Kung sawa na ang tawag mo dyan sa’yo hindi na naimbento ang salitang bulate sa mundo

2122 Words
9 Kung sawa na ang tawag mo dyan sa’yo hindi na naimbento ang salitang bulate sa mundo     RIC’S POV     “Motel?” tanong ko kay Kael. “Alam mo hindi ko gustong tawagin kang captain Kael kasi parang ang galang masyado pero dahil sa ginagawa mo nawawalan na ako ng galang sa’yo!” sigaw ko sa kanya.     “Relax! Trust me on this! Tara na!” hinigit na naman nya ako tsaka kami pumasok sa isang kwarto. “Safe tayo dito. Para talaga ‘to sa same s*x couples. No worries. Kahit masundan pa tayo dito ng stalkers ko. Ooops! I have to take this call. Pumasok ka na dyan!” itinulak nya ako sa loob ng kwarto tsaka ito isinara.     Tiningnan ko ang kwarto tsaka ako mabilis na tumalon sa kama.       Ugh! Ang lambot ng kama na ‘to! Parang tinatawag nya ako at sinasabing wag ko na syang iwanan. Kailan kaya ako makakatulog sa ganitong kama? Ang bango at ang lamig.     Habang nakadapa ako bigla kong naisip ang ginawang halik sa’kin ng lalaking yun! Siraulo sya para halikan ako! Mas matagal ang halik na yun kaysa sa aksidenteng halik namin ni Feiffer. Bakit bigla akong kinabahan? Hindi maari, siguro dahil unang halik ko yun kaya ganun. Pero wala lang yun. Dapat na yung hindi maulit.     Napakatagal naman nyang bumalik. Napapapikit na ako at hindi ko na mapigilan ang sarili kong makaidlip.   *********   PAGKALIPAS NG ISANG ORAS     “Tomas! Maril! Natutulog si kuya, wag nyo naman akong gisingin.” Naramdaman ko kasing kinikiliti nila ang hita ko. “Isa – hindi na ako natutuwa ha!” idinilat ko ang mga mata ko at napabalikwas ako ng makita ko ang isang babaeng nakaupo sa tabihan ko. “Si – sino ka?” lumayo ako sa kanya.     “Tama pala si gwapo, mailap ka.” Sabi ng isang babae. “Wag kang mag-alala, ako ang bahala sa’yo.” Parang mas matanda sya sa’kin ng ilang taon. “May dala rin akong proteksyon.” Papalapit sya ulit sa’kin pero umatras ako papunta sa kabilang parte ng higaan.     “Naku – ate – nagkakamali po kayo. May – may nobya po ako. Hindi po ito tama. Wag – wag po kayong maniwala dun sa kumausap sa inyo.” Nauutal kong sabi sa kanya.     “Tama sya. Sasabihin mo nga yan. Mukhang kailangan mo munang magpainit bago tayo magsimula.” Bigla nyang hinubad ang blouse nya at lumantad ang kanyang dibdib.     “Naku ate pakiusap wag mong gawin yan.” Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi nya ba alam na mayroon din ako ng ipinapakita nya?     “Effective ata. Sandali, nakalimutan ko palang magunderwear. Hope you don’t mind.” At hinubad nya na rin ang skirt nya.     “Ate – parang awa nyo na po. Pwede ko po kayong kasuhan ng rape.” Sabi ko sa kanya habang papalapit sya sa’kin.     “Wag kang matakot. Ako ang bahala.” Dahan-dahan syang lumapit sa’kin. Hindi ko alam pero hinahawakan nya ang sarili nya at nandidiri ako sa nakikita ko. “Hmmmmmm. Ayaw mo ba akong hawakan ng ganito?” at iginala nya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang buong katawan habang umuungol na parang baliw. “I am so ready.”     Nagulat ako ng bigla nya akong dinamba na parang isang mabangis na hayop. Idinikit nya ang katawan nya sa’kin. “Ate wag po!” Pero hindi pa rin sya tumigil. “Ate may AIDS po ako nung pininanganak ako kaya wag po!” Kinuha nya ang kamay ko at inilagay sa kanyang dibdib. “Pakiusap po! Ate sinabi ng wag po!!!” at naitulak ko sya ng malakas at bumagsak sya sa sahig. “So – sorry. Hindi ko po sinasadya.”     “Ay naku! Mga lalaking katulad mo sigurado akong bakla! Wala pang tumatanggi sa’kin!! Sayang lang ang oras ko sa’yo!!!” Isinuot nya ang blouse at skirt nya. “Makaalis na nga! Mahahawahan pa ako ng AIDS kung nagkataon!” at lumabas sya ng pintuan.     Kinilabutan ako sa mga nakita ko. Gusto kong tawagan si Feiffer pero alam kong gagawa lang yun ng gulo. Kahit minsan hindi ko naisip na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. “Totoo ba ang sinabi ni Phassy?” tanong ni Kael na biglang pumasok sa loob ng kwarto. “May AIDS ka?”     Lumapit ako sa kanya at sinuntok ko sya sa mukha. “Siraulo ka talaga kahit kailan!!! Kung akala mong magkapareho tayo pwes nagkakamali ka! Oo mahirap ako! Oo pumayag ako sa lahat ng ‘to dahil sa pera! Pero hindi mo mabibili ang puri ko!! Hindi ang pagkatao ko!!” sigaw ko sa kanya habang kusang tumutulo ang mga luha ko.     “Sorry. Bakit ka umiiyak? Akala ko lang kasi matutuwa ka kapag nakakita ka ng babae – isa pa – sinabi ko sa kanyang wag kang hawakan at walang gawin sa’yo.” Mahinahon nyang sabi. “Hindi mo naman kailangang umiyak. Sorry. This is a bad idea!”     Lumayo ako sa kanya at pinahid ko ang mga luha ko. “Umalis na tayo.”     “We can’t. Malakas ang ulan sa labas, may bagyo daw na paparating ngayon.” Sabi nya at napatingin ako sa suot nya.     “Bakit ang dumi mo?” tanong ko.     “Binato ako ng putik ni Phassy. Siraulo daw ako at gusto ko pa syang magka-AIDS. Hindi pa nakuntento itinulak na nga ako binutas pa ang gulo ng kotse ko. Wala na akong choice kundi palitan yung gulong. Sinulit ko na ang pagiging marumi.” Ibinaba nya ang susi ng kotse sa mesa. “Magshower lang ako.” Pumasok sya sa shower room.     Bumalik ako sa pagkakahiga sa mesa at napatingin sa shower room dahil medyo nakabukas ang pintuan. Nakita kong naghubad na sya ng polo at lumantad ang katawan nya. Naalala ko tuloy na sinabihan ko syang mataba. Napatingin sya sa’kin kaya naman umiwas ako ng tingin. Isinara nya ang pintuan at narinig kong bumukas ang shower. Mabuti naman at naisipan nyang isara ang pintuan at hindi nya hinayaang makita ko sya. Kaya ko naman syang hindi tingnan pero may parte sa sarili ko na parang nagiging mausisa ako.     Lalabas sana ako kaya binuksan ko ang pintuan ng biglang kumidlat at kumulog. Sobrang lakas na rin ng ulan sa labas kaya hindi na ako tumuloy. “Captain! Paano pala tayo kakain?” tanong ko sa kanya habang nakatayo sa pintuan.     “May room service naman sila dito. May menu ata dyan sa may telephone, tingnan mo na lang!!” sagot nya.     Lumapit ako sa may lamesa at nakita ko ang sinasabi nya. Maraming pagpipilian at bigla akong nagutom. “Ikaw ba ang magbabayad?” tanong ko.     “Wala ka namang pera eh. Nagtatanong ka pa!” sagot nya. “Ric! Ric! Pakiabot nga ng towel!”     “Wala naman akong nakitang towel dito!!” sagot ko at ipinagpatuloy ang pagtingin sa kung anong kakainin ko.     “Eh ayan naman pala sa itaas mo yung towel. Hindi mo ba iaabot?” narinig kong sabi ni Kael mula sa likuran ko.     “Hindi ko nga kasi alam – ” bigla akong humarap sa kanya, at napatingin ako sa kung ano ang nasa harapan ko sabay talikod ulit, “ – gag* ka ba talaga!! Bakit ka lumalakad dito ng walang suot!!!! Siraulo ka talaga kahit kailan!!!!”     “Alam mo bakit ka ba laging nagagalit!! Hindi mo inabot ang towel so anong gusto mong gawin ko? Ako na nga ang kukuha.” Naramdaman ko sya sa likuran ko kaya naman mabilis akong tumayo at kinuha ko ang towel at iniabot ko sa kanya ng hindi tumitingin. “Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kalaki? Ah – syempre naman mas malaki ‘to kaysa sa’yo. Totoy ka pa kasi.”     Umiwas ako at lumayo sa kanya. “Sa susunod nga wag na ‘tong mauulit! Masyadong dumudumi ang utak ko ngayon! Kung anu-anong nakikita ko! Wag na wag ka na ulit magpapakita sa’kin ng walang suot!!!” Nakatalikod pa rin ako sa kanya.     “Hindi naman ako nagpakita. Humarap ka lang – hindi nga lang sa’kin kundi sa – ”     “Ah basta! Paano kung may pumasok dito? Ano na lang ang sasabihin nila? Paano kapag nalaman ‘to nung nililigawan ko?” pagpapalusot ko sa kanya. “Bahala ka na nga dyan!!” mabilis akong pumasok sa shower room. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko lalo na ng makakita ako ng katawan ng isang lalaki. “Parang awa nyo na po, ilayo nyo po ako sa mapusok na mundong ‘to. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Ito na ata ang pinakamahirap na pagsubok sa buhay ko.     “Ric, yung wallet ko naiwan dyan sa loob, pakikuha naman.” Sabi ni Kael mula sa labas ng pintuan. “Bakit ba naglalock ka pa ng pinto? Teka – wag mong sabihing may ginagawa ka dyan.” Narinig ko syang tumatawa.     Mabilis kong kinuha ang wallet nya at binuksan ang pintuan at nakita ko syang nagpupunas ng buhok nya gamit ang towel. “O ayan na ang wallet mo at isa pa wala akong ginagawa!!!”     “Ganito ang tamang paghawak ha –” nagulat ako ng ipakita na naman nya ang kanyang alaga.     “Bastos!!” sabi ko sa kanya sabay sara ng pintuan. “Antipatiko talaga ang lalaking yun!” Tumingin ako sa salamin at nakita kong namumula ako. Hindi dapat sya tinatawag na captain dahil sinasamantala nya ako. Ngayon lang ako nakakita nun sa buong buhay ko. Pero – pero bakit napapangiti ako? Ugh! Nababaliw na ata ako! Hindi ko nga dapat nakita yun pero ilang beses ko pang nakita at natitigan. Hindi ko kakayanin ‘to. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag tumagal pa kami dito na walang syang suot!     “Ric! Anong kakainin mo?” nagulat ako ng bigla syang kumatok.     “Bahala ka na!” sagot ko. Naghilamos ako at muling humarap sa salamin. “Wala kang nakita. Isang sawang kalye lang ang nakita mo at hindi yun mapanganib!” sabi ko sa sarili ko bago ako lumabas.     Nakita kong may kausap sya sa phone paglabas ko. Nakapants na naman sya ngayon, mabuti naman. Hindi ako nalulungkot dahil nakapants na sya no. Tss! Nakakadiri kaya sya.     “I can’t wait to see you too!” masayang sabi ni Kael sabay baba ng phone. Pagharap na pagharap nya sa’kin bigla nya akong binuhat. “Woooo! Ric!!!!! Ang saya ko!!! Ang saya ko ngayon!!!” inikot-ikot nya ako ako habang buhat buhat nya ako. “Alam mo, ikaw ata ang swerte sa’kin!!”     “Teka captain naman! Wag mo naman akong iikot! Nahihilo ako eh! Ibaba mo na ako.” Sabi ko sa kanya.     Ibinaba naman nya ako at niyakap sandali. “Para na talaga kitang little brother.” Ang ganda ng ngiti nya bago nya ako bitawan.     Napaupo naman ako sa kama pagkalayo nya. Para akong nanghina. Hindi ba ako sanay sa mga lalaki? Pero imposible, buong buhay kong kasama si Feiffer pero hindi naman ako kinabahan ng ganito. Tinitigan ko si captain habang binabayaran ang order na pagkain. Anong meron sa kanya? Pareho ba kami na may itinatago sa pagkatao?     “Hindi mo pa rin makalimutan ang nakita mong sawa?” sabi nya sa’kin habang ginugulo ang buhok ko. “Ikain mo na lang yan bro.”     Tinitigan ko sya. “Kung sawa na ang tawag mo dyan sa’yo, hindi na naimbento ang salitang bulate sa mundo.” At sinimulan ko na rin ang pagkain.     “Makalait ka. Wag mo kong pikunin kung ayaw mong tingnan ko rin yang sa’yo.” Sabi nya at ipinagpatuloy din ang pagkain.     “Joke lang. Kaw naman captain di ka mabiro. Yan nga ang pinakamalaking nakita ko. Ituro mo sa’kin paano mapalaki yung sa’kin ha. Sige na! Wag ka ng madamot!” Pagbibiro ko. Hindi ko lang masabi na yun palang ang nakita ko sa buong buhay ko.     “Sabi ko na nga ba hihingi ka rin ng tulong sa’kin. Don’t worry, ituturo ko sa’yo lahat-lahat ng alam ko pagdating sa lahat ng bagay.” Parang proud pa sya sa sinasabi nya.     “Ok.” Pilit kong sagot. Pilit din ang ngiti ko. Hindi ko alam kung bakit ang ganitong usapan ay normal sa mga lalaki. Basta pakiramdam ko merong hindi tama sa’kin. Hindi ko alam kung ano yun. Pero dapat malaman ko kaagad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD