KABANATA 19

1851 Words
PAGKARATING ni Gerode sa mansion, agad niyang hinanap si Ianah. Nahanap niya ito sa loob ng kusina na mag-isa at nadatnang umiinom ng tubig. Bahagya pa itong nagulat nang makita siya. "Nandiyan pala kayo, Sir Gerode. A-ang aga niyo yatang umuwi?" utal at gulat nitong tanong. Lumapit si Gerode sa kinaroroonan ni Ianah. "Can I hug you? I need a power hug," mahina niyang sabi. Agad na nanlaki ang mga mata ni Ianah, ngunit kalaunan ay tipid itong tumango. Hindi magawang tumanggi, lalo na't bakas ang kapaguran sa mukha ni Gerode. Maingat na inilapag ni Ianah ang hawak na baso sa kitchen counter at ibinuka nang malaki ang mga braso. Hindi naman nag-aksaya ng oras si Gerode. Agad niyang iniyakap ang mga braso sa baywang ni Ianah, hinila ito palapit sa kaniya saka niyakap ng sapat na higpit. Malalim siyang huminga saka ibinaon niya ang mukha sa leeg nito at bahagyang sininghot ang amoy nito. Ramdam niya ang paninigas ng katawan ni Ianah at ang pagpigil nito ng hininga. "Breathe, Ianah," mahinang usal niya sa may tainga nito. Napangiti siya nang malaki nang maramdaman ang paghinga ni Ianah. "Good girl," bulong niya sa mababa boses. "You're really weird, sir," napailing-iling na sabi ni Ianah. 'Yes, I'm really weird," sang-ayon niya sa isip, danil sa yakap at amoy lang ng dalaga, agad na kumalma ang puso niya. Gumaan ang pakiramdam niya at naging tahimik ang isip niya. Pakiramdam niya ay tila nasa alapaap siya. "Ay, Diyos ko po!" sigaw ng kapapasok lang na si Lea. Gulat na naitulak ni Ianah si Gerode. Tila nahuli si Ianah na gumawa ng krimen. Nanlalaki ang mga mata at namumutla. Hindi alam kung ano ang gagawin. Tumikhim si Gerode at umaktong tila walang nangyari. "I'm sorry po, Sir. Nandiyan po pala kayo. Magpatuloy lang po kayo," nahihiyang usal ni Lea habang tarantang umalis. "L-Lea..." mahinang tawag ni Ianah, ngunit tuluyan na itong nakaalis. Narinig ni Ianah ang mahinang tawa ni Gerode. Nilingon niya ito nang nagtataka. "Ano'ng nakakatawa, Sir Gerode? May nakakatawa po ba? Hindi ka ba nag-aalala sa kung anong sasabihin ng mga tauhan mo?" tanong niya na nakakunot-noo at halatang nai-stress. Umayos ng tayo si Gerode saka siya tiningnan na nakangiti. Sumimangot siya. "Ano? Bakit ayaw niyong magsalita? Hindi ba dapat kailangan nating kausapin si Lea? Sabihin sa kaniya na wala lang ito—na hindi tulad ng iniisip niya, at ginawa lang natin to kasi... parang Yaya mo na rin ang turing mo sa'kin?" Natigilan si Gerode. "What? What are you saying?" hindi makapaniwalang tanong ni Gerode. Bumuntong-hininga si Ianah, tila humuhugot ng lakas ng loob. "Hindi ba... parang Yaya mo lang din ako?" pahina nang pahina ang boses niyang sabi. "Of course not, Ianah! It's not like what you think!" tila nai-stress na sagot ni Gerode. "I'm not treating you like a nanny. Damn it!" sabay nitong sabunot sa sariling buhok, halatang frustrated. "Pero..." Hindi alam ni Ianah ang sasabihin. Bumuga ng hangin si Gerode, saka marahang hinawakan ang dalawang kamay ni Ianah. "I like you, Ianah. As a woman—not just as someone who looks after my children. A-and I want you to be my woman," pag-amin ni Gerode, habang taimtim ang tingin sa mga mata ni Ianah. Natameme si Ianah. Hindi agad na-proseso ng utak niya ang lahat. Para siyang nangangapa sa kung ano ang dapat maramdaman o sabihin sa biglaang pag-amin ni Gerode. Tipid na ngumiti si Gerode. "Don't worry, Ianah. I will wait. But I hope you will let me be honest about my feelings—and that someday, you will see me as man, not just your boss," sabi ni Gerode, bago marahang ginabayan ang mga kamay ni Ianah papunta sa baywang niya. Pakatapos tiyaka niya ito ikinulong sa yakap, saka marahang pinatakan ng magaan na halik ang noo nito. Nanatiling nakatayo si Ianah na parang estatwa. Malakas ang kabog ng puso na tila nagwawala. At sa unang pagkakataon, may kakaibang kiliti siyang naramdaman sa tiyan. Biglang umingay ang tiyan niya. Agad siyang namula, at mas lalo siyang nahiya nang marinig ang mahinang tawa ni Gerode. "Sir, naman," nahihiyang usal ni Ianah nang tuluyan na siyang nakapagsalita. "I'm sorry. You're really just too cute, Ianah," nakangiting tugon ni Gerode. Napailing si Ianah at napangiwi. "Tama na ito, Sir. Baka may makakita na naman sa'tin. Kailangan ko pang kausapin si Lea," aniya, sabay bahagyang kumawala sa yakap nito. Pero mas lalo lang siyang niyakap ni Gerode nang mahigpit at puno ng lambing. "Call me Gerode, Ianah," bulong nito nang mahina. "P-pero..." nangangapa sa isasagot si Ianah. "Please? Just call me that when we're alone, if you're not comfortable," sabi ni Gerode na may halong lambing sa boses. Huminga nang malalim si Ianah. "G-Gerode..." nag-aalinlangang bigkas niya sa pangalan nito. Nanigas si Gerode. Ilang segundo ang lumipas bago niya lalong hinigpitan ang yakap kay Ianah—nang tila nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Mariing siyang napakagat sa ibabang labi, pilit pinipigil ang kilig. "Say it one more time, Ianah," sabi niya habang nakangiti, ngunit pilit tinatago ang saya sa pamamagitan ng pagbaon ng mukha sa ulo nito. "Gerode, tama na. Baka may makakakita pa sa'tin," seryosong wika ni Ianah. Mahinang natawa si Gerode, saka tumango bilang pagsang-ayon. Hinayaan niyang kumalas si Ianah sa yakap. Ngunit hindi pa rin niya tinanggal ang matiim at puno ng damdamin na tingin dito. Mas lalo siyang napangiti nang umiwas ito ng tingin, halatang nahihiya at hindi siya magawang tingnan nang diretso. "I'll go back to the company. Do you want to go with me?" tanong niya sa mababang boses. Agad na napatingin si Ianah sa kaniya. "Seryoso ka ba? Ano naman ang gagawin ko doon?" hindi makapaniwalang tanong nito na may halong pagtatak. "At saka... susunduin ko na rin mamaya 'yung mga bata," dagdag pa nito. "We just fetch them, together," suhestiyon niya. Umiling si Ianah. "Hindi na, Sir," mahinang tanggi nito. "Alright, but let's talk again tonight, if it's okay with you?" pagsuko ni Gerode habang marahang hinawakan ang kanang kamay ni Ianah. Hinaplos niya ito gamit ang hinlalaking daliri, parang ayaw bitawan ang lambot ng palad nito. "O-okay," namamaos na sagot ni Ianah, habang namula ang mga pisngi. "Mauna na po akong lumabas, Sir. Kakausapin ko lang si Lea," paalam ni Ianah. "Let's hug first," ani Gerode sabay bukas ng dalawang braso. Napa-iling-iling si Ianah. "Tama na, naka-ilang yakap kana sa'kin ngayon, Gerode," mariing niyang tanggi sabay lakad palayo rito. Narinig niya napabuntong-hininga si Gerode habang nakasunod ang paningin sa kaniya, pero pinili na lang niyang balewalain ito. Hindi rin niya maintindihan kung saan nanggagaling ang lakas ng loob niya para tratuhin si Gerode nang gano'n. Siguro'y dahil na rin sa kakaibang pakiramdam na ipinadama nito sa kaniya—yung unti-unting nagpapawi sa takot at pinapalitan ng isang uri ng kagaanan ng loob na hind niya inaasahan. *** Pagkalabas ni Ianah sa kusina ay agad niyang hinanap si Lea. Natanaw niya ito sa may hagdan, abala sa pagpupunas ng barandilya. Napatigil si Lea nang makita siya. Namutla ito at agad na iniwas ang tingin, halatang naiilang. "L-lea," tawag ni Ianah na may kaba sa boses. Nahihiya siya rito. "Huwag kang mag-aalala, Ianah. Wala akong pagsasabihan sa nakita ko," sabi ni Lea, sabay balik sa pagpupunas. Tila ba alam na agad ang gustong sabihin ni Ianah. "I'll go ahead first, Ianah." Narinig nilang pareho ang boses ni Gerode mula sa likuran. Kalalabas pa lang nito sa kusina. Gulat na napalingon silang dalawa ni Lea sa direksyon ni Gerode. Gustong pandilitan ni Ianah ng mga mata si Gerode, nang makitang kumindat pa ito sa kaniya saka tila nang-aasar na ngumiti bago tuluyang lumabas. Tumikhim si Lea nang makabawi sa gulat, at saka patay-malisyang ipinagpatuloy ang pagpupunas. Nahihiyang napasinghap si Ianah at mahinang umubo. "Lea," tawag niya, pilit kinakalma ang sarili. "Ang totoo, walang namamagitan sa'min ni Sir Gerode. P-pero... hindi ko rin maitanggi na wala lang 'yong nakita mo." Mahina ang boses niya habang pinipisil nang mariin ang sariling kamay. Ramdam ang pinaghalong kaba, takot, hiya at konsensya. Bumuntong-hininga si Lea saka ngumiti. Tumigil din ito sa ginagawa at humarap sa kaniya. "Para ka namang nakagawa ng krimen, Ianah," biro nito, pilit pinapagaan ang sitwasyon. "Kumalma ka lang. Huwag kang mag-aalala, dahil suportado kita sa kung ano mang meron sa inyo ni Sir Gerode. Wala rin akong karapatang panghimasukan ang nararamdaman niyo. Sa totoo lang, masaya ako para sa'yo—lalong-lalo na para kay Sir Gerode..." Nakahinga ng maluwag si Ianah, ngunit hindi pa rin niya magawang ngumiti. "Isa ako sa mga nakasaksi kung paano nawalan ng kulay ang buhay ni Sir Gerode nang mawala si Ma'am Ayesha. Kaya masaya akong makita siyang masaya ulit—yung may buhay na ulit ang mga mata niya," pagbabahagi ni Lea. "At isa pa, matagal ko na ring napapansin ang mga kilos niya pagdating sa'yo. Halata yung mga mala-hokageng moved at concerns niya sa'yo, pero mukhang pinaglihi ka yata sa kamanhidan, Ianah," natatawa nitong sabi. Napakamot naman si Ianah sa pisnge at nahihiyang napangiti. "Akala ko kasi... Yaya lang din ang tingin niya sa'kin. Katulad ng trato sa'kin ng mga bata," pag-aamin niya, halos pabulong. Napatawa naman ng malakas si Lea, saka napailing. "Diyos ko talagang babae ka," natatawang ani Lea. "Pero teka, ano pa lang ibig mong sabihin na 'walang namamagitan' sa inyo ni Sir Gerode? Wala pa kayong label?" usisa nito. Nag-aalinlangang tumango si Ianah. "H-hindi pa kasi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang totoo... hindi rin ako sigurado kung gusto ko rin ba siya," nahihiyang sabi niya, halos hindi makatingin. "Pero masaya ka naman sa mga ginagawa niya? Hindi ka naman naiilang?" nakangiting tanong ni Lea. Mabagal na tumango si Ianah, tila nagugulohan pa rin pero hindi makapagtago ng kaunting ngiti. "Anak ng! Akala ko ihi lang ang magpapakilig sa'kin!" natatawang sabi ni Lea, habang hindi maitago ang kilig. Bahagyang napatawa si Ianah nang maaliw sa naging reaksyon nito. "Huwag kang mag-aalala, Ianah. Go with the flow ka na lang muna. I-enjoy mo lang ang panliligaw ni Sir sa'yo," malaki ang ngiting sabi ni Lea. Natigilan si Ianah. "Panliligaw? Hindi naman ako nililigawan ni Sir Gerode," gulat at litong sagot niya. Napatigil din si Lea, saka siya tinitignan na parang hindi makapaniwala. "Hindi pa ba sa lagay na 'yon?" tanong nito. Pagkatapos ay bumuntong-hininga. Hindi siya sumagot. "Aba eh, mukhang mahaba-haba pa ang panahon na kakailanganin ni Sir Gerode pagdating sa'yo, Ianah," natatawang usal ni Lea. Nalilito siyang napatingin kay Lea, ngunit isang kindat lang ang isinagot nito sa kaniya. "Ano'ng pinag-uusapan niyo diyan?" tanong ng kararating lang na si Railey, sabay lapit sa kanila. "Tamang-tama ang dating mo, Rai. Tulungan mo nga akong punasan itong barandilya ng hagdan," seryosong utos ni Lea, hindi man lang pinansin ang tanong nito. Napasimangot si Railey. "Ay, grabe kayo sa'kin. Others niyo talaga ako, ha? Ayaw niyong i-share sa'kin 'yung mainit na tsaa na alam niyo!" reklamo nito habang umaarteng nagtatampo na may kasamang irap pa. Napailing si Ianah, pilit pinipigil ang tawa. "Mauna na muna ako, maghahanda na 'ko para sunduin ang mga bata," paalam niya, bitbit ang ngiting hindi maikubli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD