HINDI RIN NAGTAGAL ay natanaw na ni Rocco ang kaharian ng Shicurian. Hindi niya matukoy kung gaano kataas ang lugar dahil ang tuktok lamang ang natatanaw niya. Ayon sa pagkakaintindi niya sa paliwanag ni Ansel, ang dulo lamang ng kaharian ang matatanaw dahil dito ang daan ng mga panauhin nilang may paa patungo sa ilalim. Napapalibutan din daw ng pananggalang ang ilalim ng kaharian nang sa gayon ay walang makapasok na kalaban at tagalabas nang hindi nila nalalaman. Ang nasa paligid ng entrada ng kaharian ay napapalibutan ng kabuhangin kaya naman nagmumukha itong normal na lugar na itinayo sa gitna ng kawalan. Kakaunti lamang daw ang nakakaalam na may kaharian sa ilalim dahil hindi iyon makikita kung hindi naimbitihan na papasukin sa lugar. Dahil mayroon ng kasunduan na nangyari sa Morefia a

