Canox Family & Saji Family ꨄ

1970 Words
Pangalawang libro ng binabasa ni Bogz, wala pa ring malay si Heart. 'Grabe naman 'tong babaeng 'to, antagal magising.' Hindi talaga iniiwan ni Bogz si Heart, kasi baka umalis na naman ito ng walang paalam, gaya nung unang tenake home nya ito. Kaya nasa kwarto lang sya. Habang nagbabasa, pasulyap sulyap kay Heart na ang mukha ay nakaharap pa talaga sa kanya. 'Syota na ba ito ni Zero?' Malalim syang nag iisip tungkol sa ugnayan nung dalawa. Hindi nya akalain na magkakilala na pala ang mga ito, at take note! mag kaibigan pa ha! Goodness! Kelan pa? Saka, papaano nagkakilala yung dalawa? 'Siguro matagal na! Kasi, hindi ito isasama ni Zero sa Fossus kung di sila ganun ka close!' Naiinis na ginulo nyang basang buhok, nais nyang malaman ang buong detalye kung bakit napadpad itong si Puso, dun sa mundo nila Zero, Kaso, hindi nya mahagilap ang kanyang kaibigan. Ilang text messages at miss call na bang ginawa nya? Pero, ni isang reply di man lang sinagot ng kanyang kaibigan. Out of reach din ang telepono nito. "Felisa, pwede mo ba akong dalhan ng chocolate ice cream, saka banana cake dito? Yeah! Thanks!" Patapik tapik pang kanyang daliri sa side table ng inuupuan nyang single sofa, habang naghihintay sa kasambahay nila. 'Tok.. Tok.. Tok.. Nagtatakang napatayo kaagad si Bogz sa kina uupuan ng makarinig ng pagkatok sa pintuan. "Ang bilis naman ni Felisa!" Pagkabukas nya ng pintuan, instinct na lang nyang isara ito ulit ng mabungaran ang mukha ni Tamara. 'F-ck! Bakit nandito si Mommy? Sa makalawa pa dapat ang uwi nila ni Daddy ah! May nangyari ba sa Thailand, kaya napauwi kaagad ang dalawa?' Nag aalalang napasulyap sya sa kanyang kama, kung saan nakahiga pa rin si Heart, na nakanganga at naghihilik pa. "Klyto! Buksan mo 'tong pinto! Wag kang bastos!" Malumanay ang boses ng kanyang Ina, ibig sabihin lang nun, ay anytime, sasabog ng bulkang Tamara! "Bogz Klyto Canox! Naririnig mo ba ako ha? Sinabi ng buksan mo'tong pinto eh! Isa!" Natatarantang ini lock muna ni Bogz ang pinto, saka dali daling tinakbo ang lagayan ng kanyang mga bedsheet, humugot ng isang makapal na kumot dun. 'Baka pede na'to!' Nagkandahulog hulog pang ibang kubre kama na kanyang hawak. Akmang dadamputin na nyang mga ito ng marinig ang malakas na pagsigaw ni Tamara. "Zylven! Ang susi, bilisan moo!!" 'Shet!.. Shet!.. Wag muna! at dipa ako tapos dito!' Nagkandatisod tisod pa si Bogz, pabalik ng kama, saktong natakloban na nya ng kumot si Heart ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. "Anubang nangyayari sa'yo Klyto? Bakit mo ako pinagsarhan ng pintuan, ha?" Galit na sita ni Tamara sa malokong Anak nya. Kasunod nitong pumasok ang asawang si Zylven, na nagtatanong din ang mga tingin kay Bogz. "Sorry, Mom! Nabigla lang po ako!" Kakamot kamot ng batok na sabi nya. "May nangyari po ba sa Thailand, kaya napaaga ang pag uwi nyu dito?" "Ewan ko ba dito sa Ama mo! May reunion pa nga kami ng mga Amiga ko bukas, kinaladkad na'ko pabalik dito!" Naiinis na naglakad si Tamara patungong kama ni Bogz. Nakasanayan na kasi nitong umupo dun kapag nasa loob ito ng kwarto nya.. 'Oh! No.. no.. no.. no.. no!' Hinarang nya ang naiinis na Ina, inakbayan saka masuyong inakay patungong pintuan. "Chill lang po kayo, Mommy! Ang face nyu.. kukulubot.. Hmm..!" "Ito kasing Ama mo, iniis stress ako! Isang tawag lang ng Tito Prince mo, alumpihit ng umuwi kaagad dito! Nakakainis.. Di man lang ako nakapag enjoy ng matagal sa Thailand.." Sinulyapan naman ni Bogz ang kanyang Ama na walang imik. Nakatayo lang ito sa isang tabi, nakatutok ang tingin sa kanyang kama. Malamang alam na nito na may tinatago sya dun, sa ilalim ng kumot nya. Di yun nakapagtataka, isang assassin secret agent ang kanyang Daddy, at isa sa misyon nito, ang pagiging bodyguard ng isang run away Princess, yun ay ang kanyang Mommy. Matinik at matalas ito sa lahat ng bagay, lalo na sa pagbabasa ng facial expression ng isang tao. "Dad!" Kuha nya sa pansin nito. "Yes, Son?" Sagot nitong, di man lang sya nagawang sulyapan, kahit saglit man lang.. "Dad, lalabas na po tayo!" pangungulit nya pa dito. "Sige, mauna na kayo ng Mommy mo!" Tanging naisagot nito. "Zylven, anuba! Tara na sa labas!" Walang nagawa ang kanyang Daddy, pumihit na ito paharap ng pinto. Basta't lumakas ng tinig ni Tamara, tiklop silang mag Ama. Pipihitin na ni Bogz ang Doorknob, ng biglang napabalikwas ng bangon si Heart. Mula sa pagkakahiga nito sa kama. Hinawi nitong makapal na kumot sa katawan. "Ang iniiitt.. Putcha! Brown out ba?" Nakapikit ang mga matang pakapa kapang naghagilap ang mga kamay ni Heart sa kama. 'Damn! Bakit ngayon pa nagising ang babaeng yaann..!' Natulos sa kinatatayuan nya si Bogz, napabitaw pa sa pagkakaakbay sa kanyang Mommy, na tila shock na shock naman pagkakita kay Heart. "Klyto! Anong ibig sabihin nito?" Dumadagondong ang matinis na boses ni Tamara sa buong silid ng mahimasmasan ito. "Bakit nandito ang anak ni Saji? Kailan mo pa sya itinatago dito, Bogz?" Malumanay naman ang boses ng kanyang Daddy ng magtanong sa kanya. Pero, alam ni Bogz na kagaya ng kanyang Ina, galit din ito sa nakikita. "S- Sandali lang po! Teka muna!" Tarantang awat ni Bogz sa kanyang mga Magulang. "Uulitin kong tanong ko sa'yo, Bogz Klyto Canox! Ayusin mong sagot mo!, kung ayaw mong ipasok kita sa Navy" Palaging panakot nito sa kanyang Anak! Alam na alam kasi nitong, ayaw na ayaw ni Bogz maging kasapi sa isang Navy. Ang United States Navy Sea, Air, and Land Teams, na karaniwang kilala bilang Navy SEALs, ay ang pangunahing espesyal na puwersa ng operasyon ng U.S. Navy at isang bahagi ng Naval Special Warfare Command. "Dad naman...!" Napahilamos ng kanyang mukha si Bogz. "Bakit nandito ang Anak ng Tito Prince at Tita Mia mo? Kelan mo pa tinatago dito sa bahay si Heart Jewel Saji? Kelan pa!?" Nagpipigil lang ng kanyang galit si Zylven. "Dad, hindi ko po kilala ang babaeng yan!" Biglang sumakit ang ulo ni Bogz sa mga tanong ng kanyang Mommy at Daddy. "Hindi mo kilala? Eh, hayan nga't kababangon lang sa'yong kama? Kami ba'y pinagloloko mo, Klyto! ha?" Pasigaw ng boses ni Tamara. Parang hindi Prinsesa kung umasta. "Mom, hindi ko nga po sya kilala! Humingi lang po ng tulong sakin si Zero, kaya tinulungan ko! I swear to God!.. Mom, Dad! I don't know that woman!" Itinuro pa ni Bogz si Heart, habang nagpapaliwanag sa kanyang mga Magulang. "Dinamay mo pa si Fossils dito!" Mataas ng boses ni Zylven. "Hindi mo ba alam na malaking gulo itong pinasukan mo? Hindi ka nag iisip, puro kalokohan lang ang inaatupag mo!" "Dad, wala po akong ginagawang masama! Tumulong lang po ako sa isang kaibigan, masama po ba yun?" Dina napigilan pa ni Bogz ang pagtaas ng kanyang boses, first time itong sinagot sagot nyang mga Magulang. "Pinagtataasan mo na ako ng boses ngayon? Bakit, lalaban kana ba sa'kin ngayon, ha?" Nagsukatan ng tingin ang mag Ama. Sa tangkad na 7 footer ni Zylven, mas lamang si Bogz sa height na 7 ft 6 inches, ito ang kauna unahang pagtatalo ng dalawa. "Tumigil nga kayong dalawa! Hindi maaayos ang problema kung dadaanin nyo sa init ng ulo!" Naglahong galit ni Tamara ng makitang pag angat ng kaliwang kamao ng kanyang Asawa. Mabilis nyang niyakap ang nag iisang Anak, para protekrahan sa galit ng Ama nito. "Zylven!" Nanlilisik ang mga matang saway ni Tamara sa kanyang Asawa, "Excuse me po! Mawalang galang na po sa inyo!" Nabitin sa ere ang kamao ni Zlyven, ng magsalita si Heart. Sabay sabay pang napabaling ng tingin ang mag anak sa namumulang pisngi ng dalaga. Halatang hiyang hiya ito sa mga kaganapan na nasasaksihan nito ngayon. "Ma'am, Sir! Totoo po, ang sinasabi ng Anak nyu, hindi nga po kami magkakilala! Sorry po, sorry... Kung nagkakagulo kayo ngayon ng dahil sa akin!" Panay ang paghingang malalim ni Heart ng mag umpisang manubig ang kanyang mga mata. Halos manginig ang kanyang laman sa takot ng makitang susuntukin na si Bogz ng Ama nito. Hindi man nya kilala ang mga ito, ramdam nyang mabubuting tao ang kumukupkop ngayon sa kanya. Sa katunayan nga, dalawang beses na syang nagigising sa silid na ito. At ngayon lang nya nakita ng harapan ang lalakeng tagapagligtas nila ni Rowena, mula sa mga manyak na Sangganong tumambang sa kanila sa Antipolo. Ang lalakeng maraming tattoo sa katawan.. Ang lalaking magaling tumugtog ng piano at higit sa lahat... Ang lalakeng may mala Anghel na boses, ng marinig nya itong kumanta ng 'On the wings of Love'.. Ang lalakeng yun ay nabigyan na ng pangalan... At ang lalake palang 'yun, ay walang iba kundi si Bogz Klyto Canox!.. Ang lalakeng sinasabi ni Zero Fossils Ablan, na susundo sa kanya, nung nasa Fossus pa sya. Dyata't magkaibigan pala ang dalawa! 'Isa ba itong malaking joke? Naman! Nagkautang na loob pa ako ngayon sa burdadong lalakeng ito na hate na hate kong may maraming tattoo! Puff!' "Iha! Wala kang kasalanan.. Pagpa sensyahan mo na sana kami, naguguluhan lang kaming mag asawa, sa mga nangyayari ngayon." Umiral ng kadaldalan ni Tamara. Nilapitan pa talaga nito si Heart at inalo alo ng makitang paiyak ng dalaga. "Alam mo kasi, Iha! Mula ng may mangyaring masama, sa Anak ng kaibigan kong si Amber at Gaelan, ipinagbawal ko na kay Klyto, ang pagdadala ng babae dito sa bahay. Dahil kasi sa babae, muntik ng mamatay ang kaisa isang Anak ng mga ito, kaya, yang si Klyto pinaghihigpitan ko yan, pagdating sa mga babae. Mahirap na, baka matulad lang sya sa sinapit ng kaibigan nya!" Nagpunas ng kanyang pisngi si Heart ng tumulo bigla ang kanyang mga luha, kaygaan ng kanyang loob sa Ginang na umaalo sa kanya, biglang na miss nya tuloy ang kanyang Mama. Ganitong ganito din kasi ito kapag nagiging emotional na sya. "Wag ka ng umiyak! Maaayos din natin ang lahat! Pag uusapan natin ng mabuti ito! Pero bago 'yan, mag ayos ka kaya muna! Halika sa'king silid, aayusan kita!" "Naku! Wag na po, Ma'am, malaki ng abala ko sa inyo! Uuwi na lang po ako!" Nahihiyang napatayo bigla si Heart sa kama na kanyang hinigaan, dalawang beses na. "Ay hindi! Dito ka lang muna! Saka! Wag mo akong tawaging Ma'am! Tita Tamara, ang itawag mo sa'kin!" Hinaplos haplos pa nitong mahabang buhok ni Heart. " Hmm... Ang ganda ganda mo! Manang mana ka kay Mia!" Napatuwid ng tayo si Heart, pagkarinig sa pangalang Mia. 'Naku! Wag naman sanang si Mama, ang tinutukoy ni Tita Tamara.!' Inakay sya ni Tamara patungong pintuan. Nadaanan pa nilang dalawa ang mag Ama na nakasunod lang ang tingin sa kanila. "Zylven, ikaw ng bahalang tumawag kila Prince at Mia. Naku! Siguradong matutuwa ang mga yun, sa sandaling malaman nilang, nandito lang pala sa'tin ang kanilang Prinsesa." "Ho! Prince at Mia?" Namumutlang tanong ni Heart sa nakangiting Ginang sa kanya. "Yes! Iha! Prince Saji at Mia Kehmer! Silang mga Magulang mo, hindi ba?" May diing sagot ni Tamara sa kanya. Napatango na lang si Heart, may takot na iniiwas nyang tingin kay Tamara, at di sinasadyang napatingin sya kay Bogz na titig na titig din sa kanya. Saglit na nakipagtitigan sya sa mga mata nitong tila nangungusap. May kung anong nag udyok sa kanya na ngitian ang Binata, at yun ngang kanyang ginawa. Sumaludo naman ito sa kanya, na tila nagpapahiwatig na.. wag syang mag alala at ito ng bahala sa kanya. 'Sana! Matulungan mo ako!' Piping hiling nya dito. Sa pag tititigan nung dalawa, hindi nila napupunang makahulugang tinginan ng mag asawa. Kumikislap sa tuwa ang mga mata ni Zylven, samantalang kaylapad naman ng pagkakangiti ni Tamara. Kung anuman ang nasa isipan ng bawat isa sa kanila.. Mabibigyang kasagutan, kapag nagkaharap harap ng Dalawang pamilya. Ang Canox family at Saji family. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD