari nitong kumpanya?" Tumigil sa paglalakad ang babae at tinitigan siya. Nahinto rin ang mga paa niya. Pakiwari niya'y malulusaw siya sa diretsong pagtingin nito. Inihagis nito ang isang papel na bitbit sa malapit na trash bin. Pumunta ang linya ng paningin niya sa basurahan na punong-puno ng mga resume ng iba't ibang tao. "Manager ako ng NCR HEAP Branch at nangangasiwa rito sa Psychic Center. Tawagin mo na lang akong Ma'am Estrella." "Bakit n'yo po itinatapon lang ang resume ng mga nag-apply." Parang ikinabigla ng ginang ang tuwiran niyang pagtatanong. Ngunit nagkibit lamang ito ng balikat, muling tumalikod at naglakad. "Priority namin ang mga aplikanteng nakatanggap ng invitations, hindi ang mga walk-in lamang." "Oh? So ibig-sabihin, hindi n'yo talaga tatawagan 'yong lalaki kanina. Parang ang unfair naman na kinukuha n'yo lang ay ang mga taong may backer. Paano kung walang kakayahan ang tao kahit may backer siya? O may kakayahan ang tao pero wala siyang backer?" aniya at sumunod muli rito. Mapanlibak na ngumisi ang babae. Sa ilang taon na pagtratrabaho nito sa NCR Psychic Center, si Mattia pa lamang ang walang galang na nagtanong ng mga ganitong bagay. "Sa tingin mo ba ganoon lamang kadali makapasok sa HEAP?" Hindi siya nagsalita. Muling napahinto at nagpamaywang si Estrella saka nilinga siya sa likod. "Hindi ba nabanggit ng mga nag-imbita sa 'yo ang proseso ng application dito?" "Entrance examination at 1 week training. Iyon lang ang binanggit nila sa 'kin." Saglit siyang tinitigan ng babae bago muling naglakad sa pasilyo. Sumunod muli si Mattia sa likod nito at hindi na nagsalita. Tahimik nilang binaybay ang kahabaan ng hallway hanggang huminto sila sa isang pinto. Binuksan iyon ni Estrella at unang pumasok sa loob. Pinindot nito ang switch ng ilaw upang magkaroon ng liwanag sa kabuuan ng pribadong kuwarto. Mistulang classroom ang silid ngunit puti lamang ang mga haligi. Nakahilera nang maayos ang mga arm chair at sa unahan ng mga ito ay naroon ang malaking white board. Subalit ang nagbigay pansin kay Mattia ay ang nasa likurang bahagi ng kwarto. Naglakad siya palapit doon at binasa ang mga laman ng bulletin board. Naintriga siya sa mga pangalan na nakasulat sa malawak na pisara. "Listahan iyan ng mga pangalan ng mga paranormal investigators namin. Kung napapansin mo, magkahiwalay ang mga affiliated groups, sa mga independent investigators." Lumapit si Estrella sa kaniya upang ipaliwanag ang laman niyon. "Kung ganoon, malaya pala kami pumili kung gusto namin sumali sa isang grupo o magsarili," napagtanto ni Mattia. "Ganoon na nga, pero mas better pa rin na sumali ka sa isang affiliated group kaysa magsarili. Mahirap ang mag-isa lalo pa't delikado ang mga misyon." "Naka-rank ang mga affiliated group?" pansin niya sa mga numerong katabi ng mga pangalan ng grupo. Napahawak siya sa baba at napaisip. "Hindi lang ang mga grupo ang binibigyan namin ng ranking, pati na rin ang mga nagsasarili ng misyon. Depende sa result ng kasong binigay namin sa kanila, tataas at bababa ang rank nila. Kapag hindi naresolba ng mga investigators ang kaso sa given time frame ay bababa ang ranking nila. Pagkatapos ay ibibigay namin muli ang kaso sa grupo o tao na may mas mataas na rango. Hindi namin tinatanggal ang mga kasapi kung hindi man sila makatapos ng misyon o kung hindi man sila magtagumpay sa lakad, gayunman ibinababa namin sila sa ranking. Pero sa totoo lamang ay nakakahiya ang mapunta sa dulo." "Kung ganoon, wala kayong pinapatalsik sa trabaho?" "Mayroon. Matatanggal lamang sa trabaho ang paranormal investigators kung hindi sila tumanggap ng misyon sa loob ng isang taon. Kaya hindi mahalaga kung maresolba mo ang problema, ang mahalaga ay kung tinanggap mo iyon o hindi. Every month ay nag-a-update kami ng rank. Sa kasalukuyannan ang nangunguna sa ranking ay ang Paradigm Unit. Hindi ko alam kung narinig mo na ang grupo na iyon pero hindi pa sila natatanggal sa rank 1 sa loob ng tatlong taon." Umiling si Mattia. "Ngayon ko lang narinig ang grupo na iyan, ma'am." Pinag-akbay ni Estrella ang mga braso at parang nanunukso na ngumiti. "Ganoon ba? Pero sikat ang grupo na 'yan at kadalasan ay sila ang nire-request ng mga private client. Pero hindi namin tinutugon ang kagustuhan ng ibang tao." Natawa ito na para bang biro ang sinabi. "Sa dami ba naman ng tawag at kasong dumadating sa amin, wala kaming oras para isa-isahin pa sila. Randomly ang pagbibigay namin ng misyon. Hindi pinapansin ng Information Unit ang mga personal na request." Muling itinuon ni Mattia ang pansin sa bulletin board at isa-isang binasa ang mga pangalan na nakalista roon. "Parallax... Haunted Hoppers... Scare crew... " Sa kasawiang-palad ay hindi niya mahanap ang pangalan ng mga kaibigan sa unahang parte ng listahan. Ibinaba niya ang tingin at nagulantang nang makita ang pinakadulo. Sa rank number 128 ay nandoon ang titulo ng grupong nagyaya sa kaniya na sumali sa HEAP at kasamang nakatala roon ang tunay na mga pangalan ng dalawang kaibigan. "Nasa last rank ang Adrenaline Junkies?" Hindi na niya naitago ang dissapointment ng boses. Lumakas ang tawa ni Estrella nang banggitin niya iyon na tila lalo pa siyang inaasar. "Huwag kang mag-alala. Baguhan pa lamang kasi ang affiliated group na sinalihan mo kaya nandoon pa sila sa dulo. Nabalitaan ko na successful ang pangalawang national mission nila, kaya sigurado ako na tataas ang rank nila next month." "Kulelat pala kami..." bulong ni Mattia at malalim na napabuntong-hininga. Pero natigilan siya nang mabasa ang tunay na pangalan ng mga kaibigan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi sinasabi sa kaniya nina Chubs at Joriz ang mga tunay na pangalan ng mga ito. Ngunit ngayon, mukhang naintindihan na niya kung bakit. Natuptop ni Mattia ang bibig upang pigilan ang mapabungisngis nang malakas. "Charlie Chua at Joriz Labatiti..." Binasa niya muli ang mga pangalan at para siyang buang na napatawa nang mahina. Hindi na niya napigilan ang pagyugyog ng dalawang balikat. "L-Labatiti... Labatiti..." "Tara na." Napahinto siya sa pagngisi nang tawagin muli siya ni Estrella. Napalingon siya sa babae at naglakad palapit sa direksyon nito. Nakatayo ito sa harap, hawak ang isang malinis na white folder at nang umupo siya sa isang arm chair ay saka lamang nito inilapag sa harap niya ang hawak. Binuklat niya ang folder at nakita ang limang pahina ng written examination. May nakaipit na rin na ballpen doon. "The exam is consist of one hundred items and the scopes are global politics, mythology, psychology, sociology, cultural globalization and foreign languange. the passing grade is 75 points. Kapag mas mababa pa roon ay hindi namin tatanggapin. Bibigyan ka lamang namin ng isang oras. Tapos o hindi tapos ang exam, ipapasa mo sa amin 'yan . Naintindihan mo ba?" Tumango lamang si Mattia bilang pagtugon. Inaaamin niya na sa coverage pa lamang ng exam ay siguradong hindi nga makakapasok ang ordinaryong tao na may average IQ— puwera na lamang kung nakapaghanda ang aplikante. Sa isang banda, mapalad pa pala siya dahil tinulungan siya nina Chubs at Joriz sa pagrerebiyuw sa mga sakop ng examination. Hindi siya mabibigla sa mga tanong na nakasulat sa questionnare dahil alam niya ang nilalaman. Kaya pala hindi binibigyang pansin ang mga walk-in applicants, dahil kahit tanggapin nila ang mga ito ay siguradong hindi rin makakapasa sa examination. Sa reception area pa lamang, pinipili na nila agad ang mga taong karapat-dapat. Sinulyapan ni Estrella ang wrist watch at hinintay na tumapat ang maliit na kamay na orasan sa saktong alas-nuwebe. "Time starts now," anito at hudyat na iyon upang isubsob ni Mattia ang isip sa sinasagutang papel. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
42.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook