Maputi lang hindi naman maganda, linya ng mga walang pambili ng whitening soap!

2745 Words
8   Maputi lang hindi naman maganda, linya ng mga walang pambili ng whitening soap!   RIC’S POV       “Pakiasikaso naman oh! Pangako di ako aatras sa kasunduan. Kailangan lang talaga ng tatay ko. Alam ko namang kaya mo yang gawan ng paraan. Kung makita ka ng nanay ko sabihin mo ikaw yung boss ko. Kailangan ko lang pumasok ngayon. Sayang din kasi yung sweldo. Basta ikaw na lang bahala. Tawagan mo na lang ako. Salamat.” Kausap ko sa cellphone si captain Kael! Oo, ginandahan ko na yung tawag ko sa kanya para lang pagbigyan nya ako sa hiningi kong pabor. Alam ko namang magagawan nya ng paraan. Kung hindi ko lang naman talaga kailangan ng tulong nya hindi naman ako lalapit. Isa pa babayaran ko din naman kaya walang masama dun. Hindi din kasi ako pwedeng hindi pumasok dito sa shop. Masisilip na naman ng papa ni Feiffer ang mga di ko pagpasok at ayokong magkaproblema pa silang dalawa.     Pabalik na ako sa loob ng shop ng may makita akong isang babaeng sumisilip sa loob ng shop. “Magandang umaga! Anong kailangan nila?” tanong ko sa kanya.     “You must be Ric? Hi! I’m Narsi.” Inabot nya ang kamay sa’kin. “I heard a lot about you.”     “Sinong hinahanap mo? Tsaka paano mo ako nakilala?” tanong ko sa kanya.     “Narsi!!” biglang sumulpot si Feiffer. “Kanina ka pa ba dyan? Sandali lang ha, isesend ko lang ‘tong file kay papa.” Pumasok ulit sa loob si Feiffer.     Si Feiffer pala ang hinahanap nya. “Maupo ka muna.” Pag-alok ko sa kanya.       “Thanks.” Inilabas pa nya ang salamin nya at tiningnan ang sarili. Siguro nga in love sa kanya ang kaibigan ko kasi di naman sya yung mga tipo nya. Yung para lang syang babaeng di sexy at di kagandahan. “Ewwww! Amoy grasa naman dito.”     “Malamang, kasi nandito ka sa car shop. Anong gusto mo dun ka pa sa loob ng store? Yung aircon?” tanong ko sa kanya habang inaayos ang ilang gulong sa harapan.     “Really? Pwede ako dun?” excited syang tumayo. Pero hindi ko na sya pinansin.     “Hey Ric!” bumungad si Gwyn. “Nandyan ba si Feiffer? May dala kasi akong yema cake for him. Ako mismo ang gumawa nito.” Nakangiting sabi ni Gwyn.     “Naku, wala pa si Feiffer. Ah – busy pa ata sya. Gusto mo bumalik ka na lang.” Lagi ko namang pinagtatakpan si Feiffer. Naawa na nga ako dito kay Gwyn, pero bilib ako sa determinasyon nya. Hindi sya sumusuko.     “Ganun ba? Kaya lang kasi aalis ako. Pwedeng pakibigay na lang ‘to sa kanya? Don’t worry, meron ding para sa’yo. Sabihin mo na lang kay Feiffer my loves na ako ang gumawa nyan.” Iniabot nya sa’king ang boxes ng cake na hawak nya. “Thanks, Ric!” at hinalikan nya ako sa cheek bago sya umalis.     “Who’s that girl?” tanong nitong babae sa tabihan.     “Ah – si Gwyn yun. Araw-araw yung pumupunta dito para dalhan ng pagkain si Feiffer. Ang tyaga nya nga eh. Bilib na ako sa kanya.” Paliwanag ko.     Nakita kong tinititigan lang nya si Gwyn habang naglalakad ‘to papalayo. “Hindi naman sya maganda, maputi lang.” Narinig kong bulong nya.     “Maputi lang hindi naman maganda, linya ng mga walang pambili ng whitening soap!” sagot ko sa kanya at napatingin sya sa’kin. “Dahil ikaw hindi maputi feeling mo naman maganda ka na? Tingin tingin din sa salamin te!”     “I’m just telling the truth!” sagot nya sa’kin.     “Truth truth ka pa dyan! Utut mo!” at pumasok na ako sa loob. Inipag ko sa mesa ang dala ni Gwyn na cake at nilapitan ko si Feiffer. “Alam mo ‘tol hindi ko trip yang babae dyan sa labas ha. Kung sino man sya!”     “Tol naman, pagbigyan mo na ako kahit minsan lang. Mabait naman yan si Narsi. Kapag niyaya ko sya sumasama sya. Tsaka malambing yan. Palaging nagtetext sa’kin. Nagsisimba pa nga kami.” Paliwanag ni Feiffer.     “Oh tapos? Nagsisimba pala sya pero kung tingnan nya si Gwyn halatang insecure! Isa pa mukha na syang laspag. Laki-laki ng balakang. Halatang nagalaw na ng maraming beses!” sabi ko kay Feiffer at bigla syang tumawa. “Anong nakakatawa?”     “Kasi ngayon lang kita naringgan ng ganyan! Ano namang alam mo sa pagkalaspag ng isang babae?” tumatawa nyang sabi.     “Syempre alam ko yun! Pinagkukwentuhan yun ng mga lalaki no! Bahala ka nga sa buhay mo! Basta ako magtatrabaho! Lalo na ngayong okay ang naging operasyon ni tatay. Problema na lang yung babayaran sa ospital. Dyan ka na nga!” at iniwanan ko sya sa loob.     Hindi ako makapniwalang pinagiintay ni Feiffer ang babaeng ‘to. Si babae naman naghihintay nga pero text naman ng text at may kausap sa phone maya’t maya. Hindi ko talaga sya gusto para kay Feiffer. Feeling nya pa ang liit ng braso nya para magsuot ng sleeveless. “Narsi!” tawag ko sa kanya. “Pabuhat naman oh.”     “Excuse me?” gulat nyang tanong.     “Sayang naman yang braso mo kung hindi mo gagamitin.” Sagot ko sa kanya at tiningnan naman nya ang mga braso nya. “Joke.” Pagbawi ko. “Pero ito seryoso na, kapag naglaba ako pwede ba kitang tawagan?”     “Bakit ako?” tanong nya.     “Kasi manghihiram sana ako ng palu-palo.” Sabay turo sa braso nya. Halatang pikon na sya sa’kin dahil kahit di sya maputi kitang-kita ko na namumula sya sa inis.     “Ric naman, walang ganyanan! Pinagti-tripan mo naman ang girlfriend ko eh.” Inakbayan ako ni Feiffer.     “Girlfriend? Talaga?” dismayado kong sabi sabay alis ng kamay nya. “Marami pa akong gagawin!”     Dami naman kasing babae dyan na nagkakandarapa sa kanya pero bakit dun pa sya sa panget nagkagusto? Mas maganda pa nga si Gwyn dun! Sobrang laki ng pagkakaiba nilang dalawa.     “Naman si tol oh!” Hindi ko sya pinansin at hinayaan ko na lang silang mag-usap.     Naglilinis ako ng harapan ng shop ng biglang sumulpot ang lalaking antipatiko – ah si captain Kael! “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.     “Ginawa ko na ang sinabi mo. Binayaran ko lahat ng hospital bills at sinabi ko rin na kung kailangan pa ng maraming tests ilagay nila sa pangalan ko.” Kalmado nyang sabi.     “Mabuti naman. Salamat. Pero – kukuhanin ko lahat ng resibo tsaka iba pa dahil alam kong maliit lang ang binayad mo kasi publikong ospital yun.” Sabi ko sa kanya habang naglilinis. “Wag kang mag-alala, hindi kita tatakasan!”     “Magsisimula ka na ngayon.” Mahina nyang sabi sa’kin.     “Magsisimula saan? Hindi ba nagsimula na tayo?” napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya.     “Ang pagiging driver ang sinasabi ko. Padating na si Donya Frieda!” sagot nya sa’kin.     “Kailan ba yun? Kasi magpapaalam pa ako – ” bigla nya akong hinawakan sa kamay at hinigit, “ – sandali magsasabi lang ako dito.”     “Hindi na kailangan!” utos nya sa’kin. “Kailangan mo nang makarating sa mansyon para masanay ka na.” Binuksan nya ang pintuan ng kotse nya at naramdaman kong may humawak sa kabila kong kamay. “Pasok na sa loob!”     “Saan mo dadalhin si Ric?” tanong ni Feiffer sa kanya habang hawak ang kabilang kamay ko.     “Magsisimula na sya. Kaya bitawan mo na sya para makaalis na kami!” tinitigan ni captain si Feiffer.     “Nagsimula na kayo hindi ba?” hinigit ako ni Feiffer.     Tumingin sa’kin si captain. “Bespren ko sya, ano pang inaasahan mo. Pero mapagkakatiwalaan yan.” Paliwanag ko sa kanya.     “Mukhang kailangan ko pa atang tawagan ang may ari ng shop na ‘to para sabihing hindi ibinibigay ang driver na kinukuha. I’m aware na nagpoprovide kayo ng drivers. Ano kayang sasabihin ng father mo kapag nalaman nya ‘tong ginagawa mong pakikialam?” Papalapit si captain Kael kay Feiffer kaya naman humarang ako sa gitna nila.     “Wag kang mag-alala ‘tol, kaya ko ‘to. Ako pa ba? Wag ka nang mamroblema dyan. Asikasuhin mo na yung Narsi mo!” hinigit ako palayo ni Feiffer.     “Tandaan mo, mag-iingat ka. Sinasabi ko naman sa’yo kaya kitang pahiramin kung gusto mo. Hindi mo na ‘to kailangang gawin pa.” Bulong ni Feiffer sa’kin at napatawa ako. “Seryoso ako! Nag-aalala lang ako sa’yo!”     “Alam ko naman. Pero ano bang sinasabi mo dyan? Pupunta kami dun sa bahay nung donya kasi darating na daw sya. Ako yung kinuha nyang driver di ba?” Hinawakan ko sya sa balikat. “Kaya wala kang dapat ipagalala.” At kumindat ako sa kanya. “Sige na, aalis na ako.”     Tiningnan ng masama ni Feiffer si captain bago ako pumasok sa kotse nya. Iba rin para sa’kin ang pumunta sa isang lugar na mag-isa. Ibig sabihin mag-isa kong itatago ang pagkatao ko. “May dadaanan muna tayo bago tayo dumiretso sa mansyon.”     “Okay captain!” sagot ko sa kanya. “Ikaw ang boss eh!” tahimik lang ako habang nasa kotse nya. Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako. Kotse palang nya ‘to ha. Paano na lang kung nandun na ako sa mansyon. “Pwede naman akong umuwi kapag hindi ko ipagda-drive ang donya hindi ba?”     “Oo.” Tipid nyang sagot.     Tumigil kami sa harap ng isang bakeshop. Bumaba sya at pumasok sa loob. Maya-maya pa ay bumalik sya. “Ang bilis mo naman!” sabi ko.     “Hindi ka ba susunod?” tanong nya at binuksan nya ang pintuan ng kotse. “I need you to come with me.” Hinigit nya ako palabas at hinawakan ako sa kamay.     “Te – teka – bakit hinahawakan mo pa ang kamay ko?” nagtataka kong tanong habang nakasunod sa kanya.     “May sumusunod sa’tin.” Bulong nya. “Mga paparazzi yan sigurado ako. Kung hindi man, yan ang mga stalkers ko na nagbabanta sa buhay ko.” Nagpunta sya sa counter at umorder kaya naman hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.     Maya-maya pa bigla nya ulit akong hinigit at nagpunta kami sa may tagiliran ng counter. “Ano bang ginagawa mo?” at bigla nyang hinawakan ang mukha ko. “Ho – hoy – a – anong nangyayari?”     “Shhhh! Tumingin ka lang sa’kin.” Hawak nya ang mukha ko habang ang mata nya ay natingin sa paligid. “Nakita ko na ang sumusunod sa’tin. Hindi sila naniniwala sa pinalabas ko.”     “Baka naman – baka naman akala mo lang yun.” Sinusubukan kong ilayo ang mukha ko pero inilalapit nya pa rin.     “Wag ka ngang malikot. Tandaan mo bayad ka na kaya gagawin mo ang gusto ko.” Hinawakan nya maigi ang mukha ko.     “Wala naman akong makita. Nasaan ba? Gusto mo kausapin ko na lang – ” hindi na ako natapos magsalita ng bigla nya akong halikan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. Hindi ako makagalaw at pakiramdam ko napagsasamantalahan ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag.     Mga ilang segundo ding magkadikit ang mga labi namin tsaka nya ako binitawan. “Wala na sila. Nakita ko silang lumabas. Ang mga siraulong yun.” Napatingin sya sa’kin. “Ano? Wag ka ngang parang bata dyan. First ko lang makahalik ng kapwa lalaki. Buti nga bata ka pa, inisip ko na lang humahalik ako sa kapatid. First mo din bang mahalikan ng lalaki?” tanong nya.     “Hindi!” bigla kong naisip si Feiffer. Nakita ko ang pagkagulat ni Kael sa sinabi ko. “Yung – yung tatay ko ang una, nung bata pa ko tapos yung dalawa kong kapatid na lalaki. Pe – pero ngayon lang ako nahalikan ng ganito ka – katagal. Wa – wala ‘to sa usapan kaya dapat – dapat taasan mo ang bayad sa’kin.” Nakita kong ngumiti sya. “Bakit ka nangiti?”     “Ang lambot kasi ng labi mo. Kung hindi kita kilala, iisipin ko humahalik ako sa isang babae.” Sabi nya at bumalik na sya sa counter. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko. Kung ganyan kasi sya magkikilos – baka hindi ko maitago ang katauhan ko. “Tara na! Kalimutan mo na yung ginawa ko. Asahan mo rin na hindi yan ang huli.”     “Ano! Dapat lakihan mo na ang bayad mo sa’kin! Kung sinisira mo ang tingin sa’yo ng mga tao pwes hindi ako! Paano na ako magkakasyota nyang kung tingin na nila sa’kin eh bading!” sigaw ko sa kanya habang pabalik kami ng kotse nya.     “Hindi ka pa nagkakagirlfriend?” natatawa nyang tanong. “Alam mo malapit ko ng isiping bading ka!” pumasok kami sa loob ng kotse. “Alam mo matututo ka sa’kin ng mga diskarte kung paano magkaroon ng girlfriend.” Papaalis na kami ng bigla syang tumingin sa’kin. “So ibig sabihin virgin ka pa?”     “Ano ba yang sinasabi mo! Wala kang karapatang magtanong!” umiwas ako ng tingin.     “Ako ang kapitan mo! Ako ang masusunod! Bayad ka na kaya wala kang magagawa!” masungit nyang sabi sa’kin. “Marami akong kakilalang babae na willing bigyan ng first time ang mga lalaking katulad mo. Change of plans, dun muna tayo sa pad ko.” Nakangiti nyang sabi.     “Pero – pero wala kang karapatang kunin sa’kin ang gusto ko! Tinatawag na nga kitang captain kasi ikaw ang nasusunod at nagpapasunod sa’kin pero hindi naman tama na pakialaman mo pati ang ganyang bagay!!” pagsusungit ko sa kanya.     “Believe me, you’ll thank me for this.” Kinuha nya ang phone nya at nagtext. “Let’s get it on.” Sabi nya.     “Akala ko ba naiwas ka sa mga babae. Paano kapag nalaman nila na ibinubugaw mo ang boyfriend mo!” sermon ko sa kanya pero parang hindi naman sya nakikinig.     “Ooops! Good question. May alam akong place! For sure walang maghihinala. Isa pa, magkakatiwalaan ‘tong babaeng kukuhanin ko. Isa pa, ako lang naman ang may issue na gay dito. Ikaw pwede ka pa ring maging bisexual. Pumapatol sa lalaki at pumapatol sa babae.” Pang-aasar sya na parang tuwang-tuwa sya sa mga pwedeng mangyari.     “Tigilan mo nga ako! Hindi ko gagawin ang gusto mo! Kung gusto mo kayong dalawa na lang ang gumawa ng milagro!!” sigaw ko sa kanya.     “Tapos panonoorin mo kami habang ginagawa yun?” tila kinilabutan ako sa sinabi nya.     “Ano?! Ang bastos mo talaga! Dun ako sa kabilang kwarto!! Magsolo kayo!!” hindi ko na sya ulit tiningnan.     “Iisang kwarto lang ang gagamitin natin. Wag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan ang gabing ‘to.” Natatakot na ako sa gustong mangyari nitong lalaking ‘to. At nakakadiri sya sa mga pinagiisip nya.     “Captain, parang awa mo na. Wag na. Hindi naman ako bayaran. Malinis akong tao. Malinis ang puri ko.” At bigla syang napatawa ng malakas. Parang yun ang unang pagkakataong marinig ko syang tumawa ng ganun.     “Ay naku Ricric!” yun lang ang sinabi nya habang tumatawa. Hindi ko alam kung gaano pa kami kalayo sa pupuntahan namin. Ang alam ko lang ay gusto ko ng bumaba. “Wag mong susubukang tawagan yung uhugin mong kaibigan! Bromance kayo eh!”     “Hoy kaibigan ko lang yun at mabuti syang tao. Sa tinagal-tagal naming magkaibigan hindi man lang kami nakapagusap ng ganito!” bigla syang napatingin sa’kin.     “Anong problema nyo? Normal na usapan lang ‘to para sa mga lalaki. Imposibleng hindi kayo naguusap ng ganito.” Sagot nya.     “Ano – hindi namin ginagawa sa babae yung mga ano – yung mga pinaguusapan namin! Ahh! Bahala ka na nga!!” Hindi ko na sya ulit pinansin pagkatapos naming magusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD