NAWALAN NG MALAY ang mga tauhan ni Juancho. May pampatulog kase ang usok na humalo sa hangin. Magiging mabisa lamang iyon sa oras na malanghap ng kung sino. Ang kabuuan ng Palazzo ay mababalot niyon sa loob ng ilang minuto upang makasiguradong maraming maaapektuhan ng usok sa mga makakalanghap. Iyon ang isa sa mga mali ng kalaban nila. Pinasok ng mga ito ang lugar na hindi nila pag-aaari. Dahil sa kapangahasan, mapapahamak ang mga ito nang hindi nalalaman. Muling ibinaling ni Rocco ang tingin kay Hillion. Wala siyang kakayahang magbasa ng isipan ng iba ngunit may mga pagkakapareho sila ni Hillion. Katulad niya, hindi rin ito nagpapakita ng kung anu-anong emosyon. Iisa o dalawa lamang iyon sa maraming pagkakataon kaya hindi niya alam kung paano ito kakausapin. Maaari kaseng nagkakamali

