bc

Dear Dylan

book_age12+
67
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
friends to lovers
confident
journalists
drama
sweet
bxg
office/work place
first love
self discover
like
intro-logo
Blurb

Makalipas ang dalawang taon ay bumalik si Ellie sa Pilipinas matapos magtrabaho sa ibang bansa. Habang nasa South Korea ay nagawa niyang baguhin ang sarili, pati na ang mag-move on kay Dylan - ang crush niya magmula pa noong college.

Bagong buhay, bagong siya - iyon ang nais ni Ellie.

Pero paano kapag nakita niyang muli ang first love na si Dylan? And worse, makakatrabaho niya pa ito.

Mapigilan niya kaya ang sarili na magkagusto muli rito, o tuluyan siyang mahulog sa binata the second time around?

chap-preview
Free preview
Prologue
2 years ago             "NAKAKASAMA ka ng loob, Ellie," reklamo sa akin ni Julia habang abala ito sa pag-iihaw ng barbecue, "Sabi mo hindi mo tatanggapin yung offer sayo sa South Korea. Tapos ngayon nagpapaalam kang aalis ka."             Napangiti ako sa tinuran ni Julia. Sa barkada namin, sa kanya ako pinaka-close.             "Hindi ko pa naman sigurado eh. Nakadepende sa mangyayari ngayon kung aalis ako o hindi," tugon ko sa kanya.             Nagtataka siyang napatingin sa akin. "Ano bang ibig mong sabihin? Oh wait – Don't tell me..." tapos ay bigla niyang hininaan ang boses niya para ako lang ang makarinig ng sinasabi niya, "May balak ka nang umamin ng feelings mo kay Dylan?"             Tumango ako, kaya halos magsisigaw sa saya si Julia. "Huwag ka ngang maingay diyan. Tsaka bakit ba ang saya mo? Para kang ewan diyan."             "Paanong hindi ako magiging masaya eh sa wakas nakaipon ka na rin ng lakas ng loob na umamin. Matagal mo na siyang gusto, hindi ba? Hindi ko nga alam kung paano mo naitago na may gusto ka kay Dylan. Hindi halata."             "Kaya ko naman siyang kausapin kapag kasama ko kayo eh. Pero kapag kami na lang na dalawa, biglang umuurong ang dila ko. Pero ngayon sasabihin ko nang gusto ko siya. Kung maging positive man ang resulta ng gagawin ko ngayon, eh 'di hindi na ako aalis papuntang South Korea."             "Eh paano kung... negative?"             I pressed my lips into a thin line as I smiled. "Eh 'di aalis ako. Gagamitin ko yung offer na ibinigay sa akin doon para makalayo sainyo. Pwede kong magamit yung dalawang taon para makapag-move on, hindi ba?"             "Sabagay. Pero sana maging okay pa rin yung magiging –"             "Ellie, Julia, dito na kayo sa cottage. Si Luis na ang mag-iihaw para naman makainom at makakain kayo dito," pagtawag ni Billy sa amin.             Pag-upo namin ay abala na sina Robert, Camille, Henry, Aaron, at Noreen sa pag-inom habang nagtatakbo naman si Luis papunta sa ihawan para asikasuhin ang barbecue.             Pero sa grupong iyon ay sa isang lalaki lang nakapako ang atensyon ko.             Sa lalaking gusto ko, who also happens to be a part of my circle of friends. Si Dylan.             Nag-eenjoy ang lahat habang nagkukwentuhan habang nakikinig lang ako sa kanila. Tahimik naman talaga kasi ako lagi. Kapag ganitong nagkakasama ang barkada, nakikitawa lang ako sa mga pinag-uusapan nila.             Pero bigla na lang ako ang napagdiskitahan ng pinakamaingay sa amin na si Robert.             "Itong si Ellie feeling ko hindi magbabago kahit ngayong graduate na tayong lahat. Dapat kahit papaano maki-mingle ka sa ibang taoHindi ka magkaka-boyfriend niyan."             Napailing na lamang ako habang tumatawa, "Tigilan mo nga ako, Robert. Hindi naman relevant ang topic na yan.Tatamaan ka sa akin." Pabiro lang naman ang pagbabanta kong iyon.             "Robert, mag-sorry ka kay Ellie," singit ni Camille, "Nakalimutan mo atang siya ang amazona natin dito. Ellie is too strong, too smart, too cool, and too awesome for any guy."             Napangiti at napailing na lamang ako habang nagtatawanan silang lahat.             "Hindi naman kayo inaano ng lovelife ko," pagsaway ko sa kanila habang tumatawa.             Ganoon kasi talaga ang image ko. Matalino, one of the boys, laging chill, open-minded, may pagka-tactless, at very straightforward. Kaya tuloy andaming intimidated sa akin dahil sa personality ko.             Siguro dahil doon kaya hindi ako attractive sa paningin ng ibang lalaki.             "Eh ikaw Dylan?" ani Aaron, "Kailan mo ba balak ligawan si Sheena? Yung cute na babae dun sa College of Business and Accountancy. Hindi ba sabi mo trip mo yun? Break na daw sila nung boyfriend niya na Civil Engineering ang course.".             Napatingin ako kay Dylan, at pati ako ay naghintay na rin ng isasagot niya. Napalunok ako. I felt my chest tighten. Ayaw kong marinig ang sagot niya, pero on the other hand, gusto ko ring malaman kung ano ang sasabihin niya. Ewan. Ang g**o ko mag-isip.             Wala pa man siyang sagot ay nagkakaroon na ng mga cracks ang puso ko. Feeling ko wala pa man siyang sinasabi ay unti-unti na itong nawawasak.             "May balak naman talaga akong ligawan siya," tugon ni Dylan habang nakangiti, "Pero sa ngayon dadahan-dahanin ko muna. Baka mabigla eh. Kakabreak pa lang nila ng boyfriend niya..."             Pumapasok pa sa tenga ko ang mga sinasabi ni Dylan, pero hindi na iyon rumerehistro sa loob ng utak ko. Ang tanging naiisip ko na lang noong mga oras na iyon ay ang sakit na unti-unting sumasalanta sa sistema ko.             May balak naman talaga akong ligawan siya.             Tatlong taon. Tatlong taon ko nang gusto si Dylan. Tatlong taon na rin akong nag-iipon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.             Pero nang sabihin niyang balak niyang ligawan yung babaeng kinukwento ni Robert, parang gumuho ang lahat ng pinaghirapan ko. Yung lakas ng loob na umamin, naglaho na parang bula. Bigla akong nawalan ng pag-asa.             Ano pa naman kasi ang point kung aamin pa ako sa kanya? Hindi ko pa man nasasabi, rejected na ako.             Hindi pa man nagsisimula ang laban, talo na ako.             Unti-unti kong naramdaman ang nagbabadyang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong magsisigaw. Tatlong taon ko na siyang gusto. Tatlong taon! Pero lagi lang akong naduduwag, laging nahihiya. Ni hindi ko siya magawang kausapin kapag kaming dalawa lang. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Pagdating sa kanya, nawawala ang lahat ng confidence na meron ako, kung meron man.             Sabagay. Bakit naman niya ako magugustuhan? Hindi naman ako maganda eh. Mukha akong ewan kung tutuusin. Hindi ako mahilig mag-ayos. Ni hindi nga ako gumagamit ng make-up eh. Lagi akong nakasuot ng oversized hoodies o kaya ay malalaking jacket at t-shirt sa ilalim, tapos maong pants at sneakers. Idagdag mo pa ang glasses ko na kumukumpleto ng weird kong look.             Kumpara sa Sheena na iyon, obvious naman na wala akong binatbat.             Nang mapagtanto kong namumuo na ang luha sa mga mata ko, agad kong kinuha ang bote ng beer at uminom mula doon. Manghang nakatingin sa akin ang lahat habang tuloy-tuloy ang paglagok ko sa alak.             Ayokong umiyak sa harap nila. Gusto kong mawala itong sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Lagi naman akong natutulungan ng alak, kahit pansamantala lang.             "E-ellie... Hinay-hinay lang sa pag-inom," pag-awat sa akin ni Julia matapos nitong agawin ang bote mula sa kamay ko.             Subalit hinablot ko uli ang bote mula sa kanya, "Hindi naman ata masaya kung dahan-dahan ko lang iinumin 'tong beer. Akala ko ba maglalasing tayo dito?"             "Tama naman si Ellie," pagsang-ayon ni Robert, "Bakit ba tayo naghihinay-hinay dito eh andito tayo para magpakalasing? Dapat i-enjoy na natin 'to kasi baka ito na yung huling beses na makakapagsaya tayo nang ganito kasi yung iba sa atin magiging busy na sa mga trabaho nila. Kung ako sa inyo, ilabas niyo na yung ibang beer. Magpapakalango tayo sa alak ngayon!"             Naghiyawan ang iba ko pang mga barkada habang hawak ang mga inumin nila, tapos ay nagtawanan kaming lahat. Agad kong inilapit ang bote ng beer sa bibig ko at nagsimulang uminom muli. Habang patuloy ako sa ginagawa ko ay napansin kong nakatingin sa akin si Dylan. Hindi ko alam kung tama ang nakikita ko, pero mukha siyang bothered sa pag-inom ko noong mga oras na iyon.             NANG magising ako ay nakaramdam ko ng matinding sakit ng ulo kaya napaungol na lamang ako habang sinusubukang maupo sa kama. Nang idilat ko nang maayos ang mga mata ko ay napansin kong nasa loob na ako ng kwarto ko.             Naupo muna ako saglit at napaisip ako. Naaalala ko pa yung inuman namin kagabi. Tandang-tanda ko pa kung gaano karami ang nainom ko, kaya dapat hindi naging madali para sa akin ang makabalik dito sa tinitirhan ko. So paano ako nakauwi dito sa bahay namin? Sakto namang pumasok sa loob ng kwarto ko ang nanay ko na may dalang lugaw na inilapag niya sa ibabaw ng study table ko, "Mabuti naman at gising ka na. Gaano ba karami ang ininom mo at nagkaganyan ka?" "Medyo naparami lang talaga, 'Ma. Siyanga pala, sinong naghatid sa akin pauwi?" "Si Julia ang nagdala sayo dito. Sa susunod kasi, huwag ka nang iinom nang madami para hindi ka nakakaabala ng iba," malamig na untag sa akin ni Mama, "Tawagan mo pala mamaya ang tita mo. Pinapatanong niya kasi kung tutuloy ka na ba sa Korea." "Opo, 'Ma," tugon ko habang nakatingin sa lugaw na dala ni Mama. Medyo nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko dahil sa malamig na pakikitungo niya sa akin. Lagi naman siyang ganoon pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang masanay. "Ilagay mo na lang sa lababo yang bowl pagkatapos mong kumain," sabi ni Mama, bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko. Mula sa kama ay dumiretso ako sa study table at naupo. Napahinga ako nang malalim at kinuha ang journal ko mula sa drawer. Kinuha ko ang ballpen ko at nagsimulang magsulat.              Dear Dylan,                Ito na siguro ang huling beses na magsusulat ako ng tungkol sayo.                After all, alam ko na rin naman na imposibleng magustuhan mo ako. Dalawang taon rin                  akong mawawala, kaya may sapat na panahon ako para kalimutan ka.               Nakakatawa, hindi ba? Hindi naman naging tayo pero gusto kong mag-move on sayo.               Hindi bale. Magagawa rin kitang kalimutan. Sana maging masaya ka.               Magiging masaya rin ako.                                                                                                         E, 04/29/2016                         Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tama.             Magiging masaya rin ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.5K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.1K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.0K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook