7
Kapag ang mahirap nagkaroon ng pera galing agad sa masama?
RIC’S POV
Nagsasara na kami ng shop. Pagod na rin ako at inaantok dahil maaga akong nagising.
“Ric, hijo, kailan ka daw magsisimula dun sa bago mong trabaho?” tanong ni Mang Nesto habang isinasara ang talyer.
“Hindi ko pa po alam. Wala pa naman daw po yung donya. Mukha pong nakakatakot kasi sa tawag palang mukhang kontrabida na.” Natatawa kong sabi. “Mag-aasikaso po siguro muna ako ng ibang kailangang papel para siguradong matanggap ako.”
“Ric!! Nasaan ang cellphone mo?” sigaw ni Feiffer sa’kin.
“Grabe naman ‘to makapagtanong parang may emergency! Lobat ako tsaka wala akong load kung makikitext ka.” Sagot ko sa kanya.
“Mang Nesto kayo na po ang magsara nitong shop. Emergency lang po.” Hinigit ako ni Feiffer at dumiretso kami sa kotse nya.
“Teka – ano bang nangyayari? Bakit ka nagmamadali at ano yung emergency?” tanong ko sa kanya. “Feiffer ano ba?!!”
Tumingin sya sa’kin ng diretso. “Naaksidente ang tatay mo. Nagtext lang si nanay. Di ka daw kasi nila makontak.”
“Ano?!!!! Nasaan daw si tatay? Kumusta na daw sya? Anong nangyari?” sunud-sunod kong tanong. “Bilisan mo na lang. Ako na kaya ang magdrive?”
“Gusto mo bang pati tayo maaksidente? Relax ka lang. Makakarating din tayo dun ng ligtas.” Pagkalma ni Feiffer sa’kin.
Patuloy lang ako sa pagdarasal habang papunta kami sa kung nasaan si tatay. Hindi ako mapakali. Bakit naman sa dinami-dami ng maaksidente kami pang mahirap ang nabiktima. Saan namin kami kukuha ng pera?
“Nandito na tayo.” Sabi ni Feiffer. Tumigil kami sa public hospital.
Ito ang nakakainis sa public hospital na ‘to. Naturingang public pero kung gipitin ang mga pasyente wagas. Kung hindi mo mabili ang gusto nila hindi ka nila aasikasuhin. Ang mga nurse at doktor dito sobrang sungit. Kung makapagsalita sa nandito parang hindi mga tao. Dahil ba nasa public hospital sobrang hirap na agad?
“Ric, ano na?” tanong ni Feiffer at nakita kong hawak na nya ang nakabukas na pintuan ng kotse.
“Ito na nga!!” nagmadali akong bumaba at tumakbo sa emergency room. “Nay?”
Nakita ko dun si nanay. “Ric!” lumapit si nanay at agad yumakap sa’kin.
“A – anong nangyari kay tatay?” nakita ko si tatay na nakahiga at duguan.
“Nabangga sya ng motor habang papauwi galing sa trabaho. Ang sabi ng mga pulis iniwasan daw nung motor yung papabagsak na bato kaya nahagip nya ang tatay mo.” Paliwanag ni nanay habang naiyak.
“Ano na pong kondisyon ni tatay? Bakit walang nagaasikaso sa kanya?” pag-aalala kong tanong.
“Tiningnan na sya ng doktor kanina. May ibinigay na reseta. Kailangan daw bilhin sa labas. Galing na ako dun sa botika sa tapat pero ang mahal nung gamot. Hindi pa sumusweldo ang tatay mo.” Paliwanag ni nanay.
“Nasaan po ang reseta?” tanong ko. Iniabot nya sa’kin at kinuha ko naman. “Tol, pakibili naman nito sa labas. Maraming salamat talaga.”
Hindi din naman tumanggi si Feiffer at lumabas sya para bilhin ang gamot. “Anak, ang sabi ng doktor kailangan daw operahan ng binti ng tatay mo.”
“Ano?” lumapit ako kay tatay at tulog lang sya. “Siguradong mamimilipit si tatay sa sakit kapag nagising sya. Nasaan ba ang mga doktor dito? Ano bang klaseng ospital ‘to? Emergency room na walang doktor?” sigaw ko sa loob.
“Anak, kalma lang. Ganyan talaga dito. Hindi ka na ba nasanay?” bulong ni nanay sa’kin.
“O nabili nyo na yung gamot na pinabibili ko at nagsisigaw na kayo dyan?” sabi ng doktor na dumating.
“Binibili na po namin. May kulang pa ba?” sagot ko sa doktor.
“Kailangan syang operahan pero wala kaming mga equipments na gagamitin dito kaya pwede nyo syang itransfer sa kabilang hospital. Yun nga lang kailangan nyong maghanda ng malaking halaga.” Paliwanag nung doktor habang kinukuhanan ng dugo si tatay.
“Eh ano na lang ang gagawin nyo sa tatay ko dito kung hindi nyo rin naman sya maooperahan?” tanong ko sa doktor na kung makatingin sa’min akala mo kung sino.
“Kung hindi sya agad maooperahan kailangan nating putulin ang paa nya ngayon gabi.” Nagulat ako sa sinabi ng doktor.
“Ano?! Wala kayong gamit sa pagopera pero sa pagputol meron? Tsaka paano nyo nalamang kailangan na yang putulin eh wala pa nga kayong ginagawa? Manghuhula na rin ba ang mga doktor dito?” sagot ko sa doktor na halatang walang pakialam sa tatay ko.
“Doc, patay na po ang pasyente nyo sa room 22.” Sabi ng isang nurse na dumaan.
“O sige, ilabas nyo na. Mamaya yung nasa 38 na ang susunod.” Sagot nung doktor na parang alam nya na mamamatay na yung pasyente.
“Hindi ba dapat ginagawa nyo lahat para masave ang buhay ng mga tao dito?” tanong ko sa doktor.
“Anong gagawin ko? Hindi nila mabili ang mga gamot na kailangan ng pasyente. Alangan namang ako pa ang bumili para sa kanila. Yan ang hirap sa mahihirap, sila na ang tinutulungan sila pa ang galit. Kung gusto nyo ng magandang serbisyo dun nyo dalhin sa private!” sigaw ng doktor sa’kin.
“Ah ganun? Sige, bukas na bukas pupunta ako sa TV Network at irereklamo ko ‘tong ospital na ‘to!!” sagot ko sa kanya.
“Ric, ito na yung gamot. 3,000 pala ang isa nyan.” Sabi ni Feiffer at napatingin ang doktor.
“Ayan na pala ang gamot. Akin na at ituturok ko na sa kanya.” Kinuha nya ang gamot at inihanda. “Nurse, linisan na ‘to ng sugat.”
Biglang inasikaso ng doktor si tatay ng makita ang gamot. Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang nag-iba yung pakikipagusap nya sa’min.
Ginupit nila ang pantaloon ni tatay. Bali ang kanyang binti at may kung ano pang nakatusok sa loob. Hindi ko matingnan dahil nasasaktan ako para sa kanya. “Dun po muna kayo sa labas.” Sabi ng isang nurse.
“Saan naman tayo kukuha ng malaking halaga para sa tatay mo? Bakit naman ngayon pa ‘to nangyari?” naiyak na tanong ni nanay.
Tumabi ako sa kanya at kinuha ko ang perang ibinayad sa’kin ng lalaking antipatiko na yun. “Nay, ito po para makatulong kay tatay.” Kinuha ko ang kamay nya at iniabot sa kanya ang pera.
Nanlaki ang mga mata ni nanay ng makita ang pera at tumingin sa’kin ng diretso. Alam kong magpapasalamat sya sa’kin dahil kahit papaano ay maiiraos namin si tatay. Sasabihin nyang isa akong mabuting anak, dahil alam ko namang totoo yun. “Anak – ” tulad ng inaasahan, sasabihin na ni nanay, “ – hindi kita pinalaki para gumawa ng masama kahit na mahirap lang tayo.”
-_-
“Kapag ang mahirap nagkaroon ng malaking pera galing agad sa masama? Nay naman, sweldo ko po yan kasi may bago akong trabaho. Kahit itanong nyo pa kay Feiffer!!” sagot ko kay nanay.
“Opo, kinuha po syang boy – ” tiningnan ko syang masama, “boy at driver nung Slovis na yun. Legal po ang trabaho nya, wag po kayong mag-alala.” Ngumiti si Feiffer sa’kin pero halatang ayaw nya pa rin sa pinasok kong trabaho.
“Baka naman hindi mo na kayanin anak. Masyado ka ng maraming trabaho. Tsaka bakit naman sobrang laki ng sweldo mo dun?” tanong ulit ni nanay.
“Nay, hindi ko po alam kung bakit malaki ang sweldo ko dun. Ang mahalaga magagamit po natin yan para kay tatay. Wag po kayong mag-alala, magaadvance po ako ng ilang buwan para maoperahan si tatay.” Niyakap ko si nanay at tumigil sya sa pag-iyak.
Lumabas ang doktor. “Ililipat na namin sya sa operating room. Ito ang mga dapat nyong bilhin.”
“Teka – ooperahan nyo ang tatay ko? Akala ko ba wala kayong gamit?” naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Kaya nga kailangan nyo yang bilhin para maoperahan sya. Hindi pwedeng tumagal ang nakabaon na bakal at kahoy sa loob ng laman nya. Dumiretso na lang kayo sa operating room kapag nabili nyo na yan.” Sabi ng doktor at umalis na sya.
“Sige anak, ako na ang bibili para maoperahan na ang tatay mo.” Sabi ni nanay. Kinuha nya ang reseta at umalis na.
“Kung kailangan mo ng tulong alam mo namang nandito lang ako.” Sabi ni Feiffer.
Tumabi ako sa kanya. “Alam ko naman yun. Kahit minsan naman hindi mo kami iniwan. Marami ka ng naitulong sa’min. Wala pa kasi akong alam na paraan noon kaya tinanggap ko yung tulong mo. Pero ngayong may trabaho na ako kaya ko na ‘to. Yung nandito ka kasama ko, sapat na yun. Maraming salamat ‘tol.” Inakbayan ko sya.
Bigla kong naalala yung aksidenteng pagkakahalik namin kaya naman lumayo agad ako. “Te –teka. Oy, 3,000 yung binili kong gamot. Ano yun libre na?”
“Akala ko ba gusto mong tumulong? Napakasama mo talaga!! Kahit naman pabayaran mo yun sa’kin ngayon wala naman akong pambayad!!!” sigaw ko sa kanya.
Hindi na din naman sya nakipagtalo dahil nakita naming inililipat na si tatay sa operating room kaya naman sumunod na kami. Dumating na din naman si nanay dala ang mga biniling gamit. “Anak, limang libo na lang ang natira. Paano na lang yung mga gamot na irereseta pagkatapos ng operasyon?”
“Wag po kayong mag-aalala dun nay. Ako na ang bahala. Ang importante po ay maoperahan si tatay ngayon.” Niyakap ko ulit si nanay. “Teka, nasaan po ang mga kapatid ko?” tanong ko sa kanya.
“Naiwan sila sa bahay. Naku, kailangan ko pala silang tingnan. Kukuha na rin ako ng mga gamit ng tatay mo para may gagamitin sya paglabas ng operating room.” Pinunasan nya ang kanyang mga luha. “Ayos lang ba na ikaw muna ang maiwan dito? Babalik din ako kaagad.”
“Ako na lang po ang uuwi nay. Kayo na lang po ang maiwan dito. Babalik din po ako kagaad. Kailangan ko din po kasing magcharge. Sasamahan naman po ako ni Feiffer, wag na po kayong mag-alala.” Sagot ko kay nanay.
“Maraming salamat Feiffer ha. Alam mo kung magkakaroon lang ng pagkakataong lumantad nitong anak ko, ikaw na ang pipiliin ko para sa kanya.” Seryosong sabi ni nanay.
“Nay! Ano ba naman kayo? Hindi kami talo nyan no! Wag nyong paasahin, wala yang pag-asa!” sagot ko kay nanay at di ko tinitingnan si Feiffer. “Aalis na po kami.” Hinigit ko ang braso ni Feiffer. “Tara na.”
“Alis na po kami, nay! Salamat po.” Sabi ni Feiffer kay nanay.
“Salamat ka dyan! Kapal neto!” sabi ko kay Feiffer.
Pagdating namin sa kotse nya nakita kong maganda ang ngiti nya. “Nakakatawa si nanay, akala nya ata talaga bagay tayo. Paano pa kaya kapag nalaman nyang nagkiss na – ”
“Nakuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu!!!” bigla kong tinakpan ang bibig nya. “Bilisan natin baka gutom na ang mga kapatid ko.”
Naramdaman kong ngumiti sya habang nakatakip ang kamay ko pero bigla nya rin ‘tong inalis. “Ano ba yang kamay mo ang baho?! Naghuhugas ka ba pagkatapos jumingle? Alam mo dapat naghuhugas ka ng kamay paghinawakan mo!!”
Binatukan ko sya. “G*go ka ba?! Wala naman akong hinahawakan no!! Siraulo ka talaga!! Bilisan mo na nga lang!!” sigaw ko sa kanya.
“Ooops! Nakalimutan ko. Sorry naman.” Sagot nya at umalis na kami sa ospital.
Papauwi kami sa bahay ng tumunog na lang ng tumunog ang phone ni Feiffer. “Ano ba yang phone mo ang ingay! Alarm ba yan?”
Tiningnan nya ang phone nya at napangiti sya. “Text lang.”
“Text lang pero kung makangiti ka wagas. Sino yan ha?” kukunin ko sana ang phone nya pero inilayo nya sa’kin.
“Girlfriend ko.” Maigsi nyang sagot.
“Weh? May girlfriend ka? Totoo?” gulat na gulat kong tanong. “Wow, congrats at tao ka na!”
“Aba syempre totoong may girlfriend na ako. Ang lagay eh ikaw lang dapat ang may love life?” Pang-aasar nya.
“Alam mo namang hindi love life yung sa’kin kasi walang love yun!!!” sigaw ko sa kanya. Tiningnan ko ulit sya. “Pero masaya ako para sa’yo. Gusto ko syang makilala. Gusto kong malaman kung anong tipo ng bestfriend ko.”
“Baka magselos ka lang.” Pang-aasar nya ulit.
“Bakit naman ako magseselos? Kahit naman may girlfriend ka na alam ko namang ako pa rin ang number one.” Nakangiti kong sabi sa kanya at nakatitig lang sya sa’kin. “O bakit?”
“Wala – kapal mo kasi.” Natatawa nyang sabi kaya naman sinampal ko ng mahina ang mukha nya.
“Magdrive ka na lang. Hindi ko na kaya pang ipagamot ang sarili ko kapag naaksidente pa tayo.” Itinaas ko ang mga paa ko sa unahan ng kotse.
“Eh di ako ang magpapagamot sa’yo.” Bulong nya. Magsasalita sana ako ng bigla nyang ibinaba ang mga paa ko. “Wag mo namang dumihan ang baby ko!!”
“Baby! Arte neto! Ikaw ang dumihan ko dyan eh.” Tiningnan ko sya ng masama at napatingin ulit ako sa phone nya. “Hindi mo ba rereplayan yan? Akala ko ba girlfriend mo? Di ba dapat nagmamadali kang magreply?”
“Mamaya na lang. May importante tayong gagawin kaya makakapaghintay yan. Understanding naman sya.” Kalmado nyang sagot habang nakatingin sa kalsada.
“Gusto mo ako na lang ang magreply para sa’yo?” tanong ko pero napangiti lang sya. “Ano kayang sasabihin ko? Hmmmmm Anong suot mo ngayon? Ako kasi wala! Pwede na ba yun?” pagbibiro ko at nabatukan naman nya ako ng di oras.
“Siraulo ka talaga! Puro ka kalokohan. Hindi ako ganung lalaki no!! Wag mo na yang replayan, mamaya sa’yo na naman magkagusto!! Parang nung dati lang, winasak mo ang puso ko.” Sagot nya habang nakahawak pa sa puso nya.
“Kasalanan ko bang mas gwapo ako sa’yo? Isa pa alam mo namang kahit kailan hindi ko wawasakin ang puso mo. Ikaw pa ba?” tumatawa kong sabi at bigla na naman nya akong tinitigan.
“Totoo ba yan?” mahina nyang tanong.
“Ahhhhhhhhhhhh – mababangga tayo!!” sigaw ko kaya naman napatigil sya. “Siraulo ka talaga! Magdrive ka nga ng ayos!!” hinampas ko sya ng malakas sa braso.
“Kasi wag kang ano dyan!! Napaka mo eh!!! Wag ka na ngang magsalita!! Nakakaano ka eh!!” sabi nya at naririnig ko pa syang bumubulong kaya naman inilalapit ko ang tenga ko sa kanya. “Lumayo ka nga!! Gusto mo ba talagang mabangga tayo?”
“Sungit! Meron ka na naman!! Sige na!! Di na ako lalapit! Parang yun lang nagagalit agad!” bigla ulit tumunog ang phone nya. Kukunin ko na sana pero nauna sya at inihagis nya sa backseat. Mukhang mainit ang ulo nya. Di na nga ako magsasalita. Siguro natakot sya na magasgasan ‘tong baby nyang kotse kaya nagbago ang mood. Tinalo pa ako kapag meron ako. Grabe ‘tong lalaking ‘to. Minsan okay, minsan naman kulang-kulang.
Ay! Mas marami pa akong dapat isipin bukod dito. Dapat bukas ng umaga makausap ko agad ng ayos yung antipatiko na yun. Kailangan ko pa ng pera para sa operasyon ni tatay. Sana talaga tama lang ‘tong gagawin ko. Lulubog ako sa utang at siguradong wala nang atrasan!