"GOOD AFTERNOON, young master and young lady," bati ni Ianah sa kambal nang makalapit ang mga ito sa kinaroroonan niya.
Tamang-tama ang pagdating niya dahil kalalabas lang ng mga bata.
"How's your day and your classes?" tanong niya sa mga ito habang maingat na kinukuha ang kanilang mga school backpack.
Agad din silang pinagbuksan ng pinto ng SUV ng kanilang driver.
"Just so-so. Nothing's changed," walang ganang sagot ni Allendrex sabay pasok sa kotse.
"It's great naman po, Yaya," nakangiting sagot ni Alessandra.
Ngumiti naman siya pabalik saka maingat na inalalayan ito sa pagpasok at pag-upo.
"Nasaan nga pala ang ate Alisha niyo?" tanong niya nang mapansin na hindi ito kasabay na lumabas sa kanila.
"I think hindi pa po nila dismissal. Let's wait for her po, baka mamaya she will go out na," sagot ng batang si Alessandra.
Tumango siya. "Okay," nakangiti niyang sang-ayon.
Lumipas ang halos tatlumpung minuto, ngunit wala pa ring Alisha na lumalabas. Hindi maiwasan ni Ianah ang mag-alala, dahil hindi siya sanay na matagalan ang dismissal nito.
"Should I check on her? Mukhang napaka-unusual na ang tagal nilang pinalabas," hindi niya napigilang sabihin.
"It's okay po, Yaya. Should I go with you po?" tanong ni Alessandra.
Bumuntong-hininga si Ianah at tipid na tumango.
"Good afternoon, Ms. Gamboa," bati ng may edad nang security guard na si Remus sa kaniya. Sa tagal na ng pagkuha ni Ianah sa mga bata, nakilala na siya nito.
Tumango siya. "Good afternoon po. Pwede po ba akong pumasok? Susunduin ko sana si Miss Alisha," nakangiti niyang sabi.
Nakangiting tumango si Remus. "Oo naman, Ms. Gamboa. Pasok lang po kayo," tugon nito.
"Thank you po," pasasalamat ni Ianah.
Habang nasa loob sila ng campus, hindi niya maiwasang mamangha sa lawak ng pribadong paaralan. Malaki at napakalawak, halatang mayayaman ang nagmamay-ari nito. Sa 'di kalayuan, may nakikita pa siyang soccer field. May sarili pa itong playground.
"Young lady, hindi ba dumudugo ang ilong ko?" biro niya habang nasa paligid pa rin ang kaniyang mga paningin.
"What? What happened, Yaya? Are you not feeling well po ba?" sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Alessandra.
"Hindi naman, pero baka dumugo na ang ilong ko dahil puro english-speaking ang mga tao dito," natatawang sagot niya.
Mahinang napahagikgik si Alessandra. "Silly, Yaya. You're good naman po sa english. By the way, what degree did you finish po pala?"
Bahagyang napahinto si Ianah saka tumingin kay Alessandra. Hindi niya inasahan na tatanungin siya nito tungkol sa natapos niyang pag-aaral.
Tumikhim siya. Nagdadalawang-isip kung sasaagutin ba ito. "Actually, hindi ako nakapag-college. High school lang ang natapos ko," pag-amin niya ng totoo.
Matapos kasing mamatay ang mag-asawang kumupkop sa kanya, ay hindi na siya muling nakapag-aral. Pinilit na lamang niyang makatapos ng high school habang nagsusumikap mabuhay araw-araw.
"Why naman po, Yaya?" inosenteng tanong ni Alessandra.
"I was still a teenager when I started living alone. Wala akong kakayahang pinansyal para makapag-college, dahil ang kinikita ko sa mga trabahong pinasukan ko ay sakto lang sa pang-araw-araw kong gastusin," sagot niya, kasabay ng isang mapait na ngiti.
Hindi niya maiwasang balikan ang mga naging karanasan niya noon. Mga panahong sobrang hirap ng buhay, hanggang dumating sa punto na gusto na lang niyang sumuko at takasan ang lahat.
Ngunit habang lumilipas ang panahon, napagtanto niyang bahagi talaga ng buhay ang paghihirap. Walang madaling paraan upang makamit ang ginhawa, at kadalasan ay may katumbas itong bigat na kailangang pagdaanan.
"I'm sorry to hear that po. And Yaya, I'm so proud of you po," nakangiting sabi ni Alessandra sa kanya.
Nahawa naman siya sa ngiti nito. May kung anong init ang yumakap sa puso niya dahil sa sinabi ng bata. Masasabi niyang, sa tanang buhay niya ay iyon ang unang beses na may nagsabi sa kanya ng ganoong klaseng mga salita.
"Thank you, young lady," madamdamin niyang sagot.
"Nga pala, nasaan yung classroom ng ate mo?" tanong niya, pag-iiba ng usapin.
"Yung color creamy white po na building. Nasa second floor, and first classroom po," sagot nito sa kanya.
