10
Yung taong maliit ang mukha, ang katawan naman dambuhala
RIC’S POV
“Nandyan ba sina tito Fors and tita Mads?” tanong agad ni captain pagbaba ng kotse.
“Sir wala pa po pero pauwi na po siguro sila.” Sagot nung katulong.
“Captain! Grabe, kaninong bahay ‘to? Sobrang laki naman. Nagkakakitaan pa ba ang mga tao dito?” bulong ko sa kanya habang nakahawak ako sa polo nya. Binanat nya ang polo nya kaya naman bumitaw ako. “So – sori.”
“Dito ka magtatrabaho. Iintayin natin ang may ari. Dito ka lang, wag kang aalis.” At pumasok sya sa loob.
Wow ha, iniwan ako sa labas at literal na labas. Mabuti na lang hindi umuulan. Nakakaloko ‘tong lalaking ‘to. Ang sama ng ugali.
“Tsismosa ka kasi! Feeling mo maganda ka kaya nilalandi mo yung guard namin!!”
“Hoy ikaw ang pilingera. Makapaguniform ka labas pa ang kuyukot sobrang itim naman!”
“At least ako may maganda! Ikaw walang kahit ano!”
Napatingin ako sa kabilang gate kung saan may nagsisigawan kaya naman lumapit ako. Nakita ko ang dalawang katulong. Nakaputing uniform yung isa at yung isa naman nakablue.
“Tandaan mo sa’kin lang si Beto!!” sabi nung nakablue sabay tulak dun sa nakawhite. “Ito pa ang bagay sa’yo!” at itinaktak pa nya ang nasa loob nung basurahan.
Sasabunutan pa nya sana yung katulong pero nahawakan ko sya tsaka ko itinulak. “Alam mo gumagalang sana ako sa mas matanda sa’kin. Pero sa nakita ko na ginawa mo dito sa babae, hindi ka na kagalang-galang.”
“Sino ka ba at bakit ka nakikialam hindi mo naman alam ang awayan namin?!!” sigaw nya sa’kin.
“Oo nga. Wala akong alam at wala rin naman akong pakialam. Pero kung alipustahin mo sya parang ikaw ang amo nya! Wow, milyones ba ang sweldo mo? Wag kang magalala, makakarating ‘to sa amo mo!” Napatigil sya. “Ang panget mo na nga ang panget pa ng ugali mo!”
“Hindi pa tayo tapos!” sabi nya sa katulong na nakaupo.
“Teleserye pa ang gusto mo ha – may kadugsong pa!” sigaw ko sa kanya tsaka ako humarap sa nakaupong babae sa likuran ko. “Ikaw naman hindi ka pa talaga tumayo dyan? Ano mahal mo na yang simento?” Iniabot ko sa kanya ang kamay ko at tinulungan ko syang tumayo. Nakangiti lang sya sa’kin at nakatitig. “Hello! Tapos na ang eksena.”
“Salamat ha.” Bigla syang bumalik sa sarili. “Kapal kasi ng mukha nung babaeng yun. Kung laitin ako wagas. Ganun na ba ako kataba at kapangit?” Naku, naginarte pa nga sa’kin.
“Yung taong maliit ang mukha, ang katawan naman dambuhala. Sya yun. Kaya wag nang maginarte dyan.” Tumalikod ako at pumasok ulit sa loob.
“Ay teka – sino ka nga pala? Bakit nandito ka sa loob?” tanong nya habang sinabayan akong maglakad.
“Ah – ako si Ric, ako daw yung magiging drayber nung donya. Iniwan kasi ako ni captain dito.” Sagot ko.
“Talaga?” nakatitig sya ulit sa’kin. “Teka – parang namumukaan kita.” Nag-isip sya sandali. “Ikaw ba yung boyfriend ni sir Kael?”
Napakamot ako sa ulo ko. “Ako ba yun?”
“Oo, kasi kamukha mo yung nasa dyaryo.” Lumapit sya sa’kin at tumingin sa paligid. “Alam mo crush ko pa mandin yun si sir kasi ang macho na at ang gwapo. Pero nawalan ako ng gana ng malaman ko yung balita.” Bulong nya sa’kin. “Sino bang bading sa inyong dalawa?”
“Siguro sya. Sya kasi yung ano – sya nagbibigay sa’kin ng pera kapag kailangan ko. Maghahanap buhay ba ako kung mayaman ako di ba?” napatingin ako sa kanya at nakatitig sya ulit sa’kin. “May dumi ba ako sa mukha?”
“Ha? Wa – wala naman. Feeling ko kasi ikaw na yung prince charming ko. Kasi wala pang nagtatanggol sa’kin ng tulad ng ginawa mo kanina. Tapos sobrang gwapo mo pa. Kahit medyo payatot ka okay lang kasi ang gwapo mo at ang bait.” Pinunasan nya ang kamay nya tsaka iniabot sa’kin. “Ako nga pala si Yani.”
Iniabot ko ang kamay ko sa kanya. “Ric Matras.”
“Pakilabas na nung kotse ano ba!! Alam nyong ayaw na ayaw ni Mama na nahuhuli!” nagulat ako sa sigaw ng isang lalaki. Parang kasing edad sya ni tatay. Nakatitig lang ako sa kanya. “Hoy ikaw! Tutunganga ka lang ba dyan?!! Tumabi ka kaya!!” nagulat ako dahil bigla nya akong tinuro.
“Pa – pasensya na po.” Mahina kong sagot.
Papasok na sya ng kotse pero bigla syang lumapit sa’kin. “Sino ka ba? Sinong nagpapasok sa’yo dito?”
Sasagot palang ako buti na lang dumating si captain. “Ako po tito.” Bumaba sya at lumapit. “Sya po yung sinasabi kong kinuha kong driver ni donya Frieda.” Ang galang nya. Parang kumakausap sya ng taong makapangyarihan.
“Hindi ba parang ang bata naman nyan?” tiningnan nya ako. “Pero sige, may tiwala naman ako sa’yo. Pero kapag gumawa yan ng kalokohan ikaw ang mananagot.” Pahabol nya.
“Sige po.” Papasok na sya sa kotse. “Tito, kasama po ba ni donya Frieda si Rae Ynn pag-uwi?”
“Hindi pa. May tinatapos pa daw sya dun. Pero uuwi sya sa launch ng MacLaren clothing dito sa’tin.” Sagot nung lalaki tsaka sya umalis.
Nakita ko sa mukha ni captain na parang nalungkot sya. “Captain, sino ba yun? Parang nakakatakot naman sya.”
“Yun si tito Brancy MacLaren, anak sya ni donya Frieda. Strikto yun kaya wag kang pasaway.” Maigsi nyang sagot.
“Bakit parang nalungkot ka? Sino ba yung tinanong mo? Pangalan ba yun ng tao?” paguusisa ko.
“Naku si senyorita Rae Ynn ang tagapagmana ng MacLaren Company. Nag-iisang apo yun at sikat sya kahit saan. Halos lahat nagkakagusto dun kaya siguradong pati ikaw.” Sabad ni Yani at mukhang aliw na aliw pa sya sa pagkukwento. Tinitigan naman sya ng masama ni captain. “Sorry po. Sige po papasok na ako. Nice meeting you, Ric.”
“Sige.” At nagpaalam na ako. “Ihhh – type mo yun no?” pang-aasar ko sa kanya.
“Tumigil ka nga. Wala ka pa ngang alam nang-aasar ka na.” Pag-iwas nya. “Ipinapaayos ko na yung mga requirements mo. Humingin na rin ako ng certificate of employment and good moral sa Sotelo, para siguradong papasa ka kay donya Frieda.” Paliwanag nya.
“Talaga? Wala na akong babayaran?” syempre maige na yung malinaw ang usapan pagdating sa pera.
“Tss! Lakas ng loob mong magtanong eh may utang ka pa nga sa’kin.” Sagot nya.
“Aba syempre! Tsaka isa pa hindi yun utang! Pagta-trabahuhan ko naman yun ah.” Binangga ko sya ng balikat ko. “Pero salamat talaga sa tulong mo ha. Ligtas na si tatay. Nagtext sa’kin si nanay.” Inilabas ko ang cellphone ko at nabitawan ko. “Ay, naku bumagsak na naman.” Habang dinadampot ko ang mga parte ng cellphone ko narinig kong tumatawa si captain. “Anong nakakatawa? Hindi ba nalalaglag yang cellphone mo?!”
“Nalalaglag – pero kasi – kasi naman panahon pa ata ng papa ko yang phone mo. Mahal na yan kapag ibinenta mo. Alam mo bang ganyang phone ang ginagamit ng mga terorista ngayon.” Tumatawa nyang sabi.
“Anong masama dito? Nakakatawag pa ‘to at nakakatext. Isa pa pwede pa ‘tong pang depensa. Kapag ibinato ko ‘to sa’yo siguradong makakatulog ka!” sigaw ko sa kanya habang binubuhay ko ang cellphone ko. “Oha! Galing ng cellphone ko no!”
“Tss! Papalitan natin yan!” Kinuha nya ang phone ko at inihagis sa likuran nya.
“Hoy! Bakit mo itinapon!” nilapitan ko ang telepono ko at dinampot ko isa-isa. “Yung mga picture message ko dito baka nabura. Ang ganda pa mandin nun.”
“Kunin mo na lang yung simcard! Papalitan ko na lang yan ng uso! Tara na!” sigaw nya sa’kin.
“Nandito pa mandin ang text sa’kin ni Hynddie.” Pinipilit kong buhayin yung phone ko pero natuluyan na ata syang masira.
“Hynddie? Yung kabanda mo? Lalaki yun ah.” Bigla akong kinabahan. Hindi ko kasi iniingatan ang pagsasalita. “May gusto ka sa kanya? Bading ka ba talaga?”
“Siraulo ka! Yun yung ano – yung text nya nagtatanong kung babalik ako sa banda. Nandun yung ano – yung address ng praktis! Utak mo talaga! Mag-isip ka nga! Gamitin mo yang utak mo para di kinakalawang!” sigaw ko sa kanya. “Palitan mo ‘tong telepono ko!!”
“Papalitan ko nga yan. Parang telepono lang napapaiyak ka na agad. OA mo ha! Sumakay ka na nga!” papasakay na kami sa kotse ng may dumating pa na isang kotse. “Teka lang, ayan na ata sila tito Fors.”
Bumaba sya at sinalubong yung nasa kotse. Ano ba naman yan? Ang tagal-tagal naman, naiihi na ako. Dahil makikipagusap pa naman si captain pumasok muna ako sa loob para maghanap ng banyo. Bigla akong nagsisi nang pumasok ako sa loob kasi baka hindi na ako makalabas. Mabuti na lang nakita ko si Yani. “Uy Ric, nandito ka pa pala? Anong hinahanap mo?”
“San ba yung banyo? Najijingle na kasi ako.” Bulong ko sa kanya at tumawa sya.
“Nandito lang oh.” Binuksan nya ang pintuan. “Alam mo kasi nakakaloko ang mga pintuan dito. Hindi mo mapagkakamalang pintuan.” Nakatayo sya sa pintuan ng banyo at nakatingin ako sa kanya. “Kailangan ko pa bang umalis? Lalaki ka naman, kaya mo yang gawin kahit bukas ang pinto.” Parang nagpapacute pa sya sa’kin.
“Ang totoo kasi hindi lang ako jijingle. Masakit din ang tyan ko. Sigurado ka bang hindi ka aalis dyan? Okay, madali naman akong kausap.” Binuksan ko na ang butones ng pantaloon ko.
“Ay naku may iniluluto pala ako. Sige, Ric dyan ka na muna.” At nagmadali syang umalis.
Mabuti naman at umalis sya. Naisara ko na ang pintuan. Grabe sa linis naman ang banyong ‘to sobrang bango at sobrang linis. Mas malinis pa ang sahig sa sahig namin sa kwarto. Parang ayoko tuloy jumingle. Pero hindi ko na talaga kaya. Kaya naman pagkatapos ko pinunasan ko ng tissue ang inidoro at nagmadaling binuksan ang pintuan. “Sino ka?” sabi ng babaeng nasa harapan ng banyo.
“Naku pasensya na po kayo nakigamit po ako ng banyo. Ako po si Ric, yung kinuha pong drayber ni captain Kael.” Paliwanag ko sa kanya.
“Captain? Kailan pa naging captain si Kael?” tanong nya.
“Naku mahaba pong kwento. Ah sige po lalabas na po ako. Marami pong salamat.” Nilampasan ko sya dahil nahihiya na ako.
“Ric? Ric right?” tanong nya kaya naman humarap ako at tumango. “Nagkita na ba tayo dati?”
Nag-isip sya sandali at ganun din ako. “Ngayon lang po. Marami naman po akong kamukha. Para daw po kasi akong KPop.” Pagbibiro ko.
“Baka nga. Siguro pagod lang ako.” Ngumiti sya.
“Ric saan ka ba galing?” dumating si captain. “Tita, ginugulo ba kayo ni Ric? Sorry po tita.”
“Grabe, nakibanyo lang ako ginulo agad. Madam pakisabi nga po dito na wala po akong ginagawang masama.” Pakiusap ko at nakayuko pa ako.
Tumawa naman si madam. “Kael, alam mo gusto ko ang batang ito. Hindi sya nagdadalawang isip sa gusto nyang sabihin.” Tumatawa nyang sabi. “Wala syang ginagawa.”
“Tingnan mo na, ang bait ni madam. Wala akong ginagawa. Hindi kita ipapahamak.” Sabi ko sa mayabang na Kael na ‘to.
“Pasensya na po tita. Sya nga po pala si Ric ang magiging driver ni donya Frieda habang nandito sya.” Paliwanag ni captain Kael.
“Hindi ko maipapangakong magiging mabuti ang pakikitungo sa’yo ni Mama. Walang tumatagal dun kaya hindi na ako magtataka kung umalis ka. Bumalik ka na lang bukas.” Sabi ni madam. “I’m Madsen MacLaren.” Iniabot nya ang kamay nya sa’kin.
“Naku nakakahiya po.” Pero kinamayan ko na rin sya. “Ako po si Ric Matras.”
“Matras?” tanong nya at tumango ako. “Parang pamilyar – siguro pagod ako sa byahe. Pagpasensyahan mo na ako. Ganito talaga kapag tumatanda. Ako’y magpapahinga na muna. Maiwan ko na kayo.” Ngumiti sya at umakyat na sa itaas.
Nakangiti ako at nakatingin sa kanya. “Ang bait naman nya. Parang hindi ako sanay makakita ng mabait na mayaman.” Nakangiti kong sabi.
“Tss! Ako kaya ang un among mayamang nakilala. Mabait ako no.” Sabi ni captain Kael.
“Kapal nito. Nilait mo nga ako nun. Ulyanin ka!” tumalikod ako at lumabas na.
“Alam mo dapat magalit ako sa’yo.” Sabi ni captain bago kami sumakay sa kotse nya.
“Pero bakit? Lagi ka na lang nagagalit ng walang dahilan!” sigaw ko sa kanya bago ko buksan ang pintuan ng kotse.
“Wag mo nga akong sigawan! Naliliitan ka ba sa dibdib ko ha!” bigla nya akong hinawakan sa dibdib at itinulak.
Kusa naman gumalaw ang kamay ko at nasampal ko sya. Pero mas mukhang nagulat sya. “A – ay! Sayang nakatakas yung langaw! Bakit ka kasi gumalaw?!” tumalikod ako at kinuha ko na lang ang telepono ko sa bulsa. Ramdam ko pa rin yung malaki nyang kamay sa dibdib ko. Nakakainis!
“Sinampal mo na nga ako tapos dinapuan pa ng langaw ang mukha ko? Gaano naman ako kamalas nun! Isa pa, taon na ata ang binilang ko para lang magustuhan ako ni tita Mads. Tapos ikaw nakigamit ka lang ng restroom close na agad kayo?” sagot nya habang sumasakay sa kotse. Hindi ko naman sya pinansin dahil binastos nya ako. Palagi na lang nya akong binabastos! “Sabi na kasing papalitan ko na yan.”
“Hindi mo kasi naiintindihan. May senti value ‘to. Pamana pa ‘to ni tatay sa’kin.” Pakiramdam ko malaking parte ko ang nawala dahil sa nasira ang telepono ko.
Hinawakan nya ang kamay ko at kinuha ang phone. “Sorry na. Hindi ko naman kasi alam. Hindi mo naman kailangang magalit. Akala ko naman nagalit ka dahil hinawakan ko ang dibdib mo. Tingnan ko nga kung magagawa ko pa.”
“Teka wag mong isama yang kamay ko.” Hinigit ko ang kamay ko. “Hindi na yan magagawa.”
“Papalitan ko na nga lang tapos gumawa ka na lang yung ng bagong memories. Wag ka na dyang magalit. Smile na dali.” Hinahawakan nya pa ako sa mukha.
“Sige pa, ano pang parte ng katawan ko ang gusto mong hawakan ha?!” sigaw ko sa kanya.
“Bakit ang sensitive mo? Papalitan natin yang phone mo kasi kailangan mong tumawag sa parents mo. Dun ka muna sa pad ko matutulog kasi kailangan nating pumunta sa mansion early in the morning to meet donya Frieda.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. “Don’t look at me like that. Don’t worry, I won’t walk naked again.” Pero hindi pa rin ako kumibo. “Ano na naman?”
“Hindi ko kasi naintindihan masyado kasi inglish. Pero – bakit kailangan ko pa dun matulog sa inyo? Wala akong damit pati wala akong isusuot. Pati ano hindi ako nakakatulog sa ibang bahay.” Dami kong palusot sana naman tumalab.
“Masanay ka na. Kasi sa trabaho mo ngayon, mangyayari at mangyayari yan. Dadaan na lang tayo dun sa inyo para kumuha ka ng mga damit mo. Okay na ba yun? Wala kang choice!” at hindi na ulit ako nagsalita. Hindi na rin naman ako makatanggi. Kailangan ko din naman kasi ng trabaho. Isa pa, kahit hindi namin kailangang magpanggap na kaming dalawa ngayon, malaki pa rin ang utang ko sa kanya kaya hindi ako makakatanggi.
Wala naman talagang problema sa’kin kung saan ako makitulog. Ang problema kasi tuwing nakikita ko ‘tong si captain at yung nangyari nung nakaraan bigla na lang akong kinakabahan. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Mas lalo pa kaming nagkakalapit ngayon. Hindi ako sanay na maging malapit ng ganito sa ibang lalaki bukod kay Feiffer. Kaya lang si Feiffer alam na babae ako, pero ‘tong lalaking ‘to walang alam kaya hindi ko magawang magalit sa kanya kahit na pakiramdam ko nababastos na ako kasi wala naman syang ideya. Hindi naman ako magkakagusto sa kanya. Si Hynndie lang naman ang lalaking nagustuhan ko dati pa. Hindi na ko umaasang may magustuhan pa ulit na iba. Alam ko yun, basta wag na lang ‘to ulit maglalakad ng nakabuhad. Baka himatayin na talaga ako.