Prologue
In the ancient world of Fischantra, the world of Fistchantrian warriors has full of magical things and elemental powers. It has sorcerers and monstrous beasts living in this world and a hidden spring of life unknown to everyone. When the world changed, including the humans, they would fight to defend their terrain from the conquerors. There’s a man who would fight until his last breath to serve the right of his people. He’s the only one who had the guts to fight his fierce rival, Metto Mettalic.
Nangyari lamang ito noong nais sakupin ng malaking grupo ni Metto ang buong Chantra. Ang Chantra ay isang lugar sa Fistchantra World na pinamumunuan ni Arthur Logan. Isang mandirigma na inuuna ang kabutihan ng kaniyang nasasakupan. Wala pa siyang matayog na kaharian at nais niyang pantay ang lahat ng mga naninirahan doon.
Arthur is a fearless one and used his powerful fist as his weapon. Biniyayaan siya ng ganitong klaseng kapangyarihan nang dahil sa pagtulong niya sa isang matandang pantas noon. Ginamit niya ito upang sagipin ang mga taong nangangailangan. Subalit nagbago ang lahat nang makalaban niya si Metto.
“Metto!” sigaw niya. “Walang lugar ang mga katulad mo sa lugar ko! Withdraw your men and I will keep them all alive,” nagtatagis ang bagang niyang wika rito. Bakas na sa mukha niya ang galit dahil marami sa kaniyang mga tauhan ang napatay ng mga ito.
Tumawa lang ito nang malakas. “Sa tingin mo ay ganoon lang kadali iyon, Arthur? Aangkinin ko ang anumang naisin ko at wawasakin ko ang anumang dapat wasakin! I have the rights to do that after you fall from my bare hands,” banta nito.
Napakuyom ang kaniyang mga kamao habang nagtatagis pa rin ang kaniyang mga bagang. Siya na lang din ang natitira sa kaniyang mga nasasakupan at matatag na nakatayo sa kaniyang kinatatayuan.
“Nag-iisa ka na lang, Arthur. Lumuhod ka sa harapan ko!” utos ni Metto sa kaniya.
Matalim ang kaniyang mga tingin dito wari ay pinag-aralan niyang mabuti kung paano niya mauubos ang mga nilalang sa harapan niya. Ngayon niya mas kailangan ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kaniya alang-alang sa lahat ng mga naiwan. He thought about the women and the children in his place. Lalo na ang mga may sakit na kailangan ng kalinga.
“Tapusin siya!” utos ni Metto sa mga tauhan.
Isa-isang sumugod ang mga tauhan ni Metto na may mga hawak na iba’t ibang uri ng sandata. Siya naman ay mabilis ang kilos niyang sinalubong ang mga ito gamit lamang ang mga kamao niya. Sa gitna ng pagdilim ng kalangitan at pagkalat ng mga walang buhay na katawan sa paligid, naroon ang pagnanais ni Arthur na ibangong muli ang kaniyang naumpisahan.
“Hah!” Sinalo ng isang palad niya ang espada ng sumugod sa kaniya saka niya dinurog ito. Sa tindi ng lakas ng kaniyang kamao, wasak ang blade ng espada. He released his left fist to punch the man in his abdomen.
Tumama ang lalaki sa mga kasamahan nito sa likuran habang napaigik sa ginawa niya. Ang mga ito ay natumba sa tindi ng lakas na pinakawalan niya patungo sa mga nito. And Metto saw that scenario then he jumped in to the battle to face him.
“Mabuti naman at hinarap mo na ako. Akala ko ay maduduwag ka at magtatago sa mga tauhan mo,” sambit niya.
“Hindi ako naduduwag, Arthur. Walang makikialam sa laban na ito,” tukoy nito sa mga tauhan.
“Ganyan nga, Metto.” Humugot muna siya nang malalim na buntong-hininga saka malalim ang mga tingin niyang hinarap ito.
The place surrounded by the dusky sky and the strong wind blew around. Metto raised his right hand and released his magical flames in his fist. Alam niyang iyon ang kakayahan ng kaniyang kalaban; ang gumamit ng elemental power na apoy. Itinapon nito ang apoy na iyon patungo sa kaniya habang siya naman ay alertong kumilos.
And the battle of the two of them started.
Kumalat sa buong paligid ang apoy na pinakawalan ni Metto habang siya naman ay palapit sa direksiyon nito. He needs to use his man-to-man defense just to smash him in a one blow. And that was he expected. Nakipagbuno ang bawat isa gamit ang mga kakayahan nila sa kanilang mga kamao. It was a kind of attacked that used their physical strength until one of them begged for its life. Kung natatamaan man siya sa suntok ni Metto, natatamaan din naman niya ito.
“Aaahhh!” sigaw niya. Napabulwak siya ng dugo sa bibig dahil tinamaan siya sa tiyan.
“Heto pa!” Pinakawalan naman nito ang kaliwang kamao ngunit may kasamang nagliliyab na apoy.
Subalit alertong sinalo niya ito. “Hah!” Buong lakas na pinigilan niya ito kahit dama na niya ang natamong sugat sa tiyan niya dahil sa malakas na pagkakasuntok nito.
“Sumuko ka na, Arthur! Ibigay mo sa akin ang kakayahan mo at bubuhayin kita. Pero kung magmamatigas ka, mapipilitan akong dalhin ka sa kabilang buhay!” asik nito.
“Hindi mangyayari iyon dahil kahit maubusan man ako ng hininga at mapatay mo ako, muli akong mabubuhay upang tapusin ka!” Habang magkasangga ang kanilang kamao, ang isang kamay naman niya ang pinakawalan niya.
But Metto was always there to read his every moved. Inunahan na nito ang pag-atake niya saka nito natamaan ang kaniyang sentido. Metto has a metal force in his hands that used to attacked him and knocked him down. Pagkatama nito sa kaniyang sentido, siya naman pagputok ng ugat malapait sa mata niya dahilan ng pagkalat ng dugo sa loob niyon.
Arthur lost his sight and his force slowly weakened. Hanggang sa bumagsak ang katawan niya sa lupa kasabay ng malakas na kidlat sa buong paligid. And Metto’s warriors shouted for victory. The ferocious Metto Mettalic continued his drastic regime for a long time but died for an uknown illness.