Tumango siya, saka mas binilisan pa nila ang paglalakad.
"Sandy, who's with you? I thought you were going home?" tanong ng isang kaklase ni Alessandra na nasalubong nila.
"Mika... I'm with my mom, and we're going to fetch my Ate Alisha," kaswal na sagot ni Alessandra.
Gulat na napatingin si Ianah kay Alessandra. Hindi niya inaasahan ang sagot nito—lalo na ang pagpapakilala nito sa kaniya bilang ina sa kaklase.
Nakita niyang tinapunan siya ng tingin mula ulo hanggang paa ng batang si Mika. Bigla na lang ngumiti ito ng may pangungutya.
"That's your mom? She looks so cheap, Sandy. And you're just like her," mapanuyang sabi nito, sabay bahagyang tawa na halatang may pang-iinsulto.
Naramdaman ni Ianah ang biglang paghigpit ng hawak ni Alessandra sa kamay niya.
Tiningnan niya ito at nakita ang malamig na ekspresyon sa mukha ng bata. Halatang hindi natuwa sa sinabi ng kaklase nito.
"Excu—" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang maunahan siya ni Alessandra sa pagsasalita.
"I think you need eyeglasses, Mika. No offense, but I think your eyesight is really bad." Umiling-iling si Alessandra. "And for your information, my mom doesn't look cheap. She just prefers simplicity, and she's beautiful. If she wore expensive clothes, she'd be look even more stunning. But you?" Tinignan ni Alessandra si Mika mula ulo hanggang paa. "Even if you wore expensive clothes, you'd still look ugly. What more if you wore simple ones? Never mind, I can't even imagine it. I feel like I might p**e. And I hope you change your attitude, especially since you don't have a good looks or even a smart brain. Excuse us," mataray na sabi ni Alessandra.
Halos mapanganga si Ianah sa mga naririnig. Hindi niya inasahan na makaririnig siya ng gano'ng klaseng banter mula pa sa isang walong taong gulang. Alam niyang matured si Alessandra—malayo sa edad nito kung mag-isip, ngunit hindi niya pa rin napigilang mamangha at humanga. Kung maaari lang pumalakpak ay baka ginawa na niya, pero ayaw naman niyang dagdagan pa ang init ng bangayan ng mga bata. Lalo na't natameme ang batang si Mika at bahagyang namumula na sa galit. Nang makabawi naman ito ay mataray silang inirapan saka naunang naglakad paalis, iniwan ang kasama nitong yaya.
"Sorry po, Ma'am," nahihiyang paghingi ng sorry ng yaya.
Umiling siya. "Ayos lang," tipid niyang tugon.
Tipid din itong ngumiti saka aligagang hinabol ang batang inaalagaan nito.
"Once a brat, always a brat. When will she grow up and act her age? Tsk!" iritadong sabi ni Alessandra. Ilang sandali ay bumuntong-hininga ito na tila kinakalma ang sarili. "Don't mind what she said, Yaya. She's just jealous and still immature. Let's go, po?" kalmado na nitong sabi kay Ianah saka nginitian siya nito ng matamis.
Napatanga siya, ngunit kalaunan ay tumango na lamang.
***
"Young lady, bakit mo nga pala sinabi sa kaklase mo na ako ang 'Mommy' mo?" Hindi niya mapigilang tanungin si Alessandra habang paakyat sila ng ikalawang palapag papunta sa classroom ni Alisha.
Makahulugang ngumiti lang si Alessandra at sabay kumindat sa kanya. Tila may alam siya, ngunit walang balak na sabihin iyon.
Napailing-iling na lamang siya sa inasta nito.
Nang makalapit sila sa classroom ni Alisha, akmang dudungaw sana sila sa loob nang makaharap nila ang tatlong estudyanteng palabas din ng classroom.
Bahagyang natigilan at nagulat ang mga ito.
"Are you really sure that you will not attend the field trip, Isha?" tanong ng babae na may mahabang buhok, habang abala sa pagti-type sa hawak nitong cellphone. Katabi niya si Alisha, na halata sa mukha ang pagiging iritado ngunit kalaunan ay walang emosyon na nakatingin kay Ianah.
"What are you doing here?" malamig na tanong ni Alisha kay Ianah.
Hindi maiwasang kabahan si Ianah. "Susunduin ka sana namin, young lady," sagot niya.
"Who is she, Isha?" tanong ng isa pang katabing babae na naka-ponytail ang buhok kay Alisha.
Hindi sumagot si Alisha. Nanatili itong tahimik at masama ng nakatingin kay Ianah. Halatang hindi nagustuhan na makita ito.
"Ate, we're just worried kasi matagal ka pong bumaba," paliwanag ni Alessandra.
"I'll go ahead first, girls. Let's just chat later." Tipid na ngumiti si Alisha sa mga kaibigan, pagkatapos ay nilagpasan niya sina Ianah at Alessandra para iwanan.