NGAYON LAMANG NAPAGTANTO ni Rocco na maganda pa lang kumbinasyon ang asul at ginto. Gusto niya biglang purihin ang mga interior designer ng loob ng kaharian. Asul na asul ang halos maabutan ng kanyang mga mata habang ang mga lining ay kulay ginto. Nagtuloy-tuloy ang pagpasok nila sa looban ng palasyo. Nadaanan pa nila ang tulay na napapalibutan ng mga halaman. Ang isa sa umagaw ng pansin niya ay ang mga kulay lila na tila mga lotus. Sa tuwing bumubuka kase iyon ay may lumalabas na ilaw habang nagsisimulang magsipagkanta ang mga halaman ng lenggwahe na hindi nila maintindihan. Tila may mahika iyon sapat upang makaramdam sila ng kapanatagan ng isipan at kalooban nang mapadaan doon. Tila ba ang awiting iyon ay nagpapaalam sa kanila na hindi nila kailangan mabahala. Matapos na daanan ang har

