It was a lovely day in Chantra Kingdom when Duncan woke up early in the morning. He sat on the edge of the bed while looking at his two legs. Araw-araw niyang pinagmamasdan ang kaniyang mga paa at iniisip kung bakit hindi siya binigyan ng normal na buhay. Nahihirapan na rin siya sa sitwasyon niyang hindi siya makalakad. But on the other side, he’s lucky to be a prince of Chantra Kingdom. Maya-maya lang ay narinig niya ang mga yabag ng mga paa na papalapit sa kaniya.
“Prince Duncan, nakahanda na ang inyong pampaligo,” wika nito habang nakayuko bilang paggalang sa kaniya.
Hindi niya tiningnan si Jefferson na kaniyang adiutor. Ang adiutor ay tawag sa mga taong naka-assign sa mga royal blood kabilang siya. Imbes na tumugon siya kay Jefferson, inilapit niya ang kaniyang wooden wheelchair sa kaniya upang sumampa roon. Dahan-dahan pa siyang tumayo habang nakahawak ang mga kamay niya sa arm rest ng wheelchair.
“Prince Duncan, baka matumba kayo!” pag-aalala nito.
“Huwag mo akong pigilan, Jefferson!” saway niya. “I need to do this alone,” matatag niyang wika.
“Pero⸻”
Subalit sa pag-akmang pagtayo pa lang niya ay nawalan na agad siya ng balanse. Hindi pa rin kaya ng kaniyang mga paa ang tumayo. Inborn na ang kapansanan niya kaya kahit sinong magagaling na chantra healer ay walang nagawa ang mga ito.
“Prince Duncan!” Naroon ito upang saluhin siya.
Napamura siya sa sarili. “s**t!”
“Huwag niyo ng pilitin ang sarili niyo, Prince Duncan. Mas lalong magiging malala ang mga paa mo kapag pinilit mo pa at bumagsak sa sahig,” saad ni Jefferson.
“Damn! Isa akong walang silbing magiging hari sa kahariang ito nang dahil sa mga paa ko! Isa akong lampa at walang kakayahang lumaban! Anong dapat kong gawin, Jefferson? What kind of life will offer for me with this kind of damn situation? I can’t defend my kingdom just like this!” galit na ang tono ng kaniyang boses. Frustrated na rin siya sa tuwing naalala niyang wala siyang silbi at lumpong prinsipe.
“May awa ang lumikha sa iyo, Prince Duncan. Huwag kang sumuko! Makakahanap din ang mga magulang mo ng makapangyarihang pantas upang makalakad ka,” sambit nito na pinapalakas ang loob niya.
“Hindi na ako umaasa. Sige na at paliguan mo na ako,” utos niya.
“S-Sige.”
Tinulungan na lang siya nitong sumampa sa wheelchair, inaayos ang kaniyang mga paa at itinulak ang upuang may gulong patungo sa banyo. Si Jefferson lang din ang nakatagal sa pagiging bugnutin niya at mga trantrums sa tuwing naiinis na naman siya. Jefferson did all he needs from his daily routines, food, and roaming around the kingdom.
Pagkatapos niyang maligo, binihisan siya nito. Inilagay ni Jefferson ang simbolo ng pagiging dugong bughaw niya. Ang korona ng pagiging isang prinsipe sa kanilang kaharian. Ang sumunod naman ay dinala siya nito sa kanilang royal dining area upang mag-agahan kasama ang kaniyang mga magulang.